Mula sa mahabang hapag kainan ay tahimik na nakaupo ang may nasa limang tao. Si Gracia, ang bunso sa magkapatid na Aragon. Makikita sa maganda niyang awra ang pagiging elegante, walang kasing hinhin ang bawat kilos niya kaya nagmukha siyang high class sa paningin ng lahat. Ang kanyang balat ay wari moy kailanma’y hindi nasayaran ng pekeng ginto. Patunay ang kumikislap na malaking dyamante mula sa mamahaling kwintas na nakasabit sa kanyang leeg.
Sa tapat ng inuupuan ni Gracia ay si Esmeralda, siya ang pangalawa sa magkapatid na Aragon. Mula sa tabi nito, sa kanang bahagi, ay ang kanyang asawa, si Lucio na may seryosong mukha. Tahimik man silang tingnan ngunit kay bigat ng kanilang mga awra. Mula sa tuwid na pagkakaupo at matapang na expression ng kanilang mga mukha ay mahahalata mo na may ugaling arogante ang mga ito.Sa kaliwang bahagi ni Esmeralda ay ang anak na si Patricia. Mula sa kilay nito na tila perpektong iginuhit ay hindi maikakaila ang pagiging mataray ng dalaga. Ang bawat kilos nito ay wari moy inaral, hindi nalalayo ang malahigh class nitong dating na maihahalintulad sa kanyang ina. At hindi rin maikakaila ng expression sa kanyang mukha ang mataas na tingin niya sa sarili. Nag-iisa siyang anak nina Esmeralda at Lucio. Ang dalaga ay may mataas na pinag-aralan kaya inaasahan ng mag-asawa na ang anak nila ang isa sa magmamana ng kumpanya ng mga Aragon.Mula sa kabilang bahagi ng lamesa ay tahimik na nakaupo si Rosario Aragon. Siya ang asawa ng yumaong si Ismael Aragon, ang nakatatandang kapatid nina Esmeralda at Gracia. Mula sa pagiging simple nito ay makikita mo ang malaking pagkakaiba niya sa lahat. Maihahalintulad siya mula sa panahon ni Maria Clara dahil masyadong conservative ang klase ng pananamit nito.Kapansin-pansin ang matalim na sulyap ng magkapatid sa kanyang direksyon, ngunit nanatiling patay malisya si Rosario na wari mo’y sanay na sa presensya ng mga taong nasa paligid niya.“Gracia, nakapagtataka na hindi mo ngayon kasama ang iyong asawa na si Manuel?” Ang tanong ni Esmeralda sa kanyang bunsong kapatid bago dinampot ng namimilantik nitong mga daliri ang isang mamahaling tasa na may nakaukit na isang magandang disenyo ng floral. Normal mang matatawag ang tanong na ito ngunit para sa lahat ng naroroon ay ramdam nila ang sarkastikong tono sa pananalita nito. Ito ang katanungan na siyang bumasag sa katahimikan nilang lahat.Isang matalim na ngiti ang lumitaw mula sa mga labi ni Gracia, kasunod nito ay ang pag-angat ng kaliwang kilay niya na wari mo’y nagtataray.“Salamat at naalala mo ang aking asawa, Ate, kasalukuyang abala ngayon si Manuel ko sa aming mga negosyo. At wala na siyang oras pa para dumalaw dito.” Mahinhing sagot ni Gracia ngunit sa huli ay isang makahulugang ngiti ang lumitaw sa namumula nitong mga labi.Napalis ang ngiti sa mga labi ni Esmeralda at naging seryoso ang expression ng mukha nito.At muli, katahimikan…Ilang sandali ay pumailanlang sa buong paligid ang tunog ng isang bagay na tila tumutoktok sa sahig na may kasamang ilang mga yabag. Nang marinig ito ng lahat ay inihanda nila ang pinakamaganda nilang ngiti at tila nasasabik na makita ang nagmamay-ari ng ingay na ‘yun.Maya-maya mula sa pintuan ng dining room ay lumitaw ang isang matandang lalaki na may dalang itim na tungkod. Halos sabay-sabay na tumayo ang lahat at hinintay na makalapit ang matandang lalaki sa pinaka sentro ng lamesa.Siya si Don Rafael Aragon ang nagmamay-ari ng pinakamalaking Aragon real estate & Development company sa bansa. Sa