Mag-log in(Ang Pink na Pildoras at Alchemist's Trap)
ALEXANDER'S POV
"Anong tinitingin-tingin mo riyan? Magsalita ka, babae," mariin kong untag sa kaniya.
Nakatayo lang siya sa harap ng lamesa ko. Mukhang tarantang ewan at pabalik-balik ang tingin sa akin at sa bata. Pero bago pa siya makasagot, biglang kumirot ang sintido ko. Isang matinding serye ng tibok ng ugat ang naramdaman ko sa aking ulo. Damn it. Umakyat na naman ang high blood ko dahil sa galit, puyat, at matinding stress na dulot ng babaeng ito at ng kaniyang limang daang piso. Napapikit ako nang mariin at napahawak sa aking noo.
"Daddy! Masyado ka kasing high-blood eh. Sabi sa isip mo, parang sasabog na 'yung ugat mo sa galit," isang maliit na boses ang bumasag sa katahimikan.
Iminulat ko ang aking mga mata at nakita kong lumapit ang bata sa gilid ng aking swivel chair. Bago ko pa siya maitaboy, mabilis niyang idinikit ang kaniyang maliit at malambot na palad sa aking kamay. Sa isang segundo, naramdaman ko na naman ang kakaibang kuryente—at laking gulat ko nang ang bata ay dumukot sa kaniyang bulsa at naglabas ng isang maliit, bilog, at kulay-pink na pildoras.
"O, Daddy, inumin mo 'to. Gawa 'yan ni Mommy. Ang pangalan niyan ay Calming and Truth Elixir. anti-high blood 'yan! Sabi ni Mommy sa isip niya ngayon, baka raw ma-stroke ka at mamatay, kawawa naman kami, mawawalan kami ng tagatustos sa gatas ko!" dire-diretsong daldal ng bata.
"Basti! Huwag!" tarantang sigaw ng babae, pero huli na.
Dahil sa bilis ng kamay ng bata, bago ko pa makuha ang ibig sabihin ng "sabi ni Mommy sa isip niya," mabilis niyang isinubo sa akin ang pink na pildoras. Kasabay nito, kinuha ng bata ang baso ng tubig sa lamesa ko na parang alam na alam niya kung nasaan ito at ipinainom sa akin.
"Shit—" Nabilaukan ako nang bahagya at napalunok.
Agad na humakbang pabalik ang bata at pumalakpak. "Yehey! Operation: Paamuhin si Rich Daddy, success!"
Humarap ako sa babae nang may nag-aapoy na galit. "Anong ipinainom sa akin ng anak mo?! Lason ba—"
Natigil ang pagsasalita ko. Biglang may malamig at napakaginhawang enerhiya ang gumatas sa buong katawan ko. Ang kumikirot kong ulo ay biglang gumaan na parang bula. Ang galit sa dibdib ko ay napalitan ng isang kakaiba at malambot na pakiramdam. Pero ang pinakamalala… tila nawalan ng preno ang dila ko.
"Diyos ko, bakit ba ang bango-bango ng babaeng ito at bakit parang gusto ko na lang siyang iuwi sa bahay ko ngayon din?!"
Nanlaki ang sarili kong mga mata sa mga salitang lumabas sa bibig ko. What the hell? Bakit ko sinabi 'yun nang malakas?!
CELESTIA'S POV
"Hala ka…" Napabulong na lang ako habang nakatakip ang dalawa kong kamay sa aking bibig.
Paktay na talaga! Ang ipinainom ni Basti kay Alexander ay ang aking pinalakas na bersyon ng Calming Pill na may halong Truth Elixir. Ginawa ko ang pildoras na iyon para sa mga taong may matinding galit, para kumalma sila at mapilitang magsabi ng katotohanan nang walang paligoy-ligoy. Pero hindi ko inaasahan na ang unang sasabihin ng seryoso at kinatatakutang billionaire ay ang gusto niya akong iuwi dahil mabango ako!
