Masuk(Ang Banal na Binhi at ang tip na five hundred Part 2)
CELESTIA'S POV
(Ang Banal na Binhi at ang tip na five hundred Part 2)
CELESTIA'S POV
Nang matapos ang bagyo ng aming pagnanasa at bumalik na sa normal ang balanse ng aking mahika, dahan-dahan kong inalis ang kaniyang mabigat na braso na nakapulupot pa rin sa aking baywang. Hapo ang aking buong katawan, ngunit ang aking mga ugat ay kalmado na at hindi na nag-aapoy. Tiningnan ko ang lalaking mahimbing nang natutulog sa aking tabi—basa pa rin ng pawis ang kaniyang perpektong dibdib at bahagyang nakabukas ang kaniyang mga labi.
Upang hindi naman magmukhang nanamantala lang ako nang libre, binuksan ko ang aking bag at hinalughog ko ang aking pitaka. Ang tanging natitirang pera roon ay isang pirasong limang daang piso.
Maingat ko itong inilapag sa ibabaw ng nightstand, katabi ng kaniyang mamahaling gintong relo. Kumuha rin ako ng isang maliit na papel na talisman mula sa aking bulsa at ipinatong ito sa pera.
"Salamat sa donasyon ng enerhiya, boss. Pambili mo na lang ng kape 'to, ha? Pasensya na rin at kailangan ko nang chibats," bulong ko bago mabilis na tumalon palabas ng bintana ng VIP suite at ginamit ang aking mahika upang maglaho sa dilim ng gabi.
Ang hindi ko alam noong gabing iyon, ang lalaking aking ninakawan ng enerhiya at iniwan lang ng limang daang piso bilang 'tip' ay walang iba kundi si Alexander Vance—ang malupit, walang puso, at kinatatakutang billionaire CEO ng bansa. Balita sa buong business world na matapos ang gabing iyon, nagwala ang billionaire at binaligtad ang buong lungsod para lang mahanap ang babaeng "gumatas" sa kaniya at nag-iwan ng barya na tila ba isa siyang bayarang lalaki sa gilid ng daan. Naging pambansang sikreto ang paghahanap sa akin.
Kasalukuyan
"Mommy! Tulala ka na naman! Male-late na tayo sa unang araw ng trabaho mo!"
Ang malakas na sigaw ni Basti ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Napailing ako at agad kong kinuha ang aking bag mula sa mesa. Ngayong araw ang aking unang opisyal na pagpasok bilang isang data encoder sa Vance Enterprises. Limang taon kong itinatago ang aking sarili at ang aking anak, at naniniwala akong sa laki ng kumpanyang iyon at sa dami ng kanilang mga empleyado, hinding-hindi ako mapapansin ng kanilang malupit na CEO.
Pagkalipas ng isang oras, nakatayo na kaming mag-ina sa gitna ng napakalaki at napakarangyang lobby ng Vance Enterprises. Ang sahig ay gawa sa mamahaling marmol na kumikinang sa sobrang linis, at ang mga empleyadong naglalakad ay nakasuot ng mga mamahaling designer suit at kasuotan.
"Wow, Mommy, ang yaman naman ng boss mo. Puwede kayang bilhin niya ang lahat ng Choco Krunch sa mundo para sa akin kapag sumahod ka na?" namamanghang sabi ni Basti habang patingin-tingin ang kaniyang mga mata sa paligid.
"Basti, manahimik ka nga. Umupo ka lang muna diyan sa sofa habang kinukuha ko ang ID ko sa HR desk, maliwanag?" paalala ko sa kaniya, sabay kurot nang bahagya sa kaniyang pisngi.
Ngunit bago pa man ako makahakbang patungo sa front desk, biglang tumunog ang isang malakas na chime mula sa VIP elevator. Ang lahat ng empleyado sa lobby ay biglang huminto sa kanilang ginagawa at mabilis na tumabi sa gilid ng pader, na tila ba may isang hari na darating at dapat luhuran.
