Share

CHAPTER 16

[LUCILLE's Point of View]

Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal sa pagkakaupo ko sa ilalim ng puno habang nakatulala sa ilog at pinapakinggan ang mahinang tunog ng pag-agos nito.

Pinipilit kong pagtagpi-tagpiin lahat ng nalaman ko kanina pero nauuwi pa din ako sa mas marami pang mga tanong. Ang hirap. Para akong sumasagot ng isang pagsusulit na parang never ko namang napag-aralan.

Humigpit ang pagkakayakap ko sa aking sarili nang umihip ang malakas na hangin. Naka-sleeveless dress pa naman ako kaya halos mangatog ang buong katawan ko sa lamig. Napansin ko din ang biglang paglilim ng paligid kaya napaangat ang tingin ko sa langit.

Mukhang uulan pa yata.

Tumayo ako at nanatiling nakayakap sa sarili ko. Balak ko na sanang bumalik sa farm kaya lang hindi ko na alam kung saan ang daan pabalik.

Nagpaikot-ikot sa kinatatayuan ko at wala akong ibang nakita kundi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status