Share

Kabanata Tatlo

“Alexa!” si Pia, na humahangos papunta sa akin dito ngayon. Kararating ko lang kasi ngayon dito sa aming university.

“May i-ba-balita ako sa 'yo,” sabi nito na hapong-hapo. Tiningnan ko siya agad nang may pagtataka.

“Guess what? Si Karlos, may girlfriend na raw!” natawa ako sa itsura nito na nakasimangot at hindi ma-i-pinta ang buong mukha. 

“Eh, ano naman kung may girlfriend na si Karlos?” nakangising tanong ko sa kaniya na agad niya namang iniripan. 

“Tara na nga, pasok na tayo!” padabog na aya nito at na-unang lumakad sa akin. Tinawanan ko nalang siya hanggang sa makapasok kami sa first class namin ngayon.

Dalawang buwan na pala akong naninilbihan ngayon, sa bahay nila madam. Ang bilis 'di ba? Thanks to god, dahil alam ko na nababawasan din ang utang namin ni nanay kay madam.

Sa ngayon, dahil second sem na kami. Nag-iba na rin ang mga schedules ko dito sa klase. Mabuti nalang alas-tres nang hapon ay tapos na ang klase ko. Hanggang alas-otso na ako ngayon. Bale, limang oras ang pamamalagi ko para mag-trabaho sa bahay nila madam. Iba dati na hanggang tatlong oras.

“ATTENTIONS!” biglang sigaw ni madam. Nandito kaming lahat sa kusina nag-ha-handa ng hapunan nila.

“Makinig kayong lahat ng mabuti. Bukas ay uuwi ang asawa ko. Kaya, naisipan ko na magkaroon ng simpleng selebrasyon dito sa bahay bukas. Dapat bukas ay mag-handa kayong lahat para sa selebrasyon. Kaya sana ayusin ninyo dahil marami akong bisita na dadalo bukas. Maliwanag ba?” mahabang paliwanag ni madam sa amin na naintindihan ko naman, ewan ko sa mga kasamahan ko dito kung naintindihan din ba nila.

“Yes, madam,” sabay naming sagot lahat.

“Magsibalik na kayo sa mga trabaho ninyo!” huling sinabi nito bago umalis.

Okay naman si madam. Nakaya ko naman ang ugali na meron siya na nakasanayan ko na rin.

“Nay, baka gabihin po ako ng uwi mamaya. May selebrasyon po kasi kila madam. Pero subukan ko po maka-uwi ng maaga mamaya at mag-paalam kay madam,” bigay alam ko ngayon kay nanay. Baka mag-taka ito mamaya na matagal akong umuwi.

“Ikaw bahala, ingat ka.” Humalik muna ako sa pisnge n'ya bago ako umalis ng bahay at dumiretso sa university ngayon.

Nandito na ako ngayon sa bahay ng mga Buenavista. Dito ako dumiretso pagkatapos ng klase namin kanina.

Pasado alas-siyete na no'ng dumating sila Madam at Don Manuel, sakay ng kanilang kotse na galing airport. Marami na rin ang mga tao na nandito na bisita nila.

Isa ako ngayon sa tutulong na mag-serve ng mga pagkain ng mga bisita dito ngayon. Nangangalay na nga 'yong likod ko, balikat at saka binti ko. Dahil kanina pa ako pabalik-balik sa pag-serve. Okay na rin kung matapos ito para makapagpahinga na ako.

“Iha.” Tawag sa akin ng isang matandang babae na ka-edad ni madam.

“Yes po, madam?” tanong ko nang makalapit ako sa puwesto n'ya. Nakita kong ngumiti ito na para bang nahihiya.

“Ikaw talaga, 'Ma'am' nalang. Hindi kasi ako sanay na tinatawag na 'Madam', hehehe,” nahihiyang tawa nito na ikinangiti ko. Kaya pala kanina iba 'yong ngiti n'ya nang tawagin ko siyang madam.

“Puwede mo ba akong i-kuha ng tubig? Please, salamat” sabay ngiti n'ya. Tumango ako sa kaniya bago umalis at kumuha ng baso para salinan ng tubig. Pagkatapos, ay saka ko binigay sa kaniya.

