Share

Chapter 1

Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto kaya napaupo ako sa kama. Iginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto at baka namamalikmata lamang ako o 'di kaya ay nagdedelusyon ng tila maayos na tirahan.

Nang masiguro kong hindi naman ako delusyonal, tumayo ako sa kama pero agad ring napahiga pabalik nang makaramdam ako ng matinding sakit at kirot sa may ibabang parte ng katawan ko. At tila nama'y naging hudyat ito para bumalik ang alaala ko kagabi.

"Fuck!" Napasigaw ako. 

Hindi ko alam kung para sa sakit ba 'yun na nararamdaman ko sa gitnang parte ng katawan ko o para 'yun sa kahihiyang ginawa ko kagabi. Pero nanaig ang kirot na nararamdaman ko dahil napayuko na lamang ako sa ibabaw ng kama. Tangina naman kasi. Gaano ba kalaki ang sandata ng lalaking iyon at tila nirakrak ang munti kong tahanan?

Napalingon ako sa pinto ng kwarto nang makarinig ako ng mabilis na yapak patungo sa kinaroroonan ko. Damn. Napalakas talaga siguro ang sigaw ko.

Bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang magandang mukha ng lalaking nakasiping ko kagabi. Katulad ng nangyari sa akin sa club, tila nahihipnotismo ako sa kanyang titig--nang-aakit.

"Are you okay?" tanong niya nang makalapit sa akin.

Bigla kong naramdaman ang tila  pag-akyat ng dugo sa aking mukha nang ma-alala ko ang nagyari kagabi. Iniwas ko ang aking tingin sa kanya.

"Your face is red. Are you okay?" Lucas voice quivered slightly as he asked. His tone was gentle, and his eyes showed genuine worry, conveying his sincere desire para masiguro ang kalagayan ko.

Tumikhim ako para alisin ang kaba na nararamdaman ko dulot ng presensiya ng lalaking ito.

"Okay lang ako..." sabi ko.

Nakatitig lamang siya diretso sa aking mga mata kaya umiwas ulit ako ng tingin. Pero maling ideya yata 'yun dahil bigla nalang nahulog ang kumot na tumatabing sa hubad kong katawan kaya naman mabilis na nalipat ang mata niya sa hubad kong dibdib. 

Kitang kita sa mga mata niya ang pagliyab ng apoy sa kanyang mga mata. Bago pa man mangyari ang nasa isip nito ay tumayo ako at kinuha ang kumot.

"Uhm, pwede makiligo muna bago umalis?" isa sa mga katangahang nasabi ko sa buong buhay ko dahil imbes na mawala ang pagnanasang iyon na nasa kanyang mga mata, at ang nararamdaman kong kakaiba sa katawan ko ay parang mas lumiyab pa ito.

Nagsimula itong maglakad papalapit sa akin habang hindi ko naman malaman kung ano ang gagawin ko. Nahigit ko ang aking hininga ng ilang hakbang nalamang ay nasa harapan ko na siya. Mahigpit kong hinawakan ang kumot na tumatabing sa katawan ko habang ang mukha nito'y papalapit sa mukha ko.

Ilang agwat nalamang ang pagitan ng aming mga labi at mukhang mauulit ang nangyari kagabi ngunit biglang tumunog ang cellphone nito.

"Fuck," mahinang bulong niya bago sagutin ang tawag at maglakad paalis sa kwarto. 

Napahinga naman ako ng maluwag nang tuluyan na itong mawala sa paningin ko. 

Pumasok ako sa banyo upang maligo na at makaalis sa lugar na ito bago pa may mangyaring pagsisisihan ko sa huli. Hindi ko naman inakalang makakaafford ng ganito kaayos na apartment itong lalaking ito. Ilagay na natin na mukhang mayaman ang mukha niya at kutis pero hindi naman ibig sabihin mayaman na ito. At saka pa, kahit branded ang suot nito kagabi, hindi pa rin ako magpapaloko dito. Mahirap na, baka pareho rin naman pala kaming naghihikahos.

Lumabas ako sa kwarto suot ang damit na nakalatag sa kama paglabas ko sa banyo. Mukhang damit niya rin naman iyon at boxer shorts. Buti nalang at medyo makapal ang tela ng t-shirt nito kaya hindi halata ang nipples ko. 

Pagkalabas ko ay bumaba ako sa hagdan at nagtungo sa kusina. Naamoy ko kasi ang tila masarap na pagkain. Tumambad sa aking harapan ang lalaki kanina na naka topless habang nakaharap sa niluluto nito. 

Likod pa lang niya ay ulam na. Masiyadong maganda ang tindig at postura ng katawan niya na animo'y ang sarap magpayapos dito. 

"I didn't find your bra even last night so I was not able to provide you one."

Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala siya at nakahain na ang pagkain sa lamesa. Pinasadahan pa nito ng tingin ang ayos ko.

"It looks good on you." He stopped and pointed something on the sofa. "Your clothes are there and the--ohh, the tape that covers your nipples. Wait, I forgot to bring this because I am not used to this thing, just bras--" 

"Okay, okay, gets ko na. Nipple tape 'yun. And please, why do you keep talking in English when you're not supposed to?"

"Pero nag-i ingles ka rin naman," sumbat nito.

Inirapan ko siya saka nagsimulang kumain. Wala na akong pake kung may lason ba ito basta ang importante ay magkalaman na ang sikmura ko, at saka mukhang masarap ang luto niya kaya natakam ako.

"Bawal ba akong mag ingles?" tanong nito sa akin.

Nilunok ko muna ang nginunguya kong pagkain bago sinagot ito. "Bawal kapag kausap mo ay kapwa mo rin mahirap."

"Anong konek? Kinausap mo ako kagabi gamit ang wikang ingles tapos ngayon, bawal na?"

"Trabaho kasi 'yun. Pwede ba? Shut up ka muna at kakain ako. Dami mong tanong."

"Okay, okay."

Nakatitig siya sa akin habang tinatapos ko ang pagkain. Wala naman akong pakialam kahit pa buong araw niya akong titigan.

"I'm Lucas by the way," pagpapakilala niya sa akin.

Inabot ko ang nakalahad nitong kamay matapos kong uminom ng tubig.

"Lucy...Lucifer," biro ko dito.

"Are you serious?"

"No. I'm Lucy," sagot ko saka humalakhak ng tawa. 

Napamulagat siya sa sinabi ko kaya naman mas lalo akong natawa. Umalis nalang ako sa harapan niya saka ko kinuha ang nipple tape na nasa sofa at pumasok sa banyo na nasa baba rin. Dalawa ang banyo ng kanyang apartment, nakakasana-all.

Matapos malagay nang maayos ang nipple tape ay lumabas na ako ng banyo. Kinuha ko na rin ang mga gamit ko at akmang aalis na sana nang biglang magsalita si Lucas.

"Wala man lang bang thank you or see you next time?" 

Nilingon ko siya saka lumapit, hinawakan ako ang kanyang kuwelyo saka tumingkayad bago nagsalita.

"Ngayon lang ako nakatagpo ng lalaking naka-one night stand na gusto pang umisa. Isang gabing pagkakamali ko lang iyon, wala ng iba pa." Binitawan ko ang kanyang kwelyo, "saka hindi kita type."

Tumalikod na ako sa kanya at naglakad habang si Lucas naman ay tila natulala.

"Ano bang type mo?" tanong ni Lucas nang makabawi.

Nilingon ko muna siya bago tuluyang lumabas sa apartment niya. Saka nakangising nagsalita.

"Mayaman."

------

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status