Share

Chapter 2: Vacation

Chapter 2

Vacation

* * *

Gracious Grace Moncatar

NGUMITI ako ng palihim nang makarating ako sa Nevada Resort na pagmamay-ari ng aking kaklase noong kolehiyo. Matagal ko na itong gustong puntahan pero wala talaga akong oras para sa aking sarili. I’m glad that my father gave me a three-week vacation.

Ang damot pa dahil three weeks lang ang binigay. Hmph!

Dumiretso ako sa inn na pina-reserve ko kagabi pa. Nagpapasalamat lang ako dahil may inn sa loob ng resort maliban sa mga cottages. Sa ika-apat na palapag at pinakadulo ang napilian kong k’warto. Bukod ay nasa taas, advantage rin sa akin kung may kalaban dahil makikita ko ang kabuan ng resort.

Apat na palapag lang ng inn, magkaharap ang dalawang building na pareho ang istilo na parang kambal ang inn. Kaya makita ko ang mga silid ng iba't ibang bakasyunista sa kabilang building. Wide crystal kasi ang bintana na nagsisilbing pinto papuntang balcony ng silid.

Sobrang lawak at malaking pool ang pagitan ng dalawang building. Maganda ang pagkakaayos ng resort dahil hindi magulo at eco-friendly pa.

Kunsabagay, nature lover ang may-ari nito na kaklase ko.

“Enjoy your stay, ma’am. We are happy to serve you,” matamis na wika ng tagapangalaga ng inn nang iginaya niya akong pumasok sa loob ng k’warto ko.

“Thank you po,” magalang kong wika sabay tango. May edad na siya at sa palagay ko siya ang pinagkatiwalaan na mangalaga sa resort na ito.

“May pinakamalapit na restaurant diyan sa baba. Kung gutom ka, huwag kang mahiyang lumapit sa akin. Nasa ground floor lang ako. Sige ma’am, magpahinga na kayo. I’m sure, pagod na pagod kayo.”

“Sige ho, salamat ulit.”

Tango lang ang itinugon ko sa kanyang ngiti. Nang makaalis ang ginang ay agad kong inayos ang dala kong gamit. Una kong tinago ang dala kong armas sa ilalim ng kama sa bandang uluhan na kaya kong abutin kung may kalaban. Wala namang inspection na naganap sa pagpasok ko sa resort.

Well, kilala na rin ako ng may-ari ng resort. Atsaka, tinago ko iyon sa maleta na dala ko kanina. Parang self-defense ko lang naman ang dala kong armas. Iba rin ang armas kong dala kung nasa misyon na ako. May license naman ang mga dala kong armas ngayon kaya wala akong dapat ipag-alala.

Natigilan ako sa pag-ayos nang may naramdaman ako na parang may nakatitig sa akin. Napako ang mga mata ko sa malaking kristal na bintana na nagsisilbing labasan papuntang balkonahe. Nakahawi ang kurtina sa silid ko kaya nakita ko ang nasa kabilang building pero ang kurtina nila ay hindi nakahawi.

May kaba akong lumapit sa bintana dahil sa palagay ko ay may nagmamasid sa akin. Kinakabahan ako baka may nakakita sa ginawa kong pagtago ng armas sa ilalim ng kama. I wandered my eyes.

Busy ang lahat at enjoy na enjoy sa pool habang naliligo. I haven’t seen any suspicious acts. Everything is fine.

Parang may nag-udyok sa akin na buksan ang kristal na bintana. Pagbukas na pagbukas ko ng bintana ay may sumalubong sa akin. He’s a man in black--looks like a thief. May takip kasi ang mukha nito na kulay itim, ang mga mata lang nito ang hindi natakpan. Hindi naman siya mukhang killer o assassin dahil wala sa awra niya pero maawtoridad ito at may tindig.

Anong ginagawa ng lalaking ito sa k’warto ko? Saan ito nanggaling? Sa kabilang k’warto kaya? May tinakbuhan ba ito? Katanungan agad ang namuo sa isipan ko.

