Share

7

Author: Anoushka
last update Huling Na-update: 2025-11-02 11:36:04

Pagkalipas ng ilang sandali, tinalikuran ni Calix ang ideyang pumasok at tahimik na umalis.

Pagbalik niya sa opisina, sinindihan niya ang isang sigarilyo at binuksan nang kaunti ang bintana. Pumasok ang ingay mula sa labas, ang ugong ng mga sasakyan, mga yabag, at boses ng tao, ngunit hindi nito mapigil ang paulit-ulit na pag-ikot sa isip niya ng mga salitang binitiwan nina Carlo at Cassie.

Bawat linya ay parang pumapasok sa tenga niya muli’t muli. Parang tinig na ayaw tumigil.

Humugot siya ng malalim na usok, saka marahas na itinapon ang sigarilyo. Habang nililinis ang kamay, muntik na niyang mahawakan ang kwintas na nakasabit sa leeg, pero natigilan. Pagkatapos ay dahan-dahan niya itong hinaplos, paulit-ulit, hanggang sa unti-unting humupa ang bagyong nararamdaman sa dibdib.

Samantala, sa ospital, ibang kaguluhan ang nagaganap.

Si Aurora ay dinala roon matapos makipag-away kay Axel sa isang hotel. Nagsimula lang sa bangayan, nauwi sa pisikalan, nasugatan si Axel, at sa galit ni Aurora, bigla siyang inatake ng “fetal distress.” Kaya ngayon, naka-confine siya.

Pagkatapos niyang manggulo kay Carlo, humiling si Aurora na si Cassie mismo ang mag-alaga sa kanya. Dahil sa tungkulin, wala nang nagawa si Cassie kundi bumalik agad sa trabaho.

Ginawa siyang parang katulong ni Aurora, pinagdadala ng tubig, pinagpapalitan ng kumot, pinapagawa ng kung anu-ano. Pero kahit gano’n, nanatili siyang kalmado, propesyonal, at mahinahon.

Hanggang isang araw, habang sinusukat ni Cassie ang blood pressure nito, nagsimula na naman si Aurora.

“Cassie, bakit ka ba ganyan kababa?” matalim ang boses nito. “Kasama ko si Axel, asawa ko siya, at magiging ama na siya ng anak ko, pero ikaw, patuloy mo pa rin siyang inaakit?”

Napatigil si Cassie, malamig ang tono. “’Yan ba ang sabi sa’yo ni Axel?”

Ngumisi si Aurora, mayabang. “Of course. At naniniwala ako sa kanya.”

Napatawa si Cassie, ngunit ang ngiting iyon ay malamig. Ibinaba niya ang braso ng pasyente. “Sana manatili kang ganyan, Miss Medina. Sana habang-buhay kang gano’n ka-inosente sa harap ni Axel, dahil kapag nawala ‘yan, baka hindi magtagal ang kasal niyo.”

“Don’t try to start a fight,” balik ni Aurora, napapailing. “I don’t believe a word you say.”

Saktong bumukas ang pinto. Pumasok si Axel, halatang pagod, at sa pisngi niya, may mga bakas pa ng sugat.

Napakurap si Cassie. ‘Mukhang matindi nga ang gulo nila nung araw na ‘yon.’ isip niya.

Tiningnan niya ito sandali bago magsalita, banayad ang boses, tila walang galit. “May sugat ka pa rin… baka mag-iwan ng peklat. Come on, I’ll get you some ointment later.”

Malambing ang tono niya, at sa bawat salita, ramdam ni Axel ang pamilyar na init mula sa nakaraan.

“Hindi mo kailangang alalahanin kung okay ba siya o hindi!” sabat ni Aurora, halatang nasusunog sa selos. “He doesn’t need your concern!”

Nakaramdam ng bigat si Axel, pero pinilit niyang manatiling kalmado. “The doctor said you shouldn’t get emotional. It’s bad for the baby.”

Lumapit siya sa kama, kinuha ang mansanas at sinimulang balatan. Sa paglapit niya, bahagyang natahimik si Aurora.

Ngumiti si Cassie, ngunit hindi iyon ngiti ng pagkatalo. 

‘Gusto niya akong pahirapan? Sige. Tignan natin kung sino sa atin ang mauubos ng pasensya.’

Lumapit siya at marahang inagaw ang prutas at kutsilyo mula kay Axel. “Let me,” sabi niya, kalmadong-kalmado. “Naalala mo noong college tayo? Lagi mo akong binabalatan ng prutas noon. Kaya tuloy may peklat pa ‘ko dito.”

Dumikit ang malamig niyang daliri sa kamay ni Axel. Sa sandaling iyon, para bang bumalik ang apat na taong nakaraan, ang mga tawa, ang lambing, ang lahat ng pinagsamahan nilang dalawa.

