Share

Kabanata Apat

Linggo ngayon, at nandito ako sa bahay ng mga Buenavista. Para sa aking gawain na dapat gagawin. 

“Alexa, nag-almusal ka na ba?” biglang tanong sa akin ni Aling Berna.

“Opo, Aling Berna”

“Akala ko hindi pa. Sumabay ka sa amin mamaya. 'Pag tapos na sila kumain ay saka tayo ka-kain.” Palagi ako nito in-anyayahan kumain o mag-almusal kapag nandito ako tuwing sabado at linggo. 

Pero minsan hindi ako sumasama sa kanila dahil nahihiya ako. Sila kasi stay-in dito. Kaya natural na dito sila mag-almusal, mananghalian at maghapunan. Tuwing lunch lang ako sumasabay sa kanila. Kasi libre ang pagkain ko dito every saturday and sunday, kada lunch. Ang sabi ni Madam.

“Kayo nalang po, hehehe,” pagtanggi ko. Nahihiya talaga ako, promise. Baka mapagalitan pa ako ni madam at saka 'yong pagkain sakto lang sa kanilang pito na katulong dito at lalo na sa tatlong driver na stay-in din dito.

Hindi na ako pinilit pa ni Aling Berna. Dahil alam n'ya naman na kapag ayaw ko, ayaw ko talaga. Ginawa ko nalang ang mga trabaho na gagawin ko ngayon.

Katatapos ko lang mag-kusot ng mga damit ngayon at babanlawan ko nalang para puwede nang i-sampay. Tanging nilalabhan ko lang ang mga damit nila madam, asawa nito at ni Karlos. Every sunday lang ako naglalaba, the rest 'yong mga katulong na ang naglalaba dito.

“HOY!!!” nagulat ako nang may sumigaw bigla sa likod ko at nabosesan ko ang boses ni madam.

Agad ko siyang nilingon at tama nga ako. Nakita ko na sobrang galit ito ngayon at 'di ma-i-pinta 'yong mukha. Nakita ko rin na may hawak siyang kulay asul na dress.

“IKAW! Hindi ka ba marunong mag-laba, ha?” galit na asik nito sa akin. Kaya agad akong napatayo sa kinauupuan ko para harapin siya na galit na galit ito ngayon.

“Po? Mad-a-a-m, hindi po ako 'yong naglaba niyan.” Nauutal na bigkas ko at 'yong tinutukoy ay 'yong kulay asul na dress na hawak n'ya ngayon na nakataas at t-in-utok n'ya sa pagmumukha ko. 

Kinakabahan na talaga ako ngayon at nanginginig na sa neyerbyos. Ikaw ba namang sigawan? 'Di ba? Sino ba kasi ang nag-laba nitong kulay asul na dress n'ya. Bakit ako 'yong sinisisi at pinagbibintangan. Kalalaba ko lang kaya dito ngayon. 

“Hindi? HINDI? OH! HAYAN!” sabay bato nito sa akin ng dress n'ya na nahulog na ngayon sa baba. Ang lakas ng pagkabato n'ya sa akin. Feeling ko parang umalis 'yong kaluluwa ko sa sobrang lakas ng impact.

“Maglalaba ka lang, hindi mo pa maayos. Bakit napatakan ng zonrox 'yan? 'Di mo ba alam, ah? Mahal ang binili ko diyan. Mahal 'yan! na malaki pa sa utang ninyo ng nanay mo sa akin! Labandera ang nanay mo, bakit hindi ka marunong maglaba, ha‽” Hindi ako agad naka-imik. Para saan pa, kung pagagalitan n'ya naman ako.

Hinabaan ko nalang ngayon ang pasensya ko, kasi sanay naman ako sa bunganga ni madam na minsan pinapagalitan ako. Kahit na ang totoo hindi ko naman kasalanan pero pinapagalitan n'ya pa rin ako. Ang laki ng galit n'ya sa akin. Kahit mahirap ako, sana hindi n'ya ako pag-tratuhin ng ganito na sinisigawan n'ya lang.

