Share

5

Penulis: Rina
last update Terakhir Diperbarui: 2022-06-17 18:58:03

Mapayapa ang karagatan na tinatahak ng maliit na barkong sinasakyan ni Alea kasama ang kapatid at si Pio patungo sa Isla Irigayo kung saan nakatira ang huli.

Dumungaw si Alea sa bintana habang hinahaplos ang buhok ni Mayumi, na nakasandal sa balikat niya. Tahimik ang dagat at maaliwalas ang kalangitan.

Walang sinuman ang makakaalam kung nasaan sila. Hindi niya man alam kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa kanila sa isla, ang mahalaga ay ligtas na sila kay Mr. Lee.

Huminga siya nang malalim habang sinasamyo ang amoy-dagat na hangin. Dumako ang kan'yang mga mata sa matarik na burol 'di kalayuan sa isla kung saan malapit na silang dumaong.

Bumilis ang tibok ng kan'yang puso nang isang masakit na alaala ang sumagi sa isipan niya. Mariin siyang pumikit at sunod-sunod ang ginawang paghinga nang malalim. Pinilit niyang mag-isip ng magandang alaala noong kabataan niya pa, subalit malabo ito at hindi kayang burahin ang mapait na imaheng pumapasok sa utak niya.

"Alea. Alea." Ang mahinang pagtapik sa kamay niyang nakaakbay kay Mayumi ang nagpamulat sa mga mata niya.

Bumungad sa kan'ya ang magkasalubong na kilay ni Pio.

"Nandito na tayo," anito.

Pasimple niyang pinahid ang luhang nangingilid pa lang sa mata at ginising si Mayumi.

Sila ang huling bumaba kung saan inalalayan sila ni Pio. Lakad at takbo ang ginawa nila dahil malalaki ang hakbang na ginagawa nito patungo sa kung saan. Gayunpaman, ay nagawa niya pa'ng ilibot ang paningin. Maraming tao doon at lahat ay abala sa kan'ya-kan'yang gawain. Mayroong nagsasampay ng damit, naglalako ng isda at gulay, mga naglalarong bata at nagkwekwentuhang mga nanay sa tabi. Malayong-malayo sa sitwasyon nila sa squatter's area.

Tumigil si Pio sa tapat ng isang kubo na may mga lamesa at upuan sa labas. Nabasa n'ya roon ang pangalan na Juliano na nakasulat sa itim na karatula. Sumunod sila hanggang sa loob, kung saan nakaburol ang matanda.

Hindi niya alam kung paano aakto nang lapitan na ng ilang tao doon si Pio upang kausapin. Umiiyak na ito at pinanood niya na lamang na lumapit sa ataol.

"Kaibigan ka ba ni Pio?" tanong sa kan'ya ng isang ginang na nakasuot ng bulaklaking daster at may hawak na abaniko.

Hindi niya alam ang isasagot. Hindi pa naman sila magkaibigan at wala din siyang plano na kaibiganin ito.

"Teka, ikaw ba ang tunay niyang kapamilya? Bumalik na ba ang alaala niya?" Tila nasasabik nitong tanong na nagpakunot sa noo ni Alea.

Alaala? May sakit ba si Pio?

"Hindi po. Sumama lang po kami kay Pio dito para magbakasyon," sagot niya.

Tumango-tango ang ginang at pinagmasdan pa silang magkapatid nang maigi.

Maya-maya pa'y inasikaso na sila nito nang pakiusapan ni Pio.

Dalawang araw pa silang nanuluyan doon. Hinihintay niya munang matapos ang burol bago siya magpaalam para maghanap ng sariling matutuluyan kagaya nang sinabi niya dito bago sila isama sa isla.

Alam niyang nangako siya kay Pio na ang pagsama sa kanila sa Isla Irigayo ay ang huling pabor na hihilingin niya ngunit ang totoo'y hindi niya alam kung paano at saan magsisimula lalo pa't baguhan siya sa lugar. Mauunawaan naman siguro nito kung hihingi muli siya ng tulong sa huling pagkakataon.