“Cassie…” mahina ang boses ni Axel, ngunit bago pa siya makasagot, 

“Enough!” singhal ni Aurora, muling sumiklab ang galit.

Ngumiti lang si Cassie, parang walang narinig. “Miss Medina, here’s your apple.”

Inabot niya ang prutas, diretso sa kamay ng babae. “I peeled it together with Axel. Try it.”

Nanlaki ang mga mata ni Aurora, naputol ang hininga sa inis.

Ngunit hindi pa doon nagtapos si Cassie. Kinuha niya ang isang peras. “Naalala ko, favorite mo pears, ‘di ba? Let me peel one for you.”

Nagulat si Axel. Hindi niya akalaing naaalala pa ni Cassie ang maliliit na bagay tungkol sa iba. May kung anong kumurot sa dibdib niya.

“Pero,” dagdag ni Cassie, habang hinahati ang prutas, “masama ‘yan sa tiyan kung sobra. So half lang sa’yo, half kay Axel. Pregnant women should eat more fruits, good for the baby.”

Itinaas niya ang kalahating peras sa isa’t isa, parang hostess sa isang twisted na eksena.

“Bakit mo binigay ‘to sa’kin kung ayaw mo rin naman kumain?” singhal ni Aurora, nanginginig sa inis. Alam niyang nilalaro siya ni Cassie, at ang mas masakit, hindi man lang iyon pinapansin ni Axel.

Ngumiti lang si Cassie. “Ayaw mo ba? Then I can just share it with him.”

Agad-agad, sinunggaban ni Aurora ang peras mula sa kamay niya.

Tahimik na tinapunan ni Cassie ng tingin si Axel bago siya tumalikod. Nang makitang tapos na silang kumain, marahan niyang niligpit ang mga balat ng prutas sa mesa, ang ngiti niya’y kalmado, pero sa loob, alam niyang siya ang nanalo sa laban.

“Tila malinis pa rin dito,” sabi ni Cassie, mahinahon ngunit may ngiti sa labi. “Mukhang pareho kayong mahilig kumain ng peras… pero alam mo ba, sa matatanda, hindi maganda ang kahulugan niyan. Eating pears means separation.”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Aurora. Hindi pa man siya nakakasagot, nagpatuloy si Cassie, ang tono’y magaan, parang nagbibiro lang. “Pero siyempre, I don’t think Miss Medina is that superstitious. Modern woman ka, ‘di ba?”

Napuno ng tensyon ang hangin. Si Aurora, may laman pa ng peras ang bibig, halos mabulunan sa inis. Alam niyang binibira siya ni Cassie. Kung iluluwa niya iyon, talo siya. Kaya pinilit niyang lunukin, kahit parang apoy ang dumaan sa lalamunan niya.

Nang makalunok, tiningnan niya nang masama si Cassie. “I’m hungry. Go and buy us lunch!”

“Okay.” Walang emosyon sa tinig ni Cassie habang nililinis ang mesa. Pagkatapos ay marahang tumalikod at lumabas ng silid.

Pagkaalis niya, agad humarap si Aurora kay Axel. “Kung makikipag-usapa ka pa sa kanya, tatanggalin ko ang allowance mo ngayong buwan.”

Tahimik lang si Axel, pero ang puso niya’y parang tigang na lupa na biglang nabuhusan ng ulan.

Noong sila pa ni Cassie, lagi siyang naaakit sa paraan nitong magmalasakit, maalaga pero may distansya, parang laging may pader sa pagitan nila. Dahil doon, nang makilala niya si Aurora, mabilis siyang nahulog, isang babae na agresibo, marunong mang-akit, at may kayamanan.

Pero kalaunan, ang init ni Aurora ay naging apoy na dumurog sa kanya. Ginamit siya nito, ginapos ng pera, at tinanggalan ng dignidad. Ngayon, nang maramdaman muli ang mabuting loob ni Cassie, sumiklab muli ang isang damdaming matagal na niyang pilit nililibing.

***

Makalipas ang kalahating oras, bumalik si Cassie, may bitbit na dalawang paper bags. May manipis na pawis sa noo niya, at mapulang-mapula ang kanyang pisngi. Halatang nagmadali.

Awtomatikong gagalaw sana si Axel para tulungan siya, pero agad siyang napigilan ng mapanuyang ubo at tingin ni Aurora. Kaya nanatili siya sa kinatatayuan, pinilit huwag makialam.

“Pork rib soup, millet porridge, apat na ulam at isang sabaw, lahat ‘yan para sa’yo, Miss Medina.” Isa-isang inilapag ni Cassie ang pagkain sa mesa, maayos at magalang.

Napatingin si Aurora sa isa pang bag. “At ‘yan? Para kanino ‘yan?”

