Share

6

Penulis: Rina
last update Terakhir Diperbarui: 2022-06-29 19:00:56

Tatlong magkakasunod na putok ng baril ang nag-udyok sa batang si Alea upang sundin ang senyal ng ama na magkubli sa likod ng malaking bato. Tinakpan niya ang bibig gamit ang nanginginig na kamay upang hindi makalikha ng malakas na ingay ang kan'yang paghikbi.

"Alea! Alea!"

Iminulat ni Alea ang mga mata kasabay nang paghabol sa hininga dulot nang masamang alaala na pumasok sa kan'yang panaginip.

Mabilis siyang bumangon at pinalis ang luha nang makitang si Aling Lolit ang nakatayo sa tabi ng kama at gumising sa kan'ya.

Aalma sana siya sa walang paalam nitong pagpasok sa kwarto subalit naudlot iyon nang mapansin niyang bakante ang higaan sa kan'yang tabi. Wala doon si Mayumi. Binalot siya nang kaba sapagkat masyado pa'ng maaga para mauna itong bumangon sa kan'ya.

"Si Mayumi nasa gitna ng dagat!" Doon niya lamang napansin ang nag-aalalang mukha ni Aling Lolit.

Hindi niya na alam kung paano siya nakaabot sa pangpang. Papasikat pa lamang ang araw ngunit maliwanag niya nang nakita si Mayumi lulan ng maliit na bangka sa malalim na parte ng karagatan.

Hindi niya alintana ang lamig ng tubig alat sa kan'yang hubad na mga paa nang maglakad siya patungo doon. Hindi siya marunong lumangoy ngunit nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang umabot ang tubig sa kan'yang baywang. Abot hanggang langit ang kabang nadarama niya, na kahit papaano'y nabawasan nang makita niya si Pio na umakyat sa bangka kung nasaan si Mayumi.

Niyakap niya nang napakahigpit ang kapatid nang makabalik sila sa pangpang. Umiiyak ito nang walang humpay at halos hindi na makapagsalita. Inalo niya ito at iniuwi upang makapagpalit.

"Mayumi, bakit mo ginawa iyon?" tanong niya nang maging maayos na ang batang kapatid.

"Ate, susunduin ko lang naman si papa. Babalik din naman ako kasama siya."

Hindi niya napigilan ang pag-irap at marahas na pagbuga ng hangin sa sagot nito, subalit kaagad niya din binawi nang mapansin ang pagyuko ni Mayumi.

"Mag-iipon lang si ate ng pera para kapag umuwi na tayo doon ay hindi na tayo gagambalain ng mga tauhan ni Mr. Lee."

Ang totoo'y hindi niya nga alam kung ano'ng trabaho ang maaari niyang gawin sa isla. Halos lahat ay masisipag, kaya hindi niya alam kung nangangailangan ba kahit labandera ang mga taga-doon. Matagal nang ubos ang kakarampot na perang dala niya kaya umaasa na lamang sila kay Pio na kahit papaano'y hindi naman nagrereklamo sa libreng pagtira at pakikain nila.

Gayunpaman, aaralin niya na lang siguro ang pangingisda para mabuhay sila.

Lumipas ang magdamag na itinuon niya ang buong atensyon sa kapatid. 'Ni malingat ay hindi niya magawa sa takot na muli nitong subukang maglayas, ito'y kahit pa ipinangako na ni Mayumi na hindi niya na iyon uulitin.

Nang hapon na ay nakatulog ito kaya nagkaroon si Alea nang pagkakataon para lapitan si Pio at pasalamatan.

Naabutan niya ang binata na nakaupo sa upuang gawa sa kawayan sa lilim ng malaking punong mangga sa likod-bahay.

Kunot na kunot ang noo nito at malayo ang tingin, animo'y napakalalim nang iniisip.

Umupo siya sa tabi nito at tumikhim, pero tila wala itong narinig.

Sumandal ito at mariin na ipinikit ang mga mata. Hinilot nito ang sintido habang nakakunot pa din ang noo.

"Maalon na dagat. Maraming bato. Putok ng baril."

Nagsalubong ang kilay ni Alea nang bigla ay magsalita ni Pio.

"Pio?" Nagtataka niyang tanong dito.

Mas dumiin ang pagkakakunot ng noo ng lalaki. Umiling pa ito na tila ba may pilit na inaalala.

Maya-maya pa'y tumigil ito sa paghilot sa sariling sintido at inilipat ang dalawang kamay sa ulo at bahagyang dumaing ng sakit.

"Pio? Ayos ka lang ba?" Ang pagtataka ni Alea ay napalitan ng pag-aalala.

Tumayo siya at hinawakan ang balikat ng lalaki. Bahagya niya iyong niyugyog dahilan para imulat nito ang namumula ng mga mata.

"May matarik na burol. Hindi ko alam kung saan iyon. Sandali," anito sa nahihirapang boses.

Walang maunawaan si Alea sa sinasabi ng binata gayunpaman ay nanatili lamang siyang nakatayo sa harapan nito.

"Ano'ng masakit sa'yo?"

