[PRIMO's Point of View]
"P'wede mo na bang sabihin sa akin kung ano na namang katarantaduhan ang tumatakbo d'yan sa utak mo?"
Tamad akong bumaling ng tingin kay Samuel nang pasimple s'yang bumulong sa tabi ko. Bahagya s'yang nakasimangot sa akin na para bang uutangan ko s'ya. I diverted my gaze back to the nurse who was checking Lucille and dismiss his question. Pinanuod ko na lang muli ang ginagawa ng nurse na kumukuha ng mga stats.
"Look Primo, kahit wala kang sabihin sa akin, nakikita kong may tumutubong sungay d'yan sa ulo mo. Kaya bago pa madulas ang dila ko kay Lucille, sabihin mo na kung anong pinaplano mo."
I mentally rolled my eyes. "By what you've said, mas lalong hindi ko sasabihin. Ngayon pa lang na wala kang alam nangangati na 'yang dila mo. What more kung may malalaman ka?" pabulong ko ding sagot at hindi inaalis ang tingin ko unahan.
"So, meron nga?" Hini
[PRIMO's Point of View] Bumalik ako sa kwarto ni Lucille at nadatnan ang doktor n'ya. Muli lang nitong ipinaalala ang mga gamot at vitamins na kailangang i-take ni Lucille at nagbigay ng mga cautions sa kondisyon n'ya. He also reminded us about the daily checkup schedule. Matapos n'un ay nagpaalam na ang doktor at umalis kasama ang nurse kaya naiwan kaming dalawa ni Lucille. And it was awkward. F*cking awkward. "Go get change. We're leaving after you change your clothes," sambit ko at inabot ang isang paper bag. Nag-aalangan n'ya pa itong kinuha mula sa akin at halos hindi ako binalingan ng tingin. Dumiretso s'ya sa CR na nasa loob ng kwarto at isinara ito. I stood still and waited for her. Habang hinihintay ko si Lucille, biglang bumukas ang main door at sumilip ng bahagya
[PRIMO's Point of View] "Naku, Señor! Nandito na ho pala kayo!" Patakbong salubong sa akin ni Tata Isko suson-suson ang kanyang sumbrerong gawa sa banig nang makababa ako ng kotse . "Nena! Isay! Nandito na si Señor Primo! Madali kayo!" sigaw n'ya pa matapos kong magmano at halos bumakat ang kanyang litid sa sobrang pagsigaw. Ang matandang 'to talaga, hindi na nagbago. Magmula noong bata ako ay sigaw n'ya na ang naririnig ko dito sa rancho. Tahimik ko munang iginala ang paningin ko sa lugar.Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ang malawak na kapatagan. Malilim rin sa buong bakuran dahil sa makapal at naglalakihang mga puno sa paligid at pinaganda ng iba't ibang uri ng halaman. Everything was green, calm and refreshing. Napabaling naman ako sa lumang bahay. Nakatayo pa din ang malaking gazebo sa tabi ng ranch house na ginapangan na ng mga flowering vines. Bahagya akong napangiti n
[PRIMO's Point of View] Binuksan ko ang pinto ng passenger seat at bumungad sa akin ang natutulog na si Lucille. Her head was rested on the edge of her seat while her arms was hugging her middle. Bahagyang natakpan ng kanyang buhok ang kanyang mukha. Out of reflex, hinawi ko ito at kulang na lang ay tampalin ko ang sarili ko. Makailang ulit akong napapikit ng mariin at napahinga ng malalim bago ko naisipang gisingin na s'ya. "Lucille," tawag ko sa kanya pero mukhang hindi n'ya ako narinig. "Lucille," pag-uulit ko at bahagyang ginalaw ang kanyang balikat. Pupungas-pungas n'yang minulat ang kanyang mga mata at tinignan ako. "We're here," saad ko pa bago umalis sa harapan n'ya at hinintay s'yang lumabas ng sasakyan. Marahan s'yang bumaba at puno ng pagkalito ang kanyang mukha habang tinitignan ang paligid. I mentally grinned seeing her worried face. Hinihint
