ログインAng Lungsod na Walang Katao-taoALEXANDER’S POVSa pagdating namin sa Mirror City, ang lugar kung saan puro salamin ang paligid, ang upuan, ang building, ang mga bahay, lahat ay para bang sinadya para ipagawa gamit ang mga salamin. Agad kong naramdaman ang isang nakakakabang atmospera. Hindi lang basta tahimik ang paligid.Ang paligid ay puno ng mabigat at negatibong enerhiya. Maging ang hangin ay tila ba natatakot na gumalaw. Wala kaming maramdamang kahit katiting na simoy ng hangin. Tumingin ako sa mga puno sa paligid; hindi gumagalaw ang mga dahon ng mga ito, kahit ang mga tuyong damo sa sahig ay tila nakapako sa kanilang kinalalagyan.Sa hindi kalayuan, may isang fountain, ngunit ang tubig na tumatalsik mula rito ay tila natuyo o nanigas sa ere. Tumingin ako sa isang napakalaking orasan sa gitna ng plaza.Nakaturo ang mga kamay nito sa alas-dose, pero hindi rin gumagalaw ang pendulum.Inilabas ko ang aking Quantum Scanner upang basahin ang energy particles sa paligid. Lumabas an
Ang Pintuang Walang SusiALEXANDER’S POV Nakatayo kami ngayon nang matagal sa harap ng isang malaking pintuan. Walang sinuman sa amin ang nagsimulang magsalita.Ang katahimikan ng lugar ay tila mas mabigat pa kaysa sa batong bumubuo rito, na para bang sinisipsip nito ang lahat ng tunog sa buong paligid. Inilabas ko ang aking Quantum Scanner at dahan-dahang ini-scan ang buong kapaligiran. Lumipas ang ilang segundo at lumabas ang resulta sa holographic screen.'ANALYSIS: UNKNOWN MATERIAL'Wala itong metal. Walang concrete. Walang energy core. Walang mga gear, lever, o kahit anong mekanismong maaaring magbukas sa napakalaking harang na ito. Parang hindi ito ginawa ng tao—para bang ang pinto mismo ay isang natural na bahagi ng bundok na nagkataong nagkaroon ng hugis. Napakunot-noo ako; naiinis ako; nakaramdam ako ng pagkayamot dahil kahit ang aking makabagong siyensya ay walang madetect na kahit ano. "Imposible…" bulong ko. Habang abala kami sa pag-aanalisa ng paligid, tahim
ANG NAKATAGONG LUGARALEXANDER’S POVMabilis at swabe ang takbo ng aming armored tactical vehicle habang binabaybay ang masukal at paakyat na daan patungo sa kabundukan na aming pupuntahan. Sa aking tabi, aktibong naka-mount ang Quantum Scanner na direktang nakatutok sa maliit na pilak na shard na hawak ni Basti sa likod."Sir, tuluyan nang nawala ang standard GPS satellite connection," ulat ni Mark sa pamamagitan ng comms link mula sa Vance Tower base. Pinaiwan ko siya para may magmomonitor at magkaroon pa rin ako ng access sa mga signal. "Naka-blind flight na kayo gamit ang internal inertial navigation.""Inaasahan ko na 'yan, Mark," sagot ko habang pinapanatili ang focus sa manibela.Tiningnan ko ang holographic matrix sa dashboard. Habang papasok kami sa lalong masukal na bahagi ng kabundukan, unti-unti nang nawawala ang lahat ng normal na signal ng mundo. Ngunit ang frequency ng hawak naming shard ay kabaligtaran ng ginagawa—lumalakas at nagiging mas stable ito. Ang electromagne
Ang Mapa ng SalaminALEXANDER’S POVMaganda ang pagpasok ng sikat ng araw sa loob ng penthouse ng Vance Tower, ngunit ang atmospera sa hapag-kainan ay hindi tulad ng dati. Karaniwan ay masigla at maingay ang umaga kasama si Basti, subalit ngayon ay kapansin-pansin ang kaniyang katahimikan. Tahimik niyang inilalagay ang kaniyang kubyertos habang ang kaniyang kaliwang kamay ay nakalagay sa bulsa—mahigpit na hawak ang pilak na shard mula kagabi."Basti, anak, kain na ng almusal," malambot na yaya ni Celestia, sabay inilapag ang platito ng prutas sa tapat ng aming anak. "Hayaan mo muna ang shard sa tabi; kailangan mong kumain para magkaroon ng lakas."Tumingin sa amin si Basti at dahan-dahang tumango, pilit na nagpapakita ng isang maliit na ngiti upang hindi kami mag-alala. Hinaplos ko ang kaniyang likod. Sa kabila ng mga misteryong bumabalot sa amin, sinisikap naming maging normal ang takbo ng kaniyang araw bilang isang limang taong gulang na bata. Walang anino o mahiwagang salamin ang p
