Grabeng strike ni Val sunod sunod.
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO HINDI KO MAIWASAN makaramdam ng selos habang nakikita ko ang mga post ng Miro Sagan na ‘yun. Halos lahat ng ina-upload o pino-post nito sa social media at puro kay Lilura at mga ginagawa nila tulad ng pag kain sa labas. “Sayang talaga kung napa payag natin si Miss L ng L’Güzce sa gusto natin na ipadesign sa kanila ang ilan sa mga project ng kumpanya..” wika ni Denver. Nasa bahay ko ang mga kaibigan ko. “Hindi natin pwede mapilit, saka may deal kami. Sa oras na pumayag siyang maging date ko sa Banquet ng mag tungo tayo doon. Hindi ko na siya kukulitin sa pag dedesign ng hotel ko.” Paliwanag ko dito. Bumuntong hininga na lang ito at tumango. “Wala na tayo magagawa. Pero subukan mo kausapin ang Architect na si Ezekiela at si Clyde Valencia? Engineer kasi yung Clyde pero mahal ang bayad sa kanila.” Suhestyon nito. “Sino? Parang ngayon ko lang narinig mga ‘yan?” Tanong ko dito. “Nah, hindi sila sikat masyado pero kapag naka gawa sila ng masterpiece
LILURA ÁSVALDR ODESSA PAGDATING NAMIN SA Pagudpud ng Ilocos Norte, doon lang ako makahinga ng maayos dahil dumating na kami. Ang anak ko walang ibang ginawa kundi sumuka, kaya panay tigil kami para mapa hangin ko ito ng maayos at normal na hindi umaasa sa aircon lagi. “Malapit na tayo Ma’am..” wika ni Mila at tumango naman ako at binuhat ko ang anak ko ng maayos at inupo ko ito sa hita ko. HINDI NAG TAGAL NAKARATING kami sa isang beach house dito, ako nag pa book ng ng ilang araw. Ang sabi ni Mila mula dito malapit na ang bahay ng pamilya niya. Plano ko bukas na ng umaga pupunta sa kanila. Dahil 7pm na Kami halos nakarating at halos pagod ang lahat. “Mila, bukas na tayo pumunta sa inyo o gusto mo mauna ka?” Tanong ko dito habang nasa labas na kami. Sinalubong kami ng staff dito dahil sinabi ko na kung pwede patulungaan kami. “Bukas na lang po mahihirapan na po ako mag tungo doon, saka madilim din po..” sagot nito. Tumango na lang ako at inayos ng dalawang driver ko ang m
LILURA ÁSVALDR ODESSA “Ate Nida, paki naman po si Louvre.. anak sama ka muna kay Yaya at tutulong si—- okay hindi na..” gusto ko sana ibigay si Louv sa kanyang yaya ngunit lalo itong yumakap. Indication na ayaw niya. Narinig kong natawa ang mga kasama ko. “Wag na nga daw kasi Mommy eh. Kami na bahala dito, sumakay na kayo para hindi nahahamugan ang anak mo..” wika ni Miro na kina tango ko. “Mga gamit ha? Wag ninyo kalimutan, mag triple check kayo..” utos ko at nilagyan ko ng jacket ang ulo hanggang likod ng anak ko. “Okay po..” sagot nila Yaya sa akin kaya naman nag tungo na ako sa sasakyan at sumakay na ako kasama ang anak ko. Inayos ko ito sa pagkaka upo sa hita ko at pinahiga ko ng kaunti. Sumakay naman si Miro sa harapan at sila yaya naman sa likod. “Ate? May dala ka ba na mga plastic? Baka sumuka si Louvre sa biyahe..” tanong ko kay Ate Nida. “Meron po, lahat na ng plastic sa kusina kinuha ko na..” sagot nito na kinatawa ako. May motion sickness kasi si Louvre mas
PRAXIS ZEPHYR MIRO SAGAN - LANTSLOV Palabas na ako ng mall ng may naka banggaan ako na lalaki. Kagagaling ko lang sa airport at plano ko mag punta sa bahay ni Lilura para dalawin ang inaanak ko. “Tumingin ka nga sa daan!” Iritang wika sakin ng lalaki na kina lingon ko dito. “Pardon? Ikaw at ang kasama mo ang magulo mag lakad. Tinulak ka niya, umiwas na nga ako pero dahil sa kaharutan ninyo nabangga parin ako..” paliwanag ko sa isang ito. Pamilyar sa akin ang mga lalaki na ito, parang kaibigan sila ng ex-husband ni Lilura. Kilala ko ang dating asawa ni Lilura. Back then i don’t believe her na isang Maximilliano ang naging asawa niya at ama ni Louvre. Pero nang malaman ko na nagpadala ng letter si Lilura upang ipa-walang bisa ang kasal doon na ako naniniwala. “Teka ikaw yung kasama ni Lilura ah? Boyfriend ka ba niya?” Tanong sa akin ng isa pang lalaki. Hindi ko sila kilala sa pangalan pero namumukhaan ko sila. “Excuse me, nagmamadali ako.” Sagot ko dito at tatalikod na san
