Share

Chapter 1: Request Granted

Chapter 1

Request Granted

* * *

Gracious Grace Moncatar

I ACCOMPLISHED my two missions just in one day. Great achievement, right?

Isang misyon ko ay kitilin ang buhay ng isang rapist na tumakas sa kulungan. May nabiktima kasi ito nang makalabas siya sa kulungan. Pagkatapos niyang lapastangin ang biktima, walang awa niyang pinatay. Napakawalang-hiya. Ang tatay ng biktima ang nag-utos na patayin ito, siya mismo ang nagbigay ng hustisya para sa anak sa pamamagitan ng nabuo naming organisasyon.

Ikalawa kong misyon ay i-assassinate ang isang lider ng sindikato na nangunguha ng mga bata na ginawa niyang katuwang sa illegal na negosyo-–droga. Hindi ko alam kung sino ang nagrequest nito pero alam iyon ng lider ng organisasyon at ‘yong tagatanggap ng request.

Yes, I am an assassin. I killed people but it’s an order and purpose.

Assassins didn’t kill for no reason either. May mga malalim na rason kung bakit kumitil ng buhay ang mga assassin. Hindi dahil sa pera o yaman… dahil iyon sa hustisya na hindi nila nakamit sa gobyerno.

Taas-noo akong lumakad papunta sa opisina ng lider ng Black Eagle Organization. Ang makasalubong ko ay ngumiti lang sa akin at may paghanga ang kanilang mga mata. Tinanguan ko lang sila. I never smile back. Hindi ako mahilig ngumiti sa ibang tao. Sorry for that.

Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto. Hindi ko na hinintay ang salitang “come in,” dahil pinihit ko agad ang doorknob.

“I’m done with my mission, sir. Can I have a break? I want a vacation. Can you allow me?” sunod-sunod na tanong ko nang makapasok ako sa opisina ng lider ng Black Eagle Organization. Tapos ko na ang aking misyon kaya may gana na akong mangulit sa lider ng organisasyon. I did well anyway.

The old man faced me and chuckled, once you heard his chuckle it meant, yes. I grinned when I saw the reaction of the man in front of me.

“Do I have a choice, mi amor?” he still smiling at me. Ngiting sa akin lang ipinapakita.

“Thank you!” I hugged him because of excitement. I’m acting like a kid right now. Na para bang tuwang-tuwa ako na pinayagang maglaro sa labas kasama ang mga kaibigan.

I’m so excited, of course. Ikaw ba naman payagan magbakasyon? Tapos sagot niya lahat ng expenses mo, ‘di ba matuwa ka rin? Sino bang hindi ma-excite?

“One week vacation only, Ace,” the old man reminded me which made my excitement fade. I rolled my eyes because it was too short. Gusto ko iyong matagal sana.

Arghhh! Napakadamot naman magbigay ng mahabang bakasyon, sa loob-loob ko.

Napanguso akong kumalas sa pagkakayap sa kanya. Ito ang paraan ko sa pagreklamo, ang sumimangot sa harapan niya. Tinawanan lang niya lang ako sa inakto ko. Ang tawa niya ay nagbigay iyon ng saya sa puso ko. Kahit papaano napasaya ko siya at masaya akong makita ko siyang masaya. Nabubuhayan ang loob ko upang mabuhay pa ng matagal. Dahil siya na lang ang natira sa akin at hindi ko kakayanin kung mawala pa ito sa buhay ko.

“One month...please!” I pleaded, still frowning. Napangiting umiling-iling ito sa akin.

“No. One week only. Clear?” He held my chin and slightly pinched it passionately. He also gave me a quick kiss on my right cheek.

Dinaan lang ako sa lambing. Ang damot talaga. Kainis.

“Dad, naman... parang tinuring mo akong bata. Haller! Nasa line-of-two na ang edad ko,” medyo naiinis na ako. Ayaw pumayag, eh. “Minsan nga lang ako nagbabakasyon tapos isang linggo lang?" pagrereklamo ko pa, hindi pa rin mawala ang pagnguso ko sa harap niya.

