Share

Kabanata II

Lucas' POV 

        Nakapikit ang mga mata ko pero alam kong madilim at wala na ako sa bahay na kinasanayan ko ngunit ang malamig na sahig at bakal ng kadena ay nariyan pa rin.

        Nang imulat ko ang aking mga mata, bumulagta sa aking harapan ang matataas na rehas at iba't ibang uri ng mga nilalang na nasa ka nilang selda.

        Nakatakas nga ako sa tatay ko—nanginig akong bigla nang maalala ang pangyayari kanina.....kanina? Gaano na ba ako katagal na walang malay? Kinapa ko ang aking mukha at alam kong hindi na ito marumi. Madulas at mukhang makinis na kailan man ay hindi mangyayari.

        Hindi ko gustong nakikita ang sariling repleksyon ngunit minsan ay hindi ko maiwasan ang aking kuryosidad. Iniling ko ang aking ulo upang alisin ang mga iniisip.

        Ang pag kamatay ng aking tatay ay nararapat lang sa kaniya. Karma na niya iyon, mukhang oras na niya at sinundo na siya ni kamatayan.

        Nilibot ko ang aking paningin sa buong paligid, hindi ganoong katahimik dahil sa ilang iyak ngunit di hagulhol. May mga tahimik at nanatiling naka upo tila ba nagmamasid sa paligid. Hindi lang pala tao ang kikuha nila, pati rin mga nilalang na hindi nila kauri.

        Ano kaya ang balak nila sa amin? Ipagbili sa mga mayayaman? Gawing alipin? O kainin? Hindi man ako nakapag tapos o katalinuhan pero ang kainin ay maaaring sa akin lamang naka maari, sa tingin ko. Ang ibang nilalang dito ay hindi naman mabibilang sa linya ng mga pag kain.

        Hindi na ako nagulat noong makita ko sila pag kamulat ng aking mga mata dahil kung may werewolf malamang mayroon din mga bampira, at mga hindi ko alam na nilalang. Tao ang ulo pero maraming galamay—paa? Kamay? Bakit nasa ilalim kung kamay?

        Sirena? Hindi ko akalain na totoo palang may sirena talaga. Sa 'di kalayuan ay nakarinig ako ng isang kalabog. Sumilip ako upang makita, isang babae na nakaluhod sa harap ng dalawang werewolf.

        Nakalabas ang mga mahahaba at matutulis na ngipin gayon din sa mga kuko na isang hawi lang sa leeg ko ay maaari nang maputol.

        "Pakawalan niyo 'ko!" Sigaw ng babae. Nag pumiglas siya sa kadena at patuloy na sumisigaw. Napuno ng katahimikan ang lugar nang gumulong ang ulo niya sa sahig. Agad akong umatras at bumalik sa gilid, pinipilit na isiksik ang sarili sa takot na baka marinig nila ang aking paghinga kahit na malayo ang aming distansiya.

        Naririnig ko ang kanilang mabibigat na yabag palayo. Mukhang aalis na sila, nakahinga ako nang maluwag ng marinig ko ang pag bukas at pag sara ng pinto.

        Doon kumalam ang aking sikmura. Hinimas ko iyon kahit na alam kong wala naman itong maitutulong sa aking gutom.

        Wala sa sarili akong humigang muli sa malamig na sahig. Maigi pang itulog nalang ang gutom kaysa damdamin ito kada segundong dadaan. Pinilit kong matulog ngunit ako ay nababahala sa mga kalansing ng kadena. Hindi ko maiwasang maalala ang mg araw ko sa bahay.

        Walang pinag kaiba, nakakulong pa rin ako pero dito pansamantala, hindi ako nabubugbog, ni hindi pa nga nawawala ang mga pasa ko sa katawan. Ha, ilang sandali pa lang pero sa tuwing naiisip ko ang nangyari sa tatay ko ay hindi na ako nanginginig. Para bang wala na sa akin.

