"Ano po ang ginagawa n'yo Sir?" mahinang anas ni Wency sa papalapit na boss nito.
"I have an idea," wika nito habang patuloy na lumalapit."Gaya ng ano po Sir?" Tanong naman ng dalaga habang umaatras. Napasandal na ito sa table ng binata."Be my secretary.""Ako po? Anong alam ko sa pag se-secretary Sir? Ang alam ko lang po sukat ng mga paa ng customer," naguguluhan na wika ng dalaga."Edi sukatin mo ang mga paa ng bawat tao na papasok sa opisina ko," nangingiting sabi ng binata at ikinalaki ng mata ng dalaga."Sir naman walang ganyanan. Kung pinagtitripan po ninyo ako pakiusap po 'wag naman ngayon. Kailangan ko po talaga ng trabaho, I mean sideline. At kailangan ko rin po ang bag ko at cellphone ko.""Para naman saan? May binubuhay ka na bang mga anak?""Naku Sir wala po. Dalaga pa po ako pero may nobyo po ako," wika ng dalaga saka tila nalungkot. Napakunot naman ang noo ng binata sa nakitang lungkot sa mga mata ng babae."Ano ba ang nangyari? At kailangan mo ng sideline?" tanong ni Jokos habang nakatingin sa mga mata ng dalaga."Gusto ko lang po makalimot Sir," wika ng dalaga."Kung gano'n tanggapin mo ang offer ko. Siguradong makakalimutan mo ang pag-alis ng boyfriend mo ng walang paalam sa iyo," mahabang sabi ni Jokos na ikinalaki ng mata ng dalaga."Paano po ninyo nalaman na umalis ang boyfriend ko? Nababasa po ba ninyo ang isip ko? Don't tell me Sir pina imbestigahan n'yo pa ako?" tanong nito sa di makapaniwala na tinig."'Wag kang masyadong feeling. Halata naman kasi sa iyo na iniwan ka ng boyfriend mo. Para ka kasing luka-luka sa itsura mo. At ang amoy mo, ilang alak ba ang ininom mo at magkasing amoy na kayo ng alcohol?" tanong ng binata na ikinasama ng mukha ng dalaga."Hala si Sir wala naman pong ganyanan. Ang sakit n’yo naman magsalita. Baka pwede naman po konting preno naman," nakangusong sabi ng dalaga. Saka inamoy ang sarili. Hindi na kasi ito naka pagpalit ng damit matapos nitong magpakalasing sa bar kagabi.Nagising na nga lang ito sa isang room dito sa VIP suit na hindi niya alam kung sino ang nagdala."Tanggapin mo ang offer ko," sabi ni Jokos dito."Magkano sahod Sir?" hamon na tanong ni Wency na agad ikinangisi ng binata."Sixty thousand pesos,” sabi ng binata."Ang baba naman ng pasahod mo Sir," sabi ni Wency na halatang nang-aasar lang."Okay! One hundred thousand–" hindi pa natatapos magsalita ang binata ay agad na nagsalita ang dalaga."Okay! Sir kol ako r'yan. Sabi ko naman po sa inyo Sir hindi ako mahirap kausap. Ngayon na po ba ako magsisimula?" dirediretsong sabi ni Wency na ikinatawa ng mahina ni Jokos."Pirmahan mo muna ito.""Ano naman 'yan Sir""Kontrata!" sagot ng binata."Okay po Sir. Saan ako rito pipirma?” mabilis na tanong nito na agad pumirma sa kontrata ng hindi man lang binabasa."Okay na po Sir?""'Wag mo na akong tawaging Sir. Jokos na lamang ang itawag mo sa akin," utos nito na agad na ikinakunot ng noo nito."Gano'n? Pero Sir, boss ko po kayo 'di ba?""Gano'n talaga. Oo nga pala maligo ka na. Pinadalhan na kita ng mga gamit mo. Mamaya lang darating na iyon," wika nito na mas lalong ikinakunot ng noo ng dalaga."At saka nga pala asawa mo na ako, hindi mo na ako basta boss lang," wika ni Jokos sa nakangiting labi. Habang si Wency naman ay gulong gulo sa narinig."Ano ito Sir? Joke? Nasaan ang cctv dito? Nasa bahay ata ako ni kuya eh. Pinoy big brother ba ito? Umamin ka na Sir? Prank ito no?" tuloy-tuloy na sabi ni Wency na ikinibit balikat lang ng binata. Maya-maya lang ay may nag bell sa pinto.Agad lumapit si Jokos at binuksan. May inabot dito ang lalake at maya maya ay umalis narin agad.Lumapit ito kay Wency at inabot ang paper bag."Oh mga gamit mo! Tinantya ko 'yong sukat mo base sa nakikita ko sa katawan mo. Tingin ko naman lahat 'yan kasya sa iyo," wika ni Jokos dahilan para yakapin ni Wency ang katawan niya. Sabay tingin ng masama kay Jokos."Anong base sa nakikita mo? Bakit nahawakan mo na katawan ko? Paano mo malalaman ang sukat ko. Saka teka nga lang paano kita naging asawa?" naguguluhan tanong parin ni Wency."Kakapirma mo lang sa marriage contract