“What do you think you’re acting right now? You’re like a child, Ace. So stop pouting and be a woman if not… I will treat you like a child.”

I rolled my eyes again and again. “Please, Dad... don’t.”

“Dad, I want one month’s vacation. You know, I’m so tired and I need to refresh my mind. Please... Dad,” I stopped pouting but I bit my upper lip. Samang-sama pa rin ang mukha ko na nakatingin sa kanya.

Kailangan kong mag-drama sa harap niya para dagdagan nito ang pagbakasyon ko. Umaasa ako epektibo ang drama ko. Sanay kaya ito sa aktingan, siguro naman epektibo ang drama ko. My mission will fail if I’m not good in terms of acting.

My father sighed deeply. Binitiwan niya ang aking panga at napapaisip. He also crossed his arms, and after that, one of his arms lifted, tapping his cheeks slowly using his index finger.

Yes! Bibigay na siya. Malapit na... sa loob-loob ko na halos ikinatutuwa ko ng husto. Sana nga. Pagod na talaga ako sa trabaho. Mas lalo akong napapagod dahil wala pa rin akong nahagilap na balita tungkol sa pagpatay ng aking ina noon.

“Hmm... okay, but three weeks only. No more extensions.”

“Make it one month, Dad.”

“Gusto mong gawin ko na lang na isang araw, Gracious Grace?” pinandilatan niya pa ako ng mata.

Three weeks? Not bad. Okay na rin pero gusto ko talaga isang buwan.

Natatawang tinaas ko ang aking dalawang kamay sa ere. “Easy, Mr. Moncatar. Who said that I am not okay with three weeks’ vacation? I’m just suggesting baka dagdagan mo pa.”

“Gracious Gr--”

“Stop it. Stop calling me with my full name, Dad. Okay, okay, three weeks. Wala nang bawian, ha?” I cut his sentence with irritation in my voice.

Kairita kasi. Tatawagin ba naman ako sa buong pangalan ko na puro naman grasya.

“Okay, I won’t. Ace, always remember… we have a ton of requests. You know that. I won’t give you a long vacation because… I will miss you.”

Mas lalong lumapad ang ngiti ko sa sinabi ng aking ama. Hindi ko napigilan ang sarili, yumakap ulit ako sa kanya. Pinadama ko sa kanya na mahal na mahal ko siya at takot akong mawala siya sa buhay ko.

“Dad, I will miss you too… also my mom… always,” may kalungkutan ang tinig ko na sinabi ang huling salita.

I miss my mom. I miss her smile, her voice, her warm hug, and her kisses. I miss everything about her. Bakit binawi siya agad sa amin? Gusto ko pa siyang makasama hanggang sa pagtanda pero agad na binawi sa amin. Ang sakit dahil sa kaarawan ko pa nangyari ang pagkawala niya.

Naramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik at hinay-hinay na hinaplos ang aking buhok. “Same here, hija…” may kalungkutan din ang boses nito.

Napakalas agad ako ng yakap dahil malapit nang bumigay ang mata ko, maging ang aking puso ay malapit nang lamunin ng kalungkutan. Ayaw kong ipakita sa aking ama na nalulungkot ako baka maging malungkot ito at mapanghinaan ng loob.

“Hindi mo na talaga dagdagan, Dad? Sure na ba ang tatlong linggo? As in?” pagkunwari kong tanong para maitago ang totoo kong naramdaman ngayon.

“Ace. Don’t make me repeat. Okay?” nagpakawala agad ito ng malalim na hininga.

Tulad ko, mabilis niyang itinago ang kanyang totoong naramdaman. Alam kong nasaksaktan din ang aking ama kung maalala ang nangyari sa aking ina. Sino bang hindi? Kahit ako, gusto kong gumanti pero hindi ko alam kung sino ang gantihan ko.

“Okay,” maikli kong tugon.

“Good,” he tapped my both shoulders.

“One-month lang naman sana ang gusto ko, eh…” I murmured, at sabay sipa ng mahina sa paa ng mesa.

