Share

Kabanata 5

Penulis: LiLhyz

**FLASHBACK: DALAWANG ARAW ANG NAKARARAAN**

“Kailangan mo subukan na hindi madamay sa gulo! Pagod na akong tinatawagan lagi ng school…” nagrereklamo ang ama ni Taylor tungkol sa kamakailan lang na away kung saan siya napabilang.

Bihira sa bahay si Taylor, pero ang sermon na ito ang welcome-home speech na natanggap niya. Pero si Taylor, hindi ito binigyan pansin masyado.

Tumunog bigla ang phone niya. Hindi niya pinatapos magsalita ang ama niya at sinabi, “Ama, sandali lang. Tumatawag si Tanya.”

“Tanya?” sinagot ni Taylor ang tawag habang nagsasalita pa din ang ama niya. Hindi siya makafocus sa tawag at minadali ito.

“Taylor—Charlie King—co-rent sa condo,” sambit ni Tanya mula sa kabilang linya.

“Charlie?” Hindi niya alam kung bakit pero may Charlie na sumagi sa isip niya. Si Charlie ay third-year engineering student, at pareho silang nasa Structural Analysis class. Nagkataon, na ang Charlie na ito ay tinanong siya tungkol sa mga bakante sa Fernwood Residence. Kaya, agad na inassume ni Taylor na siya ito.

“Oo, kilala ko si Charlie,” sagot ni Taylor. Hindi nakatulong na wala sa bansa si Tanya, at choppy ang linya.

“Sigurado—ka? Babae siya—” tanong ni Tanya.

“Oo na, oo. Huwag mo na itong isipin. Magkakilala kami ni Charlie. Salamat, Tanya. Kailangan ko na ibaba ang tawag. Kausap ako ni Ama,” sambit ni Taylor bago ibaba ang tawag.

**END OF FLASHBACK**

Balik sa kasalukuyan.

Blangkong nakatitig si Taylor sa napirmahang kontrata. Ikinumpara niya ito sa school ID ni Charlie at nakumpirma ang kanyang pagkakakilanlan. Nagreklamo siya at sinabi, “Anong klaseng mga magulang ang nagpangalan sa kanilang anak na babae na Charlie! Pangalan ito ng lalaki!”

“Hoy!” galit na sinabi ni Charlie. “Hindi mo ba kilala si Taylor Swift? Ikaw pa talaga nagsabi niyan!”

Isang palaban na blonde na babae ang nagkrus ng kanyang mga bisig at sinabi, “Sa tingin ko kakaiba ang pangalang Charlie para sa babae! Ang pangalan mo naman, pang babae!”

Nagbihis na ang dalawa at sinuri ang kontrata. Sinabi ni Charlie, “Bakit nasa kontrata ang pangalan ni Tanya kung ikaw na ang nakatira dito?”

“Para hindi mas kumplikado!” sagot ni Taylor. “Bukod pa doon, malinaw naman na ikaw ang rumerenta sa kalahati ng condo. Ipinaliwanag na sa iyo dapat ng property manager ang lahat!”

“Property manager? Ang tinutukoy mo ba ay ang bagong property manager?” tanong ni Charlie.

Sumimangot si Taylor. Nilinaw niya, “Bago ang property manager?”

Pareho silang pumunta sa management office ng gusali, na nasa unang palapag. Kinalaunan, nadiskubre ni Taylor na bago ang property manager, at hindi pa nagagawa ang mga endorsement. Doon nagsimula ang mga pagkakamali.

Sa Fernwood Residence, ang property management office ang nag mamaintain sa residential building at ginagampanan ang papel bilang agent para sa mga rentals at mga units na ibinibenta.

Noong nakabalik sila sa apartment, sinabi ni Charlie, “Sa tingin ko hindi ito okay. Hindi ako puwede makihati sa bahay sa lalaki! Lalo na sa iyo!”

“Anong ibig mo sabihin… na lalo na sa akin?” kontra ni Taylor.

“Sinong nasa tamang pag-iisip ang gusto na maging housemate ka? Ikaw, si Taylor West—ang kilala bilang bad boy ng Luxford University!” Sambit ni Charlie habang nakataas ang mga kamay. “Bukod pa doon, lalaki ka, at babae ako! Kapag nalaman ng mga magulang ko, kulong ako sa bahay buong taon!”

Nabigla si Taylor. Kung ibang babae ito sa College of Engineering, siguradong tuwang-tuwa na sila na maging roommate siya, pero si Charlie King ay nandiriri sa ideyang ito!

