Share

The BILLIONAIRE'S Woman
The BILLIONAIRE'S Woman
Author: Thegirlmakesyouhappy

1

Dahan-dahan na umahon sa pool si Jokos habang hinahawi nito ang buhok. Napakagwapo nitong titigan at halos maglaway na ang mga kababaihan na nakatingin dito

"Sir!" tawag ng dalaga habang ibinabalabal nito ang robe sa binatang amo. Bago itong sekretarya at halos pangalawang araw pa lang nito sa trabaho.

"Umuwi ka na,” utos ni Jokos saka inabot ang maliit na sobre.

"Para saan po ito Sir?" tanong ng dalaga habang nakangiti.

"Para kagabi,” sagot ni jokos dito.

"Pero Sir hindi n'yo po ako kailangan bayaran nag-enjoy po ako kagabi. Kung gusto po ninyo ulitin po ulit natin," sabi nito saka lakas loob na kumapit sa balikat nito at pinagapang pababa sa braso ng binata.

"Stop it! And you're fired!" may awtoridad na sabi ni Jokos saka lumapit sa kanang kamay nito. Lalapit pa sana ang babae pero agad itong hinarang ng dalawang lalaki. Kaya naman wala itong nagawa kundi ang lumayo na lang at tingnan ang likod ng dating amo.

"Kunin mo ang address ng babaeng nasa litrato at alamin mo hanggang kaliit liitan ng pagkatao ng babae na nasa loob ng envelope," utos nito sabay abot ng envelope. Agad na kinuha ng kanang kamay nito ang envelope at saka ito tumalikod.

Dumiretso si Jokos sa nakalaang kwarto nito at agad na dumiretso sa ref at kumuha ng beer.

"Wency Cruz,” bulong nito sabay tungga ng beer. Saka inalala ang nangyari kahapon sa mall.

Naglalakad si Jokos sa mall upang bisitahin ang bawat detalye sa pagpapagawa ng extension ng mall. Nang biglang mabunggo siya ng isang babae. Mukha itong tuliro at nakasuot ito ng uniform. Malamang dito ito sa mall nagtatrabaho.

"Sorry po!" mahinang usal nito. Nagtama ang mga mata ng dalawa. Pero ang dalaga ang unang nagbawi ng tingin saka ito agad na umalis.

Naiwang nakatingin si Jokos sa dalagang tumatakbo. Ilang sandali lang may babaeng na naman na tumatakbo at sinisigaw ang pangalan ng dalaga.

"Wency!" sigaw nito. Nang mapadaan ito sa tapat ni Jokos ay agad itong napahinto. Marahil ay nakilala ito ng babae.

"Hello po Sir Montreos. Pasensya na po at tumatakbo po ako, yung kaibigan ko po kasi hinahabol ko lang." paliwanag nito na tinanguan naman ng binata.

" nangyari?"

"Umalis po ang nobyo nito at ngayon po ata ang flight,” sagot ng babae.

"Gano’n ba? Ano ‘yan?" tanong ni Jokos na ang tinutukoy ay ang bag na hawak ng babae.

"Bag po ni Wency Sir. Nakalimutan po niya sa pagmamadali," sagot nito.

"Akin na. Ako na ang mag-aabot sa kanya," sabi ni Jokos na ikinagulat ng babae. Wala nang nagawa ang babae kaya inabot na nito sa binata ang bag nito.

Nang makuha nito ang bag ay agad na inabot ito sa isang butler.

"Sige na bumalik ka sa iyong trabaho ako na ang bahala sa gamit ng kaibigan mo."

"Okay po Sir. Mauna na po ako." sabi ng babae saka dahang dahang lumakad palayo. Nang malayo na ang babae ay agad na lumapit ang butler.

"Sir ano po ang gagawin sa bag?" tanong ng butler.

"Dalhin mo sa opisina ko,” utos nito saka muling lumakad.

Ilang oras lamang ang lumipas ay nakabalik na sila sa building ng mga Montreos. Nang makarating na si Jokos sa opisina ay agad na umupo siya sa upuan niya at agad na dinampot ang bag ng dalagang nagngangalang Wency. May nakalawit pa ditong bunny.

Maya-maya ay biglang nag ring ang cellphone sa loob ng bag. Binuksan niya ito at agad na kinuha ang cellphone.

"Unknown number," mahinang usal nito. Bago nito sinagot ang tawag.

"Hello po!" mahinang sabi ng nasa kabilang linya.

"Sino ito?" tanong ni Jokos kahit alam nito na ang babae kanina ang tumatawag.

"Sir Montreos! Ako po si Wency Cruz, naka-assign po ako sa Shoe's Department ng mall n'yo!" mahinahong sabi nito sa kabilang linya marahil ay kinakabahan ito. "Sabi po ng kaibigan ko ay nasa inyo po ang bag ko?" tanong nito sa binata sa kabilang linya na agad naman na sinagot ng binata

"Nasa akin nga ang gamit mo. Kung gusto mong kunin ang gamit mo pumunta ka sa hotel bukas. Nando’n ang opisina ko," wika ng binata na agad namang sinang ayunan ng dalaga.