“You can't buy me with your drama, Ace. I knew you already.”

“Of course, anak mo ko, eh,” pilosopong sagot ko, panay pa rin ang pagsipa-sipa ko ng mahina sa paa ng mesa niya. Sinamaan niya ako ng tingin dahil sa sagot kong pabalang, ikangisi ko naman iyon.

“I love you, Dad,” sabay halik sa pisngi niya. “Bye, Dad!”

Hindi ko na hinintay ang sagot ng aking ama. Agad akong tumalikod, ibinulsa ko ang kaliwang kamay at itinaas ko ang kanang kamay sa ere, kumakaway habang lumakad palabas ng opisina ng aking ama.

Malaki ang ngisi ko nang tuluyan akong makalabas sa headquarters ng Black Eagle Organization. Finally, I’m free.

“Nakalabas na rin sa wakas,” nakangising anunsyo ko sa aking sarili.

Ewan ko, nawala bigla ang excitement ko nang maalala ko ang aking ina. Hindi ko pa rin matanggap ang pagkamatay niya. Hindi ko pa rin siya nabigyan ng hustisya. I gritted my teeth and clenched my fist inside my pocket. I will hunt them down. I swear to myself. I will kill them using my bare hand.

Bago ako tuluyang lumisan sa headquarters, tinanaw ko muna ang aking ama dahil lumabas ng opisina niya. Nakangiti ito sa akin, ngiting matamis na sa akin lang pinapakita. Napangiti na lang din ako.

Maging ako, dalawang tao lang ang pinapakitaan ko ng matamis na ngiti at pinapakitaan ng aking kahinaan–ang aking ama at nag-iisang kaibigan. Simula nang nawalan ako ng ina halos hindi ko na alam kung paano ngumiti at tumawa. Sa umaga ay tulala ako at sa gabi puno ng hikbi ang namayani apat na sulok ng silid ko.

I rarely eat my meal. I rarely talk. Hindi ko na alam ang gagawin. Nawala ako sa hisyo, mabuti na lang nalampasan ko. Tinanggap ko nang paunti-unti na wala na talaga ang aking ina at hindi ko na makakasama pa.

Laking pasasalamat ko na lang dahil may nakilala akong isang kaibigan. Natutunan kong muli kung paano ngumiti at tumawa. Pero hanggang sa kaibigan at sa ama ko lang pinapakita ang aking ngiting napakatamis na hindi peke.

“Our enemies are just out there. Take care, mi amor. Use your senses... always. If I call you, answer it immediately. Okay? Enjoy your vacation. Happy trip!” my father shouted.

Of course, I know it. Si Daddy talaga! Akala niya sa akin ay bata na hindi kakayanin ang sarili. Twenty-six na kaya ako, duh! I rolled my eyes.

Alam kong sobra siyang concern sa akin, pero sobra-sobra na yata iyon na araw-araw akong sinasabihan. Naburo na talaga ako sa kanyang habilin dahil paulit-ulit na lang. Hindi naman ako bingi.

I am a well-trained assassin for Pete’s sake but he didn’t trust me… always. Minsan nga ayaw niya akong bigyan ng misyon at naiinis ako kaya bangayan lagi abot ng aming usapan.

Tango at matamis na ngiti na lang ang tinugon ko sa kanya bago tuluyang umalis ng headquarters. When I departed, the door of the headquarters blended on the floor of Monca Company’s main office which is office. Walang tao ang opisina dahil ang sekretarya ko ay may sarili ring kuwarto. Tinatawagan ko lang ito kung may kailangan ako.

Ako ang batas sa kompanyang ito. Walang taong makapasok sa opisina ko na walang pahintulot galing sa akin. Even my best friend, hindi siya makapasok basta-basta sa opisina ko.

Of course, maliban sa aking ama. He can enter without my consent. Wala akong laban doon, siya ang may-ari, eh.