“Salamat, iha.” Pasalamat n'ya sa akin nang binigay ko sa kaniya ang isang basong tubig na kinuha ko na agad n'ya namang in-inom. Nginitian ko siya bago iniwan.

Habang nag-a-ayos ako ng mga pagkain na idadalhin ko sa kada lemesa, may napansin ako na papasok dito sa venue.

Si Karlos na may kasamang napakagandang babae ngayon na naka-suot ng kulay puti na sleeveless dress, hanggang tuhod. Ang ganda ng babae na parang anghel na bumaba dito sa lupa. 

Namalayan ko nalang na naka-awang pala ang aking bibig habang tulalang tiningnan ang babae. Kaya agad ko nalang tinikom.

Lumapit si Madam sa kanila at saka bineso-beso 'yong babae. Siguro, ito 'yong girlfriend ni Karlos na sinabi kanina sa akin ni Pia.

Giniya sila ni madam sa puwesto na uupuan nila ngayon. Ang sweet ni Karlos, pinaghila n'ya pa nang ma-u-upuan 'yong babae. Ang sweet 'di ba? Kapag sasabihin ko ito kay Pia. Ewan ko nalang kung ano ang magiging reaksyon no'n.

Naging masaya naman ang lahat at maging sila Don Manuel at Madam Elsa at nakita ko na masaya ngayon.

May ilang mga bisita nang umuwi dahil tapos na rin 'yong kainan. Tapos gumagabi na kasi. 

“Alexa, hali ka nga dito!” nagulat ako nang tawagin ako ni madam. Kaya agad ko siyang pinuntahan.

“Ano po 'yon, madam?” tanong ko sa kaniya at may in-abot siya sa akin na isang maliit plato na may lagay na beef steak.

“Ibigay mo 'to kay Loren ang.” 

Akala ko ibibigay n'ya sa akin ito. Kay Loren ko pala i-bigay. Teka, sino si Loren? 

“Ah, madam. Sino po si Loren?” 'di ko kilala kung sino si Loren na tinutukoy n'ya.

“Si Loren, hayon, oh! Kasama ni Karlos. Ibigay mo na doon.” Nakita ko nga ang tinutukoy na Loren ni madam. Ang babaeng kasama ngayon ni Karlos na maganda.

“Sige po, madam.” Kumilos na ako para i-bigay itong beef steak kay Loren na utos ni madam.

“Hello, Loren. Pinapabigay pala ni Madam.” Tumingin naman si Loren sa akin na nginitian ko naman. Ang ganda n'ya. 

“Ilagay ko nalang dito, ah?” Ilalapag ko na sana nang biglang hawakan ni Karlos ang kamay ko na nakahawak ngayon sa plato. Grabe! naramdaman ko lang naman na may parang kuryente na dumaloy bigla sa buong sistema ng katawan ko. Ito na ba 'yong sinasabi nilang spark? 

Nabaling bigla ang atensyon ko sa mukha ni Karlos at nakabukas na ang bunganga nito ngayon na parang anytime papasukan na ng langaw, nang ako kaniyang tignan. Tulala itong nakatingin sa akin ngayon, in-short.

“A-h-h! Ilalapag ko nalang po,” tarantang sabi ko nang makabawi at umayos ako ng tayo.

“Th-a-nk you” nauutal na sabi ni Karlos at saka ito yumuko.

Ngumiti nalang ako kay Loren at saka ko sila iniwan. Bakit gano'n? So weird. Teka! Hayssstt! Huwag naman sana. Hindi ako magka-gusto kay Karlos, 'no! Magagalit pa sa akin si Pia. Ayaw kong masira nalang basta-basta ang friendship naming dalawa ni Pia.

Alas-onse na ngayong gabi. As in, late na talaga at alam ko na tulog na ngayon si nanay. Konte nalang ang mga bisita na natira dito ngayon.

Niligpit ko ang mga gamit ko para umuwi, nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Tapos may kasama pang kulog at kidlat. As in, sobrang lakas ng ulan. 

