Share

TWO

"Ano ba Ara? wag kang manyak kalurkey ka dai, nakakadiri." Nandidiring nagpapagpag si Malgom at mabilis na tumayo nang hilahin ko siya. Ang arte-arte, gusto ko lang naman magpaturo na humalik akala mo uubusin ko laway niya.

 

"Kadiri agad, wala pa nga akong ginagawa sayo ang arte mo." Inis kong sabi. Kung makasabi kasi ng kadiri akala ginahasa ko na.

 

"Ano ba kasing trip mo sa buhay ha at gusto mo maging pokpok?" tanong niya.

 

"Pasmado ýang bibig mong bakla ka,"

 

"Bakit ýon naman talaga ang tawag doon ah! Kapag bumukaka ka ng bayad, pokpok na ýon." Umupo na lang ako sa isang tabi saka nagmukmok. Nakaka-inis man pakinggan pero parang ganoon na nga ang gagawin ko. "Hoy, tinatanong kita kung anong pumasok diyan sa isip mo at bakit mo naisipan na bumukaka na lang?" 

 

"Para sa tatay ko baks, alam mo na ýon at ayaw ko na magpaliwanag," sagot ko.

 

Umupo naman siya sa tabi ko habang nangunguyakoy.

 

"Hay, kung bakit ba kasi tayo pinanganak na mahirap. Diyos ko, ang unfair mo po, sobra po talaga! Bakit po ýong mga walang hiya ang sasarap ng buhay habang kami naman mababait ginawa mong ganito."

 

"Hoy!" Saway ko sa kanya. "Wag mo nga kwestyunin ang Diyos, may dahilan siya kaya wag kang ganyan, saka wag ka tawag nang tawag sa Diyos at baka magbago isip ko." Baliw na 'to lakas ng loob na kwestyunin ang Diyos.

 

"Alangan naman ikaw ang tanungin ko."

 

"Ikaw nga bakla ee, tampilungin ka pa ng Diyos dahil ikaw nga ginawa niyang lalaki naging bakla ka."

 

"Hoy, gawa ako ng Diyos."

 

"Hindi ka syur,"

 

"Aba---"

 

"'O, shatap na, bati na tayo, pareho tayong gawa ng Diyos, kinulang ka lang."

 

"Sira-ulo," sagot niya saka tumingin sa akin. "Kalurkey naman kasi ang desisyon mo. Alam mo naman na birhen ka, tapos isusuko mo ang bataan mo sa-----jusmiyo dai, paano kung matandang panot, matandang bungi, matandang malaki tiyan o kaya matandang amoy lupa lang ang makabiyak ng iyong perlas ng iniingatan, kawawa naman ni kepay mo dai, ang pangit ng perstaym," reklamo niya na parang nandidiri ang mukha.

 

"Eh kasi naman mamatay tatay ko?" tanong ko.

 

"Sabagay kepay lang naman," bawi niya.

 

"Sige na ba, turuan mo na ako humalik." Pilit ko sa kanya habang hinahawakan ang damit niya.

 

"Hoy, bastos ka talaga," reklamo niya sabay tayo.

 

"Halik lang bastos na agad. Hindi ko naman uubusin yang laway mo."

 

"Tigilan mo at baka masampal kita."

 

" Ang arte, ayaw mo talaga?"

 

"Yuck! over my yummy abs."

 

"Ok, sige, patingin na lang niyang tintin mo para may idea ako kung ano hitsura ng tin----" 

 

"Ang baboy mo!" sigaw niya sabay tulak sa akin kaya nalaglag ako sa upuan. 

 

"Aray!" At hindi pa nakontento ang hayop at sinabunutan pa ako.

 

"Kadiri ka talaga kahit kailan, napaka-salula niyang bunganga mo."

 

"Wala pa akong ginagawa saýo kadiri agad, pag ako kumita ng malaki, wala kang balato sa akin," sabi ko saka tumayo.

 

"Ito na lang panoorin mo," saka niya kinuha ang selpon niya sabay kinalikot.

 

"Ano na naman ýan?"

 

"Basta ito maganda, pag-aralan mo para alam mo na kung ano ang dapat mong gawin mamaya." Saka niya inabot sa akin ang selpon niya. "O ayan,"

 

"Jusko baks," Napapikit na lang ako dahil sa nakita pero agad din akong nagdilat.

 

Perstaym ko kasing makapanood ng ganito sa buong buhay ko. Madalas kasi pinapanood sa akin ni bakla ay erotic, gaya ng 365 days, fifty shades, mga lumang erotic movies. Pero ngayon kitang-kita ng aking tantalizing eyes kung paano---basta---ganoon.

 

"Ganyan ang mangyayari sa kepay mo, dai."

 

"Kawawa naman ang kepay ko pag nasaksak ng ganyan." Naiiyak kong sabi.

 

Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Kung maawa ako sa babae o kung matatawa ako. As in talaga .