The floor of Monca Blade Manufacturing Company is made of cracked tiles. Kung hindi matalas ang iyong mata, hindi mo mapansin ang mga sekretong pintuan patungong B.E.O headquarters. May limang pintuan ang B.E.O headquarters, p’wedeng pasukan at labasan--sa may sahig ng V.I.P parking lot, sa sahig ng Monca Blade M.C main office, sa sahig ng V.I.P comfort room, sa sahig ng stock room, at sa sahig malapit sa fire exit. Ang mga empleyado sa kompanya ay walang alam dito. Sekreto nga ‘di ba?

Monca Blade Manufacturing Company, manufacturer of blades–swords, daggers, knives, etcetera. My father owns this big company. Ako lang namahala dahil nakapukos ang kanyang atensyon sa organisayon na binuo namin. Our company and business are legal, and already well-known worldwide. At nasa underground ng kompanya namin ang headquarters ng Black Eagle Organization. Hidden and illegal but has a lot of connections, of course.

Inayos ko muna ang sarili bago lumabas ng opisina, hindi ko na kailangang magpalit ng damit dahil sanay na ang mga tao na makita akong puro itim ang sinusuot. I have loved the ebony color since my mother died. I changed a lot too.

I sighed. Wala na akong sinayang na oras, dumiretso na ako sa parking lot. Nang nasa tapat na ako ng aking kotse ay agad akong pumasok. Pero bago ako pumasok sa loob ng sasakyan, tumingin muna ako sa surveillance camera, pa-simple akong tumango roon dahil alam kong pinanood ni Daddy ang aking pag-alis.

I let out a smile and started driving. It’s been five years since I spent my time at Black Eagle Organization. Taking risky missions, killing badass people, and helping the team to strengthen the organization. At last, I can fly away freely just like an eagle. Makapagpahinga rin ang kamay sa paghawak ng nakakamatay na bagay.

Ako ang nagpangalan sa organisasyon na binuo namin. Black Eagle has a meaning. Black means Death and Eagle means Freedom and Justice. This organization was built by my father and I am his sidekick. We built this organization after my mother got killed by assassins without justice.

Yes, my mother was killed by the assassins eight years ago. As revenge, we also built an organization for assassins. We hired and trained a lot of assassins to be skillful, brave, and merciless.

My father and I have been searching for the mastermind who killed my mother until now. We didn’t stop searching.

Our aim in this organization is to help those people who can't lawfully seek justice. So that, the organization will give justice without mercy in exchange for money. Hindi naman basta tumatanggap ng pera ang organisasyon para magpatay o papatay ng tao para magkapera lang. Inuusisa muna ang lahat bago tanggapin ng organisasyon ang hiling ng kliyente.

Bago tinatanggap ang pera o alok ng kliyente ay inaalam muna ng organisasyon ang background ng magkabilang panig. May puso ang aming organisasyon. Pinapatay lang ng mga assassins na membro ng organisasyon ang mga may masasamang balak o maitim ang budhi na walang pag-asang magbago.

I sighed. Parang pinipiga ang puso ko tuwing maalala ko ang karumal-dumal na pagpatay sa aking ina. Hatred fed me up. I want revenge. Napakawalang hiya nila. My mother doesn’t deserve those kinds of death. Walang kasalanan ang aking ina.

How cruel they are, even her body was nowhere to be found. Tanging ulo lang ng aking ina ang aming nailibing. Hindi pa rin namin nahanap ang katawan niya at hindi ko iyon matanggap.

Malaking katanungan pa rin sa akin kung nasaan ang katawan ng aking ina? Sino ang pumatay sa kanya? Anong atraso niya? Ang bait-bait ng aking ina at alagad siya ng batas… alagad sila ng aking ama ng batas noon. My father and mother are secret agents. They work in the same agency.

Nanghihina ako tuwing maalala ko iyon. My mother needs justice but the police can’t give justice. Mukhang walang pag-asang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking ina kaya ako na lang ang hahanap ng hustisya--kami ni Daddy.