Panay pa rin ang pagmamasid niya sa paligid lalong-lalo na sa kanyang likuran. Balisa itong lubos. Hindi pa nga niya ako tiningnan ng maayos.

Kaya ko naman siyang patumbahin kahit matikas siya pero hindi ako p’wedeng magpahalata sa ganitong lugar na isa akong assassin. Dilikado. Panay lunok lang ang aking nagawa para pigilan ang sarili na hindi itulak ang lalaki.

Doon na dumagundong ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin at parang tumigil oras habang kami ay nagkatitigan. Hindi ako makagalaw na para bang may glue ang mga paa ko. Panay taas-baba lang ang dibdib ko dahil sa mabilis kong paghinga. Gano’n din siya. Hindi ko alam kung bakit ko naramdaman ito. I never felt this before.

His sharp and serious gaze was like a goddamn magnet, I can’t stop looking at his eyes. His gray eyes were so hypnotizing that couldn’t even make my eyes blink. Puno ng emosyon ang kanyang mga mata pero hindi ko matukoy kung anong klaseng emosyon.

I am an assassin for goddamn’s sake but I can’t read the emotions of his eyes. I can’t move my body and choke his neck. I’m like under his spell. Not good.

Nanlaki ang mata ko dahil maingat niyang hinapit ang baywang ko gamit ang isa niyang kamay kasabay nang pagpasok niya sa silid ko. Because I was wearing a maxi dress, I could feel his warm arm touching my back, and my waist which gave me a tingling sensation all over my body. My heart still beating fast. This is crazy.

Sh*t! Tinolang pansh*t! tanging mura ko sa aking isipan. Ba’t ko nagustuhan ang ginawa niya sa akin?

Hindi ko pa rin maalis ang mata ko sa kanya. Kahit may takip ang mukha nito ay ramdam na ramdam ko ang tindig na kagwapuhan niya. He cut our gaze. Nagmamadali itong sinirado ang bintana. Hawak-hawak niya pa rin ang baywang ko habang hinahawi ang kurtina para takpan ang buong silid.

Hindi ko alam kung bakit nagustuhan ko ang paghawak niya sa akin. He’s gentle and mysterious. Who is this guy anyway?

Hindi ako kinabahan dahil sa pagpasok niya sa silid ko pero kinakabahan ako sa paghawak niya sa akin at sa naramdaman ng puso ko. I can handle myself to take him down. However, his touch made my whole system weak. His gaze made me admire how beautiful his eyes are. His move made me realize that he's not a weak guy that I can beat off.

Ibang-iba siya. Napahina niya ako. And this is bad.

I’d come back to my senses when he harshly let my waist go. Na-out balance ako at laking pasasalamat ko dahil malambot na kama ang sumalo sa akin. Agad akong napaupo sa kama nang may narinig akong ingay na lumagutok galing sa kristal na bintana.

Sharp bullets. I am right.

Nakita ko kung paano lumusot ang bala sa makapal na kurtina. One bullet makes it through the window of my room. At mukhang tumama ito sa lugar kung saan ako nakaupo. Nanatili akong nakaupo nagkunwaring hindi nakita ang bala.

Mukhang nakita rin ng lalaki ang bala na lumusot kaya mabilis pa sa alas kuwatro itong gumalaw patungo sa pwesto ko. Hindi niya yata alam na nakaupo na ako sa kama, kunsabagay aalis na sana ito kanina.

I gasped and my eyes widened when he landed on top of me. Our eyes locked instantly so that even the bullet couldn’t open the lock. Doon na ako natauhan nang inangat niya ang katawan ko. We rolled over the bed to avoid the bullet. Ramdam ko ang mahigpit niyang pagyakap sa akin habang kami ay pagulong-gulong sa malambot na kama. Parang slow-motion ang nangyari noong papalit-palit kami ng posisyon, hindi rin maalis ang titig namin sa isa’t isa. I felt something that I can’t explain. Indescribable feelings.

