Share

The Beautiful Mistake
The Beautiful Mistake
Author: Rina

1

Author: Rina
last update Last Updated: 2022-06-09 21:25:25

"Alas-otso nang gabi dapat nasa hotel ka na. Room 103. Galingan mo nang makabuo kaagad. Ayaw ni Mrs. Cruz na abutin kayo ng higit sa dalawang oras ng mister niya," paalala ni Mami Rose, ang kilalang bugaw sa kanto ng Clarete Street, kay Althea Olivan o Alea kung tawagin.

Wala sa sariling tumango si Alea. Sa gulo ng kan'yang isipan ay hindi niya na namalayan ang mabilis na paglalakad ng kausap patungo sa pumaradang kotse sa madilim na bahagi ng daan upang mag-alok ng babae.

Balisa siyang naglakad palayo sa lugar nang marinig niya ang pagtawag ng lalaking lulan ng sasakyan. Hindi siya p****k para lumapit doon.

Kaliwa't kanan na inuman at chismisan ng mga tao sa tabi ng squatter's area kahit gabi na, hudyat na siya'y malapit na sa bahay nila.

"Hindi po ako sasama sainyo! Bitiwan n'yo ako!" Ang sigaw ng kapatid niya'ng si Mayumi ang nagpabilis sa paglalakad niya.

Natanaw niya ang marahas na paghawak ng dalawang lalaki sa magkabilang braso ng nag-iisang kapatid. Sapilitan itong hinihila palabas ng kanilang maliit na bahay.

Kumaripas siya ng takbo at hinarang ang sarili sa mga ito upang protektahan si Mayumi. Dumako ang kan'yang mga mata sa baril na nakasukbit sa tagiliran nito, dahilan kung bakit sa dami ng tao sa kanilang lugar ay walang nais tumulong. Bumangon ang galit sa puso niya. Wala na yatang puwang ang takot dito.

Kantiin na siya huwag lamang ang kapatid niya.

"Bitiwan n'yo ang kapatid ko!" sigaw niya na animo'y matatakot ito.

Sarkastikong tumawa ang dalawang malaking bulas na lalaki.

"Ang sabi ni boss kapag hindi ka raw nakapagbayad ngayong araw ay kukunin na namin ang kapatid mo bilang kabayaran. Sumusunod lamang kami sa utos Miss Beautiful. Kung gusto mo, sumama ka na din para buo na ang bayad n'yo."

Ang dati niya nang magulo at mahirap na buhay ay mas lalong nalugmok nang libo-libong utang kay Mr. Lee, na kilalang usurero o loan shark sa kanilang lugar, ang iniwanan sa kanila ng ina.

Sumakabilang buhay na ang kan'yang ina subalit makailang ulit niya pa din itong isinusumpa sa isipan. Inilubog silang magkapatid sa utang na kahit kailan ay hindi nila nalasap.

Nagtatrabaho si Alea bilang taga-silbi sa karinderia sa palengke. Kung tutuusin ay hindi nila kailangang mangutang nang ganoon kalaki subalit dahil sa pagkalulong ng ina sa sugal ay nabaon sila.

Gaano niya man ipakita ang tapang sa mukha ay hindi naman maitatago ang panginginig ng kan'yang kamay nang iabot niya sa dalawang lalaki ang bugkos ng dalawampung libong piso na paunang bayad sa kan'ya ni Mrs. Cruz.

Binilang ito ng tauhan ni Mr. Lee. Alam niyang kulang na kulang pa iyon ngunit iyon lamang ang pera niya.

"Sa susunod na bukas, magbibigay ulit ako."

Binitiwan ng mga ito ang kapatid niya.

"Siguraduhin mo lang dahil sa susunod isasama na namin ang kapatid mo."

Humigpit ang kapit niya kay Mayumi. Mabilis silang pumasok sa loob ng bahay at kaagad niyang kinandado ang pintuan.