I closed my eyes to calm my whole system. Napadilat agad ako nang may narinig akong malakas na busina sa labas. I’m in the middle of the road, of course, maraming sasakyan ang bubusina sa akin pero ang h*******k na katabi kong sasakyan ay hindi tumigil sa kakabusina sa akin. Halatang ako pinupuntarya ng busina niya.

Inis kong binaba ang bintana at lumingon sa kasabay na sasakyan. Akmang sigawan ko ang katabing sasakyan pero napatigil ako dahil matamis na ngiti ang bumungad sa akin. It was my best friend, Amirphel Alpheus Alcazar, mas kilalang “Triple-A” sa organisasyon ng Black Eagle. He’s a skillful assassin too. He’s a skillful sniper of B.E.O.

He also lost his parents when he was twelve years old, died in a plane crash. His family's relatives cast him out of the picture. Sa orphanage siya dinala ng kanyang relatives pero tumakas siya. Ang aking magulang ang tumulong sa kanya dahil palaboy na ito sa kalye at nag-aruga sa kanya ng patago. Tinago ito sa underground ng Monca Company na kung saan ay headquarter na ng Black Eagle Organization ngayon.

Hindi ako makapaniwala sa una. Hindi ko kasi alam ito, walang may sinabi ang aking magulang tungkol sa kanya. Kaya siguro palagi silang late umuwi sa bahay noon. Nalaman ko lang nito nang namatay ang aking ina dahil pinakilala ito ni Daddy sa akin at ito ang naging matalik kong kaibigan. Kaagapay ko sa mga problema, maging sa kalungkutan man o kasiyahan.

Napukaw ang atensyon ko nang tumawag si Amir sa cellphone ko. Tinanggal ko muna ang earpiece sa aking tainga at pinalitan ng earphone bago sinagot ang tawag niya. Mabuti naman alam niya na ang gagawin kung may kanya-kanya kaming sasakyan. Ganito na ginawa namin palagi. Nag-uusap habang nag-da-drive. Nakasanayan na namin.

“Hey, your father told me that you have a three weeks’ vacation,” wika ng nasa kabilang linya.

“Yes, why?” I asked him and gave a single glance through the window of my car.

“Nothing. You know, I have a vacation too.”

“When?”

“Now, of course.”

“Are you done with your mission?

Misyon kasi nitong i-assassinate ang pinuno ng drug dealer na nagtago sa bansang China utos ng isang Presidente. Nag-alias pa iyon na Chinese raw siya para makapasok sa bansang China. Pinuntahan niya talaga iyon sa China para patayin. Tatlong buwan siyang namalagi sa China.

Nagtagumpay naman siguro ito sa misyon niya. Si Amir pa ba! Sisiw lang 'yon sa kanya. Pero hindi ko alam na nakauwi na pala ito sa Pilipinas.

“Nandito ba ako sa’yo kung hindi ko tapos ang misyon ko? Done, of course!”

Hay, naku! Pilosopo talaga!

I laughed. “So, pinayagan kang magbakasyon ni Sir?” referring to my father. Basta misyon ang pag-uusapan, pinaliban ko ang aming personal na koneksyon ng ama.

“S’yempre, malakas yata ito kay Sir.” Kumindat pa siya sabay ngisi na ikinaikot ko ng mata.

Hindi pa rin nagbabago. Palikero pa rin.

“Whatever! I’m dropping the call. Bye, Triple-A,” I tapped the end call button. I grin when I turn my gaze to him. Tumawa lang siya sa inakto ko.

I stepped on the accelerator to make my car faster. Narinig ko pang sumigaw siya nang naunahan ko ito. Nakita kong bumilis din ang pagpatakbo niya kaya mas binilisan ko rin at mukhang mauwi naman sa karerahan ang aming byahe. ‘Buti na lang wala nang masyadong sasakyan nang makalampas kami sa malaking siyudad. We enjoyed it anyway. Sanay na kami sa ganitong set-up.

Ngiting tagumpay na bumaba ako ng kotse dahil ako ang naunang dumating sa condominium na inakupahan naming dalawa. Nang bumaba si Amir sa kanyang sasakyan ay agad ko siyang sinalubong ng mainit na yakap.

