Share

Chapter 3: Three-Headed Snake

Chapter 3

Three-Headed Snake

* * *

Gracious Grace Moncatar

PUNO ng kaba ang aking dibdib nang malaman kong wala sa loob ng bag ang panyong nakita ko noong nagbakasyon ako sa Nevada Resort. Hindi ko p’wedeng maiwan iyon dahil iyon na lang ang tanging alas ko para matunton ko taong pumatay sa aking ina noon.

Napapikit ako at inaalala kung saan ko ito posibleng naiwan. Agad na bumukas ang mata ko nang maalala ko na. Naiwan ko ito sa mesa sa loob ng aking opisina--pangunahing opisina ng Monca.

“Sh*t! If my father saw it… no. Uunahan ko ang aking ama. Hindi niya dapat makita ang panyong iyon…”

Dahil kong makita niya iyon ay hindi niya ako payagan sa aking mga binabalak.

Pinahid ko ang likod ng aking kamay sa pinagpawisan kong noo. Agad kong hinubad ang sapin sa aking paa na mataas ang takong para hindi ako mahirapan sa pagtakbo. Lumabas ako sa aking sasakyan na walang sapin ang paa. Binilisan ko ang aking pagtakbo hanggang sa makarating ako sa elevator, agad ko namang pinindot iyong labinsiyam na numero dahil doon matagpuan ang main office ng Monca.

Napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang pagkahingal. I was still catching my breath when the elevator opened. Sa wakas narating ko na ang labinsiyam na palapag.

I entered my office, still catching some air. There. I saw my father holding the white handkerchief I left, his face was gloomy. I guess, he’s mad.

“W-Where did you get this handkerchief, Grace?” bungad ng aking ama nang makapasok ako sa opisina ko, hindi niya ako nilingon. “Gumagawa ka ba ng hakbang na hindi ko alam?”

Kahit nakatalikod ito, nakita kong mahigpit ang pagkakahawak niya sa panyo. Nanginginig ang kanyang nakakuyom na kamao. Narinig ko pa ang paglagutok nito.

“Nope. I… just picked it on the ground,” I simply replied, swallowing some saliva to lessen my thirst. Kanina pang nanunuyo ang lalamunan ko. Dumagundong ang puso ko sa sobrang kaba na halos lalabas na sa kanyang kalalagyan.

Humarap ito sa akin. Hindi pa rin nagbago ang reaksyon ng kanyang mukha. Madilim pa rin na handa akong sakupin ng kadiliman. I gulped when he looked into my eyes directly, full of authority and seriousness.

“Don’t lie to me, Grace. I know you’re not telling the truth.”

Halos maupos ako sa aking kinatatayuan. He caught me off guard. I know eyes can’t lie but… I will try to hide the truth. Hindi ko dapat sabihin na naiwan ito sa harap ng pintuan ng silid ko noong nasa Nevada Resort ako.

“I’m telling the truth, sir,” I said firmly, without cutting our gaze. Siguro naman sapat na ang ginawa kong pagtitig sa kanya para hindi na siya magduda.

“Mouth can easily say some lies but eyes can’t hide the truth.”

I know it. I can’t perfectly hide the truth. Damn!

Nilabanan ko ang panginginig ng aking tuhod. Lumapit ako sa kanya. Itinukod ko ang aking dalawang palad sa mesa at seryosong tinitigan sa mata ang aking ama.

“Dad! I already told you. I saw this handkerchief on the ground. I guess someone dropped it,” I exclaimed.

“D-Did you see something suspicious after you picked it? Who left this? Do you have a clue?” Nakita ko ang gulat at takot sa kanyang mga mata na agad niya ring iniwas ang kanyang paningin. Kumunot ang noo ko sa inakto niya.

“Why are you so shocked and afraid, Dad? Do you know about this?” my eyebrows narrowed.

Huminga siya ng malalim, hindi pa rin tumingin sa akin.

“Ace, I know your blood is boiling to investigate this matter but I won’t allow you.”

“You didn’t answer my question, Dad. Do you know about the three-headed snake?”

“Ace. Leave this matter to me, okay? Don’t get yourself involved.” Humarap ito sa akin pero agad ding umiwas ng tingin pagkatapos niyang sabihin ang kanyang salita na para bang ayaw niyang ipakita sa akin ang kanyang emosyon.

Halatang may itinatago siya sa akin. Halatang may alam siya pero hindi niya masabi sa akin.

