LOGINAng Bulong ng mga SalaminALEXANDER’S POVNakaabang ang aking blaster, ngunit ang asul na enerhiya sa dulo ng kanyon nito ay unti-unti nang humihina hanggang sa tuluyang namatay. Itinapat ko ang aking detector sa naglalakihang pader na kristal na humarang sa aming likuran.WARNING: ENERGY DRAIN ACTIVE.RESOURCE CONVERSION: 100% ABSORBED BY THE ENVIRONMENT."Walang silbi ang mga high-tech na armas dito," mahina kong mura, sabay balik ng blaster sa holster. Kinukuha ng lungsod na ito ang anumang enerhiyang pinapakawalan ng gamit namin at ginagamit ito upang mas palakasin pa ang mga pader na nakapaligid sa amin na siyang nagbibigay ng matinding proteksyon sa paligid. Napatingin ako sa mga estatwang salamin na dahan-dahang humahakbang patungo sa direksyon kung saan kami nakatayo. Hinigpitan ko ang hawak sa aking sinturon, naghahanda sa pisikal na pakikipagtuos kahit marami akong pera at mga bodyguard. Marunong akong lumaban. Subalit habang pinagmamasdan ko ang kanilang mabagal at mekani
Ang Mga Mata sa SalaminALEXANDER’S POVTok... Tok... Tok...Ang tunog ng mga yabag ang bumabasag sa nagyeyelong katahimikan ng lungsod. Agad kong hinugot ang aking blaster mula sa holster. Ang aking daliri ay nakaposisyon na sa gatilyo.Sa isang mabilis at kalkuladong galaw, hinila ko si Basti patungo sa gitna namin ni Celestia, gamit ang aming mga katawan bilang depensa para sa inosente naming anak. Muling naghari ang katahimikan sa buong paligid, para bang nakikiramdam din. Walang tao sa madilim na eskinita. Walang anino.Sa pag-ikot ng aking mga mata, napadako ang aking paningin sa naglalakihang mga salaming bintana sa mga gusali sa aming paligid. Naramdaman ko ang mabilis na pagtaas ng adrenaline sa aking dugo, na ba alam ng mga ito ang nagbabadyang panganib. May kung ano'ng kakaiba sa mga repleksyon.Hindi normal ang mga nakikita ko sa mga repleksyon ng salamin. Sa unang bintana sa aming kaliwa, kung saan kaming tatlo—isang totoong repleksyon ang ipinapakita nito—ang aming pos
Ang Lungsod na Walang Katao-taoALEXANDER’S POVSa pagdating namin sa Mirror City, ang lugar kung saan puro salamin ang paligid, ang upuan, ang building, ang mga bahay, lahat ay para bang sinadya para ipagawa gamit ang mga salamin. Agad kong naramdaman ang isang nakakakabang atmospera. Hindi lang basta tahimik ang paligid.Ang paligid ay puno ng mabigat at negatibong enerhiya. Maging ang hangin ay tila ba natatakot na gumalaw. Wala kaming maramdamang kahit katiting na simoy ng hangin. Tumingin ako sa mga puno sa paligid; hindi gumagalaw ang mga dahon ng mga ito, kahit ang mga tuyong damo sa sahig ay tila nakapako sa kanilang kinalalagyan.Sa hindi kalayuan, may isang fountain, ngunit ang tubig na tumatalsik mula rito ay tila natuyo o nanigas sa ere. Tumingin ako sa isang napakalaking orasan sa gitna ng plaza.Nakaturo ang mga kamay nito sa alas-dose, pero hindi rin gumagalaw ang pendulum.Inilabas ko ang aking Quantum Scanner upang basahin ang energy particles sa paligid. Lumabas an
Ang Pintuang Walang SusiALEXANDER’S POV Nakatayo kami ngayon nang matagal sa harap ng isang malaking pintuan. Walang sinuman sa amin ang nagsimulang magsalita.Ang katahimikan ng lugar ay tila mas mabigat pa kaysa sa batong bumubuo rito, na para bang sinisipsip nito ang lahat ng tunog sa buong paligid. Inilabas ko ang aking Quantum Scanner at dahan-dahang ini-scan ang buong kapaligiran. Lumipas ang ilang segundo at lumabas ang resulta sa holographic screen.'ANALYSIS: UNKNOWN MATERIAL'Wala itong metal. Walang concrete. Walang energy core. Walang mga gear, lever, o kahit anong mekanismong maaaring magbukas sa napakalaking harang na ito. Parang hindi ito ginawa ng tao—para bang ang pinto mismo ay isang natural na bahagi ng bundok na nagkataong nagkaroon ng hugis. Napakunot-noo ako; naiinis ako; nakaramdam ako ng pagkayamot dahil kahit ang aking makabagong siyensya ay walang madetect na kahit ano. "Imposible…" bulong ko. Habang abala kami sa pag-aanalisa ng paligid, tahim
