Masuk(Ang Pagtatagpo ng aming mga mata)
ALEXANDER'S POV
"Shit. Alisin niyo ang batang ito sa binti ko," malamig at mariin kong utos sa aking mga bodyguard.
Masakit ang ulo ko dahil sa tatlong oras na walang kwentang meeting sa mga board members ng kumpanya. Gusto ko na lang sanang pumasok sa aking private office para magpahinga, ngunit isang maliit na bata ang biglang humarang sa daan ko at mahigpit na yumakap sa aking binti.
Tiningnan ko ang bata. Balak ko sana itong sigawan upang matakot at umalis, subalit nang magtagpo ang aming mga mata ay tila ba umurong ang dila ko. Ang batang ito—mula sa kaniyang matangos na ilong, makakapal na kilay, hanggang sa kaniyang nakakalokong ngiti—ay parang isang maliit na bersyon ng aking sarili kapag tumitingin ako sa salamin.
"Daddy! Sa wakas, nahanap ka na namin ni Mommy! Sabi ko sa'yo, huwag mo na kaming tataguan, eh!"
Ang kaniyang malakas na isigaw ay umalingawngaw sa buong lobby ng aking kumpanya. Narinig ko ang sabay-sabay na pagsinghap ng aking mga empleyado. Walang sinuman ang nangahas na magsalita. Lahat sila ay nakatingin sa akin, naghihintay kung kailan ko ipapakain sa mga pating ang batang ito.
Nakataas ang aking mga kilay habang nakatitig sa kaniya. "Sino ang nanay mo, bata? At sino ang nag-utos sa'yo na tawagin akong Daddy?" tanong ko sa isang mapanuring boses.
Ngunit ang bata ay hindi man lang natakot sa aking madilim na mukha. Sa halip, mas lalo pa itong ngumiti at lumingon sa gilid ng lobby, kung saan may isang malaking pot ng halaman. Itinaas niya ang kaniyang maliit na kamay at itinuro ang isang babaeng nakatalikod at pilit na isinisiksik ang sarili sa pader para magtago.
"Ayun po si Mommy oh! 'Yung nagpapanggap na dahon sa likod ng pot ng halaman!" masayang sagot ng bata.
Dahan-dahan kong ibinaling ang aking tingin sa direksyon na itinuro niya. "Ikaw. Humarap ka sa akin," malamig kong utos sa babae.
Nang dahan-dahan siyang lumingon at humarap sa akin, tila ba huminto ang pagtibok ng aking puso. Ang hugis ng kaniyang mukha, ang kaniyang mga labi, at ang natatanging amoy-bulaklak na biglang umihip patungo sa akin—hinding-hindi ko malilimutan ang mga ito.
Limang taon. Limang taon ko siyang hinahanap. Ang babaeng pumasok sa aking VIP suite, nanamantala sa akin sa loob ng isang gabi ng matinding pagnanasa, at nag-iwan lang ng limang daang piso sa aking nightstand!
Putres na limang daang piso na 'yan.
Naalala ko na naman kung paano ako nagising kinaumagahan na may masakit na katawan ngunit may kakaibang gaan sa pakiramdam, tapos ang bubungad sa akin sa tabi ng ginto kong Rolex ay isang lukot na ₱500 bill at isang pirasong papel na may drowing ng kung ano-ano. Ginawa akong bayarang lalaki sa sarili kong hotel suite! Sa buong buhay ko, walang sinumang nangahas na insultuhin ang pagkatao ko nang ganoon. Mas mahal pa ang halaga ng medyas ko kaysa sa iniwan niyang 'tip' para sa magdamag naming pagniniig!
Gusto kong magalit, pero habang nakatitig ako sa kaniyang tarantang mukha ngayon, may kakaibang init na naman na gumuhit sa dibdib ko.
Isang madilim na ngiti ang sumilay sa aking mga labi. Sa wakas, nahanap din kita, magnanakaw ng enerhiya. At titingnan natin kung hanggang saan aabot ang limang daang piso mo.
