Share

Chapter 4

Penulis: Dragon88@
last update Terakhir Diperbarui: 2024-03-15 00:14:20

Saglit na natigilan si Don. Rafael ng matitigan ang mga mata ng dalaga na nasa kanyang harapan. Biglang sumikdo ang dibdib ng matanda na wari mo ay kilala ito ng kanyang puso. Nahigit niya ang kanyang hininga at mahigpit na ipinikit ang mga mata ng biglang gumalaw ang kinalululanan niyang chopper. Halos pigil na niya ang hininga habang tinitiis ang sakit mula sa pagkakaipit ng kanyang mga paa sa napiping bahagi ng chopper.

Ang bawat segundo ay sadyang makapigil hininga dahil kasalukuyang nasa bingit ng kamatayan ang buhay ni Don. Rafael. Saka pa lang nakahinga ng maluwag ang matanda ng hindi tuluyang nahulog ang chopper sa bangin dahil sumabit ito sa isang puno. Maya-maya ay napalingon siya sa bintana ng chopper ng makarinig siya ng ingay mula roon. Maingat na kumilos ang matanda, kinalas niya ang seatbelt at puno ng pag-iingat na binuksan ang pintuan.

Muli siyang napasinghap ng muling gumalaw ang chopper at halos hindi na siya humihinga. Iniisip na lang ni don. Rafael na hanggang dito na lang talaga ang buhay niya at mamamatay siya sa masaklap na paraan. Ngunit ilang sandali lang ay nagulat siya ng may isang malaking agila ang pumasok mula sa pintuan ng chopper. Dumapo ang agila sa kanyang harapan at namangha siya ng makita ang lubid na nakaipit mula sa bibig nito. Maingat na kinuha niya ang lubid at saka pa lang umalis ang agila, hindi makapaniwala si Don. Rafael sa matalinong ibon.

“Lolo! Itali mo ‘yan sa baywang mo, bilis!” Malakas na sigaw ni Zanella na kaagad namang sinunod ng matanda. Nakita niya na mabilis na umikot ang dalaga sa puno bago itinali ang lubid. Maingat na kumilos si Don. Rafael upang subukan na makalabas ng chopper. Tiniis niya ang matinding sakit na nararamdaman mula sa kanyang mga paa. Nang makita niyang inilahad ng dalaga ang palad nito habang ang kaliwang kamay ay nakahawak sa isang sanga ay naglakas loob siya na abutin ito.

Subalit ng nasa pintuan na siya ay muling gumalaw ang chopper. Bago pa tuluyang mahulog sa bangin kasama ng chopper ay nakahawak na siya ng mahigpit sa malambot na palad ng dalaga. Mabilis na kinapitan ni Don. Rafael ang lubid upang hindi masyadong mahirapan si Zanella. Dala ng katandaan ay nahirapan pa itong makasampa sa lupa.

“Huh! Okay ka lang ba?” Hinihingal na tanong ni Zanella kay Don. Rafael ng ligtas na itong nakaupo sa lupa.

“U-utang ko sayo ang buhay ko, Iha. Maraming, maraming salamat!” Naluluha na wika ng matanda, “Zanella ang pangalan ko hindi Iha.” Natatawang sagot naman ng inosenteng dalaga. Biglang humalakhak ng tawa si Don. Rafael dahil sa labis na pagkagiliw sa kanyang kausap. “Okay, Zanella, maraming salamat.

“Walang anuman, pero dapat ka ring magpasalamat kay Sky, dahil isinugal din niya ang kanyang buhay para lang matulungan ka.” Mahabang pahayag ni Zanella. Lumalim ang gatla sa noo ng matanda dahil labis siyang naguguluhan sa sinasabi ni Zanella. Inilibot niya ang kanyang mga mata ngunit wala naman siyang nakitang ibang tao sa paligid. Natigilan siya ng maalala ang agila kanina, “marahil ay iyon ang tinutukoy niyang si Sky.” Anya ng matanda mula sa kanyang isipan. Pakiramdam niya ay para siyang nasa isang fairytale at ang dalaga sa harap ay isang diwata na nagligtas sa kanyang buhay.

Nakita ni Don. Rafael ng ilagay ni Zanella ang dalawang daliri sa bibig nito saka nagpakawala ng isang malakas na sipol. Narinig niya ang isang huni ng ibon kasunod nun ay ang mabilis na pagdapo ni Sky sa balikat ni Zanella. Halos manlaki ang mga mata ng matanda dahil sa labis na paghanga.

Ngayon lang siya nakakita ng isang agila na napakaamo. Umangat ang kanyang kamay upang sanay haplusin ang balahibo nito, ngunit nagulat si Don. Rafael ng bigla siyang tukain nito. “Ouch!” Malakas niyang sigaw dahil nasaktan siya sa panunuka na ginawa ng ibon sa kanyang daliri. Muling namangha ang matanda ng nangibabaw sa paligid ang malakas na halakhak ni Zanella.

“Ayaw ni Sky na may ibang taong lalapit sa amin.” Natatawa na sabi ni Zanella bago nito hinalikan ang masungit na agila. Napangiti ang Don at natutuwa na pinagmasdan ang dalawa.