Bumukas ang pinto ng elevator. Lumabas mula roon ang isang grupo ng mga lalaking naka-black suit na halatang mga bodyguard. At sa gitna nila, naglalakad nang may matikas, mapagmataas, at napakalamig na awra ang isang lalaki. Ang kaniyang presensya pa lang ay sapat na para magpababa ng temperatura sa buong silid dahil sa takot ng mga tao sa kaniya.
Si Alexander Vance.
Nanigas ang buong katawan ko. Ang aking mga mata ay nanlaki habang nakatitig sa mukha ng lalaking naglalakad nang direkta sa aming direksyon. Limang taon na ang nakakalipas, pero hinding-hindi ko malilimutan ang panga at ang mga matatalim na matang iyon na tila nakakatunaw ng kaluluwa.
Diyos ko... Siya ang donator ko noon! Ang sigaw ng aking isip habang nagsisimula nang mag-panic ang aking puso. Mabilis akong lumingon upang magtago sa likod ng isang malaking pot ng halaman sa lobby upang hindi niya mamukhaan.
Ngunit huli na ang lahat para sa aking mga plano. Dahil ang aking limang taong gulang na asungot na anak na si Basti ay matapos makita ang mukha ng billionaire, ay biglang binitiwan ang aking kamay. Sa isang mabilis na pagkilos, tumakbo ang makulit na bata diretso sa gitna ng daan ng naglalakad na CEO at mga bodyguard nito.
"Basti, huwag!" pigil na sigaw ko sa pabulong na paraan, ngunit huli na ang lahat.
Huminto ang buong grupo ng mga bodyguard na akala mo ay may banta sa seguridad. Si Alexander Vance ay napatigil din sa paghakbang nang maramdaman niyang may maliit na nilalang na biglang yumakap nang mahigpit sa kaniyang kanang binti.
Tumingala ang aking anak. Sa sandaling madampi ang kaniyang maliit na kamay sa binti ng billionaire, gumagana ang kaniyang kamangha-manghang Mind-Reading Power. Narinig ni Basti sa utak ng CEO ang malakas na reklamo nito tungkol sa matinding sakit ng ulo dahil sa puyat at sa inis nito sa mga palpak na board members ng kumpanya.
'Fuck up, all the board members!'
Ngumiti nang napakalaki si Basti, ipinakita ang kaniyang mga dimple, at sa harap ng lahat ng nagulat na empleyado sa lobby, sumigaw siya sa pinakamalakas niyang boses:
"Daddy! Sa wakas, nahanap ka na namin ni Mommy! Sabi ko sa'yo, huwag mo na kaming tataguan, eh!"
Nakataas ang mga kilay at naguguluhan si Alexander sa batang kamukhang-kamukha niya. Ang buong lobby ay nabalot ng nakabibinging katahimikan at walang sinuman ang nagtangkang huminga. Habang ako naman ay parang gustong lamunin ng lupa sa kinalalagyan ko sa likod ng halaman, biglang umalingawngaw ang boses ng aking anak sa loob ng aking sariling utak gamit ang kaniyang telepathy.
'Mommy, relax ka lang. Nabasa ko ang isip ni Rich Daddy. Type ka niya! Ako na ang bahala sa love life niyo!'
Napahawak na lang ako sa aking noo habang pinapawisan nang malamig. Paano ko ba matatakasan ang mapanuring tingin ng billionaire na ito kung ang sarili kong asungot na anak ang gumagawa ng paraan para ipahamak ako at paglapitin kaming dalawa?!
Ang Unang TagapagbantayALEXANDER’S POVNang magliwanag ang simbolo sa noo ni Basti, biglang nag-iba ang pakiramdam sa plaza. Ang kanina ay sobrang lamig ang pakiramdam; ngayon ay nagkakaroon ng kaunting init. Mula sa sahig na salamin, dahan-dahang gumuhit ang mga kulay-pilak na linya. Mabilis itong kumalat at umikot, hanggang sa makabuo ng isang napakalaking alchemical circle na sumakop sa buong paligid namin.Agad kong hinila si Basti at pinatayo sa likod ko."Huwag kang lalayo sa amin," seryoso kong utos habang nakabantay sa bawat sulok ng plaza. Ang mga mata ko ay nagsisimulang umikot sa buong paligid. Hinihintay ang mga susunod na mangyayaring kababalaghan.Kung katulad pa rin ako ng dati, isang ordinaryong tao at hindi ko pa nakikilala sina Celestia, marahil magpapanik ako at iisipin kong nababaliw na ako sa mga nakikita ko. Inihanda ko ang aking sarili sa anumang gulo o maaaring biglang pagsugod ng sinuman. Pero sa ilang segundong naghihintay ako, walang nangyaring pag-atake.