Hinawakan ni Pio ang kamay niyang nasa balikat pa din nito. Naramdaman niya ang panlalamig noon bago ito mawalan nang malay.

"Aling Lolit, sigurado po ba kayo na hindi na natin siya kailangang dalhin sa ospital?" Hindi mawala ang pag-aalala ni Alea para kay Pio na nakahiga na sa kama.

Mabuti na lamang ay maagap siyang natulungan ng mga kapitbahay nang mahimatay si Pio.

"Nawalan lamang siya ng malay Alea, marahil ay dahil sa paglusong niya sa dagat kanina upang iligtas ang kapatid mo, baka nalamigan siya. Isa pa ay nasa ibayong isla pa ang ospital ng bayan. Palakas nang palakas ang alon, lubhang delikado kung tatawid kayo."

Naunawanan ni Alea ang punto ng ginang, subalit mas lalo lamang siyang nabalot nang pag-aalala dahil walang ospital sa isla o kahit doktor man lamang. Paano pala kung may emerhensya?

Higit sa lahat ay nakadama din siya nang konsyensya at hiya. Nang dahil sa kanila ng kapatid ay napapahamak pa si Pio. Lubos na ang pang-aabala nila dito.

Dumako ang kan'yang tingin kay Pio na banayad ang paghinga. Wala siyang maipangbabayad sa mga tulong nito. Gusto niya na lang isipin na dapat lamang siyang tulungan nito dahil inangkin siya nito nang walang bayad at kahit relasyon ay wala sila.

Hindi pa man lumilipas ang kalahating oras ay nagmulat na ng mata si Pio.

Lumapit si Alea sa kama ng binata at wala sa sariling hinaplos ang noo nito at hinawakan ang kamay. Nakahinga siya nang maluwag nang masigurong hindi na ito nanlalamig.

"Anong nararamdaman mo? Ayos ka na ba?" tanong niya kay Pio, hindi alintana ang kamay niyang nakahawak pa din sa kamay nito.

Dumako ang tingin ni Pio sa mga kamay nila kaya maagap na binawi ni Alea ang kamay niya. Mabilis na napalitan nang pagkailang ang nadarama niya ngunit pinilit niyang umakto nang normal. Higit pa sa hawak kamay ang nangyari sa kanila at hindi dapat siya mailang. Bakit nga naman siya maiilang?

May multo ng ngiti sa labi ni Pio ngunit hindi iyon masiguro ni Alea dahil sumeryoso na ang ekspresyon nito.

"Sa tingin ko, bumabalik na ang alaala ko."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Beautiful Mistake   64

    Hindi mapalagay ang puso ni Alea. Naghahalong kaba at saya ang kan’yang nadarama habang pinagmamasdan ang isa-isang pagpasok ng mga panauhin sa loob ng simbahan. Kaunti na lang, magiging Mrs. Montejo na s’ya.“Ate, bababa na ako ha,” paalam ni Mayumi na s’yang maid of honor niya. Tumango siya at hinayaan itong lumabas ng sasakyan kung saan sinalubong ito ng wedding coordinator patungo sa pintuan ng simbahan. Kaunti na lamang ang naroon, ibig-sabihin ay nalalapit na ang pagpaso niya.Huminga siya nang malalim at nanalangin nang taimtim.Hindi niya lubos akalain na darating ang araw na may isang lalaking handang ibigay hindi lamang ang apelyido kun’di buong pagmamahal sa kan’ya. Akala niya ay puro pasakit na lamang ang dadanasin niya ngunit mali pala siya. Dahil kay Calvin, nagkaroon muli ng liwanag ang buhay niya.Ang kan’yang pagdarasal ay naputol dahil sa tatlong sunod na pagkatok sa bintana ng sasakyan. Pagdilat niya ay mabilis na dumaloy ang kakaibang kaba sa kan’yang dibdib nang m

  • The Beautiful Mistake   63

    Sinindihan ni Calvin ang kandila at itinirik sa puntod ng ama ni Alea. Taimtim siyang nanalangin kasabay nang paghingi ng tawad sa ginawa ng kan’yang ama.Ang totoo’y hindi siya makapaniwala na nagawa iyon ng daddy niya. Mabuti ito sa kan’ya at iyon lang ang tumatak sa isipan niya. Gayunpaman, wala pa din tutumbas sa sakit na naidulot ng kamaliang iyon sa buhay ni Alea.“Sir sigurado po ba kayo? Almost completed na po ang renovation ng resort.” Mula sa kabilang linya ay nararamdaman niya ang panghihinayang sa boses ng engineer na s’yang nagtatrabaho para sa renovation ng kan’yang resort.“I’m serious. Demolish everything there.”Hindi niya na hinayaan pa’ng sumagot ang kausap at binaba na ang telepono. Bumaling siya kay Jake na naghihintay sa kan’yang harapan.“Hanapin mo lahat ng taong sapilitang pinalayas sa lugar na iyon para maitayo ang resort. Ibabalik natin sa kanila ang kanilang mga lupain.”Walang bahid ng kahit anumang pag-aalangan ang desisyon niyang iyon. Handa niyang itama

