Share

Chapter Twenty-Eight: Ang Reyna Elena

Lumipas ang ilang buwan.

Nagmemeryenda si Raleigh kasama ang Tiya Carmen at ang pinsan na si Arcadio nang bigla silang makarinig ng boses mula sa labas ng bahay nila.

Tumayo si Tiya Carmen at dumungaw sa bintana upang tignan kung sino ang nasa labas. Lumiwanag ang mukha nito nang makilala ang mga bisita nila.

"Kapitan! Ano po ang pakay ninyo? Halikayo at pumasok kayo sa aming bahay!" ang magalang na bati ni Tiya Carmen sa kapitan ng kanilang barangay.

Nagtatakang nagkatinginan sina Raleigh at Arcadio. Agad silang sumunod kay Tiya Carmen upang salubungin ang kapitan.

Makalipas ang ilang minuto nag-uusap silang lahat sa salas.

"Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo, Kapitan?" ang tanong ni Tiya Carmen.

"Nalalapit na ang piyesta ng barangay Buhay na Tubig, at nakaugalian na natin na pumili ng mga tao para sa taunang Santacruzan. Pipili tayo ng mga babae at lalaki na kabataan para makiparada sa Santacruzan." ang anunsiyo ni Kapitan.

"Mawalang-galang lamang po, Kapitan. Kaya po b
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status