Ang Pangalang NinakawALEXANDER’S POVPagkatapos mabasag ng malaking salamin, napuno ng pinong kristal ang buong plaza. Parang ulan na gawa sa maliliit na piraso ng salamin na dahan-dahang bumabagsak sa paligid namin.At sa bawat pirasong pumapatak, may nakikita kaming mga larawan—mga batang naglalaro, mga alchemist na nag-eensayo, at mga pamilyang masayang nagtatawanan. Parang mga kuwento ng nakaraan na unti-unting ibinababa mula sa langit.Pero may napansin akong isang kakaiba. Hindi ito bumabagsak; nakalutang lang ang mga ito sa ere at tila ba may sariling lakas.Itinapat ko ang scanner ko para tingnan kung ano ito, pero nag-red screen lang ang device ko.ERROR: NO DATA.Hindi ito mabasa-basa ng aking system. Ibig sabihin, hindi ito galing sa Mirror City. May ibang klase ng lakas o kapangyarihan ang may gawa nito. Sino ang kumokontrol sa mga bagay na ito?CELESTIA’S POVTinitigan ko ang lumulutang na piraso ng kristal. Bigla kong naalala ang isa sa mga lumang aklat na nakatago s
Ang Bulong ng mga SalaminALEXANDER’S POVNakaabang ang aking blaster, ngunit ang asul na enerhiya sa dulo ng kanyon nito ay unti-unti nang humihina hanggang sa tuluyang namatay. Itinapat ko ang aking detector sa naglalakihang pader na kristal na humarang sa aming likuran.WARNING: ENERGY DRAIN ACTIVE.RESOURCE CONVERSION: 100% ABSORBED BY THE ENVIRONMENT."Walang silbi ang mga high-tech na armas dito," mahina kong mura, sabay balik ng blaster sa holster. Kinukuha ng lungsod na ito ang anumang enerhiyang pinapakawalan ng gamit namin at ginagamit ito upang mas palakasin pa ang mga pader na nakapaligid sa amin na siyang nagbibigay ng matinding proteksyon sa paligid. Napatingin ako sa mga estatwang salamin na dahan-dahang humahakbang patungo sa direksyon kung saan kami nakatayo. Hinigpitan ko ang hawak sa aking sinturon, naghahanda sa pisikal na pakikipagtuos kahit marami akong pera at mga bodyguard. Marunong akong lumaban. Subalit habang pinagmamasdan ko ang kanilang mabagal at mekani
Ang Mga Mata sa SalaminALEXANDER’S POVTok... Tok... Tok...Ang tunog ng mga yabag ang bumabasag sa nagyeyelong katahimikan ng lungsod. Agad kong hinugot ang aking blaster mula sa holster. Ang aking daliri ay nakaposisyon na sa gatilyo.Sa isang mabilis at kalkuladong galaw, hinila ko si Basti patungo sa gitna namin ni Celestia, gamit ang aming mga katawan bilang depensa para sa inosente naming anak. Muling naghari ang katahimikan sa buong paligid, para bang nakikiramdam din. Walang tao sa madilim na eskinita. Walang anino.Sa pag-ikot ng aking mga mata, napadako ang aking paningin sa naglalakihang mga salaming bintana sa mga gusali sa aming paligid. Naramdaman ko ang mabilis na pagtaas ng adrenaline sa aking dugo, na ba alam ng mga ito ang nagbabadyang panganib. May kung ano'ng kakaiba sa mga repleksyon.Hindi normal ang mga nakikita ko sa mga repleksyon ng salamin. Sa unang bintana sa aming kaliwa, kung saan kaming tatlo—isang totoong repleksyon ang ipinapakita nito—ang aming pos