“Madam, hindi naman po talaga ako nag-laba niyan. Bago lang po ako dito, ngayong linggo pa lang po ako nag-laba,” rason ko sa kaniya. Pinandilatan lang ako nito at saka siya napabuntong-hininga.

“At sino ang sisihin ko, ah?” Natakot ako nang lumalapit ito ng dahan-dahan sa akin at ako naman ay umusog paatras.

“Ma!” biglang pumagitna sa amin si Karlos at alam kong ipagtatanggol ako nito ngayon sa mommy n'ya. 

Kapag pinapagalitan ako ni madam, palaging nandiyan si Karlos para ipagtanggol ako sa mommy n'ya. Kaya aminado ako, na nahulog na ang damdamin ko sa kaniya. Oo, may lihim na pagtingin ako para kay Karlos na ayaw kong malaman ng iba at gusto ko ako lang ang nakakaalam.

Basta, nahulog nalang ang loob ko sa kaniya nang palagi n'ya akong pinagtatanggol.

“Umalis ka diyan, Karlos” utos ni Madam dito sa anak n'ya. Magkaharap silang dalawa ngayon at nasa likod ako ni Karlos na hinarangan n'ya ako ngayon. Para ipagtanggol n'ya ako sa mommy n'ya.

“Mom naman. Try n'yo kayang mag-tanong sa ibang katulong natin dito. Bago lang dito si Alexa na nag-laba at bakit siya na agad ang sinisisi ninyo?”

“Karlos? Pinagtatanggol mo 'yang babaeng 'yan?” sabay duro sa akin ni madam. Nanlilisik na naman ang mga mata nito ngayon sa akin.

“Nakikita ko lang kung ano ang mali, mom,” mahinahon na saad ni Karlos sa mommy n'ya.

“Sige! Ipagtanggol mo 'yan. Peste!” sabay talikod nito paalis. Nang alam na naming nakalayo na siya, saka ako hinarap ni Karlos.

“Ayos ka lang?” nag-alalang tanong nito sa akin habang hawak ang dalawang siko ko na agad ko namang winakli ng mahina. Naramdaman ko kasi na may spark, kaya nawakli ko agad, mahina lang.

“Oo, tatapusin ko nalang ang mga nilalabhan ko ngayon.” Tatalikod na sana ako nang bigla ako nitong pinigilan sa braso ko.

“Tutulungan na kita. Magbabanlaw ka na ba?” tanong nito na tinanguan ko naman. Para akong tuod na tumango nalang.

“Hindi na, baka pagalitan tayo ng mommy mo,” tanggi ko nang maka-bawi ako mula sa pagkatulala.

“Basta! Tutulungan na kita,” sabi nito at nakita ko nalang siya na binabanlawan na ang mga damit ngayon na nasa labador.

Tinulungan n'ya talaga akong mag-banlaw at hinyaan ko nalang siya. Pero syempre kinakabahan. Dahil baka pagalitan na naman kami ni madam at kung ano pa ang masabi no'n sa amin ng anak n'ya. Malaking giyera na naman siguro kapag nagkataon.

Tinulungan din ako ni Karlos na mag-sampay ng lahat ng mga damit na tapos na naming nabanlawan at isasampay nalang. Mabilis 'kong natapos ang paglalaba ko sa tulong ni Karlos.

“Karlos, salamat, ah,” ngiting sabi ko sa kaniya at nginitian n'ya rin ako.

“Wala 'yon. Pagpasensyahan mo na si mommy. Mainit yata ang ulo n'ya ngayon at sa 'yo naibunton 'yong galit n'ya. Hindi kasi naka-uwi si daddy nang dalawang araw.” Napatango naman ako sa kuwento nito.

Kaya naman pala mainit ang ulo ni madam. Naalala ko bigla ang sinabi ng isang kasambahay dati nang marinig ko ang usapan nila.

