Share

Kabanata 7

Author: LiLhyz
Sa condo, si Charlie at Taylor ay naupo sa kani-kanilang mga puwesto, nakatitig sa isa’t isa. Malinaw na pareho silang nanghuhula sa sitwasyon.

“Hindi ako makapaniwala na napasok ako sa gulong ito,” bulong ni Charlie. “Ikaw ang pinakamalalang puwede maging roomate.”

“Talaga?” reaksyon ni Taylor. “Base ba ito sa karanasan mo maging roommate ang ibang mga lalaki?”

“Ikaw—” nagalit si Charlie, namula siya.

“Bakit hindi mo sabihin sa akin, Charlie Blondie, kung bakit ka naghahanap ng bagong matutuluyan ilang linggo lang matapos magsimula ang first semester? Saan ka ba nakatira bago dito?” Suminghal si Taylor at nagbigay ng ideya, “Baka hindi ka matiis ng mga roomies mo at pinalayas ka nila!”

“Hindi mo alam kung anong sinasabi mo!” sagot ni Charlie. “May mga rason ako at wala ka ng pakielam doon.”

Nilinaw ni Taylor ang lalamunan niya para sabihin, “Well, anyway, Charlie Blondie—”

“Tumigil ka na kakatawag niyan sa akin!” nagalit si Charlie.

“Paraan ito para sa akin para alam ko ang pagkakaiba ninyo ni Charlie Slade,” sagot ni Taylor.

“Sino si Charlie Slade?” tanong ni Charlie.

Ngumisi si Taylor at sumagot, “Wala ka ng pakielam doon.”

Napanganga si Charlie, bago pa siya makasagot, nagsalita si Taylor, “Kung gusto mo lumipat, puwede naman, pero mahirap makahanap ng magandang apartment. Willing ako maging good guy dito—ibibigay ang ginintuang pagkakataon para maging roommate ako.”

Tumingin ng patagilid si Taylor. Siniwalat niya, “Pero kung mapagdedesisyunan mo na lumipat, kailangan ko ng oras para bayaran ka para sa deposit. Non-refundable ang advance payment base sa kontrata.”

“So ang tunay na rason kung bakit mo ikinukunsidera ang setup na ito ay dahil ginamit mo na ang pera,” sambit ni Charlie.

“Ginamit ko ito para sa mahalagang bagay, pero ang desisyon na ito ay dahil nagiging considerate ako. Ikalawang bagay lang ang kadahilanang wala na ang pera mo,” amin ni Taylor.

Ipinikit ni Charlie ang mga mata niya. Pagkatapos, naisip niya ang imahe ni Regina na kinuha na ang dati niyang kuwarto. Nagalit siya ng husto at naisip niyang hindi iyon tama.

Siya ang nasaktan, pero siya ang napilitang lumipat at noong akala niya nahanap na niya ang pinakamagandang apartment, hindi ito nagkataong tulad ng inaasahan niya!

Ngunit, inaamin din ni Charlie na tama si Taylor. Saan pa siya makakahanap ng iba pang lugar na pabor sa kanya at kumportable tulad ng condong ito? Hindi siya puwedeng tumira na lang sa hotel habambuhay. Medyo malayo ito, at hindi maganda ang ilaw sa hotel.

“Pasisissihan ko ito,” sambit ni Charlie sa isip niya. Tumingin siya ng diretso sa mga mata ni Taylor at sumuko, “Sige. Mananatili ako dito hanggang sa katapusan ng semestre, pero maging malinaw na tayo ngayon pa lang—housemates lang tayo. Wala ng higit pa! Hindi kita type, kaya huwag ka magtatangkang pagsamantalahan ako!”

Tumaas ang kilay ni Taylor. Itinuro niya ang kanyang sarili at sumagot, “Excuse me, Charlie Blondie, pero hindi ko kailangan manamantala ng babae para makuha ang gusto ko.”

“Oh, ang yabang mo, ano,” sagot ni Charlie.

“Sinasabi ko lang ang totoo,” sagot ni Taylor. Lumapit siya at nagpatuloy habang nakasingkit ang mga mata, “Hindi ko alam kung anong narinig mo tungkol sa akin, at wala akong pakielam. Pero, nakakasiguro ako sa isang bagay, hindi ako nananamantala ng babae.”

Tumigil si Charlie. Malinaw na nakita niya kung paano nagalit si Taylor sa mga sinambit niya. Napalunok siya at sumagot, “Mabuti. Para lang alam mo, mayroon akong taser at pepper spray. Marunong ako ng karate, taekwondo, judo at taichi.”