       Mukhang niloko lang din siya ng mga kumuha sa akin. Muli kong pinilit na isinara ang isipan at piliing pilitin matulog dahil kumakalam na naman ang aking simmura sa gutom.

*****

        Bigla akong napa tayo nang makarinig ng isang ingay sa pinto at mabigat na yabag. Nakita ko rin ang mabilisang pag upo ng nasa harap kong selda. Ilang minuto bago nakarating sa harap ko at nag lapag ng isang buong tinapay. Inihagis niya ito sa akin pero inilapag niya ang isang basong tubig nang maayos sa loob ng selda ko.

        Dinampot ko ang tinapay nang mabilis pag kaalis niya, gumapang ako para kunin ang tubig. Kumagat ako sa tinapay nilasap ang lasa nito, ilang araw na ba akong hindi kumakain ng ganito karami? Madalas ay tira tira lang ang binibigay sa akin ni papa.

        Ito ang unang beses sa mahabang panahon na nabigyan ako ng isang buong tinapay.

        Muntik pa akong mabulunan kaya agad kong ininom ang tubig, malinis at masarap. Walang lasa o lamig pero iba ang tubig sa katawan. Masarap sa pakiramdam. Muli kong kinagat ang tinapay na sa tingin ko ay kulang pa sa akin pero sapat na rin ito para sa aking kumakalam na sikmura.

        Kahit papa-ano pala ay hindi naman sila ganoong kasama na hindi nila kami bibigyan ng pag kain. Mukhang ibebenta talaga nila kami. Siguro ay hinihintay lang nila na gumaling ang mga pasa ko sa katawan bago nila ako ilabas at ibenta.

        Kung tama ang aking konklusyon, susulitin ko na ang mga araw na hindi ako mabubugbog. Sigurado ako na pag may bumili sa akin—kung may bibili man sa akin malaki ang posibilidad na abusuhin din nila ako, pahirapan at pag katuwan. Pero ang payat kong katawan at mukhang mahinang pigura ay malabong maibenta.

       Sino naman ang bibili sa walang silbing nilalang? Kung kakainin man nila ako ay wala naman silang...haa.

        Pero nasaan nga ba ako? Sa tingin ko ay malaki ang lugar na ito. Malaki pa sa iniisip ko. Anong oras na ba? Ilang araw na ba ang lumipas?

        Hindi ko man lang nakita ang hitsura ng labas ng bahay namin bago nila ako kinuha. Palaging sarado ang mga bintana at wala namang bintana sa kwarto kung saan ako naka kulong.

        Ganon din dito, walang mapapasukan ang araw o liwanag ng buwan. Hindi naman mainit pero nakakatuyo kapag nasa loob ka lamang at hindi nasisinagan ng araw.

        Kahit na sanay na ako sa dilim at maiwan palagi sa sulok, hindi ko pa rin maiwasan na isipin—mangarap na makita at maka apak sa labas kung saan madadapuan ng init ang aking balat.

        Kasama na ang malamig na simoy ng hangin, mga ibong lumilipad at ang pag ngiti ng mga bituin sa akin tuwing gabi. Hindi ko na nga maalala kung anong hitsura ng buwan sa tuwing ito ay lilitaw sa kalangitan. Kung gaano kaganda ang mga ulap sa tuwing nariyan sila.

        Gaano kaya kaganda ang mga bulaklak sa tuwing sila ay maarawan? Gusto kong pumitas at mag lagay sa gilid ng aking tainga. Umawit kasama ng hangin habang hinihipan nito ang aking mahabang buhok. Sa ilang taon kong nakakulong sa bahay, ni minsan ay hindi nagupitan ang aking buhok.

        Mahaba ngunit hindi kaya aya ayang tignan lalo na ang hawakan. Gusto kong umapak sa damuhan kung saan makikiliti ang aking talampakan. Isang magandang pangarap na hanggang isipan ko na lamang.

        Hindi ko magawang ngumiti kahit na saglit.....hindi ko alam kung paano ngumiti.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status