Ang Unang Pag-uusapALEXANDER’S POV"Sir, naka-online na ang lahat ng audio transceivers at sub-frequency channels," mabilis na ulat ni Mark, habang ang kaniyang mga mata ay hindi umaalis sa monitor kung saan malinaw na nagpapakita ang mukha ng bata.Humarap ako sa mikropono ng control desk at pinagana ang intercom patungo sa loob ng containment chamber. "Naririnig mo ba ako? Maaari mo ba kaming kausapin?"Walang sagot. Sinubukan kong baguhin ang frequency patungo sa ultrasonic, electromagnetic, at kahit sa mga pinakasensitibong radio waves na ginagamit sa deep-space communication. Subalit ang bata sa loob ng salamin ay nanatiling nakatitig lang sa amin, walang emosyon at halatang walang naririnig na kahit anong tunog mula sa totoong mundo.Nabitawan ko ang mikropono at napahawak sa aking baba. "Hindi tunog ang kailangan… hindi ito…gagana sa standard acoustics."NApatingin ang aking paningin kay Basti na nakatayo sa tabi ni Celestia. "Basti, kailangan natin ang Mind Link mo. Ikaw lang
Ang Unang BakasALEXANDER’S POV"Mark, i-freeze mo ang lahat ng visual matrix sa eksaktong microsecond bago namatay ang hologram," mariin kong utos habang nakatitig sa screen ng Quantum Deep-Core Analyzer.Mabilis na pinindot ni Mark ang keyboard. Pagkatapos ng ilang sandali ng pag-render, lumitaw muli sa holographic display ang imahe ng kumikinang na pilak na mga mata. Ngunit sa pagkakataong ito, nang i-maximize ko ang resolution at alisin ang light distortion, may napansin kaming bago. Sa paligid ng mga pilak na mata, may mga maliliit na linya at kakaibang simbolo na sandaling nag-flash bago ito tuluyang naglaho."Sir… hindi ito pamilyar na geographic coordinates. Walang GPS markers o standard grid alignment," ulat ni Mark habang kumakamot sa kaniyang batok. "Parang... mga geometric equations na pinaghalong sining at numero."Napakunot-noo ako habang sinusuri ang bawat anggulo. Hindi ito basta kalkulasyon ng makabagong siyensya. Ito ay parang isang lumang alchemical code na ginamita
(Ang halik na di makalimutan at ang Isip na maingay)ALEXANDER’S POV"Sir, kape ninyo," marahang bati ng aking chef habang ibinababa ang isang tasa ng bagong timplang espresso sa harap ko. Nakatitig lang ako sa kawalan habang hawak ang aking gintong tinidor. Hindi ko nagawang matulog nang maayos k
(Unang gabi sa Penthouse at ang Halik sa dilim)ALEXANDER'S POV"Dito kayo matutulog ng anak mo. Huwag kayong hahawak ng kahit anong gamit na hindi sa inyo," malamig kong paalala sa kaniya habang binubuksan ko ang pinto ng master's bedroom ng penthouse ko rito sa BGC.Gabi na nang makalipat sila. K
(Ang Kontrata at Ang lihim na pagnanasa)ALEXANDER'S POV"Sir Alexander, lumabas na po ang resulta ng mabilisang DNA test..."Hawak ko ang papel na iniabot ng aking sekretarya. Ang mga numero ay malinaw pa sa sikat ng araw—99.9% biological match. Ang asungot at makulit na batang ito na kasalukuyang
(Ang Pink na Pildoras at Alchemist's Trap)ALEXANDER'S POV"Anong tinitingin-tingin mo riyan? Magsalita ka, babae," mariin kong untag sa kaniya.Nakatayo lang siya sa harap ng lamesa ko. Mukhang tarantang ewan at pabalik-balik ang tingin sa akin at sa bata. Pero bago pa siya makasagot, biglang kumi