Nang gabi matapos ang libing ay naabutan niya si Pio na nakaupo malapit sa dalampasigan. Tamad itong nagtatapon ng bato sa dagat.

Lakas-loob siyang tumabi dito.

Naramdaman niya ang sandaling pagsulyap nito sa kan'ya. Kumuha siya ng bato at itinapon iyon sa dagat na tatlong beses pa'ng dumapo sa ibabaw ng tubig bago dumiretso sa ilalim.

"Si tatay kaya niyang padapuin ng limang beses sa ibabaw ng tubig ang bato bago ito lumubog," saad niya.

Sandaling katahimikan ang namutawi sa kanila bago magsalita si Pio.

"Iyon ba 'yong lalaking nagsusugal na naabutan natin kahapon?" tanong nito.

Bumusangot si Alea nang marinig iyon.

"Hindi iyon ang tatay ko. Malayong-malayo iyon sa tatay ko. Si tatay masipag, mapagmahal at mabait. Si T'yo Leo, sugarol, lasinggero, walang ibang inisip kun'di ang sarili at higit sa lahat walang pagmamahal sa puso. Kung ako nga lang matagal ko nang pinabayaan iyon, kaya lang ay iniisip ko si Mayumi. Tunay niyang tatay iyon at mahal niya."

Estranghero pa din si Pio para sa kan'ya ngunit hindi niya malaman ang dahilan kung bakit tila isang normal na bagay lang ang magkwento siya dito.

"Kung gano'n pala, bakit sa kan'ya ka nakatira at hindi sa tatay mo?"

Ang bato na dapat sana ay itatapon ni Alea sa dagat ay nabitiwan niya dahil sa tanong ni Pio.

"Wala na siya," tipid niyang sagot. Ilang ulit siyang lumunok ng sariling laway upang mapigilan ang malungkot na emosyong dumadapo sa puso niya . Matagal nang nangyari iyon, subalit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin kayang ikwento.

"Mas kailangan na kasi siya ng Diyos sa taas kaya kinuha na siya." Pilit siyang ngumiti at tumingin sa kalangitan.

Bumaling siya kay Pio na sinundan pala ang tingin niya sa mga bituin. "Sigurado ako na kailangan na din doon si Mang Julian, kaya kinuha na siya sa'yo."

Hindi sila ganoon magkasundo ni Pio para bigyan niya ito ng payo, subalit may nag-uudyok sa kan'ya na pagaanin ang kalooban nito.

Maliit na ngiti ang sumilay sa labi ni Pio.

"Apat na buwan na ang nakakalipas nang tangayin ako ng alon dito sa isla. Si Manong Julian ang unang nakakita sa akin habang nangingisda siya. Niligtas niya ako at inalagaan na parang tunay na anak. Noong una nga akala ko siya ang tatay ko dahil wala akong maalala. 'Ni pangalan ko nga hindi ko alam. Tinawag niya na lamang ako'ng Pio. Sobrang gaan ng loob ko sa kan'ya. Hanggang sa isang araw, nagkasakit siya. May komplikasyon na pala siya sa baga dahil sa labis na paninigarilyo. Naging bisyo niya na upang maibsan ang kalungkutan simula nang malunod ang asawa at nag-iisa niyang anak na lalaki. Tumigil lang siya nang dumating ako, kaya lang huli na. Kaya ako napilitan na magtrabaho nang ganoon sa lungsod para maipagamot siya."

Bawat tao ay may malalim na dahilan kung bakit ginagawa ang isang bagay na sa paningin ng iba ay hindi kaaya-aya at walang moral.