Ang kan'yang galit ay hindi pa humupa nang makita niya ang prenteng pagkakahiga ng amain na si Leo, ang ikalawang asawa ng kan'yang ina at ama ni Mayumi, sa papag. Amoy alak ito at mahimbing ang tulog dahil sa kalasingan.

Kukunin na nang masasamang tao ang anak nito ngunit wala man lang itong kamalay-malay dahil inuna pa nito ang bisyo kaysa tulungan sila.

Bukod sa utang ay ang pabigat na amain pa ang dumadagdag sa pasanin ni Alea.

"Walang hiya -" Akmang lalapitan niya na ito upang gisingin at pagsabihan nang pigilan siya ng kapatid.

Napatigil siya nang makita ang nangungusap na mga mata ni Mayumi. Bumuntong hininga siya at kinabig ito upang yakapin. Umiyak ito kaya marahan niyang pinatahan.

Si Mayumi ang dahilan kung bakit kahit ilang ulit niya nang pinatay ang sarili sa isipan ay hindi niya magawang gawin sa katotohanan. Gusto niyang magpakalayo-layo. Gusto niyang tumakas sa mapait na mundo nila sa squatter's area subalit hindi niya kayang iwanan ang bunsong kapatid.

Mahal ni Mayumi ang amang si Leo kaya tutol itong tumakas sila nang hindi ito kasama. Alam ni Alea ang sakit na mawalan ng ama kaya kahit gaano niya man kinamumuhian ang amain ay nagtitiis siya para sa kapatid.

Ito rin ang dahilan kung bakit tinanggap niya ang alok na maging surrogate mother sa natural na paraan.

Si Mrs. Cruz at ang asawa nito ang una at sana ay huli niya nang kliyente. Hindi na mabubuntis ang ginang dahil sa may katandaan na ito.

Hindi niya pinangarap na ibenta ang puri at gawing parentahan ang kan'yang bahay bata, subalit upang makawala sa mga kamay ni Mr. Lee ay gagawin niya.

Sumapit ang napag-usapang araw at oras. Bagsak ang balikat na tumigil siya sa tapat ng hotel room 103.

Paulit-ulit siyang bumuntong hininga upang palakasin ang kalooban.

Kailangan niyang maging matapang at malakas para kay Mayumi.

Pagpasok niya sa loob ay wala pa ang asawa ni Mrs. Cruz. Hindi niya alam ang itsura nito dahil tanging ang ginang lamang ang nakakausap niya. Gayunpaman, mas gusto niya iyon dahil ayaw niyang matandaan ang mukha ng lalaking bibili ng puri niya.

Humiga siya sa kama at matiyagang naghintay. Habang wala pa ito ay makailang ulit siyang humingi ng tawad sa namayapang ama. Alam niyang hindi ito natutuwa mula sa langit sa gagawin niya ngayon dahil mataas ang pangarap sa kan'ya ng ama ngunit ano'ng magagawa niya. Wala na siyang ibang makakapitan kun'di ang patalim. Kaya kahit magkasugat-sugat man ang kamay niya ay kakapit siya, makaahon lamang sa maputik na lupang inaapakan niya.

Ang isang oras niya'ng paghihintay ay natapos nang tatlong mararahas na katok sa pintuan ang nagpabangon sa kan'ya.

Tumigil siya sa tapat ng pinto. Pilit niyang nilalabanan ang kabang nadarama nang pihitin niya ang seradura upang buksan ito.

Bumungad sa kan'ya ang matipuno at matangkad na lalaki. Mapungay ang mga mata nito at namumula ang magkabilang pisngi. Base sa amoy ay nakainom ito.

Ilang segundo silang nagtitigan bago siya sunggaban ng halik ng lalaki sa labi. Umatras siya habang palalim nang palalim ang halik.

Ito ang una niyang halik kaya hindi niya alam kung paano ito sasabayan.

Na-blanko ang isipan niya. 'Ni hindi niya nga alam kung paano sila nakarating sa kama, basta lumapat na lang ang likod niya dito at nasa ibabaw niya na ang lalaki.