“Why? Dad, I am already involved with this matter,” seryoso kong wika. Kinuha ko agad ang panyo na hawak niya dahil maluwag na ang pagkahawak niya rito. “Kung ayaw mong sabihin ang tungkol sa nakaburda sa panyo, wala na akong choice kundi suwayin ka. Sa ayaw at sa gusto mo, ako ang hahanap ng paraan para malaman ko iyan.”

Hindi ko na siya hinintay magsalita, tinalikuran ko na siya. We have nothing to discuss.

“Sometimes timing is good. Do you think that handkerchief will lead you to the person who killed your mom… eight years ago?”

Napatigil ako sa paglalakad. I scoffed behind his back.

“Yes, of course.”

“Ace, I’m begging you. Don’t do something stupid.”

“Do you think I am stupid, Dad?”

“You’re not. Pero…hindi basta-basta ang pumatay sa iyong ina. Hindi mo pa kayang kalabanin iyon. Hindi sapat ang iyong lakas at galing. At ayokong mawala ka rin sa akin.”

May alam nga si Daddy pero hindi niya kinuwento sa akin. Sinasabi ko na nga ba. Hindi siya basta-basta pumigil kung wala siyang alam.

Napaharap ako sa kanya. “So, you knew the person who killed my mom but you never shared it with me. I am your daughter, Dad. Why you didn’t share it with me?”

“Because I don’t want you to get involved.”

“Lame excuses. Ang gusto mo lang sabihin na sarilihin mo lang ang lahat ng problema dahil wala kang tiwala sa akin.”

“Ayaw ko lang na mapahamak ka, Ace. Sana maintindihan mo ako.”

I laughed with sarcasm. Mapahamak ako? Marami na ang delikadong misyon na binigay niya sa akin tapos sabihin niyang ayaw niya akong mapahamak? Wow. Naisip niya pa pala iyon?

“Anong k’wenta ng pag-train mo sa akin? Anong k’wenta ng pagbigay mo ng delikadong misyon sa akin? Anong k’wenta ng organisasyong nabuo natin kung ayaw mo akong mapahamak?”

Malakas niyang ibinagsak ang kanyang kanang kamao sa mesa na sobrang ikinagulat ko. Matalim ang tingin na ipinukol niya sa akin na nagbigay ng lamig sa buong sistema ko.

“We have nothing to discuss. Dismissed.”

Hinakbang nito ang kanyang paa palapit sa akin na hindi binasag ang titigan namin. Nakahinga ako ng maluwag nang malampasan niya ako. Dumiretso siya sa daan papuntang B.E.O headquarters pero bago siya lumisan ay may sinabi siya sa akin na ikinatigil ng pintig ng puso ko.

“Starting today, you’re going home. No more condominiums.”

W-What? No way! Paano ako makapag-imbestiga nito kung sa bahay ako tutuloy? This is bad. He will monitor me. I know it.

Agad akong napahawak sa talim ng mesa para humingi ng suporta. Kanina ko pa naramdaman ang panginginig ng aking binti. Mas lalo pang nanginig dahil sa sinabi ng aking ama.

Kahit seryoso akong sumagot sa aking ama, may kaunting takot pa rin ako sa kanya pero hindi ko lang pinapakita.

Hindi niya sinabi ang tunay na rason kung bakit ayaw niyang sabihin ang tungkol sa nakaburda sa panyo. Tapos pauwiin niya na ako sa bahay simula ngayon. Damn it!

I sat down at the table to relax my body and soul but I couldn’t. My heart kept racing like there was no tomorrow. Grabe ang epekto sa akin ni Daddy. Hindi pa rin naka-recover ang buong sistema ko. Alam ko kung paano siya magalit kaya takot ako sa possible niyang gawin.

Kinuyom ko ang aking kamao na may hawak na panyo. I also gritted my teeth until my fear faded.

Malalaman ko rin ang ibig sabihin nito at kung sino ang nagmamay-ari nito. Gagawa ako ng paraan kahit sa bahay pa ako tumuloy. No one can stop me, even you, Dad.

* * *

KINAGAT ko ang aking pang-ibabang labi dahil sa sobrang irita sa pagmumukha ni Amir. Magkaharap kaming dalawa ngayon. Pumunta siya sa bahay dahil nalaman niyang hindi na ako sa condominium tumutuloy. Sermon lang naman ang pinunta niya sa bahay.

“Ace, sundin mo kasi ang sinasabi ng iyong ama. Huwag matigas ang ulo.”