  • The Beautiful Mistake   62

    Alam ni Alea na mali ang paglalayas na kan’yang ginawa, gayunpaman iyon lang ang natatangi niyang paraan upang kahit papaano’y maliwanagan ang isipan. Ang totoo’y wala din kasiguraduhan kung magiging maayos ba s’ya sa ganoong paraan, kung oo man, gaano katagal?Ang paghingi niya ng tulong kay Attorney Arim ay wala sa kan’yang bokabularyo. Sadyang tinadhana lang siguro na magkita sila sa pantalan kung saan s’ya sasakay ng barko patungo sa Isla Irigayo. Nagpumilit ito’ng samahan silang mag-ina nang malaman ang ginawa niyang pag-alis dahil sa personal na problema.“Why did you leave me with him?” Umiigting ang panga ni Calvin at matalim na nakatingin sa kanilang bahay kung nasaan si Attorney Arim at ang kanilang anak na karga-karga ng personal assistant nitong si Jake.Hindi na siya nabigla na natagpuan sila kaagad ni Calvin. Bukod sa wala siyang maisip na ibang lugar na maaaring puntahan, ay sigurado siyang ligtas ang Isla Irigayo para sa kanilang mag-ina kaya doon niya napiling magpunt

  • The Beautiful Mistake   61

    Hindi pa man tapos ang dalawang araw na business trip ni Calvin ay umuwi na kaagad ito sa kan’yang mag-ina. Paano’y hindi mapalagay ang kan’yang isipan sa malalamig pa din na pakitungo ni Alea sa kan’ya kahit sa telepono. Kung hindi nga lang mahalaga ang meeting na iyon ay hindi niya dadaluhan.“Manang, nasaan sila?” sabik niyang tanong kay Manang Guada nang hindi makita ang kan’yang mag-ina sa kwarto.Salubong ang kilay na tinitigan siya nito. “Hindi ba’t magkakasama kayo?”Kung hindi lang sobrang seryoso ng mukha ni Manang ay iisipin niyang nakikipagbiruan ito sa kan’ya.“Manang, galing ako sa business trip. Umalis ba sila?” Gusto niyang isipin na pinagtataguan siya ng kan’yang mag-ina sa buong bahay. Kung ganoon man, ibig sabihin ay wala nang bumabagabag sa isipan ni Alea, kaya naiisip na nitong pag-trip-an siya. Sana nga ay lumipas na ang post partum depression nito. Makailang ulit niya na ito’ng pinilit na magpatingin sa doktor ngunit tumatanggi ito, kaya ginagawa niya ang lahat

  • The Beautiful Mistake   60

    Mabigat at mabilis ang bawat hakbang ni Alea paakyat ng borol. Matarik ang daan ngunit hindi niya inda ang hapding nadarama sa hubad niyang mga paa.“Itay! Papunta na ako d’yan!” humihikbi niyang sigaw sa amang nakatanaw sa kan’ya mula sa itaas.Humawak siya sa sanga ng kahoy upang magawa ang higit pang malaking hakbang paakyat. Ilang ulit niyang ginawa iyon nang muling tumingin sa itaas kung nasaan ang kan’yang ama. Nakatingin lamang ito sa kan’ya, subalit ang kan’yang pinagtataka ay imbes na lumiit ay mas lalong lumaki ang agwat ng distanya nila.Nilibot niya ang paningin. Kinabahan siya nang mapansing tila nasa parehong lokasyon pa din siya kahit kanina pa siya umaakyat. Muli siyang humakbang pataas, ngunit ganoon pa din ang kan’yang pwesto. Para siyang tumatakbong hindi umaalis sa pwesto.Tumingin siya sa kan’yang ama na unti-unting naglalaho ang itsura.Pumalahaw siya ng iyak sa takot.“Babe. Babe, wake up.”Halos habulin niya ang hininga nang magising mula sa pagtapik ni Calvin

  • The Beautiful Mistake   59

    Wala sa sariling nakatingin si Alea kay baby Ali habang masaya itong naglalaro ng mga bulaklak sa hardin. Maaga pa lang ay gising na silang mag-ina.Napapitlag siya nang marinig ang biglaang pag-iyak ng bata. Naunahan na siya ni Calvin sa paglapit sa bata na nakadapa na sa carpet.“Baby, sorry.”Akma niyang kukunin kay Calvin ang bata dahil baka magusot ang suot nitong pag-opisina, ngunit hindi iyon binigay ng lalaki.“Are you okay? Mukhang lumilipad ang isipan mo? Kanina pa kita tinatawag?” nagtatakang tanong nito. “Huh? Ayos lang ako. Naka-pokus kasi ako kay Baby Ali,” palusot niya kahit hindi niya nga namalayan na nadapa na pala ang bata.Tinitigan siya ni Calvin na tila ba binabasa kung nagsasabi siya nang totoo.“Akin na ang bata baka mahuli ka na sa trabaho.”Imbes na ibigay ay mas lalo pa nitong niyakap si baby Ali at dahan-dahan na hinele kasabay nang unti-unting paghina ng iyak nito.“Hindi ba may pasok ka pa ng alas-otso? Quarter to 7 na. Mag-ayos ka na, ako na muna ang bah

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status