“Para kay Axel.” Ngumiti si Cassie, banayad at walang bahid ng galit. “Naalala mo ‘yong tindera ng spicy hot pot sa labas ng university noon? May branch na siya ngayon sa cafeteria ng ospital. Same taste, I swear. I bought it especially for you.”

May kakaibang kislap sa mga mata niya. Alam niyang bawat salitang iyon ay parang kutsilyong tumatama sa puso ni Aurora. Ginamit niya ang alaala ng apat na taong pagmamahalan nila ni Axel, bilang sandata.

Halos manlumo si Aurora. ‘She’s mocking me.’

Ramdam niya ang pait ng selos, ang mukha niya’y namutla, at sa isip niya, parang may sumabog na ingay.

“Lumayas ka!” sigaw niya, hindi na napigilan ang galit.

Ngumiti lang si Cassie, tahimik ngunit matalim. “Axel, try the spicy hot pot before it gets cold.” Pagkasabi niyon, lumabas siya ng kwarto nang hindi lumilingon.

Paglabas, diretso siyang nagmaneho patungong five-star restaunrat na malapit lang sa opisina ni Calix. Bumili siya ng pagkain para kay Calix, pinili ang mga paborito nito, steak, soup, at dessert. Pagdating niya sa opisina, maingat niyang binuksan ang pinto.

Nakita niyang abala pa rin ang lalaki, nakakunot ang noo, parang may mabigat na iniisip. Simula nang nangyari ang insidente kay Carlo, napansin niyang bihira na itong ngumiti. May kung anong lamig sa paligid niya na hindi nawala.

Ngumiti si Cassie, pilit pinasigla ang boses. “Husband, your lunch is here!

Tumango si Calix ngunit hindi agad tumingin. Nilapag ni Cassie ang mga pagkain sa mesa, isa-isa, parang alay.

Ngumiti siya muli, bahagyang may halong biro sa tono. “Special delivery. From your favorite restaurant. Don’t say I don’t treat you well, hmm?”

Ngunit kahit pilit niyang gawing magaan ang eksena, ramdam niyang malamig pa rin ang tingin ni Calix.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   106

    Pinindot ni Cassie ang play button ng recorder. Sa sandaling marinig ang boses ni Sonya na malinaw na inaamin ang lahat ng kasinungalingan, tuluyang nanlaki ang mga mata ni Aurora. Para siyang natulala, tila hindi agad maiproseso ang narinig.Ilang segundo ang lumipas bago niya muling nahanap ang sarili niyang boses. Pilit niyang pinanatiling matatag ang tono. “Anong mapapatunayan ng isang sirang recording? You think this can beat two paternity test results? Hindi ba mas kapani-paniwala iyon kaysa sa isang audio na puwedeng pekein?”Nanahimik si Cassie. Sa loob-loob niya, hindi rin naman mali ang sinabi ni Aurora. Kahit anong paliwanag pa, mas mabigat pa rin sa mata ng batas ang dalawang opisyal na paternity test.Habang nag-iisip siya kung paano hahanapan ng butas ang sitwasyon, isang malinaw at pamilyar na tinig ang biglang umalingawngaw mula sa likuran.“Kung ganoon, convincing pa rin ba ang sasabihin nila?”Napalingon silang lahat.Papasok si Calix, kasama ang ilang tao. Dalawa sa

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   105

    Umingay ang isip ni Sonya, tila may kulog na paulit-ulit na bumabayo sa loob ng kanyang ulo. Hindi siya makapag-isip nang maayos habang nakatayo sa harap ng front desk, ramdam ang biglang panlalamig ng kanyang mga palad.“Ma’am,” malamig na wika ng receptionist habang sinusuri siya mula ulo hanggang paa, “sa accent n’yo pa lang at sa suot n’yo… mukhang hindi kayo taga-rito. At sa itsura n’yo, hindi n’yo yata kayang mag-stay sa hotel na may minimum na dalawang libo kada araw. Hindi ba kayo nagsisinungaling?” Sandaling tumigil ito bago idinagdag, “Hindi pa po bayad ang kwarto n’yo. Aabot na ‘yan ng apat hanggang limang libo. May pambayad po ba kayo?”Napasinghap si Sonya, na para bang biglang naubusan ng hangin. “Tawagan n’yo ulit!” mariin niyang sabi, pilit hinahawakan ang huling hibla ng pag-asa. “Hindi ako naniniwalang empty number ‘yon.”Muli itong tinawagan ng front desk, ngunit pareho pa rin ang sagot. Ngayon, mas matigas na ang tono ng kausap. “Ma’am, naiintindihan ko kung pakira