"Dalhin niyo silang dalawa sa private office ko. Ngayon din," utos ko sa aking mga bodyguard habang nananatiling nakatitig sa nanginginig na babae.
CELESTIA'S POV
Hala! Bakit kasi sa dinami-rami ng puwedeng pagtaguan, sa likod pa ng bansot na halaman na ito ako sumiksik!
Gusto ko na lang maglaho na parang bula gamit ang aking mahika, ngunit alam kong mas lalong magkakagulo kapag nakita nilang lumipad ako sa gitna ng lobby ng Vance Enterprises. Nang utusan ako ni Alexander na humarap sa kaniya, nanginginig ang aking mga tuhod habang dahan-dahang humaharap.
Nang magtagpo ang aming mga mata, nakita ko ang biglang pagbabago sa kaniyang ekspresyon. Mula sa pagiging galit ay naging isang madilim at mapanganib na ngiti ang lumabas sa kaniyang mukha. Alam ko ang tinging iyan. Iyan ang tingin ng isang leon na handa nang lamunin ang kaniyang huling-huling biktima!
"Dalhin niyo silang dalawa sa private office ko. Ngayon din," malamig na utos ni Alexander.
Agad kaming pinaligiran ng apat na naglalakihang bodyguard na akala mo ay may hinuhuling mga kriminal. Pinasok kami sa kaniyang private elevator habang buhat-buhat ko ang aking asungot na anak na si Basti.
Sa loob ng elevator, ang katahimikan ay napakabigat. Nakatayong tuwid si Alexander sa unahan namin at may awra ng isang makapangyarihang pinuno. Habang ako naman ay halos hindi makahinga sa kaba.
'Mommy, relax ka lang kasi,' biglang narinig ko ang boses ni Basti sa loob ng aking utak gamit ang kaniyang telepathy. 'Huwag kang matakot kay Rich Daddy. Kanina ko pa binabasa ang isip niya habang nakahawak ako sa binti niya.'
Ano?! Ano ba ang iniisip niya, Basti? Galit ba siya? Ipapapatay ba niya tayo? Natataranta kong sagot sa kaniyang isip.
Ipinakita ni Basti ang kaniyang mga dimple at lihim na bumulong sa utak ko: 'Hindi po, Mommy! Sabi niya sa isip niya, "Ang bango pa rin ng babaeng ito. Pero gigil na gigil talaga ako sa limang daang piso na iniwan niya noon! Mukha ba akong tig-baryang lalaki?!" Hehe, Mommy, ano po ba 'yung limang daang piso? Binayaran mo ba si Daddy para sa gatas ko?'
Napasapo ako sa aking noo at sa aking isipan. Diyos ko, Basti! Huwag mo nang banggitin ang tungkol sa limang daang piso na 'yan kung gusto mo pang lumaki nang may kumpletong ngipin!
Bumukas ang pinto ng elevator at pumasok kami sa isang napakalaking opisina na may glass walls, kung saan kitang-kita ang buong tanawin ng lungsod. Umupo si Alexander sa kaniyang swivel chair, habang kaming mag-ina ay nanatiling nakatayo sa kaniyang harap.
Ipinatong ni Alexander ang kaniyang mga siko sa lamesa at pinagtagpo ang kaniyang mga daliri habang nakatitig sa akin nang mariin.
"Limang taon ang nakakalipas, isang babae ang pumasok sa kwarto ko, nanamantala, at nag-iwan ng barya," panimula niya sa isang mababang boses na puno ng panganib. "Seryoso ka ba sa limang daang piso na 'yon, babae? Sa tingin mo ba ay kasya 'yon sa isang Alexander Vance?"
Nalunok ko ang aking sariling laway. Paktay na. Hindi niya alam ang pangalan ko, pero kilalang-kilala niya ang mukha ko at ang ginawa ko!