Naging tahimik bigla sa pagitan nila at pakiramdam ni Charlie may lamang na siya pero hindi nagtagal, nagsalita si Taylor, “Wow, ako din! Martial arts expert din ako. Mag duo kaya tayo?”

Well, maaaring nagmalabis si Charlie sa abilidad niyang makipaglaban, kaya, noong nalungkot siya, natawa si Taylor. Sinabi niya, “Whatever, Charlie.”

“Sinasabi ko lang na kapag hinawakan mo ako, ikaw ay—” isinenyas ni Charlie ang paglaslas ng leeg at sinabi, “Malinaw ba? May kilala akong mga bigating tao na kaya kang paglahuin.”

“Hindi. Kita. Pagsasamantalahan,” nilinaw ni Taylor. “Pero sandali lang. Paano kung ako ang pagsamantalahan mo? Anong gagawin ko sa iyo?”

Ngumisi siya habang natutuwa.

Nalukot ang ilong ni Charlie, at makikita ang pandidiri sa mukha niya. Sumagot siya, “Hinding-hindi kita pagsasamantalahan.”

Matapos linawin ang kanyang sarili, nagpatuloy si Charlie, “Kailangan natin maayos ang schedule sa paggamit ng banyo.”

Kahit na maganda ang condo. Nasusulit nito ang lawak. Pero, iisa lang ang banyo. Okay lang sana kung mga babae sila, pero dahil nakatira si Charlie kasama ang lalaki, kailangan nila mag set ng mga hangganan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 200

    Ang Suncrest Valley State University gymnasium ay parang sasabog.Sa isang side ng bleachers, ang SVSU students ay nakasuot ng kulay pulang jersey at wolf masks. Nagdadabog sila gamit ang mga paa nila at umaalulong: “FEED THE FANGS.”Sa kabilang side ng court, mas kaunti ang damit ng mga estudyante sumusuporta sa Luxford University—pero hindi sila talo sa pag cheer. Patuloy nilang chinachant, “Atomic Heat! Let’s cook!”Sa court, inobserbahan ni Charlie si Taylor na ipinupunas ang palad niya sa shorts. Nanggigil ang panga niya, at steady ang paghinga niya, nakatitig ang mga mata niya sa scoreboard:Wildfangs – 78Atomic Heat – 7719 seconds na lang ang natitira.Talo sila ng isang puntos.Patapos na ang timeout.Alam mismo ni Charlie kung anong iniisip ni Taylor.“Mag three-point shot siya,” sabi ni Tristan. Dumalo siya kasama ang mga kaibigan niya galing College of Engineering, alam nila kung gaano kahalaga ang laro ngayon.Lumipas ang isa pang linggo, at nakalaban ng Atomic

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 199

    “Pagkatapos, dumating si Maxwell, nagpakabayani siya, at binawi ang paper bag!” sabi ni Dawn. “Nakipaglaban siya sa magnanakaw—na nagkataong may mga kasabwat—at tinakot niya ang mga ito gamit ang karate skills niya!”Tumigil siya. “Hindi ko alam na magaling ka makipaglaban, Maxwell.”“Wow, Maxwell, bayani ka!” sabi ni Frank, nanlaki ang mga mata niya habang umaarteng hindi makapaniwala.“Tama na,” makaawa ni Maxwell, pinipigilan niya ang sarili niyang umirap.“Pero alam mo kung anong nakakatawa?” sabi ni Dawn, kumikinang ang mga mata, sabik na sabik siyang magkuwento. “Basura lang ang dala ko para itapon. Kaya ang paper bag na kinuha sa akin ay basura lang! At binawi ni Maxwell ang basurang iyon, habang iniisip niya na medical supplies ito!”“Diyos ko po! Haha!” tumawa ng malakas si Mia. “Hindi pa din ako makagetover!”“Pffft! Di ba?” dagdag ni Frank.Maxwell: “…”Habang tumatawa din si Lorelai, humarap si Dawn kay Mia. “Anong ibig mong sabihin na hindi ka makagetover doon?”“

