Faith’s POV
Mula nang makausap ko si Justine, hindi na ako mapakali. Bakit kailangan kong layuan si Austin? Kahit hindi niya sinabi, kusang loob ko na rin siyang nilalayuan at iniiwasan. Pati ang kaligtasan ni Jairee ay madadamay, totoo man o hindi ay nag-aalala ako. Parang ang daming alam ni Justine na mga lihim na tila may kinalaman sa amin, pero ayaw niya itong sabihin.
Habang iniisip ko ang lahat ng ito, bigla kong naalala ang eksenang nasaksihan ko kahapon. Ang halikan nila sa harap ko, sa harap ng maraming tao. Babae rin ako ayokong husgahan ang kapwa ko babae. Siguro ganoon lang talaga sila magmahal, ganoon nila kamahal at na-miss ang isa’t isa.
Pero bakit parang ako ang nahiya para sa kanila?
“Nahiya ka lang ba talaga O nasasaktan?” bulong ng isang bahagi ng isip ko.
“Oo na, masakit. Masakit makita ang taong mahal mo... na may kahalikang iba.”
MahAustin’s POVAgad kong inalam ang kinaroroonan ni Faith. Hindi ko na inalam kung bakit siya nasa Hospital. Sa tinig pa lang niya na garalgal, halatang puno ng kaba at pag-aalala, alam kong may matindi siyang pinagdadaanan. One thing is for sure, she needs money. Kaya niya tinanggap ang alok ko. Hindi dahil gusto niya, kundi dahil wala siyang ibang mapagpipilian.Masakit isipin, pero ito ang katotohanan. Kaya sasamantalahin ko na lamang ang pagkakataong maitali siya sa akin. Tinungo ko ang dressing room at binuksan ang vault, kumuha ako ng two million pesos. Ito muna, kung kukulangin ay kukuha akong muli.Pagdating ko ay nakita ko kaagad si Faith sa labas ng hospital na nakaupo, nakayuko, ang mga palad niya ay nakatakip sa kaniyang mukha. Alam kong hinihintay niya ako.“Faith..” Tawag pansin ko sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin. Nakaramdam ako ng awa para sa kaniya. Ang mga mata niya ay halos hindi na niya maimulat dahil sa pamumugto nito. Pulang-pula na rin ang ilong niya.Tumayo si
Faith’s POVKatulad kahapon, umuwi na naman akong bigo. Nag-aalala ako kay Stella, na nahihiya. Pero kailangan ko na siyang kausapin. Hindi ko na siya kayang pasahurin, at ang pangako kong mag-aaral siya ay hindi ko muna matutupad sa ngayon. Siguro pababalikin ko na lamang siya kapag maayos na ulit ang lahat. Kapag may trabaho na kong muli.“Mommy! I miss you!” Masiglang salubong ni Jairee pagkapasok ko pa lang sa pinto.Napansin ko, masyado siyang nagiging sweet nitong mga araw. Lagi siyang nakayakap, nagpapakarga, halik ng halik—mga bagay na hindi naman niya dating ginagawa. Ipinagkibit-balikat ko muna iyon.“I miss you more, baby,” sagot ko, habang tinititigan ang maaliwalas niyang mukha. Laging nakangiti, laging puno ng sigla. Hinalikan ko siya sa pisngi, saka binuhat.“How’s school, anak?” tanong ko habang nilalagay siya sa sofa.“I have new friends na po, Mommy,” masigla niyang sagot.“Talaga? What are their names?” tanong ko pa.“Hmmm... Brie, Reiden, and... and... oh, I forgot