“P’wede ba, Amir? Kung sermon lang naman ang pinunta mo rito sa bahay, mabuti pang umalis ka na. Kanina ka pa! Napipikon na ako sa ‘yo. I want peace. Can you leave me alone?” naningkit ang mata kong wika.

“Sabi ko nga hindi na kita sermunan. Ito naman, oh. Makataboy wagas. Chill ka lang,” nangisi niyang tugon sabay kagat sa cookies na nasa mesa. “Hmm, yummy. You should eat these cookies I made, Ace. It can cool you down.”

Dala niya, kain niya. Luto niya, promote niya pa. Saan ka pa?

“Wala bang gayuma ito?” taas-kilay kong tanong sabay kuha sa cookies.

“If I say yes, you will grab some?” may ngiti sa labi niyang tanong.

“No. I won’t.” Binalik ko ang kinuha kong cookies. Ayaw kong magayuma, no.

“Why?”

“You’re not my type.”

“Ouch. Ang sakit, ha?” arteng wika niya sabay hawak sa kanyang dibdib.

Napangiwi ako sa drama niya. Yuck. Bakit naging bestfriend ko ang isang ito na puno ng kadramahan? Dinaig pa ako.

“Hindi bagay sa’yo ang maging aktor. Umayos ka nga. May gayuma ba ito o wala? Sagutin mo ako.”

“Oo, sinasagot na kita. Tayo na. I love y--”

Inis kong nilagyan ang bunganga niya ng dalawang cookies at sinamaan siya ng tingin. Oh, sige dada pa.

Nakasimangot niyang kinuha ang cookies na nasa bunganga niya. Pabagsak niyang nilagay sa mesa ang cookies na galing sa kanyang bunganga. Nakasimangot pa rin itong tumingin sa akin.

“Oh, hindi mo pa ba sagutin ang tanong ko?” I lifted my left eyebrow.

“Kakain ba ako kung may gayuma? Ano ‘yan ginayuma ko lang ang sarili ko? Kumain ka na, ang init ng dugo mo sa akin. ‘Di naman kita inaano, ah.”

Sa tono ng kanyang pananalita, halatang nagmamaktol. Naputol ang drama kasi. I don’t care. He’s always like that. Minsan makulit, minsan saksakan ng yabang at minsan seryoso. Bipolar ang gag*!

I rolled my eyes before grabbing one piece of cookie. Wala na akong hinintay na pasko, kumagat agad ako at nginuya. Napangiti akong tumingin sa kanya dahil masarap nga. Kunsabagay, kailan pa hindi naging masarap ang luto nito?

Bukod magaling humawak ng baril. Magaling siyang magluto. Ito ang specialty niya bilang lalaki. Makakain lang ako sa luto niya, magbabago na ang modo ko. Parang luto niya ang happy pill ko.

“I really love all the food you’ve cooked. Thank you for these cookies,” nakangiti kong sambit sabay lamon sa cookies na dala niya para sa akin.

“Alam ko naman, eh. Luto ko lang ang mahal mo... pero ako, hindi mo mahal.”

“Don’t ruin my mood, Amir. Just eat if you want.”

Wala itong magawa kundi kainin ang cookies na nilagay ko kanina sa bunganga niya. Nakasimangot pa rin itong ngumunguya. Napangiti na lang ako sa hitsura niya.

“Huwag mo akong ngitian kung ayaw mo rin akong mahalin. Paasa ka.”

Whatever, feeling actor.

Dumighay ako pagkatapos kong uminom ng dalawang basong soft drink bilang panulak sa kinain kong cookies. Nagsalin ako sa isang baso at binigay kay Amir.

“Oh, drink it. Payment for your cookies.”

“Thanks,” maikling tugon niya. Inimon niya agad ito, halatang uhaw na uhaw.

“Want some?” I asked.

“Yes, please.”

Agad kong sinalinan ang kanyang baso. Pagkatapos ay walang pasabing nilagok.

“Hinay-hinay lang. Makaasta ka parang alak ang ininom mo.”

Hindi ito umimik. Inagaw niya sa akin ang bote at sa bote na lang uminom. Naubos niya ang half liter na soft drinks. Dumighay rin ito pagkatapos sabay hawak sa kanyang tiyan.

“Amir, help me. You’re good at electronic devices, right? Can you hack something?” panimula ko. Seryosong tingin ang binigay ko sa kanya. Gano’n din ito sa akin.

“Ace, susuwayin mo naman ba ang iyong ama?” naningkit na tanong nito. “If he knows about this, he won’t forgive you.”