Dahil nasa ilalim ulit ako. Nakita kong may lumusot namang bala sa kristal na bintana at sa aming pwesto ito tatama.

A sniper with a sound suppressor, huh? Iniingatan na hindi magawa ng malakas na ingay na makakuha ng atensyon ng mga tao.

Wait! Kung sniper ang tumitira sa lalaking ito, malamang nasa ika-tatlo o ika-apat na palapag na nasa kabilang building ang taong gumagamit ng sniper. This is damn serious. I will set aside my damn feelings right now.

This time, I moved. I pushed him hard. Una siyang nalaglag sa sahig. When the bullet was near, I rolled over the bed until I reached the floor. Hindi ko ininda ang sakit sa pagkahulog galing sa kama. Gumapang ako patungo sa ilalim ng kama para kunin ang baril na AN-94 na tinago ko pero agad akong natigilan.

No! Hindi p'wede. This is a public place and I can’t risk myself just because of this man I didn’t know.

Kahit nasa ilalim ako ng kama, nakita kong nakatayong sumandal ang lalaki sa dingding malapit sa bintana, habol-habol ang hininga nito halatang sobrang kaba ang nadama.

Kunsabagay, sino ba naman ang hindi kakabahan na tutugisin ka ng isang sniper? Bakit ba kasi hinahabol ang lalaking ito? May ninakaw ba ito na tinutugis ng isang sniper? Dinamay niya pa ako.

Mabuti naman agad itong kumilos at sumandal sa dingding pagkatapos ko siyang itulak. Pinasadahan ko siya ng tingin. Wala siyang kahit na anong dala. Wala siyang kahit na anong panlaban. Talagang magnanakaw ba ito or something? I doubt it, V.I.P kaya ang lalaking ito?

Damn! Why I am still asking myself? Hindi ko rin naman masagutan. Puro tanong lang.

Sinusuri ko ulit ang kaubuuan niyang anyo. Napalunok ako nang napako ang tingin ko sa pagitan ng kanyang hita. Hindi ako tanga na hindi naramdaman ang nasa pagitan ng hita niya noong nasa ibabaw ko ito kanina.

Gracious! Why so big?

Pansh*t! mura ko sa aking isipan sabay sampal sa aking sarili.

Don't be a maniac, Gracious Grace, saway ko sa aking sarili gamit ang isipan ko.

Umiwas na ako ng tingin. Pinagpawisan na ako dahil mainit ang atmosphere sa ilalim ng kama at dumagdag ang nakita ko.

Bad, Ace! Bad! Damn it, patawarin niyo ako. Babae lang at hindi manhid.

Napapikit ako at nag-isip kung ano ang tamang gawin ko. Hindi ako dapat magpadalos-dalos dahil publiko ito. Walang alam ang mga tao na ako ay isang assassin sa sekretong organisasyon. Maging ang mga kakilala ko ay walang alam. Tanging ang aking ama, si Amir at ang nasa organisasyon lang ang may alam na isa akong assassin.

Inis kong binuksan ang aking mata. My mind can’t think right, rumihistro lang kasi sa isipan ko ang makasalanang nakita ko. Focus, Ace!

May inis akong gumapang palabas sa ilalim ng kama. Mabilis akong nagtago sa pinakamalapit na dingding, sa gilid ng kristal na bintana. Mahirap na baka ako ang matamaan ng sniper kahit hindi ako ang target. Mabuti pang manigurado.

Nasa kanang dingding ang lalaki at ako naman ay nasa kaliwa. Dalawang metro ang layo naming dalawa dahil dalawang metro ang kristal na bintana na nagsisilbing daan sa balkonahe.

Nabaling ang tingin ko sa lalaki. Nakatitig rin pala ito sa akin. Naningkit ang mga mata ko sa kanya dahil matalim ang titig nito. I swallowed some saliva to make my throat wet. Kanina pa kasi ito nanunuyo dahil sa init.

“W-Who are you? Bakit tinutugis ka ng isang sniper?” I asked him without cutting our gaze.

