Share

Chapter 4

Mag-iisang buwan na simula nung umalis ako sa club kung saan laging nagtatambay si Lucas. Nakalipat na rin ako ng ibang mauupahan dahil mabilis akong naging hit sa bagong club na tinatrabahuan ko. Hindi siya kagaya nung dating club na may maraming bastos, dito kasi maselan lang pero maraming namimigay.

"Lucy..." 

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nasa bar counter kasi ako ngayon, kumukuha ng drinks. Katatapos ko lang sumayaw sa pole at kahit medyo pagod ay dumireto pa rin ako sa bar counter  para puntahan yung mga lalaking malakas mang-tip sa akin. 

"Tawag ka ni Pablo, yung bet na bet ka te! Feeling ko may gusto sa'yo 'yung damulag na 'yun. Hindi ka na rin naman lugi siguro kasi mukhang malaki ang k*****a nun saka mayaman pa!" sigaw sa akin ni Niki para marinig ko dahil sa lakas ng tugtog ng club. Napangiti nalamang ako sa sinabi niya dahil totoo naman. Sa unang linggo ko dito, bigla akong pinatawag ni Pablo nang matapos akong sumayaw sa pole saka siya nag-tip sa akin ng sampung libo. Halos malula ako kasi sobrang laki ng tip niya sa akin at saka, medyo kinabahan rin ako na baka i-kama niya ako pagkatapos kong kunin ang pera niya pero imbes na bastusin ako ay pina-upo niya lang ako sa table nila kasama ang ibang kaibigan niya at ginawang gunner.

My life's going smoothly yet it feels empty. Na-miss ko ang yakap at mga halik sa akin ni Lucas. I had to deliberately curse myself because as much as I wanted to deny that fact, I would be a hypocrite. Lucas was addictive. If I had stayed any longer sa dating club, siguro ka fubu na niya ako ngayon kasi kahit gaano ko ipilit i-deny sa sarili ko na bawal, na hindi dapat ako mainlab sa kapwa ko mahirap, still, my heart and body would choose him.

"You look stunning as always, Lucy..." I heard Pablo uttered when I was already standing infront of their table. Kagaya ng mga nagdaang araw, kasama niya sa table niya sina Giovani at Jet na pawang may katabing babae. In fairness, may pagkaloyal din naman itong si Pablo dahil sa loob ng isang buwan, hindi ko siya nakitang may ibang babaeng katable unlike Jet and Giovani na kung sino-sino lang ang katable. 

"I know, thanks?" sarcastically being said, napahalakhak si Pablo. Siguro ito ang kink niya, someone feisty and pretty.

"Upo ka," iminuwestra niya ang espasyo sa tabi niya. Sumunod naman ako at umupo doon saka siya hinarap. Ito ang gusto niya, ang katabi ako at kaharap siya. If hindi ako nagkakamali, nasa edad mahigit trenta na ito. Kung magiging tapat lang ako, although malaking tao si Pablo, may itsura naman siya. Matangos ang ilong niya, mapupula ang labi at ang mata'y tila laging kulang sa tulog. Bagay rin sa kanya ang side swept bangs na gupit. Kung hindi ko lang nakita yung mukha ni Lucas, I would be totally head over heels kay Pablo at saka, mayaman rin siya--it's a win win situation. But only if I had not meet Lucas. Fuck. Why was I even thinking about him? Damn.

"What are you thinking?" 

Bigla akong natauhan nang marinig ko ang boses ni Pablo. Seryoso ang mukha nito at matamang nakatitig sa akin dahil sa biglaan kong pagtahimik. Mabuti nalang talaga at pagiging pole dancer lang ang role ko dito sa club kaya hindi ako hinahanap sa bar counter though  nasa sa akin na kung magwawaitress ako after at may bayad rin naman yun.

"Nothing," I replied and shook my head, but Pablo seems to be the kind of person na judger kaya bakas sa mukha niya ang padududa habang nakatitig pa rin sa akin. Wala tuloy akong choice kundi ay ibaling ang paningin ko sa table at nagsalin ng alak sa baso. Inisang lagok ko ito saka inilagay muli ang baso sa table. Ramdam ko ang titig ni Pablo sa bawat galaw ko.

"Stop staring."

"You look suspicious."

"So, are you a cop now?" Hindi ko mapigilan ang bibig ko. Nakakairita kaya kapag  tinatanong ka nang paulit-ulit.

"Nah, I wouldn't definitely be here if I was one. Also, it's boring and tiring--women would be head over heels on me," he said as casually as he usually does. Napamaang tuloy ako. The guts. 

I shivered when I felt the temperature went up. Sobrang lamig and I was only wearing the pole dancing costume. Hindi naman ganito ang aircondition dito sa club ah? 

"Here." Napalingo ako kay Pablo nang may iabot siya sa akin. It was his coat. Napatitig ako sa coat na nakalahad sa harap ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Why is he doing this? "Para kang sisiw sa itsura mo ngayon, nakayapos ka sa sarili mong katawan. Suotin mo to para hindi ka ginawin," aniya at nilagay sa ulo ko ang coat niya. Napairap tuloy ako.

"Salamat ha?" Isinuot ko ang coat niya and I almost cussed when I smelled his coat. Damn. Sobrang bango. 

"Why do you have to wear that thin clothe? Hindi ba pwedeng nakapajama habang sumasayaw sa pole?" tila batang tanong ni Pablo. He looks cute pero hindi bagay sa katawan niya ang umakto na parang bata.

"Dude, are you dumb?" Jet said while supressing his laughter. Narinig niya siguro ang sinabi ni Pablo na kahit sino ay mapapailing. Imagine, magpo-pole dancing ka pero nakapajama? Ano ka? Krazy?

Kahit si Giovani ay napahalakhak na rin. Sobra yata silang na-amaze sa sinabi ni Pablo na hanggang ngayon ay nakatawa pa rin sila.

"Lucy really got him wrapped around her fingers... he's too easy to read now," bulong ni Giovani kay Jet. Hindi ako sigurado sa narinig ko pero kung iba-base natin sa kilos ni Pablo, mukha talaga siyang may gusto sa akin. 

Nilingon ko si Pablo na nakatingin rin pala sa akin. Itinaas ko ang isang kilay ko at napahalakhak naman siya. Damn. Parang ang saya naman yata nilang lahat ngayon ah? Nakaka-out of place.

Tumayo ako para magtungo sa c.r dahil mukhang hindi lang ang utak ko ang sasabog sa inis kundi, pati na rin ang pantog ko.

"Where are you going?" tanong ni Pablo at akmang tatayo na rin sa table para sundan ako ngunit pinigilan ko siya.

"C.r lang ako, 'wag mo 'kong sundan."

His lips parted when he heard me pero agad rin siyang napangisi. "I wasn't planning to..."Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "unless, you want me na sundan ka?" pang-aasar pa niya. Inirapan ko nalang siya at daling tumalikod papunta sa banyo. 

When I got there, may nakapila pa. Right, kung kailan gusto kong umihi, saka naman ako aasarin ng tadhana?

"So you're here."

Hindi ko na kailangan pa na lumingon upang malaman kung kanino galing iyon o kung sino man ang nagsalita mula sa likod ko dahil boses niya palang, kilalang kilala ko na siya.

"Lucas..."

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status