Ang Lungsod na Walang Katao-taoALEXANDER’S POVSa pagdating namin sa Mirror City, ang lugar kung saan puro salamin ang paligid, ang upuan, ang building, ang mga bahay, lahat ay para bang sinadya para ipagawa gamit ang mga salamin. Agad kong naramdaman ang isang nakakakabang atmospera. Hindi lang basta tahimik ang paligid.Ang paligid ay puno ng mabigat at negatibong enerhiya. Maging ang hangin ay tila ba natatakot na gumalaw. Wala kaming maramdamang kahit katiting na simoy ng hangin. Tumingin ako sa mga puno sa paligid; hindi gumagalaw ang mga dahon ng mga ito, kahit ang mga tuyong damo sa sahig ay tila nakapako sa kanilang kinalalagyan.Sa hindi kalayuan, may isang fountain, ngunit ang tubig na tumatalsik mula rito ay tila natuyo o nanigas sa ere. Tumingin ako sa isang napakalaking orasan sa gitna ng plaza.Nakaturo ang mga kamay nito sa alas-dose, pero hindi rin gumagalaw ang pendulum.Inilabas ko ang aking Quantum Scanner upang basahin ang energy particles sa paligid. Lumabas an
Ang Pintuang Walang SusiALEXANDER’S POV Nakatayo kami ngayon nang matagal sa harap ng isang malaking pintuan. Walang sinuman sa amin ang nagsimulang magsalita.Ang katahimikan ng lugar ay tila mas mabigat pa kaysa sa batong bumubuo rito, na para bang sinisipsip nito ang lahat ng tunog sa buong paligid. Inilabas ko ang aking Quantum Scanner at dahan-dahang ini-scan ang buong kapaligiran. Lumipas ang ilang segundo at lumabas ang resulta sa holographic screen.'ANALYSIS: UNKNOWN MATERIAL'Wala itong metal. Walang concrete. Walang energy core. Walang mga gear, lever, o kahit anong mekanismong maaaring magbukas sa napakalaking harang na ito. Parang hindi ito ginawa ng tao—para bang ang pinto mismo ay isang natural na bahagi ng bundok na nagkataong nagkaroon ng hugis. Napakunot-noo ako; naiinis ako; nakaramdam ako ng pagkayamot dahil kahit ang aking makabagong siyensya ay walang madetect na kahit ano. "Imposible…" bulong ko. Habang abala kami sa pag-aanalisa ng paligid, tahim
(Ang Kontrata at Ang lihim na pagnanasa)ALEXANDER'S POV"Sir Alexander, lumabas na po ang resulta ng mabilisang DNA test..."Hawak ko ang papel na iniabot ng aking sekretarya. Ang mga numero ay malinaw pa sa sikat ng araw—99.9% biological match. Ang asungot at makulit na batang ito na kasalukuyang
(Ang Pink na Pildoras at Alchemist's Trap)ALEXANDER'S POV"Anong tinitingin-tingin mo riyan? Magsalita ka, babae," mariin kong untag sa kaniya.Nakatayo lang siya sa harap ng lamesa ko. Mukhang tarantang ewan at pabalik-balik ang tingin sa akin at sa bata. Pero bago pa siya makasagot, biglang kumi
(Ang Pagtatagpo ng aming mga mata)ALEXANDER'S POV"Shit. Alisin niyo ang batang ito sa binti ko," malamig at mariin kong utos sa aking mga bodyguard.Masakit ang ulo ko dahil sa tatlong oras na walang kwentang meeting sa mga board members ng kumpanya. Gusto ko na lang sanang pumasok sa aking priva
(Ang Banal na Binhi at ang tip na five hundred Part 1)CELESTIA'S POV" Habaan mo pa ang pasensya mo, Celestia. Kaunting kembot na lang at matatapos na 'to," bulong ko habang ang aking kanang kamay ay nakatapat sa ilalim ng isang maliit na kaldero. Mula sa aking mga daliri ay lumalabas ang isang p