ANG NAKATAGONG LUGARALEXANDER’S POVMabilis at swabe ang takbo ng aming armored tactical vehicle habang binabaybay ang masukal at paakyat na daan patungo sa kabundukan na aming pupuntahan. Sa aking tabi, aktibong naka-mount ang Quantum Scanner na direktang nakatutok sa maliit na pilak na shard na hawak ni Basti sa likod."Sir, tuluyan nang nawala ang standard GPS satellite connection," ulat ni Mark sa pamamagitan ng comms link mula sa Vance Tower base. Pinaiwan ko siya para may magmomonitor at magkaroon pa rin ako ng access sa mga signal. "Naka-blind flight na kayo gamit ang internal inertial navigation.""Inaasahan ko na 'yan, Mark," sagot ko habang pinapanatili ang focus sa manibela.Tiningnan ko ang holographic matrix sa dashboard. Habang papasok kami sa lalong masukal na bahagi ng kabundukan, unti-unti nang nawawala ang lahat ng normal na signal ng mundo. Ngunit ang frequency ng hawak naming shard ay kabaligtaran ng ginagawa—lumalakas at nagiging mas stable ito. Ang electromagne
Ang Mapa ng SalaminALEXANDER’S POVMaganda ang pagpasok ng sikat ng araw sa loob ng penthouse ng Vance Tower, ngunit ang atmospera sa hapag-kainan ay hindi tulad ng dati. Karaniwan ay masigla at maingay ang umaga kasama si Basti, subalit ngayon ay kapansin-pansin ang kaniyang katahimikan. Tahimik niyang inilalagay ang kaniyang kubyertos habang ang kaniyang kaliwang kamay ay nakalagay sa bulsa—mahigpit na hawak ang pilak na shard mula kagabi."Basti, anak, kain na ng almusal," malambot na yaya ni Celestia, sabay inilapag ang platito ng prutas sa tapat ng aming anak. "Hayaan mo muna ang shard sa tabi; kailangan mong kumain para magkaroon ng lakas."Tumingin sa amin si Basti at dahan-dahang tumango, pilit na nagpapakita ng isang maliit na ngiti upang hindi kami mag-alala. Hinaplos ko ang kaniyang likod. Sa kabila ng mga misteryong bumabalot sa amin, sinisikap naming maging normal ang takbo ng kaniyang araw bilang isang limang taong gulang na bata. Walang anino o mahiwagang salamin ang p
(Unang gabi sa Penthouse at ang Halik sa dilim)ALEXANDER'S POV"Dito kayo matutulog ng anak mo. Huwag kayong hahawak ng kahit anong gamit na hindi sa inyo," malamig kong paalala sa kaniya habang binubuksan ko ang pinto ng master's bedroom ng penthouse ko rito sa BGC.Gabi na nang makalipat sila. K
(Ang Kontrata at Ang lihim na pagnanasa)ALEXANDER'S POV"Sir Alexander, lumabas na po ang resulta ng mabilisang DNA test..."Hawak ko ang papel na iniabot ng aking sekretarya. Ang mga numero ay malinaw pa sa sikat ng araw—99.9% biological match. Ang asungot at makulit na batang ito na kasalukuyang
(Ang Pink na Pildoras at Alchemist's Trap)ALEXANDER'S POV"Anong tinitingin-tingin mo riyan? Magsalita ka, babae," mariin kong untag sa kaniya.Nakatayo lang siya sa harap ng lamesa ko. Mukhang tarantang ewan at pabalik-balik ang tingin sa akin at sa bata. Pero bago pa siya makasagot, biglang kumi
(Ang Pagtatagpo ng aming mga mata)ALEXANDER'S POV"Shit. Alisin niyo ang batang ito sa binti ko," malamig at mariin kong utos sa aking mga bodyguard.Masakit ang ulo ko dahil sa tatlong oras na walang kwentang meeting sa mga board members ng kumpanya. Gusto ko na lang sanang pumasok sa aking priva







