Share

Kabanata 8

Penulis: LiLhyz
“Sige,” sagot ni Taylor. “May practice ako lagi ng umaga, kaya maliligo ako ng ala sais ng umaga.”

“Hindi ko gusto ng kalat, kaya siguruhin mo na maglilinis ka pagkatapos. At, ayaw ko din ng ingay. Sana puwedeng tahimik dito,” dagdag ni Charlie.

“Madalas akong nasa labas, nageensayo para sa basketball o kung ano pa,” siwalat ni Taylor. “Hindi mo ako makikita madalas.”

“Mas mabuti pa!” natutuwang sagot ni Charlie.

“Bawal magdala ng bisita ng walang pahintulot mula sa isa’t isa. Kailangan mo maintindihan. Karamihan sa mga kaibigan mo mga lalaki. Hindi ko gustong hindi maganda ang pakiramdam ko,” dagdag ni Charlie.

“Naiintindihan ko, pero ganoon din para sa iyo,” sagot ni Taylor.

“At kung magdadala ka ng mga kaibigan mo dito, dapat nila irespeto ang mga gamit ko at lugar ko,” sagot ni Charlie.

“Para sa co-tenant, ang demanding mo,” kumento ni Taylor. “Pero okay lang. Partikular din ako sa mga hangganan, kaya ibig sabihinm Miss Charlie Blondie, hindi ka din puwede pumasok sa kuwarto ko o kaya humiram ng mga bagay ng wala akong pahintulot.”

“Akala mo naman may hihiramin ako sa iyo.” Umirap si Charlie.

“Hindi tayo maghahati sa pagkain,” patuloy ni Charlie.

“Bakit, gaano ka kagahaman?” tanong ni Taylor, kumikibot ang mga labi niya.

“Mas marami kumain ang lalaki kaysa sa babae. Hindi mo ako magiging sugar roomie!” sambit ni Charlie.

“Hah! Sugar roomie?” reaksyon ni Taylor. “Talaga?”

“Iyon ang mga gusto ko. Kung hindi ka papayag, lilipat na lang ako, at kailangan mo akong bayaran ASAP. Payag ka o hindi?” pilit ni Charlie.

Naiiritang bumuntong hininga si Taylor. Huli na ng sumagot siya, “Sige. Deal.”

“Mabuti! Well, dahil okay na ito. Oorder ako ng burrito, at hindi kita hahatian,” sagot ni Charlie. Sumingkit ang mga mata niya bago siya tumalikod at bumalik sa kanyang kuwarto.

Makalipas ang isang oras, nasa living room na si Charlie at hinihintay ang burrito. Late ang pagkain niya dahil sa ulan.

Samantala, si Taylor naman ay nagluto ng stew para sa sarili niya. Nagulat si Charlie sa kung paanong ang bango ng beef stew! Hindi niya akalain na ang katulad ni Taylor ay marunong magluto!

Hindi nagtagal, nagsimula ng kumain si Taylor. Ilang hakbang lang ang layo ng living room mula sa dining area, kaya kita niya agad kung gaano naiirita si Charlie sa late na pagkain.

“Gusto mo ba?” tanong ni Taylor. “Oo nga pala.” Ngumisi siya at binawi ito, “Hindi tayo naghahati sa pagkain. Pasensiya na.”

“Hindi ko gusto ng beef stew,” reklamo ni Charlie. “Kung hindi mo maubos, ipamigay mo.”

Noong tapos na si Taylor kumain, isinantabi niya ang plato niya. Mula sa kinauupuan ni Charlie, kita niya na ibinuhos ni Taylor ang natitira sa beef stew sa lalagyan at sinelyo ito. “Hoy, puwede mo itong ibigay sa delivery guy. Hindi ako kumakain ng mabigat sa umaga, kaya masasayang lang ito.”

“Ah, sige. Okay. Ibibigay ko sa delivery guy,” kumpiyansang sinabi ni Charlie.

“Okay, salamat, roomie,” ngumiti si Taylor. Itinuro niya ang kanyang kuwarto at sinabi, “Matutulog na ako, at hindi ako babalik.”

“Mabuti!” sagot ni Charlie.

“Goodnight,” dagdag ni Taylor. “Enjoyin mo ang buritto mo.”

“Oh, eenjoyin ko talaga. The best ang burrito!” sagot ni Charlie at tumango siya.

Hindi nagtagal, narinig ni Charlie na nilock ni Taylor ang kuwarto niya. Naghintay siya ng dalawang minuto bago kinain ang beef stew.