"Para kang tunay na babae," anito sa malamyos na tinig.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Beautiful Mistake   64

    Hindi mapalagay ang puso ni Alea. Naghahalong kaba at saya ang kan’yang nadarama habang pinagmamasdan ang isa-isang pagpasok ng mga panauhin sa loob ng simbahan. Kaunti na lang, magiging Mrs. Montejo na s’ya.“Ate, bababa na ako ha,” paalam ni Mayumi na s’yang maid of honor niya. Tumango siya at hinayaan itong lumabas ng sasakyan kung saan sinalubong ito ng wedding coordinator patungo sa pintuan ng simbahan. Kaunti na lamang ang naroon, ibig-sabihin ay nalalapit na ang pagpaso niya.Huminga siya nang malalim at nanalangin nang taimtim.Hindi niya lubos akalain na darating ang araw na may isang lalaking handang ibigay hindi lamang ang apelyido kun’di buong pagmamahal sa kan’ya. Akala niya ay puro pasakit na lamang ang dadanasin niya ngunit mali pala siya. Dahil kay Calvin, nagkaroon muli ng liwanag ang buhay niya.Ang kan’yang pagdarasal ay naputol dahil sa tatlong sunod na pagkatok sa bintana ng sasakyan. Pagdilat niya ay mabilis na dumaloy ang kakaibang kaba sa kan’yang dibdib nang m

  • The Beautiful Mistake   63

    Sinindihan ni Calvin ang kandila at itinirik sa puntod ng ama ni Alea. Taimtim siyang nanalangin kasabay nang paghingi ng tawad sa ginawa ng kan’yang ama.Ang totoo’y hindi siya makapaniwala na nagawa iyon ng daddy niya. Mabuti ito sa kan’ya at iyon lang ang tumatak sa isipan niya. Gayunpaman, wala pa din tutumbas sa sakit na naidulot ng kamaliang iyon sa buhay ni Alea.“Sir sigurado po ba kayo? Almost completed na po ang renovation ng resort.” Mula sa kabilang linya ay nararamdaman niya ang panghihinayang sa boses ng engineer na s’yang nagtatrabaho para sa renovation ng kan’yang resort.“I’m serious. Demolish everything there.”Hindi niya na hinayaan pa’ng sumagot ang kausap at binaba na ang telepono. Bumaling siya kay Jake na naghihintay sa kan’yang harapan.“Hanapin mo lahat ng taong sapilitang pinalayas sa lugar na iyon para maitayo ang resort. Ibabalik natin sa kanila ang kanilang mga lupain.”Walang bahid ng kahit anumang pag-aalangan ang desisyon niyang iyon. Handa niyang itama

  • The Beautiful Mistake   62

    Alam ni Alea na mali ang paglalayas na kan’yang ginawa, gayunpaman iyon lang ang natatangi niyang paraan upang kahit papaano’y maliwanagan ang isipan. Ang totoo’y wala din kasiguraduhan kung magiging maayos ba s’ya sa ganoong paraan, kung oo man, gaano katagal?Ang paghingi niya ng tulong kay Attorney Arim ay wala sa kan’yang bokabularyo. Sadyang tinadhana lang siguro na magkita sila sa pantalan kung saan s’ya sasakay ng barko patungo sa Isla Irigayo. Nagpumilit ito’ng samahan silang mag-ina nang malaman ang ginawa niyang pag-alis dahil sa personal na problema.“Why did you leave me with him?” Umiigting ang panga ni Calvin at matalim na nakatingin sa kanilang bahay kung nasaan si Attorney Arim at ang kanilang anak na karga-karga ng personal assistant nitong si Jake.Hindi na siya nabigla na natagpuan sila kaagad ni Calvin. Bukod sa wala siyang maisip na ibang lugar na maaaring puntahan, ay sigurado siyang ligtas ang Isla Irigayo para sa kanilang mag-ina kaya doon niya napiling magpunt