“Naku! Magagalit sa akin si lola, dahil hindi pa ako nakaka pagluto ng pagkain para sa pananghalian! Umuwi na tayo, Sky!” Ani ni Zanella ngunit naudlot ang akmang paghakbang nito ng maalala ang matanda.

“Hm, oo nga pala wala ka palang matutuluyan, marahil, pansamantala ka munang tumuloy sa bahay namin. Ipapaliwanag ko na lang kay lola ang lahat ng nangyari.” Nakangiting wika ni Zanella habang sa kanang balikat nito ay nanatili si Sky. Sinikap ni Don. Rafael na makalakad, mabilis na lumapit si Zanella sa matanda upang sanay tulungan ito ngunit biglang lumipad si Sky at nagagalit na lumipat ito sa ulunan ng dalaga.

“Sky! Ano ba! masakit!” Nagagalit na saway ni Zanella ngunit ayaw tumigil ng ibon kaya nasasaktan na siya sa talas ng kuko nito. “Oo na hindi na!” Naiinis na sigaw ni Zanella at nakakatuwa na saka pa lang umalis ang ibon sa kanyang ulunan. “Pasensya na lolo, ayaw ni Sky na hahawakan ko kayo.” Malungkot na sabi ng dalaga habang hinihimas ang nasaktang ulo.

“It’s okay, Iha, kaya ko pa namang maglakad.” Natatawang sagot ng matanda, makikita sa mukha nito ang labis na pagkagiliw sa dalaga at sa masungit nitong ibon.

“Lola!”tawag ni Zanella sa kanyang abuela habang papasok sa loob ng maliit na kubo. Sa kanyang likuran naman ay paika-ikang nakasunod ni Don. Rafael.

Lumapit si Zanella sa higaan ng kanyang lola at pilit na ginising ito ngunit ilang minuto na ang lumipas ay hindi man lang nagising ang matanda. Base na rin sa kulay ng mukha ni lola Iñes ay tila nahuhulaan na ni Don. Rafael kung ano ang nangyayari. Lumapit siya sa maglola at maingat na dinampot ang kamay ng matanda saka dinama ang palapsuhan nito.

Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago hinarap ang dalaga.

“I’m sorry, Zanella ngunit, patay na ang lola mo.” Malungkot na pahayag ni Don. Rafael. Halos magkulay suka ang mukha ni Zanella at saglit na natulala ito sa kawalan. Sinisikap ng dalaga na unawain ang sinabi sa kanya ng Don.

“H-Hindi… Lola!” Ito ang tanging nasambit ni Zanella dahil tuluyan na siyang humagulgol ng iyak bago mahigpit na niyakap ang katawan ng yumaong matanda.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Title: Desperate Move

    TEASER“Alas tres ng hapon at katatapos lang ng huling klase ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng kalsada patungo sa sakayan ng jeep. Ngunit, hindi ko inaasahan ang biglaang pagsulpot ng isang puting kotse sa aking harapan kaya natigil ako sa paghakbang. Napaatras ang aking mga paa ng lumabas ang tatlong lalaki na pawang may mga baril na nakasuksôk sa kanilang mga baywang. “S-Sino kayo?” Nahintakutan kong tanong, ngunit, imbes na sumagot ay mabilis na lumapit sa akin ang mga ito. Tinangka kong tumakbo ngunit napakabilis ng mga pangyayari dahil hawak na nila ako sa magkabilang braso. Nalaglag ang mga libro ko at nagsabog ang mga ito sa lapag. “Bitawan ninyo ako!” Naiiyak kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak nila sa aking mga braso. Nagsimula na akong mag hysterical ng kaladkarin nila ako papasok sa loob ng sasakyan. “Tulong! Parang awa nyo na! Tulungan ninyo ako!” Halos mabasag na ang boses ko at kulang na lang ay mapatid ang mga litid ko

  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 102

    Prenteng umupo si Mr. Smith sa isang swivel chair na nasa kabilang dulo ng mahabang lamesa habang ang mga tauhan niya ay nagkalat sa labas ng conference room. Tanging ang dalawang tauhan lang nito ang kanyang kasama sa loob ng silid. Tumitig sa mukha ni Alexander ang seryoso nitong mga mata at ilang sandali pa ay umangat ang sulok ng bibig ni Mr. Smith. “Tulad ng inaasahan ko, Aragon, let’s stop this, we know na walang patutunguhan ang lahat ng ito. Huwag na rin tayong maglokohan pa dito alam naman nating pareho kung ano ang totoong pakay mo sa anak ko.” Diretsahang pahayag ni Mr. Smith, kaya mahigpit na naikuyom ni Alexander ang kanyang mga kamay. Balewala na napako ang tingin ni Mr. Smith sa nakakuyom na kamay ng kanyang manugang. Iniisip niya na nanggagalaiti na ito sa galit dahil nabuko niya ang totoong hangarin nito. Nasaktan si Alexander sa mga salitang lumalabas sa bibig ng kanyang biyenan, dahil nasagi nito ang kanyang ego, para kay Alexander ay isa itong klase ng panghah

