Share

FIVE

Nasa canteen kami ni Malgom ngayon habang naghihintay ako ng sundo. Napag-alaman ko kahapon na nasa ospital na raw si tatay at inaakaso ng mga doktor. Gusto ko nga siyang dalawin para makasiguro na hindi ako niloloko ni Aldric. Kaso malayo ang ospital at sabi niya dadalhin niya ako sa weekend. 

 

Mukha naman hindi niya ako niloloko at mukha ding hindi siya manloloko. Saka nakita ko rin na binigyan niya si Aling Magda ng pera noong kunin niya ako sa bar.

 

Naalala ko tuloy ang nangyari noong Friday. Hindi ko talaga alam kung ano ang tinutukoy niya. Iniisip ko na pinagtitripan lang yata niya ako. 

 

"Baks, may tinanong sa akin si Aldric," tawag ko kay bakla na agad tumingin sa akin.

 

"Huh? anong tinanong niya sayo?"

 

"Kung anong nararamdaman ko sa tuwing nanonood ako ng porn, tapos baks ang weird niya kasi may sinabi siya na lumalabas daw kapag nanonood at nakakaramdam ng sarap ba yon? Ewan,"

 

"Gaga, baka libog ang tinutukoy niya, ang bobo mo talaga." 

 

"Libog?"

 

"Oo, nalilibugan kapag nakakaramdam ng sarap sa pinapanood." Naguguluhan ako sa sinasabi niya. Bakit hindi naturo ni tatay yon?

 

"Paano mo nalalaman na nalilibugan ka baks?

 

"Yong parang may lumalabas yata, sa babae ha, nag we-wet. Not sure. Ano ka ba parang hindi ka babae."

 

"Aba anong malay ko sa libog tanga? Paano ako malilibugan kung pati nga kiss hindi ko naman naranasan," reklamo ko sa mga pinagsasabi niya.

 

"Ewan ko sayo, ang slow mo talaga, yon nga'ng mas bata pa sayo ay alam ang liboog ikaw hindi,"

 

"Gago naman 'to, paano nga malibugan, saka ano ba hitsura noon pag lumabas? Yong parang white blood?" 

 

"Oo yata, yong parang tubig na malagkit na lumalabas sa babae kapag nanonood tayo."

 

"Wala naman lumalabas sa akin pag nanonood tayo." Nakita ko naman na napatampal siya sa noo niya.

 

"Gaga hindi ikaw, yong babae sa porn na nilalabasan ng katas pag nakipagjerjeran na."

 

"Ah!yon pala yon, linawin mo kasi." Natatawa kong sabi habang kumakain ng pisbol.

 

"Bakit nalibugan ka?" tanong niya sa akin.

 

"Hindi,"

 

"Inamo ka talaga eh." Aktong susundutin ako ni Malgom ng stick. "Pero Belle, daks o juts?" Kumunot naman ang noo ko.

 

"Yong tintin? Hindi ko alam, hindi ko pa naman nakikita kasi ayaw niya ipakita. Pero pag nakita ko sabihin ko sayo."

 

"Sabi mo yan ha?" Paninigurado niya. Talagang pag-usapan tintin ang bilis ng bakla na 'to.

 

"Oo, promise,"sabi ko sabay taas ng palad ko para panumpa.

 

"Hi, Belle," sabay kaming napalingon ni Malgom kay Arthur. Sayang crush ko pa naman 'to kaso waley ee. Pinagtagpo kami pero hindi tinadhana pero baka pwede pa pag sinuli na ako na ni Aldric at nagsawa na siya sa akin pagdating ng araw. Kaso ang bad naman noon. Sabi ni tatay dapat one man, one woman lang ang tao. Naku ewan.

 

"Hello," sabay bati namin ni Malgom sa kanya.

 

"Para nga pala sayo, Belle." Abot niya sa akin ng isang rose.

 

"Sala----"

 

"You are not allowed to take flowers from anyone?" Napa-igtad ako nang marinig ang pamilyar na boses na yon at agad na napalingon. Napakunot naman ang noo ko nang makita ko siya.