 

"Hoy, bakit ka natitig sa screen?" tanong ni Malgom.

 

"Wala naman, hindi ko kasi alam kung maa-awa ako sa babae ee,"

 

"Ano nararamdaman mo?" 

 

"Waley, bakit, dapat ba meron?" Dinutdot naman niya ang noo ko damit ang daliri niya.

 

"Kawawa ka talagang babae ka mamaya."

 

"Bakit naman?"

 

"Ewan ko sayo, bahala ka nga sa buhay mo," sabi niya saka tumayo.

 

"Hoy, saan ka pupunta?!" Pero hindi niya ako sinagot at lumayas na siya.

 

Lintek na yan, kanino na ako magpapaturo humalik nito?

 

 

NAKAAYOS na ako ng sarili ko pakiramdam ko ang ganda-ganda ko sa suot ko. Sabagay, maganda naman talaga ako matagal na. Dito ako nag-ayos sa bahay ni Malgom para hindi ako makita ni tatay na ganito ang hitsura. Pinahiram din ako ni aling Magda ng damit para may masuot. 

 

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, sakto ang kurba ng katawan ko at talagang labas ang hugis ko.

 

Napabuntong-hininga na lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari mamaya. Pero buo na ang desisyon ko ngayon at tanging dasal na lang sana magtagumpay ako para sa tatay ko.

 

Hindi ko naman to ginagawa para lang sa sarili kong interes kundi para sa tatay ko.

 

Ginagawa ko to para mapagamot siya.

 

"Hoy, bumaba ka na daw sabi ni mama," tawag ni Malgom sa akin.

 

"Baks, galit ka ba?" tanong ko.

 

"Hindi, naaawa lang ako sayo." May lungkot sa boses na sabi niya. "Kasi, wala ka naman alam sa ganyan tapos bigla ka mapapasubo sa hindi mo kilala."

 

Bumuntong hininga na lang ako sa hinawakan siya sa balikat.

 

"Wish me luck na lang baks, kailangan ko ng support mo bespren."

 

"Goodluck sa kepay mo," sabi niya saka hinawakan din ako sa braso. "Sige na, bumaba ka na doon at hinahanap ka na ni mama."

 

Tumango na lang ako saka bumaba. Nakita ko naman agad si aling Magda at kinawayan ako.

 

"Halika ka," sabi niya sabay hawak sa kamay ko. "Doon ka muna sa loob magtago, saka ka na lumabas kapag pinatawag kita."

 

Pinababa pa ako? Magtatago rin pala ako dito. 

 

Tumango nalang ako at agad na sumunod saka pinuntahan ang isang bakanteng kwarto.

 

Hindi ako kinakabahan, normal lang ang nararamdaman ko at hindi rin ako excited. Medyo happy pa nga ako kasi alam ko na magkakapera ako pagkatapos nito.

 

Pero ano nga kaya mangyayari mamaya? Ano kaya mararanasan ko? 

 

Hala, parang nae-excite na ako.

 

Habang nakatingin sa oras ay pakiramdam ko ang tagal gumalaw ng orasan. Kung pwede lang sana hilahin ang oras ay ginawa ko na.

 

"Ara," tawag sa akin ni aling Magda kaya mabilis akong tumayo.

 

"Nandiyan si Aldric, siya ang isa sa mga gusto kong parokyano dahil maliban sa galante ay mabait pa. Hindi inaabuso ang mga binibigay kong kustomer." 

 

"Pwede na po akong lumabas?"

 

"Oo, kaso Ara ayaw niya sa mga birhen dahil walang alam, pero sabihin na may alam ka na dahil nanonood ka naman ng mga ganoon, basta alam mo na yon, o kaya sabihin mo na balikan ka na lang niya, ako na kamo bahala sayo habang nag-aantay ka sa kanya. Ang mahalaga makuha mo ang tiwala niya ngayon. Naintindihan mo?"

 

"Opo," 

 

"Handa ka na ba?"

 

"Opo,"

 

"O siya tara na,"

 

Lumabas kami ng kwarto at tinungo ang isang pribadong kwarto kung saan nandoon ang Aldric na sinasabi niya.

 

"Ito na Ara," sabi niya kaya umayos ako at saka niya hinawi ang kurtina at pumasok kami.

 

"Sir Aldric, nandito na ho ang dala ko para sa inyo."

 

Isang lalaki na sa tingin ko ay kasing edad ng mga teacher namin. Guapo ito at parang may lahing latino. Nginitian ko siya dahil mukhang hindi na ako lugi sa perstaym ko. Kahalintulad siya ng isa sa mga artistang napanood namin ni Malgom sa isang erotic movie na may italian mafia.

 

"Hello po, sir." Malapad ang ngiting bati ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa.

 

Ito na!

 

Ito na ang umpisa ng pagbabago ng buhay ko.

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status