Suminghal si Taylor. Sinabi niya, “Bad boy?”

Lumapit siya ng kaunti, nakapatong ang braso niya sa tuhod niya. “Kung housemate mo ay isang bad boy, masisiguro ang kaligtasan mo at privacy. Sinong gugustuhing guluhin ang isang… bad boy?”

“Hindi ito nakakatuwa, Taylor,” sambit ni Charlie. “Dapat natin kanselahin ang agreement, at maghahanap ako ng ibang matutuluyan.”

“Alam mo, pamilyar ka. Sigurado ka ba na hindi pa tayo nagkakakilala noon?” tanong ulit ni Taylor. Hindi niya maisip, pero alam niyang ilang beses na niyang nakita si Charlie kung saan.

“Nakita na kita sa campus kapag may basketball games, pero maliban doon, hindi pa tayo nagkakakilala,” sambit ni Charlie. “Ito ang unang pagkakataon na nagkakilala tayo sa kakaibang paraan.”

“Malinaw naman na pagkakamali ito. Kailangan natin kanselahin ang kontrata, at kailangan mo ibalik sa akin ang pera,” pilit ni Charlie.

Ikinunsidera ni Taylor ang sitwasyon dahil sa mga sinabi niya. Tama naman ito, pero kailangan niya ng pera. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sumandal. Makalipas ang ilang sandali, sinabi niya, “Baka puwede natin itong pag-isipan ng mabuti.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 138

    “Happy Birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!”Ang mga ipinagdiriwang ang kanilang kaarawan, na sina Kylee at mga kapatid niyang sina Gale at Graham Wright, ay nakilala sa stage. May hawak silang cake at mga kandilang hinipan. Pagkatapos, masigabong nagpalakpakan ang mga tao.“Palakpakan naman para sa mga celebrants! Kylee Wright! Graham Wright at Gale Wright!”Dumilim ang ilaw. Umilaw ang mga spark fountains mula sa gilid ng stage sa center aisle. May malaking LED screens sa buong venue na ipinakita ang makulay na kalangitan, kung saan lumikha ito ng ilusyon na doon mismo nagaganap ang mga pailaw.Makalipas ang ilang sandali, oras na para kumain. Nakapag appetizer na at champagne ang mga tao, pero ang tunay na kainan ay iseserve na.Bago maghapunan, sadyang inimbitahan ni Charlie ang former Tennis World Champion para mag-usap. Siyempre, balak niyang inggitin sina Luke at Regina, kaya kinaladkad niya ang Tito Carlos Ronaldo niya sa likod ng venue.

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 137

    Nakita agad ni Luke ang nanay ni Charlie. Nakakapit siya sa braso ng kanyang asawa, si Adrian King, na kamukhang-kamukha ni Charlie, nakangiti ng maganda at elegante ang presensiya na sumisigaw ng nagmula sila sa mayamang pamilya! Suot niya ang diamond necklace na kumikinang sa mga ilaw, kapares nito ang diamond earrings at bracelet niya.Maganda rin ang pagkakabihis ng kapatid ni Charlie. Mas maliit ang suot niyang mga diamante pero magara pa din.Kapansin-pansin din ang mga kapatid ni Charlie na lalaki. Tulad ng ama nilang si Adrian King, nakasuot sila ng custom-made suits, makintab na mga sapatos, at designer watches. Ang dating nila ay pinagmumukha na matagal na silang mayaman. Hindi nila kailangan magyabang; malinaw na ito.“Paano ko itong hindi napansin?” sabi ni Luke sa sarili niya sa loob-loob niya.Nasaksihan ni Luke at pamilya niya ang pagdating ni Governor Douglas Carrington. Pumasok siya kasama ang isa pang pamilya na mukhang mayaman din, na naisip ni Luke, na parang ha