Naku! Baka hindi na ako ma-ka-u-uwi nito ngayon. Ang lakas ng ulan, tapos wala akong dalang payong. Lalagnatin talaga ako nito kung uuwi ako ngayon at mababasa ng ulan. 

“Alex, uuwi ka pa ba? Malakas ang ulan,” si Aling Berna.

“Opo, Aling Berna. Wala pong kasama si nanay ngayon. Nag-paalam naman ako kanina sa kaniya. Kaso wala pong cellphone si nanay ngayon at hindi ko siya ma-inform. Uuwi po ako, kapag tumigil na ang ulan.” Desididong sabi ko kay Aling Berna.

“Aya-hin sana kita ngayon na matulog sa kuwarto ko. Kaso masikip, eh.”

“Okay lang po, Aling Berna. Uuwi po talaga ako ngayon,” pagtanggi ko sa kaniya at saka ko siya nginitian.

“Manang” si Karlos.

“Ano 'yon, hijo?”

“Hinahanap ka po ni mommy. Puntahan n'yo nalang po siya sa kuwarto n'ya ngayon.”

“Alex, iwan muna kita ngayon, pupuntahan ko lang si madam. Ay! Hijo, may matutulugan ba ngayon dito si Alex? Malakas kasi ang ulan sa labas at gabi na, dis-oras na ng gabi”

Tumingin naman sa akin si Karlos na bakas ang pag-alala. Tumingin din siya sa labas ng bahay at nakita n'ya na malakas talaga 'yong ulan na mukhang hindi na titila. Tapos, nagkataon namang kumulog na sobrang lakas ngayon at may pakidlat pa!

“Puno na po kasi ang guest room ngayon. Tapos naka-lock pa 'yong kuwarto nila ate at kuya,” malungkot na saad nito. Uuwi talaga ako ngayon. Pa-tila-hin ko lang itong ulan sa ngayon.

“Paano ba 'yan,” aalala akong tinignan ni Aling Berna na agad ko namang nginitian.

“Uuwi po talaga ako. Hintayin ko nalang na tumila ang ulan.” Desidido kong sabi sa kanilang dalawa, sabay ngiti.

“Hindi na titila ito, hija,” malungkot akong tiningnan ni Aling Berna. Basta, ma-ka-u-uwi rin ako mamaya.

“Doon ka nalang sa kuwarto ko matulog.” Nanlaki bigla ang aking mga mata sa sinabi ni Karlos. Nagulat ako sa alok nito bigla.

“Sir?” tulala at nauutal kong saad kay Karlos nang tiningnan ko ito. Nabigla lang ako at nagulat talaga.

“Sa kuwarto n'yo po?” pag-uulit ko sa sinabi n'ya bago lang. Baka nabingi lang kasi ako. Namilog talaga ang aking mga mata sa reaksyon ko ngayon.

“Oo, puwede ka doon kung gusto mo. Nando'n din si Loren.” Natigilan naman ako nang marinig ko ang pangalan ni Loren.

“Tamang-tama, hija. Nando'n pala si Maam Loren. Doon ka muna. Okay lang ba, sir?” tanong ni Aling Berna sa kaniya na agad naman nitong tinanguan.

“Oo naman, manang,” ngiting sagot ni Karlos.

“Doon ka muna pansamantala sa kuwarto ni Karlos. Bukas ka nalang umuwi. Alam ko na maiintindihan ka rin ng nanay mo bukas. Lalo na malakas ang ulan ngayon.” Papayag ba ako? Naguguluhan kasi ako.

“S-i-i-i-g-ge po.” Nauutal na sagot ko. 'Di 'ko sure.

“Tara na!” nauna itong lumakad. Sumusunod naman ako sa kaniya. Nginitian ko si Aling Berna bago iniwan. Hanggang sa napadpad kami sa harapan ng kuwarto ni Karlos ngayon.

Binuksan n'ya ang pinto at una kong nakita pagka-bukas nang pinto si Loren, na naka-upo ngayon sa  ibabaw ng kama n'ya.