“You don't need to know,” he replied seriously. Tumaas ang kilay ko sa sagot niya. Umiwas na ito ng tingin.

Gano’n? Siya na nga itong pumasok sa silid ko na ginawa niyang refuge tapos hindi pa sasagutin ang tanong ko. Hmph! Pigilan niyo ako, babarilin ko ang isang ito. Pinapainit niya ang dugo ko.

“Why? You’re an intruder. P’wede kitang idemanda dah--”

Naputol ang salita ko nang makita ko siyang tumakbo papunta sa kinaroroonan ko. Narinig ko ulit na nabasag ang kristal ng bintana ng silid ko. Our eyes locked just a moment. Pero naputol iyon dahil may narinig ulit akong impact sa kristal na bintana at lumusot ang isang bala sa kurtina. Bumulusok lang ang mga bala sa kama.

Pinapaulanan nila ang silid ko. Puro butas na ang kristal na bintana at kurtina, maging ang kama.

Shit! Ano na lang i-explain ko sa may-ari kung makita nilang butas-butas na ang kristal na bintana at maging ang kurtinang nakalugay? Butas-butas rin ang kama ko. Basag ang vase. How to explain this matter?

Sabihin ko bang tinusok-tusok ko ng matulis na bagay dahil bored ako? Damn, lame excuses!

“Again, bakit hinahabol ka ng isang sniper?”

“I don’t know.”

Napahilamos naman ako sa tugon niya. Hindi niya alam? Hindi ako naniniwala.

“You don’t know? Oh, c’mon! Look at my room. Ginawang shooting target ng sniper. Wasak na dahil sa mga bala. Tapos hindi mo pa sabihin kung bakit ka tinutugis ng mga bala?!” gigil na gigil kong wika. My teeth still strong flattened inside my mouth.

‘Yong feeling na gusto kong magbakasyon para magpahinga pero heto ako ngayon, pinupuntarya ang silid ko ng isang sniper. Pinapaulanan ng mga bala. Ginawang shooting target. Makapagpahinga pa ba ako nito?

Nilibot nga nito ang kanyang tingin sa buong silid. Hindi niya pinansin ang sinabi ko.

“I have to go.”

Naiinis ako, piste! Pigilan niyo ako dahil ako na lang mismo ang babaril sa lalaking ito. Isa pa itong sniper, walang kwenta dahil hindi niya matamaan agad ang target. Bulay-og!

Hindi na ako nakapagsalita dahil mabilis itong tumakbo papuntang pintuan. Bago pa ito nakalabas ay lumusot na ang bala sa bintana. Bumulusok ito papunta sa kinaroroonan niya. Sakto rin ang paglabas niya sa pinto nang tumama ang bala doon.

Parang ako ang na-stress sa sniper. Hindi mabilis kumilos. Hindi marunong magtantiya kung kailan i-pull ang trigger.

Hinay-hinay akong gumapang sa ilalim ng kama para kunin ang binocular na palagi kong dala. Nang makuha ko ay gumapang pabalik sa pwesto ko kanina. Agad akong tumayo at hinawi ko ng kaunti ang kurtina, maingat akong sumilip sa kristal na bintana gamit ang binocular. Mabilis kong nilibot ang aking tingin sa kabuuan ng kabilang building. Napako ang mata ko sa katapat kong silid sa kabilang building.

Kitang-kita ko pag-alis ng lalaki na nakasobrero sa katapat kong silid na nasa kabilang building. Humawi kasi ang kurtina nang siya ay tumayo. May bibit itong malaking bag na kulay itim at mukhang mabigat ang kanyang k*****a. Sa palagay ko ay siya ang tumitira sa lalaki kanina at dahil umalis na ang lalaki sa silid ko ay agad din itong umalis.

Tinapon ko ang binocular sa kama. Hinakbang ko ang aking mga paa papuntang pinto. Kailangan kong mahanap ang lalaki na pumasok sa silid ko. Naramdaman kong hindi siya masamang tao. Naramdaman kong importante itong tao na kailangang protektahan sa mga tumutugis sa kanya.