Nilingon ko si Basti na ngayon ay may nakakalokong ngiti sa labi. 'Basti! Bakit mo ipinainom 'yon?!" galit kong sigaw sa utak niya gamit ang telepathy.
'Mommy, relax ka nga lang!' sagot naman ng makulit kong anak sa isip ko. 'Kung hindi ko ipinainom 'yon, ipapakain niya tayo sa pating! Tingnan mo ngayon, naging mabait si Rich Daddy. Nabasa ko ang isip niya. Sobrang gaan na ng pakiramdam ng ulo niya at nagugandahan talaga siya sa'yo!'
Tumingin muli ako kay Alexander. Ang mukha niya ngayon ay halo ng gulat, hiya, at matinding pagkalito kung bakit niya sinabi ang mga salitang iyon. Namumula ang kaniyang mga tainga habang pilit na ibinabalik ang kaniyang seryosong mukha.
"I-I mean... ang ibig kong sabihin, anong uri ng gamot ang ibinigay niyo sa akin?" pagbawi ni Alexander, bagama't bakas pa rin sa boses niya ang kakaibang lambot dahil sa epekto ng aking pildoras.
Huminga ako nang malalim at naglakad palapit para kunin si Basti sa gilid niya. "Sir… pasensya na po sa anak ko. Hindi po 'yon lason; herbal supplement lang 'yon para sa high blood. At saka... tungkol po sa limang taon na ang nakakalipas... aksidente lang po ang lahat."
Tumingin nang mariin si Alexander sa aming dalawa ni Basti. Ang epekto ng truth elixir ay unti-unti pang gumagana sa kaniyang sistema, kaya naman ang kaniyang mapanuring tingin ay may halong kakaibang emosyon na hindi niya maitago.
Biglang bumukas ang pinto ng opisina at pumasok ang kaniyang secretary na may hawak na piraso ng papel. "Sir Alexander, lumabas na po ang resulta ng mabilisang DNA test na ipinakuha ninyo mula sa hibla ng buhok ng bata na naiwan sa lobby kanina."
Inabot ni Alexander ang papel. Habang binabasa niya ang resulta, nakita ko ang pagtaas ng kaniyang mga kilay at ang mabilis na pagtibok ng kaniyang panga. Ibinaling niya ang kaniyang mga matatalim na mata sa akin, hawak ang papel na nagpapatunay ng 99.9% compatibility.
"Biological child ko nga siya," bulong ni Alexander, at dahil sa epekto ng truth pill, dugtong niya nang malakas: "At mas lalo akong nagagalit sa sarili ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit natutuwa ako na ikaw ang nanay ng anak ko!"
Napahawak na lang ako sa aking noo habang si Basti naman ay humagikhik sa tabi ko. Mukhang mas lalong magiging magulo ang buhay ko rito sa Vance Enterprises!
Ang Unang TagapagbantayALEXANDER’S POVNang magliwanag ang simbolo sa noo ni Basti, biglang nag-iba ang pakiramdam sa plaza. Ang kanina ay sobrang lamig ang pakiramdam; ngayon ay nagkakaroon ng kaunting init. Mula sa sahig na salamin, dahan-dahang gumuhit ang mga kulay-pilak na linya. Mabilis itong kumalat at umikot, hanggang sa makabuo ng isang napakalaking alchemical circle na sumakop sa buong paligid namin.Agad kong hinila si Basti at pinatayo sa likod ko."Huwag kang lalayo sa amin," seryoso kong utos habang nakabantay sa bawat sulok ng plaza. Ang mga mata ko ay nagsisimulang umikot sa buong paligid. Hinihintay ang mga susunod na mangyayaring kababalaghan.Kung katulad pa rin ako ng dati, isang ordinaryong tao at hindi ko pa nakikilala sina Celestia, marahil magpapanik ako at iisipin kong nababaliw na ako sa mga nakikita ko. Inihanda ko ang aking sarili sa anumang gulo o maaaring biglang pagsugod ng sinuman. Pero sa ilang segundong naghihintay ako, walang nangyaring pag-atake.