 

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko nang makita si Aldric na nakatayo sa likod ko.

 

"Sinusundo ka," sagot niya na may seryosong tingin.

 

"Bakit ikaw? Nasaan ang men in black?"

 

"Get up and we go home." Utos niya. Luh hindi naman siya nagmamadali no?

 

"Belle, sino siya?" takang tanong ni Art sa akin habang natingin. 

 

Pati si Malgom ay mukhang naghihintay din ng sagot ko. Wag niya sabihin na hindi niya kilala 'to? Hampas ko sa kanya ang bulaklak na 'to.

 

"Ah! Art, si Aldric pala, boyfriend ko," pakilala ko. Boyfriend na lang para mabilis. Hindi ko naman pwede sabihin na customer ko bar.

 

"Boyfriend? Pero 'di ba sabi mo----"

 

"Kailangan eh," putol ko sa sasabihin niya. "Long story, saka sa kanya na ako nakatira ngayon. Kasi si tatay nasa ospital na."

 

"Now that you know kid, I warn you to stay away from my girl." Kinuha niya ang bulaklak sa kamay ko at saka nilagay sa lamesa. "Let's go." Hinawakan niya ako saka hinila.

 

"Malgom, kita na lang bukas, pahinging kutsenta ha!" sigaw ko habang hatak-hatak ni Aldric ang kamay ko at mabilis.

 

"Nagpapaligaw ka?" Inis niyang tanong nang makapasok kami sa kotse.

 

"Manliligaw ko na yon bago pa kita nakilala kaya wag kang echos na feeling na-agawan."

 

"Pero hindi mo iniwasan ngayong may tayo na?"

 

"Tayo na? Luh, sinabi ko lang na bf kita para hindi siya mangulit pero hindi naman tayo 'di ba?"

 

"What?"

 

"Katawan ko lang po sir, ang babayaran mo at hindi kasama pati puso ko."

 

"So, gusto mo ang lalaking yon?"

 

"Hmp, slight lang, noon yo-----"

 

Bigla akong natahimik nang halikan ako ni Aldric. Perstaym ko ito at iba rin ang nararamdam Dampi lang ito pero para akong nangisay sa kilig na mas intense pa sa kiss ng mga pinapanood kong k-drama.

 

Ang tiyan ko humilab at parang gustong lumabas ng butika at magparty sa harap ko kasama pati laman-loob.

 

"You're mine, you're fvcking mine." Saka niya pinaandar ang kotse at hindi na siya nagsalita.

 

"Wahhh!"

 

"What the hell?" Nangisay ako sa tuwa at muntik pa akong mauntog nang biglang mag-break si Aldric.

 

"Hindi na virgin ang lips ko, may first kiss na ako. Yehey!" 

 

"Dam*, shut up!"

 

"Sorry naman, exciting lang." Kinikilig kong sabi.

 

"There is more exciting than that later," saka niya muling pinaandar ang kotse.

 

"Talaga, jejerjerin mo na ako?"

 

"Fvck, stop asking nonsense."

 

"Sabi mo exciting, saka kailan naging nonsens ang jerjer? Kaya mo nga binayaran para majerjer," sabi ko saka tumingin sa labas ng sasakyan habang nakangiti. Grabe ang exciting ng unang halik ko. Kagayang-kagaya sa mga pinapanood ko. "Kinikilig talaga ako Aldric, may first kiss na ako at pwede ko na ipagmalaki na yon hehe."

 

"You're too innocent, I am thinking right now, how you will please me in bed?" 

 

"Huh?" tanong ko kasi parang may sinabi siya na innocent at bed ba yon?

 

"What?"

 

"Anong bed?"

 

"Nothing, don't disturb me, I am driving." Inirapan ko na lang siya. Sabi niya kaya yon at narinig ko. Ah baka I am innocent in bed ang sabi niya. Bahala na nga siya sa buhay niya.

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status