Paglabas ko sa silid ko ay agad akong natigilan. May puting tela na naiwan at mukhang nalaglag ito ng estrangherong lalaki kanina. Dinapot ko ito at sinuri. Just a white handkerchief.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang burda ng panyo na hawak ko. Nanginginig ang kamay ko at nanlamig ang buo kong katawan. Hindi ako makagalaw. Nag-init ang sulok ng aking mga mata.

Bumalik sa aking alaala ang pangyayari noong labinwalong kaarawan ko. The goons. The gift. The three-headed snake tattoo that I can’t forget until now.

Three-headed snake, ‘yon ang nakaburda sa panyong nakita ko sa labas ng pinto.

Sa estrangherong lalaki ba talaga ang panyong ito? Sino siya? Sino ang lalaking kulay abo ang mata na pumasok sa k’warto ko na tinutugis ng sniper?

Damn! Kung hindi galing sa kanya ang panyo? Who owned this? At ano ang pakay niya sa akin?

When I came back to my senses, I put the handkerchief inside my bra because I didn’t have a secret pocket. Damn this maxi dress. Sa bra na lang ang naisipan kong safe lagyan. No choice.

After that, I hurriedly run downstairs. I sharpened all my senses too. Isa lang ang hinahanap ko, ang taong kakalabas lang sa aking silid. Palinga-linga ako habang tumatakbo pababa sa hagdan nagbabasakaling makita ko siya. Hindi na ako gumamit ng elevator dahil mas mainam kung gamitin ko ang hagdan dahil makita ko ang nasa baba. Kaunti lang naman ang taong gumagamit ng hagdan kaya hindi ako nahirapan sa pagbaba.

Nang nasa groud floor ako, hindi mahagilap ng mata ko ang lalaki kanina. Where is he? Imposibleng makalayo iyon. Ang bilis naman ‘ata kung nakalabas na siya.

Pa-simple akong sumandal sa dingding, yumuko at nagkrus ng braso sa harap ng dibdib nang makita kong pumasok ang lalaki na may hawak na itim na bag. He was the man I saw at the other building. Nandito siya. Ibig sabihin, hindi nandito pa sa loob ang lalaking tinutugis niya–ang lalaking hinahanap ko–ang lalaking pumasok sa k’warto ko.

Sa palagay ko, he’s an assassin too. Sa kanyang body built, makitang sanay sa pag-ensayo at sanay sa bakbakan pero hindi sanay gumamit ng sniper. I smirked. Is he a newbie in using a sniper gun? Halata namang hindi niya forte gumamit, mukhang pakikipaglaban ang alam.

Nagtaka ako dahil hindi siya sinita ng mga resepsyonista. Tuloy-tuloy itong gumamit ng hagdan na binabaan ko kanina. Nang mawala siya sa paningin ko, lumapit ako sa isang resepsyonista.

“The man entered here earlier. Do you know him?” I asked, looking directly into her eyes. Takot itong umiwas ng tingin.

“N-no. I mean–”

“He made my room a shooting target. Gladly, I’m alive.”

I rolled my eyes when I saw them gasping in fear. Hindi ko na hinintay na magsalita sila dahil tinalikuran ko na sila, agad akong dumiretso sa elevator.

What a waste of time. I need to get my gun there. Alam kong puntahan niya ang k’warto ko kung hindi niya makita ang lalaki na tinutugis niya. I need to get my things there.

Nang marating ko ang ikaapat na palapag, agad akong tumakbo papunta sa inaakupahan ko. Mabilis kong narating ang silid ko, hinihingal akong sumandal sa pinto nang makapasok ako sa loob ng silid ko.

Itinaas ko ang aking kamay dahil naramdaman kong may nakatutok na baril sa ulo ko. I smirked. How dare he point my gun at me?

“I underestimated you,” I said, smirking. How cunning.

“Why do you have a gun? Are you an assassin too?” he asked, still pointing my gun at my head.

“Why would I answer your question?”

“Because I will kill you if you won’t.”