“Grabe!” sambit niya ng sumubo siya ng isang kutsara. “Parang luto ni lola Renee. Nakakainis dahil napakasarap.”

Mabilis siyang kumain at natapos ang natitira sa pagkain sa loob lamang ng limang minuto. Pagkatapos, tinapon niya ang ebidensiya.

Hinding-hindi aamin si Charlie na kinain niya ang pagkain ni Taylor!

Noong dumating ang delivery guy, naguilty si Charlie tungkol sa beef stew. Kaya sinabi niya, “Salamat sa effort mo sa pagdedeliver ng burrito ko kahit malakas ang ulan. Bilang pabuya sa serbisyo mo, puwede ka kumain ng isang buritto.”

“Seryoso ka?” sagot ng delivery guy. Mukha siyang nairita kaysa natuwa.

Matapos umalis ang delivery guy, masayang bumalik si Charlie sa kuwarto niya. Noong nakarating siya sa hallway, biglaang lumabas ng kuwarto si Taylor.

“Huy, Charlie Blondie.” Tinawag siya ni Taylor, dahilan para mapaatras si Charlie.

“Bawal mo ako hawakan, hindi ba?” sigaw ni Charlie pero mabilis si Taylor.

Pinunasan ni Taylor ang isang bagay sa gilid ng mga labi ni Charlie gamit ang hinlalaki niya. Ipinakita niya ito at nagtanong, “Anong itong pulang sauce?”

Natakot si Charlie! Sumagot siya, “Ano—ito ang burrito.”

Habang nakasimangot, tinikman ni Taylor ang sauce. Sinabi niya, “Lasang beef stew.”

“Bagong flavor! Beef stew burrito!” sambit ni Charlie. Galit siyang pumasok sa kuwarto at ibinabilag ang pinto.

“Ang akala ko ayaw mo ng beef stew!”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Bad Boy Next Room   Kabanata 50

    “Okay ka na?” tanong ni Taylor matapos ubusin ni Charlie ang omelet niya at tinapay.Ngayon at busog na si Charlie, humikab siya, hindi na maitago ang kanyang pagod. Noong nakita ito ni Taylor, nagtanong siya, “Hindi ka nakatulog ng maayos?”“Kasi nag-aalala ako sa iyo,” galit na sagot ni Charlie. “Puyat na naman ako dahil sa iyo. At kailangan ko pa naman mag-aral para sa exam! Dapat nagtext ka man lang.”Natawa si Taylor. Sumagot siya, “Pasensiya na, Babe. Nainis talaga ako sa bahay, kaya di ko natignan ang phone ko. Anyway, tulog ka muna ng ilang oras. Ako na maglilinis dito. Gigisingin kita ng alas tres, okay?”Tumango si Charlie at pumunta sa kuwarto niya, pero bago matulog, gusto niyang kumpirmahin ang hinala niya. Tinawagan niya ang kanyang ama, at sumagot si Adrian King sa unang ring.Nagtanong si Charlie, “Ama, nakipagkita ka ba sa dean namin?”“Dean mo?” nilinaw ni Adrian.“Oo, dean ng College of Business dito sa Luxford University,” sambit ni Charlie. “Dahil pakiramdam

  • The Bad Boy Next Room   Kabanata 49

    “Tutulong ako sa kahit na anong paraan na kaya ko,” alok ni Charlie. “Dadaan ako every now and then sa College of Engineering.”“Hindi na kailangan,” sagot ni Taylor. “Hindi kita gustong pahirapan—”“Hindi iyon pahirap. Puwede din ako sumali sa therapy sessions ni Tristan para mas maintindihan ko,” alok ni Charlie.Tumitig ng matindi si Taylor. Napangiti siya ng magtanong, “Paraan mo ba ito para sabihin na gusto mo maging hipag ni Tristan?”Hindi mapigilan ni Charlie ang matawa. Sobrang natutuwa siya na halos maiyak siya kakatawa. “Seryoso ang pinag-uusapan natin dito, Taylor.”“At seryoso ako doon,” mahinang sinabi ni Taylor, hindi siya umiwas ng tingin.Ilang segundo na naging tahimik si Charlie, nakatitig lang sa kanya. Pagkatapos ng ilang sandali, nagtanong siya, “Sandali. May trust issues ka di ba? Kaya hindi ka pumapasok sa relasyon simula noon.”Noong tumango si Taylor, nagtanong si Charlie, “Anong ipinagkaiba ko? Bakit bigla may tiwala ka na sa akin kahit na hindi mo pa