Faith’s POVIlang araw na rin akong naghahanap ng trabaho. Sinubukan ko pa ring mag-apply sa mga private schools kahit nagsimula na ang klase ngayong taon, baka sakaling may nangangailangan pa ng guro. Pero sa kasamaang-palad, bigo ako.Ngayon, susubukan ko namang mag-apply sa mga kompanyang narito sa amin. Kahit sa bangko, pumapasok na rin sa isip ko. Bilang admin staff, naniniwala akong kaya kong gampanan ang trabaho, mapag-aaralan naman ang lahat. Bukas ako sa pagkatuto ng mga bagong bagay, at handa akong magsimula muli sa panibagong landas.Ilang buildings rin ang pinasok ko ngayong araw. Iisa ang kanilang mga sinasabi, na hindi naayon ang work experience ko sa ina-apply-an kong position. Ang isa nga masyado akong ininsulto, masyado binaba ang pagkatao ko. Iyun ang pakiramdam ko.“Ma’am, janitress position lang ang available dito sa amin. Gusto mo ba iyon?”Ani ng babaeng tumanggap ng aplikasyon ko, sabay pakawala ng isang nakakalokong ngisi.Tiningnan ko siya. At hindi pa nakunte
Faith’s POVMatapos ang tagpo namin ni Austin, pilit ko na siyang iniiwasan sa tuwing bumabalik siya sa eskwelahan. Hanggang sa tuluyan na siyang hindi nagpakita. Sa palagay ko, bumalik na siya sa Maynila, sa tunay niyang mundo.Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging matagumpay ang unang araw ng klase. Tuwang-tuwa ang lahat sa bagong classroom building; mga bata, magulang, at higit sa lahat, kaming mga guro na ang tanging hangad ay ang ikabubuti ng aming mga mag-aaral. Wala nang half day class, wala ng papasok ng napakaaga at wala ng uuwi ng late. Ang mga guro ay magkakaroon na ng oras sa kani-kanilang mga pamilya.Dalawang buwan ang lumipas bago ako muling ipinatawag ni Sir Jaecob sa kanyang opisina. Wala akong ideya kung bakit, basta’t agad akong nagpunta.“Faith…” tawag niya sa akin, seryoso ang tinig at bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. “Have a seat,” aniya, sabay turo sa
Faith’s POVMula nang makausap ko si Justine, hindi na ako mapakali. Bakit kailangan kong layuan si Austin? Kahit hindi niya sinabi, kusang loob ko na rin siyang nilalayuan at iniiwasan. Pati ang kaligtasan ni Jairee ay madadamay, totoo man o hindi ay nag-aalala ako. Parang ang daming alam ni Justine na mga lihim na tila may kinalaman sa amin, pero ayaw niya itong sabihin.Habang iniisip ko ang lahat ng ito, bigla kong naalala ang eksenang nasaksihan ko kahapon. Ang halikan nila sa harap ko, sa harap ng maraming tao. Babae rin ako ayokong husgahan ang kapwa ko babae. Siguro ganoon lang talaga sila magmahal, ganoon nila kamahal at na-miss ang isa’t isa.Pero bakit parang ako ang nahiya para sa kanila?“Nahiya ka lang ba talaga O nasasaktan?” bulong ng isang bahagi ng isip ko.“Oo na, masakit. Masakit makita ang taong mahal mo... na may kahalikang iba.”Mah
Austin’s POVIlang araw na ang lumipas mula nang huli kong makausap si Justine. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang kilos at asal niya noon. Hindi ko matanggap na basta na lang niya akong tinalikuran at binalewala. Kaya't napagpasyahan kong balikan siya, baka sakaling matino na siya ngayon.Sa presinto.“Gusto kong makausap si Justine,” seryoso kong sabi sa pulis na sumalubong sa akin.Kilala na nila ako roon, kaya hindi na naging mahirap ang pagpasok.“This way, sir,” tugon niya habang tinuturo ang daan.Pagbungad ko pa lang sa silid, agad na nagsalita si Justine.“Ikaw na naman? Ano ba ang kailangan mo sa akin?” sarkastiko niyang tanong, halatang wala pa ring pagbabago sa tono.Lumapit ako, diretso ang tingin. “Kung gusto kitang ipapatay, kahit kailan, kahit saan kaya kong gawin ‘yon. Walang makakakita, walang makakaalam. So, be nice.” Ani ko sa inis na boses. Kita ko ang bahagyang pagbigat ng kanyang hininga. Nag-alinlangan ang titig niya, may takot sa mga mata. Napan