Share

Kabanata 6

Author: LiLhyz
“Ano ba ang kailangan pang pag-isipan?” tanong ni Charlie, namumula na siya sa inis.

“Hindi ko alam. Gusto ko lang na pag-isipan natin ito ng mabuti, Charlie Blondie,” sagot ni Taylor. Tinignan niya ang oras at sinabi, “Kung hindi pa ako aalis, mahuhuli na ako para sa klase.”

Bumangon si Taylor, isinukbit ang bag niya sa kanyang balikat at sinabi, “Ituloy natin ito mamaya.”

Makalipas ang ilang oras, pumasok si Taylor sa klase niya para sa Structural Analysis at nakita si Charlie.

Ito ang lalaking Charlie, hindi ang blonde na babaeng aksidenteng narentahan ang kalahati ng condo ni Tanya. Hindi tulad ni Charlie king, siguradong lalaki ito at Black American.

Nilapitan niya si Charlie at nagtanong, “Huy Charlie, pasensiya na, ano ulit ang apelyido mo?”

“Oh, Slade, pre,” sagot ni Charlie ng nakangiti. Iniabot niya ang kanyang kamay kay Taylor at sinabi, “Ikinagagalak kong makilala ka ulit.”

Natawa sila ni Taylor habang nagkakamay.

“Pasensiya na, Slade. Hindi ako magaling sa mga pangalan,” amin ni Taylor. “ Naaalala ko na naghahanap ka ng lugar na matutuluyan? Napagdesisyunan ko na iparenta ang kalahati sa condo na tinutuluyan ko. Interesado ka pa din ba?”

“Siyempre naman! Gusto kitang maging housemate!” sabik na sumagot si Charlie Slade.

“Pambihira,” naisip ni Taylor. “Kahit ang lalaki sabik akong maging housemate, pero si Charlie Blondie? Anong problema niya?”

Bilang roommate si Slade, nasagot na ang problema niya. Sambit ni Taylor, “Ayos! Puwede ka na lumipat sa susunod na linggo.”

Nagbigay ng palugit si Taylor para makalipat si Charlie Blondie. Sinabi niya kay Slade ang terms ng rent, “$3000 dollars ang kailangan ko monthly, may dalawang buwang deposit at isang buwang advance—”

“Woah!” nagreact si Slade. Nag-iba ang itsura niya at sinabi, “Hindi ko iyon kaya. Sobra iyon!”

“Well, iyon ang presyo ko. Maganda ang lokasyon ng condo, at kumpleto sa gamit,” punto ni Taylor. “Hindi ka na makakahanap ng mas maganda pang lugar kaysa sa akin.”

Umiling-iling si Charlie Slade. Sumagot siya, “Pasensiya na, Taylor. Hindi ko kaya, pre. Lalaki ako. Puwede akong… tumira kahit saan. Hindi ko kaya gumastos ng ganoon kalaki para sa kama.”

Tinapik niya ang balikat ni Taylor at sinabi, “Salamat pa din.”

***

Sa kabilang panig ng unibersidad, si Charlie ay wala sa sarili buong araw habang nasa klase. Hindi pa din siya makapaniwala na naging roommate niya ang bad boy na si Taylor, sa dinami-dami ng mga tao!

Sa pagitan ng mga klase, naghanap si Charlie sa mga apartment listings ulit. Pero, walang mas malapit, at tumaas na ang standards niya dahil sa condo ni Tanya. Sa huli, ikinunsidera niyang tiisin tumira kasama si Ashley at Sofia.

“Oo, puwede ako tumira kasama nila hanggang sa makahanap ako ng mas magandang lugar, o kaya magtiis na lang hanggang matapos ang semestre,” bulong ni Charlie.

Habang buo ang isip, dumiretso si Charlie sa apartment na tinitirahan nila nina Ashley at Sofia. Bukas ang pinto ng dumating siya, at may mga kahon sa labas. Noong pumasok siya, nakita niya si Ashley at Sofia, naglalakad kasama si Regina. Nasa likod nila si Luke sa hagdan.

Napanganga si Charlie. Hindi niya inaasahan na makikita na naman niya ulit si Luke at bagong girlfriend nito!

“Charlie? Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Ashley.

Nilinaw ni Sofia ang lalamunan niya at sinabi, “Sabi mo okay lang na kunin ni Regina ang puwesto mo dito, kaya lumipat na siya dito sa amin.”

“Oh!” reaksyon ni Charlie. Oo, sinabi niya iyon, pero nasaktan pa din siya ng marinig ito.