  • The Bad Boy Next Room   Kabanata 48

    “Pakiusap sabihin mo sa akin na nasa kulungan si Amber,” sambit ni Charlie matapos bumitaw kay Taylor.Patuloy na nakahawak si Taylor kay Charlie sa gilid. Tumango siya at sinabi, “Kabilang ang kalaban ni lolo sa pulitika, si Harrison Witmore. Gusto niya tumakbo para maging gobernador, pero ngayon, siya at ang mga taong responsable sa pagtatanim ng espiya ay nakakulong na.”“Noong nagkaalaman na ng totoo, naaalala ko na nagmamaakaawa sa akin si Amber. Umiyak siya at lumuhod sa harap ko, sinasabi na pinilit siya. Nagkataon na nagtatrabaho ang mga magulang niya para kay Harrison Witmore. Pangkaraniwan silang mga tao, pero mula sa naintindihan ko, may problema silang pinansyal at ang alok ni Mr. Witmore ay nakita nilang paraan para makaahon sa utang.”“Pero may choice naman siya,” sambit ni Charlie. “Puwede naman niya aminin ang totoo at humingi ng tulong sa pamilya mo.”Tumango si Taylor at sumangayon. “Iyon din ang sinabi ni Lolo.”“Si Mr. Witmore at pamilya Collins ay kinasuhan ng

  • The Bad Boy Next Room   Kabanata 47

    “Nagsimulang paghinalaan ng nanay ko si Amber, pero gustong-gusto ko siya noon at ipinaglaban ko siya. Sinabi ko sa nanay ko na hinding-hindi iyon gagawin ni Amber. Naglayas pa ako ng dalawang linggo, dahilan para magkaroon ng isa pang headline na sinasabing nawawalan na ng kontrol si Lolo sa pamilya niya.”“Si Amber ang may kasalanan ng lahat?” tanong ni Charlie, humarap siya sa kanya ng nag-aalala.“Sa kasamaang palad, tama ang nanay ko. May ilang mga impormasyon, na ako pa mismo ang nagbigay sa kanya,” sagot ni Taylor, napuputol ang boses niya na parang nahihiya siyang aminin ito. “Hindi ko talaga nakita ang mga senyales.”“High school ka pa lang noon,” sambit ni Charlie. “Puwede ka naman magkamali.”Pagkatapos, mula sa kawalan, namula ang mukha ni Taylor. Paulit-ulit siyang napapalunok at humihinga ng malalim hanggang sa sabihin niya, “Siya ang dahilan kung bakit kami nag-away bilang pamilya, at ang pinakamasakit sa lahat ay kung paano niyang ipinahiya si Tristan.”Sumarado an

  • The Bad Boy Next Room   Kabanata 46

    Noong alas nuwebe ng umaga, nagluluto si Charlie ng itlog para sa almusal. Nanigas siya ng biglaang tumunog ang doorbell.Bumilis ang tibok ng puso niya, pero kasabay nito, galit din siya!Hindi bumalik si Taylor kagabi. Dahil doon, hindi siya nakatulog, at kinailangan niyang mag-aral para sa exam sa susunod na araw. Nag-aalala siya na baka inaway ni Taylor ang nanay niya, pero hindi man lang niya sinabi kung anong nangyayari! Walang tawag o text!”Pumunta siya sa pinto at inihanda ang kanyang sarili. Noong buksan niya ito, nakita niya is Taylor na nakasandal sa hamba, at sinabi, “Namiss mo ako?”“Talga, Taylor? Wala man lang text?” tanong ni Charlie. “Tumawag ako sa iyo. Isang daang beses ata ako nagtext—”“Pasensiya na,” sambit ni Taylor, hindi niya pinatapos si Charlie sa sermon. Pumasok siya sa loob ng may naamoy siya. “Nagluluto… ka?”“Oh Diyos ko!” sumigaw si Charlie at tumakbo papunta sa kusina.Hinabol siya ni Taylor. Habang pinapatay ni Charlie ang induction stove, nagh

  • The Bad Boy Next Room   Kabanata 45

    Si Grayson, ang ama ni Taylor, ay lumapit at interesado na nagtanong, “Charlie, magkuwento ka naman tungkol sa sarili mo?”Si Mr. West ay katulad ng mga anak niya—matangkad na lalaki at blonde ang buhok. Hindi tulad ni Taylor, nakasuot siya ng salamin. Base sa mga linya sa mukha niya, maaaring ang edad niya apat apatnapu’t walo o apatnapu’t siyam na taong gulang na. Nakasuot siya ng long-sleeved blue shirt na kapit sa katawan niya. Kitang kita ni Charlie kung saan nagmana sina Tristan at Taylor.Sa tapat ni Charlie nakaupo ang nanay ni Taylor, si Savannah Carrington West. Light brown ang buhok niya na nakaponytail. Business suit ang suot niya at maputi ang balat habang tusok ang ilong.Nakaupo ang lahat sa dining table. Nagsimula sila ng hapunan sa salad. Sumagot si Charlie sa tanong ni Mr. West, pero nilunok muna niya ang pagkain sa bibig niya at sinabi, “Business Administration student po ako. Nasa ika-apat na taon na po.”“Top student siya, Ama,” dagdag ni Taylor, proud ang itsu