lawak ng lupain nito at sa dami ng mga ari-arian ay labis siyang tinitingala ng lahat. Ngunit sa kabila ng yaman nito, ang buhay niya ay nababalot ng kalungkutan. Dahil isa siyang biyudo na tanging sa mga negosyo lang umiikot ang kanyang buhay. At ngayon, ang isa sa kanyang problema ay kung kanino ipapamana ang kanyang maiiwang ari-arian. Ang lahat ay pawang nakayuko ang mga ulo, bilang pagbibigay respeto sa haligi ng kanilang tahanan. Nanatiling seryoso ang mukha ni Don Rafael, dahil higit siya ang nakakakilala sa mga tao na nasa kanyang harapan. Imbes na magdiwang ang kalooban dahil kumpleto ang kanyang pamilya ay tila bumigat lang ang loob ng matanda. Batid niya ang dahilan kung bakit laging nandito ang kanyang mga anak kasama ang mga pamilya nito.Ilang buwan na lang ang natitira niyang panahon dito sa mundo dahil may taning na ang kanyang buhay. Ngunit alam niya na hindi iyon ang dahilan kung bakit nagkukumahog ang mga ito na makuha ang kanyang atensyon. Iyon ay walang iba kundi ang kanilang mga mana. Pinuno ni Don Rafael ng hangin ang kanyang dibdib at ilang segundo ang lumipas bago niya ito pinakawalan.Labis siyang nalulungkot kung bakit ang mga ito ay tila nagsaulian na ng kandila, nang dahil lang sa pera. Kinalimutan na nila ang salitang pamilya na labis na paghihinagpis ng kanyang kalooban.Nang makalapit siya sa lamesa ay kaagad na hinila palayo ng personal maid nito ang silya upang siya ay makaupo. Nang makaupo na ang Don ay saka naman nagsi-upo ang lahat sa kani-kanilang upuan.Maingat na kinuha ni Don Rafael ang news paper na nasa kanyang tagiliran at saka binuklat ito. Binasa ang nilalaman nito gamit ang kanyang mga mata.“Papa, may pasalubong para sayo ang apo mong si Brian, isa itong mamahaling tsaâ na nagmula pa sa Wuyi Mountain, ang Da hong pao tea.” Si Gracia na kasalukuyang inilalabas mula sa magandang paper bag ang isang may kalakihang kahon na naglalaman ng sinasabi nitong tsaâ. Halos nagkakahalaga ito ng klahating milyon. Nakangiti na inabot ito ni Gracia sa katulong na kaagad naman itong tinanggap at inilapag sa harapan ng Don.Tanging buntong hininga lang ang naging tugon ni Don Rafael habang ang kanyang mukha ay nanatiling seryoso. “Hmp! s****p.” Anya ng isip ni Esmeralda bago palihim na inismiran ang kanyang kapatid. Maya-maya ay isang magandang ngiti ang lumitaw sa bibig nito bago humarap sa kanilang Ama.“You know, Papa, I have a good news, Patricia is Valedictorian sa kanilang klase, and she want you there sa araw ng kanilang graduation.” Ani nito na may pagka sophisticated ang pananalita. Dahil sa sinabi ni Esmeralda ay isang ngiti ang lumitaw sa bibig ng kanilang Ama na tila ba ikinatuwa nito ang kanyang narinig.“That’s good news, Iha, I am so proud of you, ipagpatuloy mo lang at siguradong malayo ang mararating mo.” Nakangiting pahayag ni Don. Rafael. Biglang nagliwanag ang mukha ng mag-asawa at lalo pang tumaas ang mga noo nito na tila malaking achievement ang kanilang narinig. Matamis na ngumiti si Patricia at masayang hinarap ang kanyang Abuelo.“You know naman, Grandpa na nagmana ako sayo, and I see myself becoming a successful business woman like you in the future.” Tila proud na pahayag ni Patricia na siyang ikinatawa ni Don. Rafael. Kapwa natawa din ang mag-asawa na halatang tuwang-tuwa sa kanilang anak.