“Bakit?” nag-alalalang tanong ko.

“Ewan, Ay! May mga damit pa pala akong natira doon sa kwarto ko”

“Kunin mo nalang doon at ako na ang maglaba,” sabay ngiti ko sa kaniya.

“Sure ka?” hindi makapaniwalang tanong nito na agad kong tinanguan.

“Oo naman. Trabaho ko ngayon ang mag-laba. Sige na, kunin mo na at malabhan ko na.”

“Sige, tutulungan nalang kita. Hintayin mo lang ako dito,” bilin nito sa akin bago umalis para kunin ang mga damit nito na lalabhan ko ngayon.

Gaya nang sinabi ni Karlos, tinulungan ako nito na mag-laba ng lahat ng mga damit n'ya. Jersey na apat na terno na iba-iba ang kulay, mga damit na panglakad.

Nakita ko ang isang brief n'ya. Actually, nahihiya talaga ako mag-laba lalo na ng mga ganito. Dahil nga trabaho ko, kakayanin ko.

Dadamputin ko na sana ang isang brief ni Karlos para labhan, nang may biglang umagaw. Pagtingin ko si Karlos na pulang-pula ang buong mukha ngayon na parang kamatis.

“Ako na, nakahihiya,” nahihiyang sabi nito at in-agaw n'ya mula sa akin 'yong isang brief. If ever na ako ang maglalaba ngayon, first time ko talaga. Never n'yang pinapalabhan sa akin ang mga underwears n'ya.

Actually, ngayon lang ako may nakita dito na lalabhan ko sana, kaso biglang in-agaw ni Karlos. 'Di ko alam, natatawa talaga ako.

“Sorry talaga, nakahahiya! Hindi ko alam na napasama pala dito. Nahihiya kasi ako na ipapalaba sa ibang mga katulong namin dito at lalo na sa 'yo ang mga underwears 'ko. Kaya 'yong mga damit ko lang na ginamit ang pinapalaba ko. 'Yong underwear ko, ako ang naglalaba. Nahihiya talaga ako 'kong ipapalaba ko sa iba,” natawa nalang ako sa sinabi nito. May point naman siya at naiintindihan ko naman ang rason n'ya.

“Same rin tayo. Ako rin kay nanay. Lalo na nga nagdadalaga ako. Ako talaga ang naglalaba ng mga underwears ko. Kasi nahihiya akong ipalaba kay nanay.” Kuwento ko naman sa kaniya na pinakinggan n'ya naman.

“Ako nalang ang mag-banlaw,” biglang suhestiyon nito na tatanggihan ko sana dahil trabaho ko ngayon ang mag-laba. Kaso mapilit si Karlos. Kaya mabilis natapos ang lahat ng mga nilalabhan ko ngayon, salamat sa tulong ni Karlos.

“Tulungan nalang kita,” pagtanggi ko. Kaso ayaw n'ya magpatinag. At the end, siya ang nag-wagi. Hinintay ko nalang siya na matapos mag-sampay.

“Marunong ka palang mag-laba,” turan ko sa kaniya nang lumapit siya sa akin na may dalang labador at tapos na siyang mag-sampay.

“Natuto lang ako dati sa dati kong yaya,” nakangiting sabi nito.

“Tutulungan ko sa kusina sila Aling Berna mag-ayos,” paalam ko sa kaniya na agad n'ya namangng tinanguan. Dumiretso ako sa kusina at naabutan ko na naghahanda na ang lahat para sa lulutuin nila ngayon sa tanghalian.

Tumulong akong mag-balat ng mga bawang at sibuyas. Pagkatapos h-in-iwa ko. Hinugasan ko rin ang mga hugasin na nakatambak ngayon sa ibabaw ng lababo.

Sa bilis lumipas ng mga oras, alas-kuwatro na ngayon. Mamayang alas-siyete ng gabi ang uwi ko.