“Pasok ka,” aya ni Karlos sa akin, hanggang sa maka-pasok ako sa loob ng kuwarto n'ya ngayon.

“Oh! Hi” bati ni Loren sa akin nang mapansin n'ya kami. Nagkangitian kami sa isa't isa.

“Dito muna si Alexa. Malakas kasi 'yong ulan sa labas,” bigay alam ni Karlos dito sa girlfriend n'yang si Loren.

Bigla kong naisip. Parang hindi yata tama na nandito ako at kasama ko sila. Baka may bonding pa sila na dapat nilang gagawin. At hindi nila magawa dahil nandito ako. Panira ako gano'n!

“Sure, tabi nalang kami dito sa kama mo,” nakangiting sabi ni Loren kay Karlos. Nahiya ako bigla. 

“Naku! Kahit dito nalang ako sa sahig. Okay na ako,” presenta ko. Tiningnan naman ako nilang dalawa at nahiya akong tumingin sa kanilang dalawa.

“Ano ka ba, A-a-lex?” banggit nito sa pangalan ko kung tama ba ang pag-tawag n'ya sa akin.

“Yes po, ma'am. Alexa.” Naka-ngiti kong pagpapakilala sa kaniya.

“Loren nalang. Huwag mo nalang akong tawaging 'Ma'am'. I'm sure, magkasing-edad lang tayo. So, Alexa. Dito ka nalang tumabi sa akin sa kama. Si Karlos naman ay doon sa sofa matutulog.” Napansin ko na may sofa pala dito sa loob ng kuwarto ni Karlos.

“Tabi nalang kayo ni Loren, Alexa. Bisita ko kayo. Kaya, okay lang sa akin na matulog dito sa sofa. Feel at home,” ngiting sabi  sa amin ni Karlos. Na-touch naman ako.

“Alexa, halika,” aya ni Loren sabay pagpag n'ya sa ibabaw  ng kama. Tiningnan ko si Karlos na nakangiti ako nitong tiningnan ngayon. 

No choice ako. Kaya tumabi nalang ako kay Loren sa pag-upo dito sa ibabaw ng kama ni Karlos.

“Iwan ko muna kayo. Bababa lang ako. Loren, ikaw na ang bahala kay Alexa.” B-in-ilin pa ako ni Karlos kay Loren bago ito lumabas ng kkwarto n'ya. 

Parang mali? 'Di ba dapat ako ang mag-a-asikaso kay Loren. Dahil katulong ako dito? Nagkamali lang siguro si Karlos sa sinabi n'ya.

“So, Alexa. Ka-ano-ano mo pala sila Tita Elsa at Karlos pala?” biglang na-i-tanong ni Loren sa akin. Tiningnan ko siya at saka ako ngumiti sa kaniya at gano'n din siya sa akin.

“Ah, katulong nila ako dito,” sabay ngiti.

“Really? Akala ko pinsan ka ni Karlos, I'm sorry.” Hingi nito ng patawad sa akin. Natawa naman ako.

“Katulong talaga ako nila dito. Dating katulong ang nanay ko dito, at ngayon ako naman.” K-in-uwento ko ang lahat kay Loren kung paano ako naging katulong ng mga Buenavista.

“Alam mo, ang bait mo palang anak,” biglang wika nito. Napatingin naman ako sa kaniya.

“Hindi naman. Kaya lang naman kami nagkaroon ng utang ni nanay kay Madam Elsa, dahil sa mga gastusin sa pag-aaral ko. Lahat, ginagawa ng nanay ko para lang makapag-aral ako. Kaya lumaki na 'yong utang namin.”

Marami pa kaming napag-usapan. Hanggang sa natanong ko siya sa bagay na gusto kong malaman ngayon.

“Girlfriend ka ni Karlos?” Nakita ko na nabigla ito sa tanong ko at saka kumunot ang noo n'ya.

“Hindi, ah! Ikaw talaga. Friends lang kami no'n, 'no. Minsan napagkamalan din kaming mag-jowa. Ang close raw namin masyado. Friends lang talaga kami,” sabay tampal n'ya sa balikat ko. Natawa kami pareho. Pati ako natawa sa sarili ko kung bakit ko natanong ito kay Loren.