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 136

    Rhet Wyatt: “Anong nangyari?”Georgia Sullivan: “Ang tinutukoy ba ng patriarch ay si Charlie?”Lester Sullivan: “Hindi, sa tingin ko hindi. Paanong si Charlie? Bakit naman si Charlie?”Pamela Wyatt: “At sino ang isa pang tao na ito?”Luke: “Regina, ano ba ang nangyayari dito?”Rinig ni Regina ang taranta mula sa pamilya niya. Humarap siya sa kanan at napagtanto na ang boses pala ay mula sa patriarch ng pamilya Wright, sa ama ni Kylee Wright!“Anong sabi nila?” napaisip si Regina.Naglakad si Kyle papuntas a direksyon nila. Sabi niya, “Ikaw ba iyon?”Tila ba naglalabas ng usok si Kyle mula sa ilong niya habang nagtatanong, “Tignan mo ako sa mga mata ko at sabihin mo iyon ulit.”“Sabihin mo ulit! Anong tawag mo sa anak ko?” Pagkatapos, may isa pang lalaki na nasa kabilang dulo ng mahabang linya ng direktang mga pamilya ni Kylee.Ang taong ito ay matangkad at dark brown ang kulay ng buhok na abot hanggang batok niya. Malakas ang dating niya, patay ang ekspresyon ng mga mata na n

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 135

    “Relax, kasi naman, ang mabuting magkaibigan lang ay sina Regina at Kylee,” sabi ni Rhett Wyatt.“Pero ang akala ko ba tumulong ang pamilya Wright sa investments?” tanong ni Lester Sullivan.“Oo nga. Nirefer nila kami sa Strauss Asset Investments. Sila ang tumutulong sa amin palakihin ang aming pera,” sagot ni Rhett.“Kakilala namin sila dahil kay Regina.” Paliwanag ni Pamela Wyatt, “Pero bihira namin makaupsa ang pamilya Wright mismo. Napakabusy nila.”“Oo, ang dami nilang ginagawa,” sabi ng iba pa na inimbitahan. “Nagtatrabaho kami para sa Wright Diamond Corporation, kaya namin sila nakilala.”Makalipas ang kalahating oras ng paghihintay, nagbubulungan na ang mga tao sa likod.“Nandito na ang pamilya Wright!”“Nandito na sina Mr. and Mrs. Wright kasama ang kanilang magaganda at guwapong anak!”Nasabik si Regina. Kuminang ang mga mata niya, at napatingin siya sa pinto.Ang patriarch at matriarch g pamilya ang unang pumasok. Binati sila ng pamilya ni Regina, at ganoon din ang

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 134

    Naiirita na si Regina. Ang nagpalala pa dito ay kung paanong sumilip mula sa pinto si Taylor kasama si Charlie, at pareho silang nag middle finger sa kanila ni Luke!“Taylor—ikaw!” tumalikod si Regina at nakita si Luke na nagagalit.Pagkatapos, naalala ni Regina kung paanong kinakausap ni Charlie at Taylor ang isa sa mga security personnel kanina. Tumalikod silang lahat habang nag-uusap.Ano kaya ang nangyari doon?Habang nanggigigil, napagtanto ni Regina, “Binayaran nila ang security personnel! Sir! Kailangan ninyong maniwala sa akin!”“Oo nga, may sense naman. Binayaran ka siguro nila!” sabi ni Lester, itinuro niya ang security personnel. “Maghintay ka lang hanggang sa marinig ito ng pamilya Wright! Masisisante ka!”Sumimangot ang inakusahan na securityp personnel. Nagbigay siya ng babala, “Dalawang taon na akong nagtatrabaho sa hotel na ito. Wala akong rason para sirain ang reputasyon ko, Sir. Mag-ingat ka sa pananalita mo, kung hindi ilalabas ka namin ng hotel!”“Pero hindi

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 133

    “Siya pala ang apo ni Governor Carrington?” tanong ni Lester, nakasimangot siya. “Hindi magiging maganda ang dating nito para kay Governor Carrington. Hindi dapat nakikisali sa mga high-profile event ang apo niya.”“Anong nangyayari, Regina? Luke, kilala mo sila?” tanong ni Pamela.Hindi kilala ng mga magulang ni Regina si Charlie, kaya kailangan niyang ipaliwanag ang lahat, “Nay, nag-aaral sila sa parehong school namin ni Luke. Nagkataon na nasabi namin na pupunta kami sa party na ito, at sila naman? Inimbitahan nila ang mga sarili nila, sa tingin nila makakapasok sila!”“Pero huwag ka mag-alala, hindi sila makakalampas sa security. Invitation only party ito,” paliwanag ni Regina.Pagkatapos, napansin ni Regina ang security guard kanina. Nakaisip siya ng ideya, at lumapit siya sa security at iniwan si Luke, “Excuse me, Sir?”Itinuro niya si Charlie at Taylor para sabihin, “Hindi inimbitahan ang dalawang iyon! Gatecrashers sila.”Tinignan ng security personnel si Charlie at Taylo

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status