"Ah! Mga paborito 'yan ng Señor. Adobong karne ng kabayo at nilagang baka. Naku! Makakalimot ka kapag natikman mo ang mga 'yan!" Pagmamalaki ni Nana Nena na halatang tuwang-tuwa nang kausapin at magtanong sa kanya si Lucille.Mukhang tama lang talaga na hindi ko sinabi sa kanila ni Tata Isko ang totoong nangyayari. Natural ang pakikitungo nila kay Lucille and that was way more better. Mabait sila Nana at ang lahat ng tao dito. Just like what my Lolo said, a genuine kindness could kill. It was like a good torture for those who deserve it.Walang nagawa si Lucille kundi ang tikman ang mga hinain sa kanya. Siguradong kumakalam na ang kanyang sikmura kaya napilitan na s'yang kumain. Sumubo s'ya ng adobo at nakangiwi itong nginuya bago pilit na ngumiti kay Nana Nena."Oh, hindi ba! Masarap ang mga luto dito sa probinsya kaysa sa Maynila."Tumango-tango s'ya at muling sumubo. Halos magsalubong ang k
[LUCILLE's Point of View]“Delikado,” mahina n'yang sambit at bahagyang pinisil ang aking magkabilang balikat na nakakulong sa kanyang mga kamay.“But I don't want to leave you. I'll stay with you!” daing ko at isang luha ang kumawala sa nag-iinit kong mga mata. Bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay at nagpakita ng kalungkutan at awa ang kanyang mga mata.“I know. But this is for the best, Lucille. This is for your safety. For your safety."~~~"Lucille?"Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. The room was poorly lighted pero malinaw kong nakikita ang bawat parte ng kanyang mukha. He was looking at me with his thick brows slightly furrowed dahilan para mas lalong bumilis ang aking mabigat na paghinga. Without knowing why, bigla akong napabalikwas at yinakap s'ya.Ibinaon ko ang akin
"S-sorry," hindi ko mapakaling sambit dahil sa sobrang pag-iwas sa tanawing ino-offer ng katawan n'ya. "‘Yung... 'yung manok kasi, e." I bit my lower lip, feeling a pang of conscience for blaming the chicken. Sabagay, kasalanan naman talaga ng manok. Tumaas ang isa n'yang kilay na parang hindi kumbinsido sa dahilan ko. "‘Yung manok ba talaga?" "O-oo! Nagulat ako. I... I was..." Unti-unting bumaba ulit ang tingin ko sa katawan n'yang dinadaluyan ng maliliit na butil ng tubig. I mentally slapped myself and closed my eyes. Nagkunwari akong napuwing at umiwas ng tingin. "N-natakot kasi ako! Kaya... ganun." He clicked his tongue at naglakad palampas sa akin. Lumapit s'ya sa bintana at sinara ito dahilan para bahagyang dumilim ang kwarto. Kumabog ang d****b ko. There was something inside me telling na alam ko ang ganitong scenario. Wait, alam ko ba talaga 'to? Or I was just imagining things? Oh, pl
[LUCILLE's Point of View]I stared at the the dish I made. Hindi ko alam kung magugustuhan n'ya 'to pero bahala na. This is all I got.Napabuntong-hininga ako at inilapag sa dining table ang ginawa kong green salad. Puro gulay at prutas lang kasi ang nahagilap ko sa kitchen na madaling kainin. Well, meron namang ilang fish and meat sa maliit na refrigerator kaya lang... hindi ko talaga alam kung paano ko 'yun lulutuin. I couldn't even remember how to open a stove! Or do I even know how? Possible bang makalimutan mo din ang pagluluto due to amnesia?I impatiently tapped my finger on the wooden table habang hinihintay na bumukas ang pinto ng kwarto. Maliit lang ang bahay kaya halos kita na ang kabuuan nito kapag tumayo ka sa isang gilid. One small sala set na ilang hakbang lang ay ang maliit na kitchen at dining na then isang pinto para sa kwarto.When I had enough, humila na ako ng upuan na agad gumaw
[PRIMO's Point of View]“Primo...”“Aren't we supposed to sleep together?”“Hindi ka pa kumakain...”I cursed mentally. Talo pa ang alarm clock na hindi mapatahimik ang boses n'ya sa isip ko. Her face also suffused my mind. 'Yung hindi n'ya maayos na buhok, her pale face, her thin figure in that simple dress, her somber eyes that was always filled with confusion, the way she bowed her head whenever I say something and... her saying sorry. Lahat 'yun... unusual. That wasn't her.Ang totoong Lucille, sopistikada. Kailan man ay hindi n'ya nakalimutang maglagay ng make-up especially crimson lipstick to hide her pale complexion. Hindi s'ya nagsusuot ng mga cheap na damit at palaging naka-taas noo. She never bowed to anyone. S