Matapos ang usapan nila naisipan ni Jokos na pumunta sa bar ng kaibigan nito. Pakiramdam ni Jokos ay kailangan niyang magpahangin muna. Natotorete kasi ito sa will na iniwan ng lola niya.

Hindi pa nagtatagal ang binata sa bar ay nabulabog na ang utak nito. May isang babae kasi na inaawat ng kasama nito sa pag-iingay.

"Teka ito ‘yong babae kanina ahh? “Yong nagngangalang Wency. Anong ginagawa nito rito?" tanong nito sa sarili, habang minamasdan ang dalagang hindi na makatayo ng matuwid.

Patuloy pa rin ito sa pangungulit. Hanggang sa sabihin nito na kung sino man daw ang unang lumapit na lalaki dito ay hahalikan nito.

Automatic na napatayo ang binata at sabay lakad palapit dito.

Agad nakilala ng kasamahan ng dalaga na ito ang boss nila

At agad itong humingi ng paumanhin. Pero laking gulat na lang ng binata ng dahan dahang lumalapit ang dalagang kanina pa nag-iingay at agad na hinalikan ang labi ng binata.

Bago nawalan ng malay. Siya na rin ang nag-presinta na maghahatid sa dalaga na agad namang sinang ayunan ng kaibigan nito. Dinala ito ng binata sa hotel nila at doon kinuha ng sariling kwarto.

Pero para kay Jokos iyon na ata ang pinakamalalang pangyayari sa buhay nito. Ito rin ang unang pagkakataon na hindi nito kinagat ang pang-aakit ng isang dalaga na may kakaibang ganda sa lahat ng nakilala nito.

Masakit ang ulo ng dalaga nang magising ito sa hindi pamilyar na lugar. Agad na sinipat nito ang sarili at ng makita nito na iyon pa rin ang suot nito ay agad itong nakahinga ng maluwag.

"Nasaan nga ba ako?" Agad itong napatingin sa pinto. Bubuksan niya sana iyon ngunit naka-lock. "Bakit ako naka-lock dito?" muling tanong nito sa sarili saka ito kinalabog nang malakas.

"Sinong nasa labas? Buksan ninyo ito!" sigaw ng dalaga na agad namang may tumugon.

"Madam, ayos na po ba kayo?" tanong pa nito.

"Natural, kaya buksan ninyo ito." Pagkasabi nito ay agad itong pinagbuksan ng mga lalaki.

"Paano ako napunta rito?"

"Dinala po kayo ng boss namin."

"At bakit kilala ko ba siya?"

"Opo Madam, ang totoo nga po kanina pa po niya kayo hinihintay sa kabilang kwarto."

"Ako? At bakit?"

"Halina po kayo at sasamahan po namin kayo sa opisina ni Mr. Montreos," wika nito na ikinalaki ng mata ng dalaga.

"Si Mr. Montreos? Bakit may ginawa ba ako kagabi? Patay ako nito," wika ng dalaga na ikinangiti ng mga lalaki sa likuran ng kausap nito.

"Hala nangingiti kayo, umamin nga kayo ano ginawa ko kay boss kagabi?" tanong nito na agad ikinaseryoso ng mga ito dahil tiningnan sila ng masama ng leader.

"Tayo na po Madam," wika muli nito, akala ng dalaga malayo ang lalakarin nila patungo sa opisina ni Mr. Montreos pero apat walong hakbang lang pintuan na pala ng opisina ng amo nito.

"Katabi ko lang pala ng kwarto si Mr. Montreos?" tanong ng dalaga. Nagtatlong katok ang butler nito at ilang minuto lang bumukas ang pinto at dumungaw ang gwapong binata. Napalunok ang dalaga pakiramdam nito nakakahiwa ng balat ang paraan ng pag-tingin ng binata sa dalaga.

"Pasok ka," sabi ng binata saka pinaalis ang mga butler nito.

“‘Yong mga papeles pakihanda mo Mr. Rod."

"Opo!" sagot lang nito saka umalis ang mga ito. Dahan-dahan namang pumapasok ang dalaga sa kabuuan ng opisina nito. May dalawang table sa gitna at bawat gamit na makikita d2 ay puro mga libro at isang malaking sofa at aquarium.

"Napakaganda naman ng opisinang ito," bulong ng dalaga na tanging siya lamang ang nakakarinig.

"Umupo ka," utos nito.

"Salamat po.”

"Anong trabaho mo sa mall? Sales lady?'

"Opo! Pero naghahanap pa po ako ng ibang trabaho," sagot ng dalaga na ikinatango ng binata.

"Ang bag mo nasa table ko kunin mo na," utos nito na agad sinunod ng dalaga. Agad itong tumayo at nagtungo sa table ng amo nito.

Pero bago nito madampot ang bag ay napansin nitong papalapit sa kanya ang binata. Kinabahan na agad ang dalaga. Hindi lang kasi ito basta-basta lumalapit lang iba rin kasi ang paraan ng tingin nito. Parang may mali 'yong gwapo kong boss may pagnanasa yata sa akin? Tili ng utak ng dalaga habang patuloy ito sa pag-atras.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status