Gusto ko talaga tong scene na to eh, tagal ko pinag isipan ito nang hingi pa ako ng second opinion kung okay ba ang ganitong scene.. okay daw hahaha
LILURA ÁSVALDR ODESSA- MAXIMILLIANO DALAWANG ARAW NA ANG LUMIPAS simula ng nangyari kay Boss Flame. Lahat kami ngayon nandito sa Underground ang anak ko naiwan sa pangangalaga ng pamilya ni Boss Flame.. Inutos ni Boss na ang pamilya namin ay mag punta sa kanila. Dahil sa pagbabago ng g*byerno sa buong Organization na bubuwagin sila. Ngayon ko lang naramdaman muli ang kaba at takot. Si Boss Flame naman ay nanatili parin na tahimik kahit sunod sunod na ang pag labas ng balita. Hanggang mag salita na ito at basagin ang katahimikan ng buong paligid. “Mika at Alice? Kaya ba ninyo malaman paano naka kuha ng information ang G*byerno tungkol sa pagbuo natin ng assassin?” Tanong ni Boss Flame. Si Val naman ay nasa bahay kasama ang magulang namin hindi na ito pinasama ni Boss Flame. Kahit ako sana pero nag pumulit lang ako. “Opo susubukan po namin..” sagot ni Alice. Nag lakad ako palapit sa mga babae at si Onze naman ay abala ito. “Boss Flame, nasa labas po ang ilan sa mga S.W.A.T
LILURA ÁSVALDR ODESSA - MAXIMILLIANO UMIWAS ako ng tingin ng ang sama ng tingin ni Boss Flame sakin ng bigyan ko ito ng mainit na kanin at ulam ay adobo. “Flame, huwag ka naman ganyan maka tingin.” Suway ni Boss Thunder. Hanggang nag hikab si Boss Flame. “Alright, inaantok lang naman siya, hayaan mo na Lura..” wika ni Boss Storm. Kumakain ito sa dining, kasabay nila ang mag ama ko. “Akala ko mag luluto ka ng Apple Pie?” Tanong ni Boss Flame. Napagawi ako, “Eh boss nasa oven pa po..” sagot ko dito. Napansin ko na hindi ito kumakain ng kanin. Ang tanging kinain kang nito ay yung ulam, “Love? Pahingi ako saging..” tawag ni Boss Flame kay Boss Blake. Agad naman tumayo si Boss Blake ngunit. “Daddy ako na.. ako na po..” nakipag agawan pa talaga ang bunso nilang si Aithné sa daddy nito. “Ai, careful..” suway ni Boss Blake pero nag mamadali lang ang bata na bumaba ng upuan. “Mama oh..” natawa kaming lahat ng ma-realize namin ang dala ni Aithné ay isa pa lang piling ng saging
LILURA ÁSVALDR ODESSA - MAXIMILLIANO KABADO AKO NG LUMABAS ANG doctor ni Boss Flame, agad akong tumayo. “Mabuti nadala ninyo ang pasyente dito.” Bungad ng doctor. “How’s my wife and our baby?” Tanong ni Boss Blake nasa likod lang ako nito. Hanggang dumating si Val. “No worries lahat sila ay safe na, nagkaroon lang si Mrs. Dela Vega ng spotting pero normal ito sa isang buntis mas lalo na kung may pag babago na sa katawan ng isang babaeng nagdadalang tao. Mas mainam na iwasan ito baka malagay ang fetus sa alangin iwas din sa stress.” Paliwanag ni Doc hanggang lumabas na si Boss tulog ito ay nakahiga sa stretcher. “Thank you doc, pwede ko na ba iuwi ang asawa ko o manatili muna siya dito?” Tanong ni Sir Blake. “Pwede niyo na siya iuwi kapag nagising na siya pero kung maulit ito habang nasa bahay dalhin agad sa hospital. Kailangan huwag siyang ma-stress ng husto iwasan ninyo ito.” Sagot ni Doc at nag paalam na ito na iikot pa sa mga pasyente niya. Nakahinga ako ng maluwag. “Um
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO ALAS OTSO NG UMAGA nag tungo na ako sa crematory upang masimulan na ang pag cremate sa magulang ni Elora. Bago ako umalis nakakatawa na may binigay ang anak ko sa akin na pulang bracelet, ito mismo ang nag suot sa akin. “Sir. Sisimulan na po namin..” wika ng taga cremate ng mga patay. “Sige po..” sagot ko at umatras na ako nag mask ako at nakita ko mula sa bintana na pinasok na ang magulang ni Elora. Sunog na sunog ang mga ito, hindi ko akalain na makikita din namin ang ganitong pag pat*y ni Flame. Akala ko ay hindi totoo ang usap usapan tungkol kung paano ito pumatay. Ngunit ang isang ‘yun hindi nakikitaan ng pagsisi sa mga mata niya. Lahat sila wala silang konsensya parang binura na nila ang salitang ito sa kanila simula ng pumasok sila sa ganitong buhay. Habang naka tingin lang ako sa loob at naririnig ko ang pagka sunog ng buto ng mga ito. Hindi ko maiwasan hindi mangalibot. “Tama si Flame hindi ko pa kaya ang gawain nila..” bulong ko
LILURA ÁSVALDR ODESSA - MAXIMILLIANO KINAUMAGAHAN Lahat kami naka titig kay Boss Flame naka upo ito at tila walang pakialam sa galaw ng mundo. Nakita ko si Mom at Dad na nakatingin din dito ni ayaw gumalaw. Natatawa ako kasi yung reaksyon nila na tila naging malaking tuod na lang. Bumuntong hininga si Boss Flame ay nag salita na ito. “Huwag kayo tumingin sakin ng ganyan, hindi naman ako mananakit dito..” wika ni Boss Flame. Ang anak ko ay gising na, naka yakap ito sa daddy niya. Napa kain ko na rin ito at nakainom na rin ng gamot. “Mom, dad relax lang kayo..” kahit si Val hindi maiwasan hindi matawa. Kahit siguro sino matatakot sa presensya ni Boss Flame kung ang aura nito ay napaka bigat kung ito at pakiramdaman lang. Sa ibang salita nakaka intimidate ang pustura niya, kahit naka short lang ito na hanggang tuhod at naka jacket lang. Tingin ko ay pambahay ang kanyang suot. “Hindi ko lang maiwasan na ito pala ang babae na halos laman palagi ng balita kahit ilang beses
ELORA ONERVA NAPA LUHOD AKO ng makita kong nasusunog ang bahay ng magulang ko. “MOM! DADDY!” Sigaw ko at pilit pa rin akong tumayo at lumapit ngunit hinarang na ako ng mga bumbero. “Hindi po pwede! Kailangan po muna namin maapula ang apoy!” Pag pigil sakin ng bumbero. “Ang magulang ko pakiusap! Nasa loob pa sila!” Sigaw ko at hinila ko ang uniporme nito. “Opo gagawin po namin ang lahat.” Sagot nito. Umalis na ito, sa bawat tunog o langitngit ng kahoy at pagbagsak ng mga debri. Hindi ko maiwasan hindi kagatin ang daliri ko at braso dahil pakiramdam ko nawawalan na ako ng pag asa para makuha ang magulang ko. Pakiramdam ko durog na durog na sila. Nakita kong dumugo na ang braso ko pero wala akong pakialam. Kaya ko ito nagagawa dahil sa takot at pagka bahala ko, ganito ako kapag nakakaramdam ako ng matinding takot. FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Tingnan mo yung anak ng biktima, kinakagat niya ang sarili niya..” narinig kong bulung-bulungan ng mga tao. Nasa likod ako