  • The Bad Boy Next Room   Kabanata 44

    “Well, hindi iyon nakakagaan ng loob,” naisip ni Charlie. Hindi pa naman opisyal ang relasyon nila ni Taylor, pero ramdam na niyang hindi na siya mapakali!“Well, susubukan ko maging open-minded,” sambit ni Charlie. “Sandali, hindi pa tayo tapos sa pinag-uusapan natin kanina. Sino ulit sa pamilya mo ang may kinalaman sa pulitika?”Bago pa makasagot si Taylor, tumingin si Tristan kay Charlie at sinabi, “Director of Finance ng City Hall si nanay.”“Oh, nanay mo pala?” nilinaw ni Charlie.“Ano—” nag-alinlangan si Taylor, ang kamay niya ay dumaan sa buhok ni Charlie. Sinabi niya, “Ano kasi. Charlie, naaalalala mo na Carrington ako, hindi ba?”Sumimangot si Charlie. “Bakit niya ipinaalala sa akin ang apelyido niya?”“Carrington,” inulit ni Charlie. Pagkatapos, napagtanto niya bigla. Naghanap si Charlie sa phone niya. Nilakasan niya ang kanyang boses ng mahanap niya ang pangalan. “Governor Douglas Carrington?”“Oo!” sabay na sumagot si Taylor at Tristan.“Si lolo yon,” siwalat ni Tri

  • The Bad Boy Next Room   Kabanata 43

    Inaasahan na ni Taylor ang isang minutong halikan nila. Humarap siya kay Charlie, handa na siyang tumalon, pero sa halip na tumalon, nanigas siya!Bumilis ang tibok ng kanyang puso.Nahirapan siyang huminga!Mukhang napanganga siya at umabot mula sa kaibuturan ng core ng Earth ang panga niya, at sawakas, nagising ang kanyang pagkalalaki.“Pambihira naman,” bulong ni Taylor, nanuyo ang lalamunan niya.Oo! Suot ni Charlie ang mala hiblang bikini! Ang parehong sobrang mahal na bikini, na halos walang natatakpan na sinabi niya mismo na huwag niyang bilhin… pero, heto siya, ipinangangalandakan ito na kala mo siya ang nagmamayari ng buong paligid. Na, kung iisipin nga naman, ay oo—pero hindi siya ieenganyo ni Taylor gawin ito!Alam ni Taylor na sexy si Charlie, pero hindi niya akalain na sa ilalim ng karaniwan niyang maluwag na blouse at t-shirt, mayroon siyang napaka hot na katawan! Mukha siyang isa sa mga modelo ng sexy swimsuit brand na parang bote ng coke ang katawan. Mahaba ang mg

  • The Bad Boy Next Room   Kabanata 42

    Ngumiti si Charlie, sinabi niya, “Masaya ako na nakatulong ako.”“Ikinasal ang ama ko sa mayamang pamilya,” patuloy ni Taylor. “Hindi niya iyon inamin, pero alam ko na nahirapan siyang abutin ang expectations ng lolo at lola ko. Tinulungan siya ng lolo ko sa City Engineer na posisyon, dahil ang tingin niya dito ay pagtulong mula sa puso kaysa tanggapin na siya ang pinakamagaling na engineer sa buong lungsod. Sa tingin ko hindi talaga niya nakikilala kung gaano talaga kagaling ang ama ko, pati na ang hanggang sa paglipat niya paalis ng Luxford.”“Siguro, dahil sa karanasan na iyon, ayaw ng ama namin—lalo na ako—na huwag umasa masyado sa kanila ni Nanay,” dagdag niya.“Nakakalungkot, tungkol sa ama mo at lolo,” sambit ni Charlie.“Tinanggap na ito ng ama ko. Magkasundo na sila ngayon,” siwalat ni Taylor. “At sanay na kami sa mahigpit na lolo.”“Minsan naman, maganda ang hangarin ng mga istriktong mga lolo at lola,” kumento ni Charlie. “Sinabi mo na lumipat sila?”“Gusto ni lolo lum

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status