kanina. Hindi mo ba binasa?" nakangiting sabi ng boss nito."Anong marriage contract?? Wika nito pero hindi siya nito pinansin bagkos muli itong nagtungo sa pinto at inabot ang isang papel."Ano ang inabot mo?" tanong ni Wency."Marriage contract natin ang pinirmahan mo kanina. Hindi mo pala binasa? Akala ko kasi binasa mo," nakangising sabi nito."Ang alam kong pinirmahan ko ay ang kontrata para sa pagiging secretary ko.""Wala ka ng magagawa asawa na kita at isa ka ng Montreos mula ngayon.""Montreos ka d'yan. Wala akong pakialam sa apelyido mo. May nobyo ako.""Pero iniwan ka niya para lang sundin ang utos ng mga magulang niya.""Paano mo nalaman lahat yon? Umamin ka pina imbestigahan mo ba talaga ako?""Kung oo may reklamo ka ba doon?""Oo! Hindi kita gusto, at wala akong pakialam sa apelyido mo. Trabaho ang hanap ko hindi asawa. At kung asawa man ang kailangan ko. Hindi ikaw ang pakakasalan ko," galit na wika ni Wency, pakiramdam kasi nito ay pinag kaisahan ito. Kahapon lang iniwan ito tapos ngayon naman kasal na ito.Sabay takbo sa pinto ngunit pag bukas niya apat na tao ang nasa labas."Umalis kayo at huwag n'yo akong harangan," galit na sigaw ni Wency ngunit hindi ito sinunod ng mga tao ni Jokos. Bagkos humarang pa lalo ang mga ito."Pasensya na po Madam, pero bawal po kayo umalis sa kwarto ninyo ni Sir."Anong kwarto namin? Nagpapatawa ba kayo? Alis d'yan,” wika nito mayamaya pa ay may humawak sa kamay ko at pag tingin ko si Jokos."Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bitawan mo ako.""Maligo ka na.""Ayoko.""'Wag kang makulit kung ayaw mong ako ang magpaligo sa ‘yo,"may diing sabi ng binata. "May lakad tayo kaya bilisan mo," wala ng nagawa pa si Wency kundi ang sumunod na lamang. Dahil kung hindi mismong ang binata talaga ang magpapaligo sa dalagaNapatingin si Wency sa paligid at nakita niyang napakaganda ng shower room."Pag mayaman ka talaga para kang prinsesa at prinsipe. Pero ano ang dahilan ng tao na yon at ako ang pinili niyang maging asawa? Naguguluhan ako," mahinang usal niya bago niya in lublob ang katawan sa bathtub.Jokos Point of View''Sino ka? Hindi ikaw ang ini-request kong house keeper ko. Nasaan si Wency.'' tanong ko sa magandang dalaga na nag-sisilbi din sa akin. Nakita ko na kumunot ang noo nito kaya naisip ko agad na hindi nga pala Wency ang pagkakakilala nila rito. Kaya naman pina-alis ko nalamang ito at mag-hapon akong nag-hintay kay Wency sa aking kwarto dahil ito ang aking private maid ngunit hindi talaga ito sumipot kahit na anino nito, kaya pinatawag ko ang manager ng resort. Ilang minuto lang ay naroon na ang manager upang ipaalam na hindi pumasok si Wency dahil masama daw ang pakiramdam nito. Alam kong palusot lamang lang iyon ni Wency dahil ayaw ako nito makita kaya naman hiningi ko nalamang ang address nito dito. At ng makaalis na ang manager kinuha ko agad ang jacket ko at agad na lumabas. Pasunod na sana si Mr.Rod ngunit pinigilan ko ito.'' 'Wag ka ng sumama sa akin gusto kong kami lang munang dalawa ni Wency ang magkausap ng sarilinan.'' sabi ko dito na agad nitong ikina hi
Kanina pa ako naguguluhan sa mga nararamdaman ko, mula ng makita at makausap ko si Mr. Montreos ay nalito na ang damdamin ko, sa totoo lang may ilang mumunting ala-ala akong nakita sa aking nakaraan matapos akong halikan ni Mr. Montreos. Ang halik na iyon parang kabisado ko ang bawat paglapat sa labi ko. Napahawak ako sa labi ko na tila nakadikit pa rin ang malambot na labi ng mapangahas na lalaking 'yon. Napapikit ako ng mariin sa naiisip ko. ''Tumigil ka sa ganyang pag-iisip tandaan mo may nobyo ka.'' mahinang saway ko sa sarili ko Kaya naman pilit kong iwinaksi ito sa isip ko. Napatingin ako sa relo ko habang naghihintay kay Jhon dahil sabi nito ay susunduin niya ako ng maramdaman kong may yumakap mula sa likuran ko. At ng tignan ko ang nobyo kong si Jhon.''Nand'yan kana pala ginulat mo ako.'' Mahinang sabi ko dito saka ko ito tinignan. Medyo napahiya ako sa sarili ko dahil ibang lalake ang nasa isip ko kaysa sa nobyo ko.'''Masyadong naman yatang malalim ang iniisip mo? Kaya ayo