Ang Pangalang NinakawALEXANDER’S POVPagkatapos mabasag ng malaking salamin, napuno ng pinong kristal ang buong plaza. Parang ulan na gawa sa maliliit na piraso ng salamin na dahan-dahang bumabagsak sa paligid namin.At sa bawat pirasong pumapatak, may nakikita kaming mga larawan—mga batang naglalaro, mga alchemist na nag-eensayo, at mga pamilyang masayang nagtatawanan. Parang mga kuwento ng nakaraan na unti-unting ibinababa mula sa langit.Pero may napansin akong isang kakaiba. Hindi ito bumabagsak; nakalutang lang ang mga ito sa ere at tila ba may sariling lakas.Itinapat ko ang scanner ko para tingnan kung ano ito, pero nag-red screen lang ang device ko.ERROR: NO DATA.Hindi ito mabasa-basa ng aking system. Ibig sabihin, hindi ito galing sa Mirror City. May ibang klase ng lakas o kapangyarihan ang may gawa nito. Sino ang kumokontrol sa mga bagay na ito?CELESTIA’S POVTinitigan ko ang lumulutang na piraso ng kristal. Bigla kong naalala ang isa sa mga lumang aklat na nakatago s
Ang Bulong ng mga SalaminALEXANDER’S POVNakaabang ang aking blaster, ngunit ang asul na enerhiya sa dulo ng kanyon nito ay unti-unti nang humihina hanggang sa tuluyang namatay. Itinapat ko ang aking detector sa naglalakihang pader na kristal na humarang sa aming likuran.WARNING: ENERGY DRAIN ACTIVE.RESOURCE CONVERSION: 100% ABSORBED BY THE ENVIRONMENT."Walang silbi ang mga high-tech na armas dito," mahina kong mura, sabay balik ng blaster sa holster. Kinukuha ng lungsod na ito ang anumang enerhiyang pinapakawalan ng gamit namin at ginagamit ito upang mas palakasin pa ang mga pader na nakapaligid sa amin na siyang nagbibigay ng matinding proteksyon sa paligid. Napatingin ako sa mga estatwang salamin na dahan-dahang humahakbang patungo sa direksyon kung saan kami nakatayo. Hinigpitan ko ang hawak sa aking sinturon, naghahanda sa pisikal na pakikipagtuos kahit marami akong pera at mga bodyguard. Marunong akong lumaban. Subalit habang pinagmamasdan ko ang kanilang mabagal at mekani
Ang Mga Mata sa SalaminALEXANDER’S POVTok... Tok... Tok...Ang tunog ng mga yabag ang bumabasag sa nagyeyelong katahimikan ng lungsod. Agad kong hinugot ang aking blaster mula sa holster. Ang aking daliri ay nakaposisyon na sa gatilyo.Sa isang mabilis at kalkuladong galaw, hinila ko si Basti patungo sa gitna namin ni Celestia, gamit ang aming mga katawan bilang depensa para sa inosente naming anak. Muling naghari ang katahimikan sa buong paligid, para bang nakikiramdam din. Walang tao sa madilim na eskinita. Walang anino.Sa pag-ikot ng aking mga mata, napadako ang aking paningin sa naglalakihang mga salaming bintana sa mga gusali sa aming paligid. Naramdaman ko ang mabilis na pagtaas ng adrenaline sa aking dugo, na ba alam ng mga ito ang nagbabadyang panganib. May kung ano'ng kakaiba sa mga repleksyon.Hindi normal ang mga nakikita ko sa mga repleksyon ng salamin. Sa unang bintana sa aming kaliwa, kung saan kaming tatlo—isang totoong repleksyon ang ipinapakita nito—ang aming pos