LILURA ÁSVALDR ODESSA ILANG ARAW MATAPOS ang tagpo na ‘yun iniwasan ko si Val kahit minsan tumatawag ito at ino-offer ang kanyang building. Speaking of that, nakahanap na ako nailagay ko na rin ang ibang gamit ko dito. Nasa akin na rin ang susi ng building na nirentahan ko malaki lang ang singil pero kumpleto naman kaya ayos na lang sakin. Naka upo ako sa office ko habang ang anak ko ay naglalaro sa receiving area ko, kasama ang yaya nito. Si Mila naman ay inutusan ko na mag lista ng kailangan bago kami mag tungo sa kanila sa sunod na linggo o sa linggo. Dahil bukas mamimili kami, pupunta din ako bukas sa bilihan ng mga van at bibili ako para may magamit kami pag alis. “Mommy.. i can’t open..” tawag ng anak ko sakin. Lumapit ito at inabot sakin ang lagayan ng kanyang snacks na nasa garapon ko nilagay. “Anak mag hubad kana ng jacket mo..” utos ko dito pero umiling lang ito at sinisilip ang ibabaw ng table ko. Kinuha nito agad ng isang lapis ko na hinayaan ko na. Inabot ko
LILURA ÁSVALDR ODESSA NANG MAGISING AKO DOON KO NAPANSIN na hindi ito ang silid ko. Napa balikwas agad ako at tumingin ako sa paligid. “Asan ako?” Pabulong kong tanong. Hanggang makita ko ang oras sa pader. Agad akong tumayo pero nakaramdam ako ng pagka-hilo doon ko napag tanto na nilalagnat ako. Pero kailangan ko umuwi ang anak ko alas singko na ng hapon. Pilit akong tumayo at kinuha ko ang gamit ko, napansin ko ang ayos ng kwarto doon ako napa titig. Parang pareho ito sa ayos ng kwarto namin ni Val noon, ngunit.. Nag madali akong lumabas at hindi ko na pinansin ang ayos ng kwarto hanggang pag lapit ko sa pinto napansin ko ang ayos ng lagayan ng mga pabango ni Val na lagi niyang gianagamit araw-araw. Pareho sa ayos noon kung paano ko ito ayusin.. “Nasa bahay ba ako ng mga—- god!” Pag bukas ko ng pinto bumungad sakin si Val na may dala itong pagkain. “Gising kana pala, mataas ang lagnat mo ito ginawan kita ng lugaw. Saka nagdala na rin ako ng gamot mo..” bungad nito saki
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO “At talagang pinangalandakan mo pa talaga na ang date mo ay Miss L huh? Instead of me Val? Seryoso ka?” Galit na tanong sakin ni Elora. Ito ang sumalubong sa akin ng maka uwi ako sa sarili kong bahay. Nang hindi ko ito pinansin at dere-deretso lang ako sa pag lakad papasok sa bahay ko hinaglit nito ang braso ko nasa harapan na ako ng pintuan ng bahay ko. “Ano ba sagutin mo ako! Ano may nangyari na sa inyo habang nasa France ka at talagang hinabol mo pa siya don ha?!” Galit ito. Inalis ko ang kamay nito sa braso ko at mahigpit kong hinawakan ito. “Ano naman sayo? Kahit hindi kita pakasalan walang mawawala sakin. Mas gugustuhin ko pa na may mangyari samin at siya ang pakasalan ko, dahil sayo?” Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. “V-Val.. ang kamay ko..” daing nito nakita kong namumula na ang kamay nito dahil sa uri ng pagka hawak ko. “Wala naman ako makukuha sayo, gamit kana rin naman ng ibang lalaki. Ano pa mapapala ko sayo? Hindi ka rin naman
LILURA ÁSVALDR ODESSA NAG PAALAM MUNA AKO na mag tungo muna ako sa ladies room. Hanggang palabas na ako sana ng may muntik na ako maka banggaan na lalaki, pasalubong kasi ito kaya mabilis akong umiwas tumatakbo ito at parang hinahabol. Nilingon ko ito at nakita ko na may hawak itong baril, kaya agad kong pinuntahan ang pinanggalingan nito. Doon ko nakita ang isang lalaking nakahandusay, mabilis kong pinindot ang emergency button ng buong hotel. Para mag locked ang buong building at walang makalabas. Alam ko ito dahil sa bahay at opisina ay meron na katulad nito required ito sa buong bansa. Tinaas ko ang dress ko at mabilis akong tumakbo upang sundan ang lalaki, hinubad ko naman ang heels ko ng kumaliwa ako. Nakita ko itong naglalakad patungo sa exit. Kaya agad kong binasa ang mapa na naka dikit sa pader ng gusali ng hotel nakita ko agad saan ito dadaan. At hindi ito aware na sinusundan ko ito, mabuti na ito para makalapit ako ng maayos. Doon ko nakuha saan ko ito pwede salub
LILURA ÁSVALDR ODESSA NAG TUNGO AKO sa mismong hotel kung saan tumutuloy ngayon si Val at ang mga kaibigan niya. Sinabi ko naman sa reception kung sino ang pakay ko sa kanilang Hotel. Sinabi ko na maghihintay na lang ako sa hallway dito sa first floor dahil hindi maganda kung aakyat pa ako. Una, dahil may fiancee na ito pangalawa kilala ako dito delikado kung mapalapit ako sa lalaking may pakakasalan na. Hindi naman nag tagal dumating na ang hinihintay ko, mabuti at pinadalhan na kami ng mismong nag imbita ng mga mask, half mask ang sa akin na terno parin sa suot ko. Tumayo na ako at lumapit ako dito. “Let’s go, ayokong na le-late..” wika ko at nauna na ako mag lakad. “Wala ka bang plano humawak man lang sa bra—” agad kong pinatigil ito sa pagsasalita ng itaas ang kamay kaliwang kamay ko. “Stop! Kung hindi mo kaya galangin ang ibang tao, respetuhin mo na lang fiancee mo, and please don’t drag me into your life..” inis kong sagot dito at nauna na ako lumabas. “Fine.. isas