“Nagbago ba ang isip mo?” tanong ni Ashley.

“Nagbago ang isip ko? Hinding-hindi!” sigaw ni Charlie sa isip niya. Napalunok siya at sumagot, “Hindi, hindi na ako babalik. May naiwan ako sa kuwarto ko.”

Nilampasan niya ang mga babae at dumiretso sa dati niyang kuwarto. Sumunod si Ashley sa kanya, kaya nagkunwari si Charlie na naghahanap. Sa huli, nakahanap siya ng bag ng scrunchies na naiwan niya.

Kinuha ito agad ni Charlie, namula siya ng sabihin niya, “Ang pinakamamahal kong mga scrunchies! Paano ko kayo nagawang iwan!”

Humarap siya at pekeng ngumiti kay Ashley. Umalis siya agad at sinundan siya ni Luke.

“Charlie. Charlie, sandali!” tawag ni Luke.

“Ano?” galit na sagot ni Charlie.

“Nag-aalala lang ako para sa iyo. Saan ka nakatira ngayon?” tanong ni Luke.

“Sa mas magandang lugar,” sambit ni Charlie. “Excuse me.”

Tumalikod si Charlie at naglakad palayo.

Makalipas ang ilang minuto, nakatayo siya kaharap si Taylor West, sa condo unit. Nagsalita si Charlie, “Ano—”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 200

    Ang Suncrest Valley State University gymnasium ay parang sasabog.Sa isang side ng bleachers, ang SVSU students ay nakasuot ng kulay pulang jersey at wolf masks. Nagdadabog sila gamit ang mga paa nila at umaalulong: “FEED THE FANGS.”Sa kabilang side ng court, mas kaunti ang damit ng mga estudyante sumusuporta sa Luxford University—pero hindi sila talo sa pag cheer. Patuloy nilang chinachant, “Atomic Heat! Let’s cook!”Sa court, inobserbahan ni Charlie si Taylor na ipinupunas ang palad niya sa shorts. Nanggigil ang panga niya, at steady ang paghinga niya, nakatitig ang mga mata niya sa scoreboard:Wildfangs – 78Atomic Heat – 7719 seconds na lang ang natitira.Talo sila ng isang puntos.Patapos na ang timeout.Alam mismo ni Charlie kung anong iniisip ni Taylor.“Mag three-point shot siya,” sabi ni Tristan. Dumalo siya kasama ang mga kaibigan niya galing College of Engineering, alam nila kung gaano kahalaga ang laro ngayon.Lumipas ang isa pang linggo, at nakalaban ng Atomic

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 199

    “Pagkatapos, dumating si Maxwell, nagpakabayani siya, at binawi ang paper bag!” sabi ni Dawn. “Nakipaglaban siya sa magnanakaw—na nagkataong may mga kasabwat—at tinakot niya ang mga ito gamit ang karate skills niya!”Tumigil siya. “Hindi ko alam na magaling ka makipaglaban, Maxwell.”“Wow, Maxwell, bayani ka!” sabi ni Frank, nanlaki ang mga mata niya habang umaarteng hindi makapaniwala.“Tama na,” makaawa ni Maxwell, pinipigilan niya ang sarili niyang umirap.“Pero alam mo kung anong nakakatawa?” sabi ni Dawn, kumikinang ang mga mata, sabik na sabik siyang magkuwento. “Basura lang ang dala ko para itapon. Kaya ang paper bag na kinuha sa akin ay basura lang! At binawi ni Maxwell ang basurang iyon, habang iniisip niya na medical supplies ito!”“Diyos ko po! Haha!” tumawa ng malakas si Mia. “Hindi pa din ako makagetover!”“Pffft! Di ba?” dagdag ni Frank.Maxwell: “…”Habang tumatawa din si Lorelai, humarap si Dawn kay Mia. “Anong ibig mong sabihin na hindi ka makagetover doon?”“