Paano ko ba ipapaliwanag sa kaniya na kailangan ko lang naman ang kaniyang Pure Yang Energy para hindi ako pasabugin ng sarili kong mahika? At higit sa lahat, paano ko itatago ang katotohanan na ang anak niya ay kasalukuyang binabasa ang bawat gigil at magulong iniisip sa loob ng kaniyang utak?
(Unang gabi sa Penthouse at ang Halik sa dilim)ALEXANDER'S POV"Dito kayo matutulog ng anak mo. Huwag kayong hahawak ng kahit anong gamit na hindi sa inyo," malamig kong paalala sa kaniya habang binubuksan ko ang pinto ng master's bedroom ng penthouse ko rito sa BGC.Gabi na nang makalipat sila. Kahit na lumipas na ang ilang oras mula nang lisanin namin ang opisina, nararamdaman ko pa rin ang kakaibang bango ng kaniyang balat na humahalo sa aircon ng bahay ko. Isang amoy ng mga sariwang bulaklak at misteryo na tila sumasayaw sa aking sistema. Damn it. Nawala na ang epekto ng Truth Elixir sa katawan ko, kaya naman kontrolado ko na muli ang aking dila. Ibinalik ko ang aking seryoso, malamig, at walang emosyong mukha upang hindi niya mahalata ang kaguluhan sa loob ko."Opo, Boss. Salamat sa kwarto," sagot ng babae—na nalaman ko sa kontrata na ang pangalan pala ay Celestia. Nakatayo siya sa gilid ng kama habang kandong ang tulog na tulog na si Basti. Sa pagod ng bata sa paglilipat at sa
(Ang Kontrata at Ang lihim na pagnanasa)ALEXANDER'S POV"Sir Alexander, lumabas na po ang resulta ng mabilisang DNA test..."Hawak ko ang papel na iniabot ng aking sekretarya. Ang mga numero ay malinaw pa sa sikat ng araw—99.9% biological match. Ang asungot at makulit na batang ito na kasalukuyang nagpapakasasa sa pag-ikot sa aking mamahaling leather sofa ay tunay kong anak.At ang babaeng nakatayo sa harap ko na mukhang handa nang tumalon muli sa bintana? Siya ang babaeng nag-iwan ng limang daang piso limang taon na ang nakakalipas.Dahil sa pesteng pink na pildoras na ipinakain sa akin ng bata, ramdam ko pa rin ang kakaibang gaan sa aking katawan, ngunit ang mas malala ay ang kawalan ng kontrol sa aking dila. Gusto ko siyang sulyapan nang may galit, pero ang lumalabas sa isip at bibig ko ay puro kahibangan."Hindi ka aalis sa kumpanyang ito, at lalong hindi ka aalis sa paningin ko," mariin kong sabi habang inilalatag ang isang gintong pluma sa ibabaw ng lamesa. "Papipiliin kita, ba
(Ang Pink na Pildoras at Alchemist's Trap)ALEXANDER'S POV"Anong tinitingin-tingin mo riyan? Magsalita ka, babae," mariin kong untag sa kaniya.Nakatayo lang siya sa harap ng lamesa ko. Mukhang tarantang ewan at pabalik-balik ang tingin sa akin at sa bata. Pero bago pa siya makasagot, biglang kumirot ang sintido ko. Isang matinding serye ng tibok ng ugat ang naramdaman ko sa aking ulo. Damn it. Umakyat na naman ang high blood ko dahil sa galit, puyat, at matinding stress na dulot ng babaeng ito at ng kaniyang limang daang piso. Napapikit ako nang mariin at napahawak sa aking noo."Daddy! Masyado ka kasing high-blood eh. Sabi sa isip mo, parang sasabog na 'yung ugat mo sa galit," isang maliit na boses ang bumasag sa katahimikan.Iminulat ko ang aking mga mata at nakita kong lumapit ang bata sa gilid ng aking swivel chair. Bago ko pa siya maitaboy, mabilis niyang idinikit ang kaniyang maliit at malambot na palad sa aking kamay. Sa isang segundo, naramdaman ko na naman ang kakaibang kur