“Alex, may nagdo-doorbell. Pakibuksan nga,” utos ng isang katulong na kasama ko dito. I think, Ann ang pangalan n'ya. Hindi ko siya close. Kasi minsan may attitudes siya.

Like example, ang mga trabaho n'ya pinapagawa n'ya sa akin. Hindi na ako umaangal kasi nga katulong din ako dito. Kaya kung ano ang gawain, ginawa ko nalang at hindi na ako naging maka-sarili na 'yong gawain ko lang ang ina-atupag ko.

Iniwan ko 'yong ginagawa kong pagpupunas ng island counter, para mapuntahan ang nagdo-doorbell ngayon at pagbuksan.

Habang lumalapit ako sa gate, nagulat ako kasi nakita ko kung sino ang mga bisita ngayon. Ang mga ka-barkada ni Karlos na naka-suot ngayon ng ternong jersey at siguro galing sila sa paglalaro ng basketball.

Alam ko naman na 'di nila ako kilala at ako lang ang nakakilala sa kanila. Kasi hindi naman ako close sa kanila. Basta nahihiya talaga ako lalo na same kami ng university na pinapasukan.

“Hello, miss. Oh!” biglang nagulat 'yong isa na nakita ako. Huwag n'yang sabihin na kilala n'ya ako. 

Actually, hindi ko kilala itong lalaki na 'to. Pero nakita ko na siya sa university kung saan ako nag-aaral ngayon na ka-barkada ni Karlos.

“May bagong katulong pala sila Karlos,” rinig kong sabi ng isa. May narinig din akong may biglang sumipol. Nakabastos, ah.

“Tumahimik nga kayo. Mahiya kayo!” biglang sabat naman ng isa na may pagka-gentleman.

“Miss, si Karlos ba nandiyan?” biglang tanong ng isa. Hindi ko talaga kilala ang mga pangalan nila. 

“Nandito ako.” Sigaw ni Karlos. Kaya kumaway ang mga ito kay Karlos at saka sumugod para yakapin si Karlos.

Nang makapasok na silang lahat ay saka ko na isinara 'yong gate at pumasok sa loob. Sa likod na ako dumaan kasi alam ko na lahat sila nasa sala at nahihiya akong dumaan.

“Alexa,” tawag sa akin ni Karlos dito sa Kusina. Familiar na sa akin 'yong boses n'ya, kasi matagal na akong nandito at minsan kapag may in-utos siya, ako ang tinatawag n:ya para utusan.

“Bakit?” tanong ko nang binalingan ko  siya ng tingin.

“Okay lang bang timplahan mo kami ng juice?”

“Oo naman. Ilan pala ang ipagtitimpla ko?”

“Lima kami, okay lang?”

“Oo naman,” nakangiting sabi ko sa kaniya.

“Hintayin ko nalang at ako na ang magdadala sa kanila doon sa sala.”

Sinimulan ko ng pag-timpla ng juice at mabilis naman natapos. Tinulungan ako ni Karlos. Siya ang nag-lagay ng tubig sa isang pitsel at siya rin ang nag-pukpok ng ice para madurog at ilagay sa loob ng pitsel

Para mabilis lumamig 'yong juice. 'Yong ambag ko lang talaga ay 'yong tinimpla ko sa isang baso at saka isinalin sa loob ng isang pitsel.

“Kukuha muna ako ng baso,” paalam ko sa kaniya nang mapansin na walang baso. Aalis na sana ako nang pigilan ako bigla ni Karlos sa pulsuhan ko. Nilingon ko naman siya nang may pagtataka.

“Hindi na, may baso na kami doon na hinatid ko,” sabi n'ya at sabay tanggal n'ya ng kaniyang kamay na nasa pulsuhan ko.

“Tulungan nalang kitang mag-hatid ng mga ito sa sala,” presenta ko nalang.

“Huwag na! Ako na!” malapad itong ngumiti sa akin at sabay buhat ng tray na may lagay ng limang baso ng juice. Pinanood ko nalang ang likod nitong lumalakad papalayo. Ang lapad pala ng likod n'ya, ay balikat pala, basta gano'n. Ang sexy ng likod ni Karlos. Totoo! 