  • The Beautiful Mistake   61

    Hindi pa man tapos ang dalawang araw na business trip ni Calvin ay umuwi na kaagad ito sa kan’yang mag-ina. Paano’y hindi mapalagay ang kan’yang isipan sa malalamig pa din na pakitungo ni Alea sa kan’ya kahit sa telepono. Kung hindi nga lang mahalaga ang meeting na iyon ay hindi niya dadaluhan.“Manang, nasaan sila?” sabik niyang tanong kay Manang Guada nang hindi makita ang kan’yang mag-ina sa kwarto.Salubong ang kilay na tinitigan siya nito. “Hindi ba’t magkakasama kayo?”Kung hindi lang sobrang seryoso ng mukha ni Manang ay iisipin niyang nakikipagbiruan ito sa kan’ya.“Manang, galing ako sa business trip. Umalis ba sila?” Gusto niyang isipin na pinagtataguan siya ng kan’yang mag-ina sa buong bahay. Kung ganoon man, ibig sabihin ay wala nang bumabagabag sa isipan ni Alea, kaya naiisip na nitong pag-trip-an siya. Sana nga ay lumipas na ang post partum depression nito. Makailang ulit niya na ito’ng pinilit na magpatingin sa doktor ngunit tumatanggi ito, kaya ginagawa niya ang lahat

  • The Beautiful Mistake   60

    Mabigat at mabilis ang bawat hakbang ni Alea paakyat ng borol. Matarik ang daan ngunit hindi niya inda ang hapding nadarama sa hubad niyang mga paa.“Itay! Papunta na ako d’yan!” humihikbi niyang sigaw sa amang nakatanaw sa kan’ya mula sa itaas.Humawak siya sa sanga ng kahoy upang magawa ang higit pang malaking hakbang paakyat. Ilang ulit niyang ginawa iyon nang muling tumingin sa itaas kung nasaan ang kan’yang ama. Nakatingin lamang ito sa kan’ya, subalit ang kan’yang pinagtataka ay imbes na lumiit ay mas lalong lumaki ang agwat ng distanya nila.Nilibot niya ang paningin. Kinabahan siya nang mapansing tila nasa parehong lokasyon pa din siya kahit kanina pa siya umaakyat. Muli siyang humakbang pataas, ngunit ganoon pa din ang kan’yang pwesto. Para siyang tumatakbong hindi umaalis sa pwesto.Tumingin siya sa kan’yang ama na unti-unting naglalaho ang itsura.Pumalahaw siya ng iyak sa takot.“Babe. Babe, wake up.”Halos habulin niya ang hininga nang magising mula sa pagtapik ni Calvin

  • The Beautiful Mistake   59

    Wala sa sariling nakatingin si Alea kay baby Ali habang masaya itong naglalaro ng mga bulaklak sa hardin. Maaga pa lang ay gising na silang mag-ina.Napapitlag siya nang marinig ang biglaang pag-iyak ng bata. Naunahan na siya ni Calvin sa paglapit sa bata na nakadapa na sa carpet.“Baby, sorry.”Akma niyang kukunin kay Calvin ang bata dahil baka magusot ang suot nitong pag-opisina, ngunit hindi iyon binigay ng lalaki.“Are you okay? Mukhang lumilipad ang isipan mo? Kanina pa kita tinatawag?” nagtatakang tanong nito. “Huh? Ayos lang ako. Naka-pokus kasi ako kay Baby Ali,” palusot niya kahit hindi niya nga namalayan na nadapa na pala ang bata.Tinitigan siya ni Calvin na tila ba binabasa kung nagsasabi siya nang totoo.“Akin na ang bata baka mahuli ka na sa trabaho.”Imbes na ibigay ay mas lalo pa nitong niyakap si baby Ali at dahan-dahan na hinele kasabay nang unti-unting paghina ng iyak nito.“Hindi ba may pasok ka pa ng alas-otso? Quarter to 7 na. Mag-ayos ka na, ako na muna ang bah

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status