Ang Lungsod na Walang Katao-taoALEXANDER’S POVSa pagdating namin sa Mirror City, ang lugar kung saan puro salamin ang paligid, ang upuan, ang building, ang mga bahay, lahat ay para bang sinadya para ipagawa gamit ang mga salamin. Agad kong naramdaman ang isang nakakakabang atmospera. Hindi lang basta tahimik ang paligid.Ang paligid ay puno ng mabigat at negatibong enerhiya. Maging ang hangin ay tila ba natatakot na gumalaw. Wala kaming maramdamang kahit katiting na simoy ng hangin. Tumingin ako sa mga puno sa paligid; hindi gumagalaw ang mga dahon ng mga ito, kahit ang mga tuyong damo sa sahig ay tila nakapako sa kanilang kinalalagyan.Sa hindi kalayuan, may isang fountain, ngunit ang tubig na tumatalsik mula rito ay tila natuyo o nanigas sa ere. Tumingin ako sa isang napakalaking orasan sa gitna ng plaza.Nakaturo ang mga kamay nito sa alas-dose, pero hindi rin gumagalaw ang pendulum.Inilabas ko ang aking Quantum Scanner upang basahin ang energy particles sa paligid. Lumabas an
Ang Pintuang Walang SusiALEXANDER’S POV Nakatayo kami ngayon nang matagal sa harap ng isang malaking pintuan. Walang sinuman sa amin ang nagsimulang magsalita.Ang katahimikan ng lugar ay tila mas mabigat pa kaysa sa batong bumubuo rito, na para bang sinisipsip nito ang lahat ng tunog sa buong paligid. Inilabas ko ang aking Quantum Scanner at dahan-dahang ini-scan ang buong kapaligiran. Lumipas ang ilang segundo at lumabas ang resulta sa holographic screen.'ANALYSIS: UNKNOWN MATERIAL'Wala itong metal. Walang concrete. Walang energy core. Walang mga gear, lever, o kahit anong mekanismong maaaring magbukas sa napakalaking harang na ito. Parang hindi ito ginawa ng tao—para bang ang pinto mismo ay isang natural na bahagi ng bundok na nagkataong nagkaroon ng hugis. Napakunot-noo ako; naiinis ako; nakaramdam ako ng pagkayamot dahil kahit ang aking makabagong siyensya ay walang madetect na kahit ano. "Imposible…" bulong ko. Habang abala kami sa pag-aanalisa ng paligid, tahim
(Ang halik na di makalimutan at ang Isip na maingay)ALEXANDER’S POV"Sir, kape ninyo," marahang bati ng aking chef habang ibinababa ang isang tasa ng bagong timplang espresso sa harap ko. Nakatitig lang ako sa kawalan habang hawak ang aking gintong tinidor. Hindi ko nagawang matulog nang maayos k
(Unang gabi sa Penthouse at ang Halik sa dilim)ALEXANDER'S POV"Dito kayo matutulog ng anak mo. Huwag kayong hahawak ng kahit anong gamit na hindi sa inyo," malamig kong paalala sa kaniya habang binubuksan ko ang pinto ng master's bedroom ng penthouse ko rito sa BGC.Gabi na nang makalipat sila. K
(Ang Kontrata at Ang lihim na pagnanasa)ALEXANDER'S POV"Sir Alexander, lumabas na po ang resulta ng mabilisang DNA test..."Hawak ko ang papel na iniabot ng aking sekretarya. Ang mga numero ay malinaw pa sa sikat ng araw—99.9% biological match. Ang asungot at makulit na batang ito na kasalukuyang
(Ang Pagtatagpo ng aming mga mata)ALEXANDER'S POV"Shit. Alisin niyo ang batang ito sa binti ko," malamig at mariin kong utos sa aking mga bodyguard.Masakit ang ulo ko dahil sa tatlong oras na walang kwentang meeting sa mga board members ng kumpanya. Gusto ko na lang sanang pumasok sa aking priva