Naningkit din ang mata kong sinalubong ang kanyang mata. “I don’t care. Decide right now, are you willing to help me or not? If not, go home.”

“Who said that I am going home? I’m willing to risk everything just to help you, baby.” He flattened his back on the chair, also putting his both arms on his nape. His lips curved and winked at me.

Baby? The fudge! This man has a lot of air in his mind. I put my right hand on my mouth and let out a laugh.

“Your tricks won’t work on me. Keep trying, dude.” I stopped laughing and stood up. “Let’s go. Follow me.”

Nagsimula na akong maglakad patungong k’warto ko, hindi ko alam kung sumunod siya sa akin. Nasa balkonahe kasi kami ng k’warto ko nag-uusap. Dito lang ang alam ko na walang kamera. Hindi ako nagpalagay sa k’warto ko ng kamera. I need privacy for damn’s sake.

Nausisa ko naman ang lahat ng aking gamit kung may naka-tap na voice recorder o ‘di kaya’y sekretong kamera. I saw nothing. Umarko ang labi ko dahil hindi pinakialaman ng aking ama ang gamit ko rito sa k’warto ko. Nothing changed. Kung ano ang pag-iwan ko, gano’n din ang pagbalik ko.

I left home when I was twenty years old at ngayon lang ako nakabalik. Malayong lugar kasi ako nag-aral ng kolehiyo. Nagtrabaho ako sa kompanya ni Daddy bilang pantustos ko sa gastusin. Hindi ko tinatanggap ang perang binigay ng aking ama. I just want to be an independent woman just like my mom.

“Are you sure about this? Gagawa ka ng hakbang na ikinagalit ng iyong ama?”

Napapikit akong tumigil. Hinarap ko siya na may inis sa aking mukha.

“Do you think I am joking?”

“Sabi ko nga, halika na. Tulungan na kita,” nakangising wika niya.

Nauna itong dumiretso sa harap ng computer. I rolled my eyes in irritation. Napabuga ako ng hangin.

This man made me sick. Sobra akong na-stress sa lalaking ito. Isa na lang talaga, malilintikan talaga ang isang ito.

Padabog akong lumapit sa kanya na seryosong kumakalikot sa keyboard ng computer. Nanatili akong nakatayo sa kanyang likuran. Hindi ko alam kung saang site siya pumunta. Sa pagkakaalam ko ay hindi ito G****e.

“What should I search, young lady?” pormal niyang tanong na para bang butler ko siya. Nilingon niya pa ako na may ngiti sa labi.

“Search about the three-headed snake and what is the meaning behind those animals,” mabilis kong tugon.

“Your wish is my command, young lady.” Binalik niya na ang tingin sa computer at nagsimulang pinindot ang letra sa keyboard.

Ang pintig ng puso ko ay bumilis na rin dahil kinakabahan ako sa aking malaman. At the same time, I am eager to know the truth behind my Dad’s secrets. Kung bakit hindi niya masabi sa akin ang tungkol sa tatlong ulo na ahas na nakaburda sa panyong nakita ko.

“Done. Do you want me to read it for you?”

Done. After hearing those words, my heart kept racing, an endless race that no one can beat.

At last, malalaman ko na ang hindi masabi ni Daddy sa akin.

“Hey! Ace, are you okay?”

“Can you leave me alone for a bit? Just give me some privacy. Can you?”

“Ace, Why--”

“I will call you if I need you. Okay? Please, Amir…”

Nagkibit-balikat lang siyang tumayo sa upuan. I gave him a timid smile. His eyes softened when he saw my reaction.

“Okay, take your time. Call me if you need me, okay? I will just go downstairs and cook food for you.”

Tumango lang ako sa kanya. Bago siya lumabas ng k’warto binigyan niya ako ng matamis na ngiti. As usual. His kindness was always written on his smiles. That’s why I love this man, as my best friend. He’s the only man who taught me how to smile. Also told me that smiling is the easiest way to cover up your sadness.

Kumaway siya bago sinirado ang pinto. Gano’n na lang din ang ginawa ko. Nang makaalis na siya ay agad akong umupo upuang nakaharap sa computer. Sa isang site lang matagpuan ang lahat tungkol sa tatlong ulo na ahas.

“Snake is the symbolism of the Sabio Family because they are venomous, boastful, and ambitious.”

Sabio Family… this surname is well-known in politics in our old place--Samarra City. But I do not care. I don’t know them. I just know their surname.

“Three-headed snake means three people: the father, the son, and the daughter.”

Father, son, and daughter? One root. Two successors.