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 198

    “Guys, salamat talaga sa pagbisita ninyo,” sabi ni Dawn, niyakap niya si Mia at Charlie.“Papunta kami sa laro at napagdesisyunan na dumaan bago pumunta ng Suncrest Valley,” paliwanag ni Charlie.Alas-onse ng umaga. Alam ni Maxwell ang tungkol sa laro ni Taylor at kung ilang mga estudyante ang papunta sa Suncrest Valley. Dahil nag-abala sila, naramdaman ni Maxwell ang sinseridad sa pagkakaibigan nina Charlie at Dawn—at masaya siya para sa kanya.“Pero mananatili ako dito para matulungan kita,” sabi ni Frank, itinuro niya ang sarili niya. “Sa totoo lang, hiniling ni Maxwell.”Noong humarap si Dawn kay Maxwell, ipinaliwanag niya, “Kailangan ko ang gig ngayon gabi, Dawn. Hindi ko na pwede ikansela, at kailangan ko ng pera. Kung okay lang sa iyo, sabi ni Frank siya ang magiging lakas mo.”“Oo,” sabi ni Frank, humarap siya kay Dawn. “Pero hinding-hindi pwede maging tayo. Nililinaw ko lang.”Umiling-iling si Maxwell, natutuwa siya. Sa harap niya, si Taylor naman, tawa ng tawa. Suot na

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 197

    Ang nakakagulat na parte ay nagkaroon ng enlightenment si Paxton habang lumilipas ang oras. Dumating ang lola niya sa buhay niya at unti-unti siyang nagbago.Sa kasamaang palad para kay Maxwell, sira na ang namamagitan sa kanila ni Dawn. At alam niya kung bakit.Nadisappoint niya si Dawn.Hindi man lang siya matignan ni Dawn sa mga mata kapag nagkakasalubong sila. Malamig ang mga mata niya at malayo.Gusto niya makipag-usap, para makipag-ayos, pero pinipigilan siya ng hiya. Hindi niya alam kung paano. Natatakot siya na baka hindi siya mapatawad ni Dawn.Pagkatapos, tumuloy lang ang buhay.Napromote ang ama niya.Nakuha ni Maxwell ang scholarship discount para sa high school basketball.At ang huli, lumipat sila ng komunidad.Nagkita sila ulit ni Dawn noonog unang taon niya ng kolehiyo. Kakaway siya dapat sa kanya—pero tumalikod si Dawn.Sigurado siya na nakita siya ni Dawn, pero naisip ni Maxwell na hindi siya nababagay sa presensiya ni Dawn. Kaya nanatili siyang nasa malayo

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 196

    ~~~FLASHBACK NI MAXWELL~~~Sa Luxford K-8 School, si Maxwell ang pangalawa sa pinakamagaling sa basketball noong middle school. Mahilig siya sa sports, gusto niya ang team spirit, at naging malapit na sa team niya kahit na alam niya ang ugali ng iba, tulad ni Paxton Owens, na hindi maganda.Nagtatrabaho ang mga ama nila sa parehong kumpanya, kaya inaasahan na ang pagiging plastic. Ang ama ni Maxwell, na si Joseph Turner, ay madalas na ipinapaalala sa kanya na maging malapit kay Paxton. Malapit na mapromote si Joseph, at ama ni Paxton ang direct supervisor niya. Kahit na noong simula, ang pagkakaibigan ni Maxwell at Paxton ay mas obligasyon ang dating kaysa desisyon, masaya kasama si Paxton kung hindi lang siya g*go.Sa mga oras na iyon, naniniwala talaga si Maxwell na baka maimpluwensiyahan niya sa magandang paraan si Paxton kung mananatili silang malapit sa isa’t-isa.Noong Valentine’s Day, may afternoon practice sa school si Maxwell, pero inutusan na siya ng ama niya na imbitahan

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 195

    Charlie: “…”Isang segundo.Dalawang segundo.Tatlong segundo.“Anooooo?” sabay-sabay na sigaw nina Mia, Frank at Charlie.Tumigil sandali si Inner Devil bago tumawa ng malakas.Inner Devil 2: “Sana hindi ko na lang iyon nakita.”“Sandali.” Napalunok si Charlie. “Hindi iyon parte ng script.”“Plot twist,” sabi ni Frank.***“Pambihira naman, Dawn?!!!” Ang sabihin na disappointed si Maxwell ay pagsasabi na maliit na bagay lang ito.Ang pagpapakabayani niya ay nauwi sa trahedya!Nag-effort siya ng husto… tapos ang iniligtas niya… ay basura lang pala?Nagalit si Dawn ng humarap siya sa direksyon ni Maxwell, “Hindi ko naman sinabi na gawin mo iyon! Inutusan lang ako ni Mrs. Hamilton ang isabay ang basura pag-uwi ko!”“Sa paper bag talaga?!!!” tanong ni Maxwell, ramdam ang kontra sa boses niya.“Para mas madali kong madala!” reaksyon ni Dawn, nagdadabog siya palayo sa kanya.May inatasan na lokasyon para pagtapunan ng basura ang bawat komunidad. Hindi kinakailangan ng mga ba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status