Jokos MontreosNakatanaw ako sa ibaba ng veranda habang inaalala ang nangyari kanina.''Kamukhang kamukha niya si Wency.'' naibulong ko bago ko kinuha ang cellphone ko at nag-dial.''Mr. Rod, may ipapagawa ako sa iyo. 'yung kamukha ni Wency na nakita natin sa lobby ng hotel paki kuha mo ang lahat ng files niya.'' sabi ko dito bago ko mabilis na ibinaba ang cellphone ko at tumingin naman sa madilim na kalangitan._____________ Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko habang nakatingin ako sa babaeng nasa harap ko at nakayuko.Napatingin ako kay Mr. Rod na halata rin sa mukha ang pagtataka at pagkagulat gaya ko. Marahil hindi ito makapaniwala ng makita ang kamukha ni Wency. Nasa gano'n silang sitwasyon ng dumating ang isang lalaki at lumapit sa kinaroroonan ng babae. ''Mika pagkatapos mo d'yan pumunta ka sa opisina ko.'' wika ng lalaki saka humarap sa akin at inilahad ang kamay.''Mr. Montreos, ako si Mike Fuejo, ang presidente ng hotel.'' ''Nice to meet you, Mr. Fuejo.'' ganti ko dito
Tress Point Of View..Madaling araw ng maalipungatan ako ng may tumawag sa cellphone ko at ng tignan ko si James.''Ano naman kayang drama ang trip nito at talagang alas dos ng madaling araw pa nito naisipang tumawag.'' reklamo ko habang pupungas-pungas na sinagot ang tawag nito.''Tress pumunta ka dito sa bahay ko nandito si Jokos.''''Weehhh anong tinira ng ilong mo bakit pupunta si Jokos d'yan sa bahay mo.'''' 'Yon nga pinagtataka ko pare, bukod doon nag-aaya ito ng inom.''''Talaga? Naku malamang nakasinghot din 'yan.'' tatawa tawang sabi ni Tress.''Ina mo! Sumeryoso ka nga kahit kailan talaga 'yang utak mo pang grade school lang ang abot. Malamang may matinding problema ang isang ito kaya naligaw dito.'' seryosong sabi ni James.''Okay, okay, malamang malaki problema nya kaya nandyan siya sa inyo. Sige pupunta na ako dyan magbibihis lang ako.'' sabi ko dito bago ako tumayo at naghanap ng masusuot.James Point Of ViewTahimik kong pinagmamasdan si Jokos, hindi ako sanay na ganit
Nasa harapan ako ng mansyon habang nagdadalawang isip kung papasok ba ako sa loob o hindi. Alam kong kita ako mula sa loob dahil mula sa main gate ay maraming cctv na ang nakapalibot sa buong lugar. Napatingin ako sa malaking gate ng makita kong bumukas iyon at lumabas si Mr. Rod yumuko ito sa akin at lumapit. ''Madam, wala po si Sir. Jokos dito nasa out of town po siya.'' wika nito na ikinatango ko. Alam kong nagsisinungaling ito sa akin dahil alam kong laging kasama ni Jokos si Mr. Rod sa mga lakad nito. Malamang ayaw nito akong makausap o makita manlang. Nasa ganun akong sitwasyon ng makita kong may lumalabas na puting sasakyan mula sa loob ng mansyon. Napatingin ako dito. Huminto ito at bumukas ang pinto at lumabas ang isang matanggkad na babae. Ito ang babaeng kasama ni Jokos noon ng umuwi itong lasing.''Anong ginagawa mo dito?'' tanong ko dito pero tumawa lang ito sabay sabing.''Sa pagkakaalam ko ikaw ang dapat tinatanong ng ganyan. Bakit naririto kapa? Hindi kana asawa ni Jo
Dahan-dahan akong bumibitaw sa pagkakayakap sa akin ni Jhonsy at tumingin dito.Hinawakan ni Jhonsy ang mukha ko at pinunasan ng palad nito ang mga luhang masaganang lumalandas sa pisngi ko.''Patawarin mo ako Wency, naging mahina ako.'' Sabi ni Jhonsy habang nakatingin sa mga mata ko. ''Nakahanda na akong ipaglaban ka. Hindi ko kayang mawala ka pa sa akin Wency.'' lumuluhang sabi nito na inilingan ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito ng makita nito ang pag iling ko. Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Jainah.''Tama na muna 'yan. Sa loob na kayo mag-usap ipaghahanda kona rin kayo ng kape.'' offer ni Jainah na agad kong sinang ayunan.''Tama sa loob na tayo mag-usap Jhonsy.'' sabi ko dito saka ako bumitaw sa pagkakahawak nito at naglakad patungo sa loob ng bahay ni Jainah. Napaupo ako agad ng marating ko ang maliit na sofa. Pakiramdam ko kasi ay nanlalambot ang buong katawan ko. Umupo din sa tabi ko si Jhonsy at muling hinawakan ang kamay ko. ''Ayos na ba pakiramdam mo?