  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 101

    “Kalimutan mo na ang lalaking iyon, Zanella, hindi ka talaga minahal ng iyong asawa, pera lang ang habol niya sa’yo!” Matigas na pahayag ni Harris sa kanyang anak, labis na nasaktan si Zanella sa sinabi ng kanyang ama kaya hindi na maampat ang mga luha nito sa mata. “Mali ka, Dad, mahal ako ni Alexander! At batid ko na babalikan niya ako.” Matatag na sagot ni Zanella habang ang ina niyang si Zaharia ay masuyong hinagod ang likod ng kanyang anak. “Harris, tama na, pabayaan mo na ang anak mo na makasama ang kanyang asawa, lalo na at may anak na sila.” Naaawa na wika ni Zaharia, ngunit matigas ang kanyang asawa. “Hindi ko pwedeng pabayaan ang anak ko sa kamay ng mga kriminal na ‘yun, Zaharia! Hindi ko hahayaan na saktan pa nilang muli ni dulo ng daliri ng aking anak! Kung noong una pa lang ay nalaman ko na ang mga kalokohang ginawa nila sa anak ko ay baka matagal ko na silang inilibing ng buhay!” Umuusok sa galit na pahayag ni Harris, nanlaki ang mga mata ni Zanella dahil hindi niya

  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 100

    “Sir, hindi makatarungan ang ginawa sa aming mga manggagawa. Ilang dekada na akong empleyado ng kumpanyang ito pero simula ng mamatay si Sr. Smith ay nagsimula na ring bumagsak ang kumpanyang ito. Bigla na lang kaming sinisante ng walang dahilan. At ang masakit pa dun ay naghired sila ng mga bago ngunit ilang buwan lang ay tinanggal din sila sa trabaho. Maayos kaming nagtatrabaho pero para kaming mga basura na basta na lang itinapon na parang akala mo ay mga walang pakinabang.” Naluluha sa galit na pahayag ng matandang lalaki na siyang namumuno sa kanilang grupo. Maging ang tatlo pa nitong mga kasama ay umiiyak na rin. Nag-igting ang aking mga bagâng dahil ngayon ko lang naunawaan kung bakit tila puro mga baguhan ang lahat ng empleyado ng Smith Corporation. “Do you think bakit nila ginagawa ang mga bagay na ‘yun?” Curious kong tanong na ang tinutukoy ay ang kanilang mga Manager at Supervisor. “Sa pagkakaalam namin sir, upang sa kanila mapunta ang aming mga sweldo mula sa long servi

  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 99

    Alexander’s Point of view “Your fire!” Matigas kong sabi sa isang empleyado na nakatayo sa aking harapan. Halos ganito na lang ang eksena araw-araw at hindi ko na alam kung pang-ilang empleyado na ang nasisante ko. I got a stress sa kumpanyang ito, at parang gusto ko ng patayin ang lahat ng tao na nasa harapan ko. Umuusok sa galit na sinipat ko ng tingin ang mga empleyado na nakahilera sa aking harapan. “Alam ko na may sabwatan na nangyayari dito, kung hindi n’yo titigilan ang pagnanakaw sa kumpanya ay mapipilitan ako na sisantehin kayong lahat. Huwag ninyong ubusin ang pasensya ko dahil may kalalagyan kayo sa akin! Now, Get out!” Nanggagalaiti kong saad sabay turo sa pintuan ng aking opisina. Malakas ang tahip ng dibdib ko dahil sa matinding galit. Hindi ako makapaniwala na may mga ganitong klaseng mga employee na masyadong garapal ang mukha! Dahil harap-harapan na kung pagnakawan ng mga ito ang kumpanya. Paano nga ba ako humantong sa ganitong sitwasyon? Pabagsak na umupo ako

  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 98

    “Hindi ko matatanggap ang asawa mong ‘yan Zanella! Ngayon din ay hiwalayan mo siya at paalisin mo ‘yan dito.” Matigas na pahayag ni Mr. Smith, makikita mula sa mga mata nito ang di pagka gusto sa kanyang manugang na si Alexander. Ito ang gumimbal sa lahat ng harap-harapang ipagtabuyan ni Mr. Smith ang asawa ni Zanella. “P-Pero, Dad, asawa ko na si Alexander at may anak kami! Kaya hindi pwede ang nais mong mangyari!” Nagugulumihanan na sagot ni Zanella dahil tutol siya sa nais mangyari ng kanyang ama. Kararating lang nila sa mansion ng kanyang mga magulang upang harapin ni Alexander ang kanyang mga biyenan ngunit hindi nila inaasahan ang matinding pagtutol ni Mr. Smith sa kanilang relasyon. Akala ni Zanella ay maayos na ang lahat dahil ni minsan ay hindi niya naringgan ng pagtutol ang kanyang ama ng malaman nito ang tungkol sa kanyang asawa. Kaya labis siyang naguguluhan dahil sa naging pahayag ng kanyang ama. Habang ang kanyang asawa na si Alexander ay nanatili sa kanyang kinatatayu

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status