Lihim na napangiti si Alea. Sa unang pagkakataon naramdaman niyang hindi siya nag-iisa. May isang kagaya niya na handa rin kumapit sa patalim para sa minamahal.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Beautiful Mistake   64

    Hindi mapalagay ang puso ni Alea. Naghahalong kaba at saya ang kan’yang nadarama habang pinagmamasdan ang isa-isang pagpasok ng mga panauhin sa loob ng simbahan. Kaunti na lang, magiging Mrs. Montejo na s’ya.“Ate, bababa na ako ha,” paalam ni Mayumi na s’yang maid of honor niya. Tumango siya at hinayaan itong lumabas ng sasakyan kung saan sinalubong ito ng wedding coordinator patungo sa pintuan ng simbahan. Kaunti na lamang ang naroon, ibig-sabihin ay nalalapit na ang pagpaso niya.Huminga siya nang malalim at nanalangin nang taimtim.Hindi niya lubos akalain na darating ang araw na may isang lalaking handang ibigay hindi lamang ang apelyido kun’di buong pagmamahal sa kan’ya. Akala niya ay puro pasakit na lamang ang dadanasin niya ngunit mali pala siya. Dahil kay Calvin, nagkaroon muli ng liwanag ang buhay niya.Ang kan’yang pagdarasal ay naputol dahil sa tatlong sunod na pagkatok sa bintana ng sasakyan. Pagdilat niya ay mabilis na dumaloy ang kakaibang kaba sa kan’yang dibdib nang m

  • The Beautiful Mistake   63

    Sinindihan ni Calvin ang kandila at itinirik sa puntod ng ama ni Alea. Taimtim siyang nanalangin kasabay nang paghingi ng tawad sa ginawa ng kan’yang ama.Ang totoo’y hindi siya makapaniwala na nagawa iyon ng daddy niya. Mabuti ito sa kan’ya at iyon lang ang tumatak sa isipan niya. Gayunpaman, wala pa din tutumbas sa sakit na naidulot ng kamaliang iyon sa buhay ni Alea.“Sir sigurado po ba kayo? Almost completed na po ang renovation ng resort.” Mula sa kabilang linya ay nararamdaman niya ang panghihinayang sa boses ng engineer na s’yang nagtatrabaho para sa renovation ng kan’yang resort.“I’m serious. Demolish everything there.”Hindi niya na hinayaan pa’ng sumagot ang kausap at binaba na ang telepono. Bumaling siya kay Jake na naghihintay sa kan’yang harapan.“Hanapin mo lahat ng taong sapilitang pinalayas sa lugar na iyon para maitayo ang resort. Ibabalik natin sa kanila ang kanilang mga lupain.”Walang bahid ng kahit anumang pag-aalangan ang desisyon niyang iyon. Handa niyang itama

  • The Beautiful Mistake   62

    Alam ni Alea na mali ang paglalayas na kan’yang ginawa, gayunpaman iyon lang ang natatangi niyang paraan upang kahit papaano’y maliwanagan ang isipan. Ang totoo’y wala din kasiguraduhan kung magiging maayos ba s’ya sa ganoong paraan, kung oo man, gaano katagal?Ang paghingi niya ng tulong kay Attorney Arim ay wala sa kan’yang bokabularyo. Sadyang tinadhana lang siguro na magkita sila sa pantalan kung saan s’ya sasakay ng barko patungo sa Isla Irigayo. Nagpumilit ito’ng samahan silang mag-ina nang malaman ang ginawa niyang pag-alis dahil sa personal na problema.“Why did you leave me with him?” Umiigting ang panga ni Calvin at matalim na nakatingin sa kanilang bahay kung nasaan si Attorney Arim at ang kanilang anak na karga-karga ng personal assistant nitong si Jake.Hindi na siya nabigla na natagpuan sila kaagad ni Calvin. Bukod sa wala siyang maisip na ibang lugar na maaaring puntahan, ay sigurado siyang ligtas ang Isla Irigayo para sa kanilang mag-ina kaya doon niya napiling magpunt