“It's great that you see yourself becoming a successful entrepreneur one day. Keep working towards your goals, and stay determined, Iha.” Nakangiting sabi ni Don. Rafael sa kanyang Apo. Habang sa kabilang bahagi ng lamesa ay nakapaskil ang pekeng ngiti sa mga labi ni Gracia. Mula sa kanyang dibdib ay matinding inis ang nararamdaman nito. Samantalang si Rosario ay nakangiti na tila natutuwa din sa usapan ng maglolo, ang reaksyon nito ay walang halong pagkukunwari.“Ehem, by the way, Rosario, nasaan si Alexander?” Seryosong tanong ni Don. Rafael sa kanyang manugang. Napalis ang ngiti sa mga labi ng lahat at inabala ang kanilang mga sarili sa pagkain ng kanilang hapunan.“Ahm, pasensya na Papa, ngunit hindi ko rin alam kung nasaan ang batang iyon.” Nahihiya na sagot ni Rosario. Naudlot ang sanay paghigop ni Don. Rafael sa kanyang mainit na kape at bahagya pa itong umiling. Disappointment, ito ang makikita sa mukha nito, lihim na napangiti si Esmeralda sa nakikita niyang reaksyon ng kanilang Ama.Si Alexander kasi ang napupusuan ng matanda ngunit ang binata ay abala sa sarili nitong buhay.“Kailan niya balak na magpakita sa akin? Kapag patay na ako?” May halong hinanakit na tanong ni Don. Rafael na siyang ikinatahimik ng lahat…TEASER“Alas tres ng hapon at katatapos lang ng huling klase ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng kalsada patungo sa sakayan ng jeep. Ngunit, hindi ko inaasahan ang biglaang pagsulpot ng isang puting kotse sa aking harapan kaya natigil ako sa paghakbang. Napaatras ang aking mga paa ng lumabas ang tatlong lalaki na pawang may mga baril na nakasuksôk sa kanilang mga baywang. “S-Sino kayo?” Nahintakutan kong tanong, ngunit, imbes na sumagot ay mabilis na lumapit sa akin ang mga ito. Tinangka kong tumakbo ngunit napakabilis ng mga pangyayari dahil hawak na nila ako sa magkabilang braso. Nalaglag ang mga libro ko at nagsabog ang mga ito sa lapag. “Bitawan ninyo ako!” Naiiyak kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak nila sa aking mga braso. Nagsimula na akong mag hysterical ng kaladkarin nila ako papasok sa loob ng sasakyan. “Tulong! Parang awa nyo na! Tulungan ninyo ako!” Halos mabasag na ang boses ko at kulang na lang ay mapatid ang mga litid ko
Prenteng umupo si Mr. Smith sa isang swivel chair na nasa kabilang dulo ng mahabang lamesa habang ang mga tauhan niya ay nagkalat sa labas ng conference room. Tanging ang dalawang tauhan lang nito ang kanyang kasama sa loob ng silid. Tumitig sa mukha ni Alexander ang seryoso nitong mga mata at ilang sandali pa ay umangat ang sulok ng bibig ni Mr. Smith. “Tulad ng inaasahan ko, Aragon, let’s stop this, we know na walang patutunguhan ang lahat ng ito. Huwag na rin tayong maglokohan pa dito alam naman nating pareho kung ano ang totoong pakay mo sa anak ko.” Diretsahang pahayag ni Mr. Smith, kaya mahigpit na naikuyom ni Alexander ang kanyang mga kamay. Balewala na napako ang tingin ni Mr. Smith sa nakakuyom na kamay ng kanyang manugang. Iniisip niya na nanggagalaiti na ito sa galit dahil nabuko niya ang totoong hangarin nito. Nasaktan si Alexander sa mga salitang lumalabas sa bibig ng kanyang biyenan, dahil nasagi nito ang kanyang ego, para kay Alexander ay isa itong klase ng panghah