Hanggang sa napagdesisyunan na naming dalawa na matulog na. Magkatabi kaming ma-tu-tulog ngayon dito sa kama ni Karlos. Tapos si Karlos, hindi pa nakabalik nang umalis siya kanina.

Pinatay na namin ni Loren 'yong ilaw at tanging lampshade na nasa gilid ngayon ng kama ang nakabukas. Hindi kasi makatulog si Loren kapag nakabukas ang lahat ng ilaw at pareho kaming dalawa.

Nagising ako nang wala akong may maaninag na sikat ng araw. Baka gabi pa lang. Mabuti nalang may orasan dito sa loob ng kuwarto ni Karlos, at nakita ko na alas-singko na pala ng umaga ngayon. Bakit parang gabi pa rin?

Bumangon na ako para mag-ayos dahil u-uwi ako ngayon sa bahay. Baka nag-alala na si nanay sa akin ngayon. Napalingon ako bigla sa may sofa na nasa harapan ko ngayon at nakita si Karlos na mahimbing na natutulog. 

 Magkaharap kami kumbaga ni Karlos. Kasi pag humarap ako, siya agad ang makikita ko na nakahiga ngayon sa sofa.

Kinuha ko na 'yong mga gamit nang dahan-dahan na hindi silang dalawa magising sa pagkatulog nila ngayon.

Nang makuha ko na lahat, dahan-dahan kong hinakbang ang mga paa ko nang walang nililikhang ingay para hindi sila magising. Hinay-hinay lang ako hanggang sa makalabas na ako ng kuwarto ni Karlos. 

Dinahan-dahan ko rin ang pag-sara ng pinto na 'di makalikha ng ingay. Nang ma-i-sara ko na nang walang ingay, ay parang gusto ko mag-pa-party.

Achieve! Dahan-dahan na naman akong lumakad hanggang sa makababa ako sa sala. Narinig ko 'yong mga ingay na nanggaling sa kusina. Nakita ko rin ang ilang mga katulong na kasamahan ko rin dito na nag-ha-handa na ng almusal ngayon.

Wala sa kanila ang nakapansin sa akin. Kaya malaya akong nakalabas ng gate at nadatnan ko na madilim pala ang buong paligid dito sa labas. Feeling ko, masama pa rin ang panahon ngayon. Hindi ako sure kung may bagyo ba ngayon, kasi di ko pa nanood at narinig sa News.

Binilisan ko ang mga hakbang ko hanggang sa makalabas ako ng subdivision at mabuti nalang pagkalabas ko may humintong jeep, na agad kong pinara. Mabilis akong pumasok sa loob ng jeep, para maka-sakay at maka-uwi na ako ngayon sa bahay.

“Nay, sorry po talaga. Kung hindi ako naka-uwi kagabi. Malakas po kasi ang ulan,” paumanhin ko kay nanay pagkarating ko dito sa bahay.

“Nasabi ni Berna sa akin kagabi.” Agad akong nagulat sa sinabi nito. Dahil alam ko na wala siyang cellphone.

“May cellphone na kayo, nay? Akala ko po sira? Kaya hindi po kayo nakontak kagabi.”  Itinaas n'ya 'yong cellphone na hawak n'ya ngayon.

“In-ayos ko kagabi. Mabuti nalang gumana. Pinaloadan ko lang at saka kinontak si Berna. Mabuti nalang may number si Berna sa akin. Hindi kita makontak kagabi.”

“Malakas po kasi ang kulog at kidlat, nay. Kaya in-off ko po muna ang cellphone ko. Dahil okay na po ang cellphone ninyo ngayon, next time po magpapaalam na po ako sa inyo,” masaya kong saad sa kaniya na ikinangiti n'ya naman.

“Mag-ayos ka na doon, may pasok ka pa mamaya,” naalala ko nalang na may pasok pa pala ako ngayon. Kaya kailangan ko ng mag-handa na.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status