“You look good,” I whispered with a smile written on my face. Na-miss ko talaga ang isang ito. Matagal na rin na hindi kami nakapag-bonding dalawa dahil pareho kaming busy sa trabaho. Daming kliyente sa organisasyon.

“You look great too,” he chuckled, tinugon din ang yakap ko.

I cut our hugs when I saw his car. Ngayon ko lang naaninagan ng maayos ang sasakyang niya. Bago ito sa paningin ko. Kulay abo ang sasakyan at sobrang kintab.

Wow. Brand new car, again? Tumaas ang kilay ko na lumapit sa bagong sasakyan.

“Wow! Shining, shimmering, splendid... Porsche Panamera. You bought a new car, again? Last month you bought a Porsche 918 Spyder. Grabe! Sana all maraming pera,” mangha wika ko sabay palo ng malakas sa hood ng sasakyan. Inulit-ulit ko pa ang pagpalo, palakas nang palakas.

I just tested if the car is original or not by beating hard using my bare hand. Hindi ko ininda ang sakit sa aking palad.

“Easy. Kung mayupi mo iyan hindi pera ang ipapabayad ko. Sige ka.”

“Of course, mayaman ka na, eh. Anhin mo pa ang pera? Oh. What kind of payment do you want if I broke your car?”

“Ikaw.”

“I’m not for sale.” I laughed, hinimas-himas ko na lang ang hood ng sasakyan dahil baka mayupi nga kung hampasin ko ito ulit.

“Yeah, you’re not but you’re the payment.”

“Whatever!” nasa sasakyan niya pa rin ang atensyon ko.

Hindi talaga ako makapaniwala na bumili naman ulit ito ng bagong sasakyan. Ano pa ba ang aasahan ko sa multi-millionaire na lalaking ito? At adik sa mga sasakyan. Nabawi na kasi nito ang kompanya ng kanyang mga magulang sa mga kapamilya niya at napalago niya ito sa loob ng limang taon sa tulong na rin ng aking ama. He owned the Electro--Alcazar Company, an electronic devices business.

Natawa naman siyang lumapit sa p’westo ko. Hinimas-himas din nito ang sariling sasakyan.

“Gusto mo? You can have it,” he offered.

Namilog ang mga mata ko na tumitig sa kanyang mukha. “Really? Seryoso ka? Weeh?”

Napatakip pa ako sa aking bibig nang dahan-dahan siyang tumango. Hindi lang talaga ako makapaniwala na agad-agad itong ibigay sa akin.

“Woah. Thank you! I’m overwhelmed but, I can’t accept it. You know my father very well. He won’t allow it, Amir.”

Tumango-tango lang sa kanya siya sa akin. “Yeah, he doesn’t want to spoil you but it’s my birthday gift for you. I guess Tito Gerard will accept it too. Hindi kasi ako naka-attend noong kaarawan mo. Remember our deal?"

“Yeah, of course. But still, I can’t accept it... that was a very huge amount of gift. Thank you, okay?”

Deal kasi namin na kung sino man sa amin ang hindi nakadalo sa kaarawan ng isa’t-isa–siya ay magbigay ng kahit anong regalo, twice or thrice a year. Well, first time nitong hindi nakadalo sa kaarawan ko dahil binigyan siya ng misyon ni Sir.

“Huge or small doesn’t matter, Ace. Gift ko iyon, eh. Tanggapin mo na kaya.”

“It’s still a no. Pass ka sa time na iyon dahil binigyan ka ng misyon ni Sir, okay?”

“Okay... ibigay ko na lang ito kay Tito Gerard kung ayaw mo. I know you will use it soon.”

I rolled my eyes, persistent as always. “Whatever! It’s up to you.”

“Ayaw mo talagang tanggapin ang Porsche Panamera na regalo ko?”

Umiling-iling ako. Sumimangot naman siya sa aking sagot. Natawa na lang ako sa reaksyon niya.