“Kalimutan mo na ang lalaking iyon, Zanella, hindi ka talaga minahal ng iyong asawa, pera lang ang habol niya sa’yo!” Matigas na pahayag ni Harris sa kanyang anak, labis na nasaktan si Zanella sa sinabi ng kanyang ama kaya hindi na maampat ang mga luha nito sa mata. “Mali ka, Dad, mahal ako ni Alexander! At batid ko na babalikan niya ako.” Matatag na sagot ni Zanella habang ang ina niyang si Zaharia ay masuyong hinagod ang likod ng kanyang anak. “Harris, tama na, pabayaan mo na ang anak mo na makasama ang kanyang asawa, lalo na at may anak na sila.” Naaawa na wika ni Zaharia, ngunit matigas ang kanyang asawa. “Hindi ko pwedeng pabayaan ang anak ko sa kamay ng mga kriminal na ‘yun, Zaharia! Hindi ko hahayaan na saktan pa nilang muli ni dulo ng daliri ng aking anak! Kung noong una pa lang ay nalaman ko na ang mga kalokohang ginawa nila sa anak ko ay baka matagal ko na silang inilibing ng buhay!” Umuusok sa galit na pahayag ni Harris, nanlaki ang mga mata ni Zanella dahil hindi niya
“Sir, hindi makatarungan ang ginawa sa aming mga manggagawa. Ilang dekada na akong empleyado ng kumpanyang ito pero simula ng mamatay si Sr. Smith ay nagsimula na ring bumagsak ang kumpanyang ito. Bigla na lang kaming sinisante ng walang dahilan. At ang masakit pa dun ay naghired sila ng mga bago ngunit ilang buwan lang ay tinanggal din sila sa trabaho. Maayos kaming nagtatrabaho pero para kaming mga basura na basta na lang itinapon na parang akala mo ay mga walang pakinabang.” Naluluha sa galit na pahayag ng matandang lalaki na siyang namumuno sa kanilang grupo. Maging ang tatlo pa nitong mga kasama ay umiiyak na rin. Nag-igting ang aking mga bagâng dahil ngayon ko lang naunawaan kung bakit tila puro mga baguhan ang lahat ng empleyado ng Smith Corporation. “Do you think bakit nila ginagawa ang mga bagay na ‘yun?” Curious kong tanong na ang tinutukoy ay ang kanilang mga Manager at Supervisor. “Sa pagkakaalam namin sir, upang sa kanila mapunta ang aming mga sweldo mula sa long servi
Alexander’s Point of view “Your fire!” Matigas kong sabi sa isang empleyado na nakatayo sa aking harapan. Halos ganito na lang ang eksena araw-araw at hindi ko na alam kung pang-ilang empleyado na ang nasisante ko. I got a stress sa kumpanyang ito, at parang gusto ko ng patayin ang lahat ng tao na nasa harapan ko. Umuusok sa galit na sinipat ko ng tingin ang mga empleyado na nakahilera sa aking harapan. “Alam ko na may sabwatan na nangyayari dito, kung hindi n’yo titigilan ang pagnanakaw sa kumpanya ay mapipilitan ako na sisantehin kayong lahat. Huwag ninyong ubusin ang pasensya ko dahil may kalalagyan kayo sa akin! Now, Get out!” Nanggagalaiti kong saad sabay turo sa pintuan ng aking opisina. Malakas ang tahip ng dibdib ko dahil sa matinding galit. Hindi ako makapaniwala na may mga ganitong klaseng mga employee na masyadong garapal ang mukha! Dahil harap-harapan na kung pagnakawan ng mga ito ang kumpanya. Paano nga ba ako humantong sa ganitong sitwasyon? Pabagsak na umupo ako
“Hindi ko matatanggap ang asawa mong ‘yan Zanella! Ngayon din ay hiwalayan mo siya at paalisin mo ‘yan dito.” Matigas na pahayag ni Mr. Smith, makikita mula sa mga mata nito ang di pagka gusto sa kanyang manugang na si Alexander. Ito ang gumimbal sa lahat ng harap-harapang ipagtabuyan ni Mr. Smith ang asawa ni Zanella. “P-Pero, Dad, asawa ko na si Alexander at may anak kami! Kaya hindi pwede ang nais mong mangyari!” Nagugulumihanan na sagot ni Zanella dahil tutol siya sa nais mangyari ng kanyang ama. Kararating lang nila sa mansion ng kanyang mga magulang upang harapin ni Alexander ang kanyang mga biyenan ngunit hindi nila inaasahan ang matinding pagtutol ni Mr. Smith sa kanilang relasyon. Akala ni Zanella ay maayos na ang lahat dahil ni minsan ay hindi niya naringgan ng pagtutol ang kanyang ama ng malaman nito ang tungkol sa kanyang asawa. Kaya labis siyang naguguluhan dahil sa naging pahayag ng kanyang ama. Habang ang kanyang asawa na si Alexander ay nanatili sa kanyang kinatatayu