  • The Beautiful Mistake   61

    Hindi pa man tapos ang dalawang araw na business trip ni Calvin ay umuwi na kaagad ito sa kan’yang mag-ina. Paano’y hindi mapalagay ang kan’yang isipan sa malalamig pa din na pakitungo ni Alea sa kan’ya kahit sa telepono. Kung hindi nga lang mahalaga ang meeting na iyon ay hindi niya dadaluhan.“Manang, nasaan sila?” sabik niyang tanong kay Manang Guada nang hindi makita ang kan’yang mag-ina sa kwarto.Salubong ang kilay na tinitigan siya nito. “Hindi ba’t magkakasama kayo?”Kung hindi lang sobrang seryoso ng mukha ni Manang ay iisipin niyang nakikipagbiruan ito sa kan’ya.“Manang, galing ako sa business trip. Umalis ba sila?” Gusto niyang isipin na pinagtataguan siya ng kan’yang mag-ina sa buong bahay. Kung ganoon man, ibig sabihin ay wala nang bumabagabag sa isipan ni Alea, kaya naiisip na nitong pag-trip-an siya. Sana nga ay lumipas na ang post partum depression nito. Makailang ulit niya na ito’ng pinilit na magpatingin sa doktor ngunit tumatanggi ito, kaya ginagawa niya ang lahat

  • The Beautiful Mistake   60

    Mabigat at mabilis ang bawat hakbang ni Alea paakyat ng borol. Matarik ang daan ngunit hindi niya inda ang hapding nadarama sa hubad niyang mga paa.“Itay! Papunta na ako d’yan!” humihikbi niyang sigaw sa amang nakatanaw sa kan’ya mula sa itaas.Humawak siya sa sanga ng kahoy upang magawa ang higit pang malaking hakbang paakyat. Ilang ulit niyang ginawa iyon nang muling tumingin sa itaas kung nasaan ang kan’yang ama. Nakatingin lamang ito sa kan’ya, subalit ang kan’yang pinagtataka ay imbes na lumiit ay mas lalong lumaki ang agwat ng distanya nila.Nilibot niya ang paningin. Kinabahan siya nang mapansing tila nasa parehong lokasyon pa din siya kahit kanina pa siya umaakyat. Muli siyang humakbang pataas, ngunit ganoon pa din ang kan’yang pwesto. Para siyang tumatakbong hindi umaalis sa pwesto.Tumingin siya sa kan’yang ama na unti-unting naglalaho ang itsura.Pumalahaw siya ng iyak sa takot.“Babe. Babe, wake up.”Halos habulin niya ang hininga nang magising mula sa pagtapik ni Calvin

  • The Beautiful Mistake   59

    Wala sa sariling nakatingin si Alea kay baby Ali habang masaya itong naglalaro ng mga bulaklak sa hardin. Maaga pa lang ay gising na silang mag-ina.Napapitlag siya nang marinig ang biglaang pag-iyak ng bata. Naunahan na siya ni Calvin sa paglapit sa bata na nakadapa na sa carpet.“Baby, sorry.”Akma niyang kukunin kay Calvin ang bata dahil baka magusot ang suot nitong pag-opisina, ngunit hindi iyon binigay ng lalaki.“Are you okay? Mukhang lumilipad ang isipan mo? Kanina pa kita tinatawag?” nagtatakang tanong nito. “Huh? Ayos lang ako. Naka-pokus kasi ako kay Baby Ali,” palusot niya kahit hindi niya nga namalayan na nadapa na pala ang bata.Tinitigan siya ni Calvin na tila ba binabasa kung nagsasabi siya nang totoo.“Akin na ang bata baka mahuli ka na sa trabaho.”Imbes na ibigay ay mas lalo pa nitong niyakap si baby Ali at dahan-dahan na hinele kasabay nang unti-unting paghina ng iyak nito.“Hindi ba may pasok ka pa ng alas-otso? Quarter to 7 na. Mag-ayos ka na, ako na muna ang bah

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status