Ano ba itong naiisip ko bakit parang in-love yata ako kay Karlos. Ang bait n'ya kasi, tapos guwapo. Pero mali, eh. Lalo na alam kong patay na patay sa kaniya ang kaibigan kong si Pia.

Okay lang naman sigurong i-crush ko si Karlos. Past muna na ma-inlove ako sa kaniya. Kasi alam ko naman na hindi pa ako ready sa mga ganiyan. Sa love, crush-crush. Basta hindi pa ako ready na magka-jowa.

“Nay, una na po ako” paalam ko kay banay. Dahil papasok na ako ngayon sa school.

“Tapos ka na bang kumain?” tanong nito sa akin at sabay subo n'ya ng kaniyang pagkain. Nag-a-almusal kasi ngayon si nanay at mamaya mag-la-laba na naman siya. Nakita ko kanina na marami na naman siyang lalabhan ngayon.

“Tapos na po ako kanina, nay. Alis na po ako!” 

“Teka!” biglang pigil nito sa aki at saka siya tumayo para lumapit sa akin ngayon.

“May ibibigay ako sa 'yo,” saka may k-in-uha ito mula sa bulsa n'ya at laking gulat ko nang makita ko ang marami n'yang pera.

“Ito, ipon ko 'to sa paglalaba ko. Limang libo ito, at sana makatulong 'to para mabawasan na natin ang mga utang natin kay madam,” sabay lahad sa akin ni nanay ng limang libo na agad ko namang tinanggihan.

“Nay, huwag na po. Itago n'yo nalang po 'yan. Isa pa, konte nalang po ang utang natin kay madam at ilang araw nalang maka-a-alis na rin ako sa bahay ng mga Buenavista.”

“Pero, anak. Na-a-awa na ako sa 'yo. Ang sabi ni Berna binato ka raw no'ng isang araw ni madam ng damit n'ya. Bakit hindi ka nag-sumbong sa akin? Kay Berna ko pa nalaman. Ayaw kong minamaltrato ka ng matapobre na 'yon. Kung dati ina-api n'ya ako, puwes ngayon! Hindi ako papayag na ikaw naman ang aapihin n'ya. Kaya ayaw 'kong manilbihan ka sa matapobre na Madam Elsa na 'yon. Kasi alam ko kung ano ang kaya n'yang gawin para  sa 'yo. Ayaw ko lang na ma-ulit sa 'yo ang nagawa n'ya sa akin noon,” makadamdaming pahayag ni nanay sa akin. Naintindihan ko naman siya.

Lalo na may karanasan na siya mula sa kalupitan ni Madam Elsa dati pa. 

“Kayo talaga, nay. Kaya ko po ang sarili ko, okay? Ayaw ko lang po na mag-alala kayo sa akin. Kaya hindi ko na po sinabi sa inyo ang lahat. Okay lang po talaga ako, nay. Nag-mana yata ako sa inyo. Matapang! Kapag tapos na po akong manilbihan kila madam. Lalabas po tayo, ka-kain po tayo sa restaurant. Saan n'yo po gusto, nay?” sabay akbay ko sa kaniya. Nginitian naman ako nito ng ubod na tamis.

“Huwag mo na nga isipin 'yon. Ang sa akin lang naman, ay hindi ka na aalilahin ni madam. Naawa na ako sa 'yo, anak. Miss ko na ang mga bonding natin,” nakasimangot na sambit nito. Kaya agad akong napangiti sa in-asal ni nanay ngayon na nagpapa-lambing.

“Ako rin, nay. Konteng tiis nalang po. Basta pupunta tayo ng restaurant, kapag bayad na ang lahat ng utang natin kay madam,” pangako ko sa kaniya na tutuparin ko talaga. Kasi pinangako ko sa pinakamamahal kong nanay.