Amir, thank you for being my best friend kung hindi dahil sa iyo, hindi ako makangiti. Ginawa mo ang lahat-lahat noon at nagtagumpay ka.

* * *

WE’RE BOTH lying on the cold floor at the rooftop of our condominium, looking at the same sky with admiration in our eyes. We didn’t mind the cold breeze because our laughter filled the entire area.

“By the way, how is your mission with a Chinese drug dealer? Smooth or rough?”

Tumagilid ako para bigyan siya ng tingin. Magkalayo kasi ang agwat namin dahil hindi magkapareho ang gusto naming p’westuhan. Gusto ko kasi ay malapit sa railings na nasa gilid, ang gusto niya naman ay sa gitna raw para sentro ang tingin sa kalangitan. Hindi magkapareho ang utak namin, madalas nga kaming nagbabangayan. Wala rin namang magpapatalo sa aming dalawa.

Wala siyang magawa kundi lumapit sa akin. Bumangon siya, lumapit sa pwesto ko at umupo sa aking tabi.

“Smooth or rough? You silly creature,” he laughed, stretching his arms and pinched my cheeks.

This is what I hate, pinching my cheeks. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi ito tumigil.

“Ano naman bang iniisip mo sa smooth at rough, ha? You're sillier.” Inis kong kinuha ang kamay niya sa aking pisngi pero hindi pa rin nagpaawat.

Ang sakit na ng pisngi ko. ‘Lokong ‘to!

“Amir! Stop pinching me. Just answer my question!” I gave him a sharp glare. Natatawang nilakasan pa niya ang pagpisil sa aking mukha.

“O-Ouch, Amir! Stop it!” reklamo ko. Samang-sama pa rin ang tingin ko sa kanya. Para na kasing nasira na ang mukha ko sa pagpisil-pisil niya.

“I love you, Gracious Grace.” He stopped pinching my cheeks and let out a laugh. Tawang pang-aasar. “Ang cute mo talaga, Ace. P’wede na bang ligawan kita?”

“Here we go again.” Itinulak ko siya palayo. Tinaasan ko siya ng kilay. Kinuyom din ang aking kamay at pinakita sa kanya. He just chuckled when he saw it. Lumayo na rin siya ng kaunti sa akin.

“Just kidding! Silly.” Binaba niya ang kamao ko. “Huwag kasi natin pag-usapan ang tungkol sa misyon ko. We are here to enjoy our night together. Let’s say a friendship date.”

“Okay... then, stop joking me around about courting me, you know, it’s gross.” Napangiwi ako na parang nandidiri sa kanya.

“Aba, makadiri ito. Where’s my I love you too?” he asked, pouting his lips like a butt of a chicken.

“Nasa Daddy ko, kunin mo,” natatawang biro ko.

He’s a damn player. Marami nang pinaiyak na babae at ako na lang ang naawa sa mga pinaiyak nito. His sweet charming words made the girls crazy for him. Minsan ako pa ang ginawa nitong panakip butas para makipag-break ito sa kanyang nakarelasyon. Sinabay-sabay, eh. Ewan ko na lang kung kailan ang karma nito.

Mahilig itong magbiro sa akin tungkol sa panliligaw kaya nakasanayan ko na pero minsan nandidiri ako. Pakitaan ko lang 'yan ng kamao, titigil na ‘yon sa kakabiro tungkol sa panliligaw kuno. He is an ideal man type actually but I love him as a friend and a brother.

“Sige, bukas kukunin ko kay Tito Gerard,” natatawang tugon niya.

“Alam mo, hindi lahat ng ‘I love you’ ay may katumbas na ‘I love you too’… minsan ‘thank you’ lang ang katumbas niyan.”

“You didn’t reply thank you, Ace. You rejected me a hundred times,” pag-da-drama niya sa harap ko.

“One hundred seventy to be exact,” pagtatama ko na ikinalukot ng mukha niya.

“Ouch. You’re heartless. You broke my heart again, Ace…” pagmamaktol niya na para bang luging-lugi ang mukha.