“I can’t answer you if you’ll kill me,” I laughed sarcastically.

“I don’t care. I will kill you.”

“Wow. Are you threatening me? I’m surprised. Tsk!” Inapakan ko ng malakas ang kanyang paa at mabilis na sinuntok ang kanyang panga. I heard him groan in pain. I took advantage. P’wersa kong inagaw ang baril sa kanya, naagaw ko naman iyon.

Bago pa siya makabawi, itinutok ko na ang baril sa kanyang ulo. Lapastangang lalaki. Hindi niya yata alam na pinuntahan na siya ng kanyang kaaway ngayon.

“How daring you are. You’ve wasted your time for nothing. Do you know that your enemy is already here in this building?”

“Sh*t!” I heard him curse.

So, he didn’t know? Imbes na magpukos siya pagtakas, pero heto siya ngayon. Pinapakialaman ang gamit ko.

“What a pity. Go. Leave this place before it’s too late. As if naman makaalis ka pa.”

Ibinaba ko ang baril, hindi ko na pinansin ang lalaki. Mabilis kong iniligpit ang mga gamit ko. Inuna ko ang baril, itinago ko sa gitna ng aking mga gamit. Gano’n din ang binocular na dala ko. Nang mailigpit ko na ay agad kong binitbit ang maleta.

Nagulat ako dahil inagaw ng lalaki ang maleta na dala ko. Hinawakan niya rin ang aking kamay. Mabilis niya akong inakay palabas. Anong ginagawa nito?

His hand was cold, it gave me goosebumps. Is he afraid of dying?

What is wrong with this guy? I thought he left but why did he take my luggage and hold my hand?

Did he know me? Or I’m just assuming. Who is he?

Sakto rin paglabas namin sa silid ko dumating ang lalaking tumutugis sa kasama ko. Ako na mismo ang humila sa kasama ko papasok pinakamalapit na silid, ‘buti na lang hindi naka-lock ang silid at walang may nag-akupa. Laking pasasalamat ko dahil hindi nakita ng lalaki ang pagpasok namin. Muntikan na.

Nakahinga ako ng maluwag. Pero agad na dumagundong ang puso ko sa kaba nang mapagtanto ko ang posisyon naming dalawa. We gazed still battling in shock. Siya kasi ay nakasandal sa pinto at ako ay nakadagan sa harap niya. Ang kaliwang kamay ko ay nasa gilid ng kanyang tainga. Parang ako ang nagkorner sa kanya. Sobrang lapit ang mukha naming dalawa, ramdam na ramdam ko ang bawat pagbitiw niya ng kanyang hininga. So manly fragrance.

Hindi niya rin binitiwan ang maleta, maging ang aking kamay. What the heck are we doing?

Naiilang akong lumayo sa kanya. Tumikhim din ito para basagin ang katahimikan.

“L-let’s go. I guess, he’s in my room and it’s our time to flee,” I said coldly.

Damn you tongue. Ba’t ka nauutal? Pansh*t!

“Y-yeah,” maikli niyang tugon.

Binuksan niya ang pintuan pero ako ang naunang lumabas. I raised my hands when I felt the cold tip of the gun on my head. The sniper caught me off guard. I haven’t sensed his aura. Damn it!

Alam kong natulala rin ang lalaki na kasama ko kanina. Hindi rin kasi ito gumalaw.

“Why did you point the gun at me? I am your target too?”

“Yes. Killing two birds with one stone. Huge achievement, right?” the sniper replied.

“Go then, kill me,” I smirked. Two birds with one stone, his face! Is he insane?

Hinintay kong iputok niya ang baril pero walang balang lumusot. I rolled my eyes when I saw him lying on the floor. Not dead just sleeping. May pampatulog ‘ata ang karayom na tumusok sa kanyang leeg.

Great. No harm done. Ba’t di niya na lang ito tinuluyan?

“You’re late. Damn it!” naiinis kong sambit.

I rolled my eyes again when I saw him smirking. Whatever!

* * *

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status