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 198

    “Guys, salamat talaga sa pagbisita ninyo,” sabi ni Dawn, niyakap niya si Mia at Charlie.“Papunta kami sa laro at napagdesisyunan na dumaan bago pumunta ng Suncrest Valley,” paliwanag ni Charlie.Alas-onse ng umaga. Alam ni Maxwell ang tungkol sa laro ni Taylor at kung ilang mga estudyante ang papunta sa Suncrest Valley. Dahil nag-abala sila, naramdaman ni Maxwell ang sinseridad sa pagkakaibigan nina Charlie at Dawn—at masaya siya para sa kanya.“Pero mananatili ako dito para matulungan kita,” sabi ni Frank, itinuro niya ang sarili niya. “Sa totoo lang, hiniling ni Maxwell.”Noong humarap si Dawn kay Maxwell, ipinaliwanag niya, “Kailangan ko ang gig ngayon gabi, Dawn. Hindi ko na pwede ikansela, at kailangan ko ng pera. Kung okay lang sa iyo, sabi ni Frank siya ang magiging lakas mo.”“Oo,” sabi ni Frank, humarap siya kay Dawn. “Pero hinding-hindi pwede maging tayo. Nililinaw ko lang.”Umiling-iling si Maxwell, natutuwa siya. Sa harap niya, si Taylor naman, tawa ng tawa. Suot na

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 197

    Ang nakakagulat na parte ay nagkaroon ng enlightenment si Paxton habang lumilipas ang oras. Dumating ang lola niya sa buhay niya at unti-unti siyang nagbago.Sa kasamaang palad para kay Maxwell, sira na ang namamagitan sa kanila ni Dawn. At alam niya kung bakit.Nadisappoint niya si Dawn.Hindi man lang siya matignan ni Dawn sa mga mata kapag nagkakasalubong sila. Malamig ang mga mata niya at malayo.Gusto niya makipag-usap, para makipag-ayos, pero pinipigilan siya ng hiya. Hindi niya alam kung paano. Natatakot siya na baka hindi siya mapatawad ni Dawn.Pagkatapos, tumuloy lang ang buhay.Napromote ang ama niya.Nakuha ni Maxwell ang scholarship discount para sa high school basketball.At ang huli, lumipat sila ng komunidad.Nagkita sila ulit ni Dawn noonog unang taon niya ng kolehiyo. Kakaway siya dapat sa kanya—pero tumalikod si Dawn.Sigurado siya na nakita siya ni Dawn, pero naisip ni Maxwell na hindi siya nababagay sa presensiya ni Dawn. Kaya nanatili siyang nasa malayo

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 196

    ~~~FLASHBACK NI MAXWELL~~~Sa Luxford K-8 School, si Maxwell ang pangalawa sa pinakamagaling sa basketball noong middle school. Mahilig siya sa sports, gusto niya ang team spirit, at naging malapit na sa team niya kahit na alam niya ang ugali ng iba, tulad ni Paxton Owens, na hindi maganda.Nagtatrabaho ang mga ama nila sa parehong kumpanya, kaya inaasahan na ang pagiging plastic. Ang ama ni Maxwell, na si Joseph Turner, ay madalas na ipinapaalala sa kanya na maging malapit kay Paxton. Malapit na mapromote si Joseph, at ama ni Paxton ang direct supervisor niya. Kahit na noong simula, ang pagkakaibigan ni Maxwell at Paxton ay mas obligasyon ang dating kaysa desisyon, masaya kasama si Paxton kung hindi lang siya g*go.Sa mga oras na iyon, naniniwala talaga si Maxwell na baka maimpluwensiyahan niya sa magandang paraan si Paxton kung mananatili silang malapit sa isa’t-isa.Noong Valentine’s Day, may afternoon practice sa school si Maxwell, pero inutusan na siya ng ama niya na imbitahan

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 195

    Charlie: “…”Isang segundo.Dalawang segundo.Tatlong segundo.“Anooooo?” sabay-sabay na sigaw nina Mia, Frank at Charlie.Tumigil sandali si Inner Devil bago tumawa ng malakas.Inner Devil 2: “Sana hindi ko na lang iyon nakita.”“Sandali.” Napalunok si Charlie. “Hindi iyon parte ng script.”“Plot twist,” sabi ni Frank.***“Pambihira naman, Dawn?!!!” Ang sabihin na disappointed si Maxwell ay pagsasabi na maliit na bagay lang ito.Ang pagpapakabayani niya ay nauwi sa trahedya!Nag-effort siya ng husto… tapos ang iniligtas niya… ay basura lang pala?Nagalit si Dawn ng humarap siya sa direksyon ni Maxwell, “Hindi ko naman sinabi na gawin mo iyon! Inutusan lang ako ni Mrs. Hamilton ang isabay ang basura pag-uwi ko!”“Sa paper bag talaga?!!!” tanong ni Maxwell, ramdam ang kontra sa boses niya.“Para mas madali kong madala!” reaksyon ni Dawn, nagdadabog siya palayo sa kanya.May inatasan na lokasyon para pagtapunan ng basura ang bawat komunidad. Hindi kinakailangan ng mga ba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status