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   104

    “Paternity test pa talaga?” mapanuyang sabi ni Aurora habang sinusuri si Sonya mula ulo hanggang paa. “Hindi naman kayo magkamukha. Mukha siyang kawawa at… frankly, hindi rin maganda.”Napangiti si Cassie nang bahagya, malamig at may bahid ng pangungutya. Kung akala ni Aurora na madadala siya sa ilang patutsada, nagkakamali ito.“Ano?” tinaasan niya ito ng kilay. “O natatakot ka lang? Guilty conscience ba ’yan kaya ayaw mong magpa-test?”“Hindi ako guilty,” mariing sagot ni Aurora. “Pero hindi rin ako kampante na dito sa ospital mo gagawin. Paano kung dayain mo ang resulta? Maglabas ka ng test na hindi mo ina, tapos ako ang mawawalan ng kumpanya? Tapos kayo naman, palihim n’yong kukumpirmahin ang relasyon ninyong mag-ina. Hindi ba lugi ako ro’n? Fine. Bukod sa ospital mo, kahit saang ospital ka pumili.”Sumulyap si Cassie kay Calix. Tumango ito nang bahagya, hudyat ng pagsang-ayon.“Wow,” sarkastikong singit ni Aurora, “kailangan mo pang magpaalam sa iba sa sarili mong desisyon?”“Kun

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   103

    “Pangalawa,” mahinahong dagdag ni Cassie, “kung ako ang may-akda at nakapunta na ako rito, at talagang nagustuhan ko ang lugar, tiyak na isusulat ko iyon. Hindi ko rin makakalimutan ang mga pagkaing natikman ko, at siguradong ilalagay ko rin ang mga iyon sa paborito kong libro. Kaya kalahati lang ng hula mo ang tama.”Napansin niyang nakikinig si Carlo nang buong-buo, halos kapareho ng ekspresyon ng ama nito noong unang beses niyang mahumaling sa librong iyon.Sa tuwing may natitikman silang bagong pagkain o may nakikitang kakaibang tanawin, palagi nitong naaalala ang libro at may nasasabi tungkol dito.Bakit ba ganoon kalakas ang hatak ng aklat na iyon?Pagkatapos kumain at magpahinga, bumalik ang tatlo sa hotel. Maaga silang natulog upang makapaghanda sa maagang pag-alis pabalik sa Manila kinabukasan.……Sa isang lumang bahay ng magsasaka, nagkalat sa sahig ang mga tuyong sanga at damo. Paminsan-minsa’y may naririnig na huni ng mga insekto, nagbibigay ng kakaibang lamig at paninikip

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   102

    “Tita, grabe, dito pa talaga tayo nagkita!” bahagyang nanginginig sa tuwa ang boses ni Carlo. “Two days ago lang, pinag-uusapan pa natin sa ospital sa Manila ’yong tungkol sa mga librong may bukirin. Tapos pagdating ko pa lang sa Cagayan, ikaw agad ang nakita ko!”Napangiti rin ang babae, halatang natuwa sa muling pagkikita nila. “I came here to visit an old friend,” sagot niya nang banayad, “and at the same time, to enjoy the scenery.”Tahimik na pinagmasdan ni Cassie ang babae. Batay sa kwento ni Carlo tungkol sa “book friend” niya, nasa bandang kuwarenta na raw ito. Ngunit sa ayos at postura nito ngayon, hindi agad mahuhulaan ang edad. Maayos ang kutis, maaliwalas ang mga mata, at may natural na lambing ang ngiti.“Oh, by the way,” sabi ni Carlo habang tinuturo si Cassie, “Ate ko po siya. Ate, siya ’yong auntie na ikinukuwento ko sa’yo dati.”Bahagyang ngumiti si Cassie at magalang na tumango. “Hello po.”Napatingin nang masinsinan ang babae kay Cassie, at may dumaan na munting ing

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   101

    Magkaharap ang dalawang matanda sa mesa ng chess, kapwa halatang beterano at tunay na nahuhumaling sa laro. Maaga pa lamang ay nandoon na sila, at matapos itaboy si Cassie, halos sampung minuto silang hindi gumalaw, para bang ang buong mundo nila ay umiikot lamang sa itim at puting mga piyesa sa harap nila.Nakatayo si Cassie sa di kalayuan. Ilang beses na niyang gustong lumapit at magtanong, ngunit alam niyang kapag nainis ang dalawang matanda, tuluyan nang mawawala ang pagkakataon niyang makakuha ng kahit kaunting impormasyon.Napalingon siya kay Calix na nasa tabi niya. Tahimik lamang itong nakamasid sa chessboard, malalim ang tingin, para bang may sariling mundo. Wala siyang sinasabi, ngunit ramdam ni Cassie na may binabalak ito.Biglang nagsalita ang isang matanda, buong yabang.“Linario, kapag nabasag mo ang chess formation ko ngayon, titigil na ako sa paglalaro ng chess!”“Ikaw ang nagsabi niyan ah!” biglang naging masigla si Linario. “Matagal ka nang dapat tumigil, ako ang tuna

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status