Hindi ko siya pinansin. Bumangon na lang ako at nagsalin ng alak sa baso naming dalawa. Nakangiting inabot ko ang isang baso ng alak sa kanya. Tinanggap niya naman iyon at walang pasabing nilaklak. Pinasadahan ko siya ng tingin dahil sa kanyang ginawa.

Kailan kaya tumino ang isang ‘to sa isang babae? Kailan kaya ang karma niya? Who is your karma, Amir? I can’t wait, na makita kang umiyak dahil sa babae.

“What’s with that weird look, Ace? Don’t tell me, you’re in love with my handsome face?”

“Yucks! Dream on. I’m just wondering... kung kailan ang karma mo? Sino kaya ang babaeng magpapatibok ng puso mo?”

Napahalakhak siya sa tanong ko. Nagsalin muna siya ng alak sa baso bago sumagot.

“You...” still laughing in front of me.

Me? Nang-aasar ba ito sa akin?

“You… you’re unpredictable. Why did you ask? Nag-expect ka ba na ikaw ang babaeng ‘yon?”

“Gag*! Napaka-feelingero mo talaga. Ew.” Pinandilatan ko siya ng mata at malakas na hinampas ang balikat. Napa-aray naman ito pero ang tawa niyang pang-aasar ay hindi kumupas.

Tumikhim siya bago lumagok ng alak. Bilang sumeryoso ang kanyang mukha na tumingin sa akin pagkatapos uminom ng alak. Kumunot naman ang noo ko dahil bigla itong ngumiti ng peke at umiwas ng tingin. Halatang may tinatagong sekreto.

Ano kaya iyon?

“Noon pa lang kinarma na ako… at hanggang ngayon, kinarma pa rin.” Tumayo siyang lumapit sa railings at tumingin sa malayo.

Mas lalong kumunot ang noo ko sa inakto ni Amir. Halata sa boses nito ang lungkot nang sabihin ang mga kataga. Alam ko hindi pa rin ito naka-move on sa kanyang kabataan. Baka iyon ang tinutukoy niyang karma.

“I’m sorry, nag-iba tuloy ang modo mo,” mahinang paumanhin ko. Nakonsensya kasi ako dahil baka ako ang dahilan nang pag-iba ng modo niya.

He faced me with a serious expression written on his face.

“No, it’s okay. Actually… my heart already captured a woman. But the woman doesn’t know that I love her...” he paused and sighed deeply, binalik ang tingin sa malayo. Nakita ko ang kurba sa labi nito.

Masaya na, ewan? Mongoloid ba ito?

Ang playboy na ito may napupusuan din pala, akala ko wala. Napangiti ako ng palihim. May karma ka rin pala.

“...and I won’t risk letting her know,” he added.

“Bakit hindi mo ipaalam?” pag-iintriga ko, sabay lapit sa p’westo niya. Isinandal ko ang aking likod sa railings ng rooftop, nakatuon lang ang atensyon ko sa kanya sa susunod niyang sasabihin.

“Because the woman I love is my--”

Hindi nito natuloy ang kanyang salita dahil may tumawag sa kanya.

“Wait! I’ll answer this call.” Kinuha agad nito ang cellphone sa kanyang bulsa. Napalunok ito nang makita niya ang tumawag.

“Who’s that?” I asked, I’m just curious.

Wala naman masamang magtanong ‘di ba?

“J-just a c-client of my company. I will take this call privately. Is that okay?”

“Sure, no problem. Just take your time,” sabay tango sa kanya.

“T-thanks!”

Nagmamadali siyang lumayo sa akin. Halatang natataranta siyang lumalakad palayo. Parang sekreto ang pag-uusapan nila. Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa makalayo siya sa p’westo ko.

Sino kaya ang tumawag sa kanya? Bakit gano’n na lang ang reaksyon niya? Kliyente nga ba? tanong ko sa sarili.

Whatever! Gusto ko lang malaman kung sino ang napusuan ng best friend ko, epal ang tumawag. Tch.

* * *

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status