(Ang Pagtatagpo ng aming mga mata)ALEXANDER'S POV"Shit. Alisin niyo ang batang ito sa binti ko," malamig at mariin kong utos sa aking mga bodyguard.Masakit ang ulo ko dahil sa tatlong oras na walang kwentang meeting sa mga board members ng kumpanya. Gusto ko na lang sanang pumasok sa aking private office para magpahinga, ngunit isang maliit na bata ang biglang humarang sa daan ko at mahigpit na yumakap sa aking binti.Tiningnan ko ang bata. Balak ko sana itong sigawan upang matakot at umalis, subalit nang magtagpo ang aming mga mata ay tila ba umurong ang dila ko. Ang batang ito—mula sa kaniyang matangos na ilong, makakapal na kilay, hanggang sa kaniyang nakakalokong ngiti—ay parang isang maliit na bersyon ng aking sarili kapag tumitingin ako sa salamin."Daddy! Sa wakas, nahanap ka na namin ni Mommy! Sabi ko sa'yo, huwag mo na kaming tataguan, eh!"Ang kaniyang malakas na isigaw ay umalingawngaw sa buong lobby ng aking kumpanya. Narinig ko ang sabay-sabay na pagsinghap ng aking mg
(Ang Banal na Binhi at ang tip na five hundred Part 2)CELESTIA'S POV(Ang Banal na Binhi at ang tip na five hundred Part 2)CELESTIA'S POVNang matapos ang bagyo ng aming pagnanasa at bumalik na sa normal ang balanse ng aking mahika, dahan-dahan kong inalis ang kaniyang mabigat na braso na nakapulupot pa rin sa aking baywang. Hapo ang aking buong katawan, ngunit ang aking mga ugat ay kalmado na at hindi na nag-aapoy. Tiningnan ko ang lalaking mahimbing nang natutulog sa aking tabi—basa pa rin ng pawis ang kaniyang perpektong dibdib at bahagyang nakabukas ang kaniyang mga labi.Upang hindi naman magmukhang nanamantala lang ako nang libre, binuksan ko ang aking bag at hinalughog ko ang aking pitaka. Ang tanging natitirang pera roon ay isang pirasong limang daang piso.Maingat ko itong inilapag sa ibabaw ng nightstand, katabi ng kaniyang mamahaling gintong relo. Kumuha rin ako ng isang maliit na papel na talisman mula sa aking bulsa at ipinatong ito sa pera."Salamat sa donasyon ng ener
(Ang Banal na Binhi at ang tip na five hundred Part 1)CELESTIA'S POV" Habaan mo pa ang pasensya mo, Celestia. Kaunting kembot na lang at matatapos na 'to," bulong ko habang ang aking kanang kamay ay nakatapat sa ilalim ng isang maliit na kaldero. Mula sa aking mga daliri ay lumalabas ang isang pino at purong puting apoy. Hindi ito isang ordinaryong apoy na basta makikita sa kalan ng LPG: ito ang Sacred Alchemical Flame na nagmula pa sa aking kaluluwa bilang huling Alchemist ng mga white witches sa aming mga ninuno pa. Sa modernong panahon na ito kung saan naglilipana na ang mga kumpanyang may mamahaling mga gamot, ako ay patuloy na nagluluto sa loob ng aking kusina upang makagawa ng mga pildoras na aking gagamitin para makapagpagaling ng sipon sa loob lang ng tatlong segundo. "Mommy! Amoy sunog na naman ang kusina natin! Nagluluto ka ba ng ulam o nagpapasabog ka na naman ng kung ano-ano?"Biglang bumukas ang pinto ng kusina at iniluwa nito ang isang limang taong gulang na batang l