“Aasahan ko 'yan. Ingat!” Niyakap ako nito nang mahigpit at pagkatapos ay hinalikan ko siya sa pisnge n'ya at saka umalis ng bahay.

“Alex, nahugasan mo na ba 'yong malaking kawali?” biglang tanong sa akin ni Ate Mae. Isa sa mga kasamahan ko dito na katulong.

“Oo, Ate Mae. Nalagay ko na po diyan sa ilalim ng lababo.” 'Yong ilalim ng lababo na tinutukoy ko, ay ang kabinet na nasa ilalim at lahat ng mga kaldero, kawali at mga nilulutuan ay dito dapat nilalagay. 

Ito ang utos ni madam. Kaya pagkatapos kong hugasan, kasi ako talaga ang taga-hugas. Sa ilalim ng lababo ko na agad nilalagay.

“Sure ka nando'n?” Taas kilay na tanong ni Ate Mae sa akin.

Sa totoo lang, m*****a talaga siya. Nasusungitan na talaga ako sa kaniya mula pa no'ng nag-ta-trabaho ako dito. Pati kay Ate Ana. Silang dalawa ang hate ko dito na mga mataray. Pareho naman kaming katulog. Kung umasta, parang mga amo. Nanggigigil talaga ako sa kanilang dalawa. Ang sarap pag-untugin ang mga ulo nila. Pero joke lang, mabait akong bata.

“Oo nga po. Kalalagay ko lang po doon kanina,” pabalang na sagot ko na agad napansin ni Ate Mae.

“Aba! Ayusin mo ang pag-sagot sa akin, ah!” saka n'ya ako nilapitan, kinabahan naman ako.

Hindi n'ya naman ako sinaktan. Inirapan n'ya lang ako at saka n'ya ako tinalikuran. Inirapan ko na lang siya nang makalayo na siya sa akin ngayon. Nababadtrip talaga ako sa kaniya minsan. Minsan kung mag-utos parang siya ang amo ko, grrr!

Si Aling Berna lang talaga ang ka-close ko dito na katulad ko ring isang katulong na naninilbihan dito sa bahay na ito. 'Yong iba ma-atitudes talaga. 

Basta ang importante, ginagawa ko ang trabaho ko dito at mabayaran na rin namin ang mga utang namin kay madam. Ito talaga ang goals ko nang nag-umpisa ako dito bilang katulong.

“Alex, kapag hanapin ako ni mommy mamaya. Pakisabi na may pinuntahan lang ako.”

“Ah, Sige. Kaso isang oras nalang ako dito. Sasabihan ko nalang siya kapag makita ko siya mamaya.”

“Salamat. Paano, mauna na ako. Take care.” Tinapik pa ako nito sa balikat ko bago siya umalis. 'Yong abnormal kong puso, kinilig na naman. Naghuhuramentado na naman ang aking puso nang dahil kay Karlos.

“Ingat ka rin!” Habol ko pang sigaw sa kaniya nang makalabas na siya ng bahay. Alam ko na hindi n'ya narinig ang sigaw ko sa kaniya.

Isang oras nalang pala ako dito bago umuwi. Naramdaman ko tuloy na napagod na ako. Isang oras nalang, makapag-pahinga na rin ako mamaya pag-um-uwi na ako sa bahay namin.

Hindi ko pa pala nakita si madam dito. Paano 'yong pinapasabi sa akin ni Karlos. Nasaan na ba kasi si Madam. Teka nga! Bakit ako pa kasi ang binilinan ni Karlos. Wala ba siyang cellphone, para kontakin ang mommy n'ya at mag-paalam.

Alam ko na wala si madam dito at hindi ko alam kung anong oras siya uuwi ngayon. Basta, pagtapos ng isang oras ko dito ay uuwi na ako.

Pero ako kasi ang inutusan ni Karlos na i-bigay-alam ko raw sa mommy n'ya kapag hanapin siya. 'Lang'yang, Karlos. Binigyan n'ya pa ako ng problema.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status