Three-headed snake. ‘Yon ang tattoo ng mga lalaki noon. Kitang-kita ko iyon. Sila ang dahilan kung bakit ako nawalan ng ina. Managot sila sa akin.

Kung buhay ang kinuha, buhay rin ang kabayaran.

Kung may pinatay ka, patay ka rin sa huli. Maghintay ka lang.

Bilang assassin, hindi na ako takot mamatay. Handang-handa na ang buhay ko bilang kabayaran sa mga pinatay ko.

Dahan-dahan kong kinuyom ang aking kamao. Pinikit ko rin ang aking mga mata para pakalmahin ang sarili. Gusto ko nang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking ina. At malapit na. Nangangati na ang mga kamay ko.

May sumagi sa isip ko ngayon. Narinig ko dati ang pagtatalo ng aking magulang tungkol sa pamilyang Sabio. Hindi kaya konektado ito?

Think, Ace. Think more. Hinilot-hilot ko ang aking ulo. Napapikit ako dahil sa aking ginawa.

~~~

“Graciella, bakit mo tinanggap ang misyon? You’re a spy, not a bodyguard. At sa dinami-daming p’wedeng bantayan bakit ang pamilyang Sabio pa? Hindi ako papayag,” matigas na wika ng aking ama.

“Gerard… hon… I am a spy of the El Justice Organization. At ang pagiging bodyguard ko sa pamilyang Sabio ay dahil nga maniktik ako. I will do this for the organization,” malumanay na wika ng aking ina.

“Delikado. Kung mabuko ka nila, buhay mo ang kukunin nila. I am afraid to lose you and our daughter, honey. Think about the safety of our daughter. Delikado ang misyon na iyan. Can you decline it?”

“No, honey. I’ve decided. Maging safe naman ang anak natin dahil may proteksiyon siya galing sa organisasyon. Nand’yan ka na--”

~~~

“Ace, are you okay?” narinig ko ang boses ni Amir na siyang dahilan na naputol ng pag-iisip ko.

Oh, sh*t! The mission of my mom... and my father knew it all along. Konektado sa pamilyang Sabio.

My body froze and tears started to fall. Nanginginig ang labi ko dahil sa aking naalala, nanginginig rin ang aking kamay na tinakpan ang aking mukha.

Sabio family…

Sila nga ang pumatay sa aking ina.

At pinatay nila ito dahil...

…natuklasan nila ang pag-e-ispya ng aking ina.

“Ace! Are you okay? Why are you crying?” niyugyog niya ang aking balikat kaya napatingin ako sa kanya na may luha pa rin ang aking mga mata.

Agad akong napayakap kay Amir at humugulhol sa kanyang balikat. Alam kong naintindihan niya ako. Gusto ko lang ipalabas ang bigat sa aking dibdib na kanina pang bumigay dahil sa mga natuklasan.

Naramdaman kong hinaplos niya ang aking likod. “So, hugging and crying on my shoulder is your plan after knowing the truth? Sabihin mo lang kasi kung gusto mo akong yakapin. Pagbibigyan naman kita, eh. Hindi ako madamot kahit halik pa ang hilingin mo sa akin.”

Nang mapagtanto ko ang kanyang sinabi ay agad naman akong napatigil sa pag-iyak, itinulak ko siya palayo. Napakahangin ang gag*!

Mabilis kong pinahid ang luha ko sa aking mata at pisngi. Ang matang galing sa pag-iyak ay napalitan ng matalim na pagtingin.

“Gag*!” inis na sambit ko. “Umalis ka na nga.”

“Ito naman hindi mabiro. Ang bilis mo namang makabawi ng mood. Kanina umiyak-iyak ka pa tapos may yakap pang bonus tapos ngayon para kang tigre na kumakain ng apoy. Ano ka ba talaga?”

“Sinabi mo nang tigre ako na kumakain ng apoy, bakit mo pa natanong? Hindi ka ba nakainom ng gamot mo?” tugon ko na puno ng pag-uuyam. “Makaalis na nga, panira kang bruho ka! Epal ka sa iniisip ko.”

Tinalikuran ko na siya, tinungo ko ang pintuan. May gagawin na akong hakbang. I need to get some information about the Sabio family in my father’s study room. Alam kong may mga impormasyon siyang tinatago.

Wala pa siya sa bahay kaya pagkakataon ko na ito.

“Where are you going?” narinig kong tanong ni Amir ng buksan ko ang pinto nga k’warto ko.

“Assassination time. Why? Gusto mo bang ikaw ang unahin ko?”

* * *

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status