MasukPara akong statue sa harap nya, hindin ko pa napag handaan ang araw na'to never ko nga naimagine,
“I-I I found someone else” napatingin ako sa sahig dahil sa pag sisinungaling ko, sa lahat ng tao sya lang nakakakilala sa akin. Alam nya pag nag sisinungaling ako Katahimikan- Wala akong marinig mula kay Logan. Nang lakasan ko ang loob kong tumingin, nakita ko siyang nakatitig lang sa akin. Hindi sya galit, blangko lang ang ekspresyon nya Para bang hinihintay niya lang akong umamin. “Really?” Mababa ang boses niya. Tumango ako kahit nanginginig na ang mga kamay ko. Bahagya siyang ngumiti at ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng slacks niya. “You still do that.” Dugtong pa nya Kumunot ang noo ko,.“D-do what?” pag aalinlangan king sagot “You look down when you lie.” Seryoso nyang imik habang nakatingin parin Nanlamig ang buo kong katawan. Isang hakbang ang ginawa niya palapit. “Try again, Violette.” Imik nya ulit habang nakapako ang mata sa akin Napapikit ako Hindi ko na kaya Unang araw ko pa lang at pakiramdam ko ilang taon nang pagod ang puso ko. “I think this was a mistake,” mahina kong sabi habang pinipilit ngumiti. “Pasensya na po, Sir. Mukhang hindi para sa akin ang trabahong ito.” “I quit.” Buong desisyon kong sambit sa kanya Mabilis akong tumalikof pero bigla syang nagsalita. “Your salary is triple the amount stated in your contract.” Napahinto ako Dahan-dahan akong lumingon Nakapasok na ang mga kamay niya sa bulsa ng slacks niya habang kalmado akong tinitingnan. “A-ano?” naniningkit kong tanong “Triple,” ulit niya. “Housing allowance included. Medical benefits included. Flexible schedule.” Nanlaki ang mga mata ko. Para sa isang single mom, parang nanalo ako sa lotto sa offer na’yon. Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya nang makita ang reaksyon ko. “So,” aniya, “are you still quitting, Ms. Gutierrez?” Napakuyom ako ng kamao. At doon ko napagtanto ang nakakainis na katotohanan. Alam na alam ni Logan kung paano ako pigilan. Heto ako ngayon at tatlong araw nang nagpupunas ng kung anu-ano sa penthouse ni Logan. “Mabilis talaga magpabago ang pera” pagkausap ko sa basahan Sa loob ng tatlong araw, wala akong ginawa kundi sundin ang bawat utos niya. Naglaba, nag-ayos ng office, naglinis ng kusina, at halos kabisado ko na ang bawat sulok ng penthouse. Bawat utos niya, sinusunod ko nang walang reklamo. Para akong Robot, waalang emosyon. “Coffee.” Hindi man lang siya lumingon mula sa laptop nang magsalita. “Coming, Sir,” mabilis kong sagot habang inilalapag ang tasa sa tabi niya. Ilang segundo pa niyang tinitigan bago muling nagsalita. “Too much sugar.” Aniya habang nilalapag ang coffee, halos di nya nga natikman eh! Kumunot ang noo ko. “Dalawang sachet lang ang nilagay ko, gaya ng sabi mo.” Umangat ang tingin niya sa akin at malamig akong pinagmasdan. “Make it three.” Utos nya Dali dali kong kinuha ang kape “Noted po.” Kinuyom ko ang kamao ko sa likod ng likuran ko. Kunware kong hinalo halo ang kape diko na dinag dagan ng asukal at binigay ko ulit sa kaya Nakatingin lang ako habang iniinom nya ang kape “Better” halos dumugo ang dila ko sa pag kagat ko dahil pinipigilan ko ang inis ko sa kanya. Diyos ko, napakaarte. Bulaan naman, edi nahuli kita pinapahirapan mo lang talaga ako!. Kinabukasan, habang inaayos ko ang schedule niya, muli na naman siyang nagsalita. “Violette.” Napatigil ako at agad na tumingin sa kanya. “Yes, Sir?” agad kong sagot Sumandal siya sa upuan at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. “Three days.” Bahagya akong kumunot ang noo. “Po?” sagot ko sa kanya Napailing siya habang nakatingin sa akin. “Three days ka nang nandito.” Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. “At sa loob ng tatlong araw, parang mas madalas pa kitang nakakausap noon kaysa ngayon.” Isinara nya ang laptop nya Hindi maganda ang ngiti nya, parang hindi maganda to ah… kadalasan, may binabalak si Logan kapag ganon siya ngumiti. "Get dressed." Napakurap lang ako sa utos nya "Bakit?" Sinasabinko nanga ba eh may pinaplano to Tumayo siya at kinuha ang coat niya. "May pupuntahan tayo." Casual nyang sagot habang sinusuot ang coat "Hindi pwede." Pag mamatigas ko, ngayon lang yata ako tumanggi sa utos niya. Umangat agad ang isang kilay niya. "Excuse me?" Napalunok ako. "May lakad ako mamaya." Naisip ko ang mga tip ng mga costumer ko sa bar "Cancel it." Ma autoridad nyang utos "Hindi pwede." Nagmamatigas ko pang sagot Tumaas lalo ang isang kilay niya. "And why not?" Tanong nya habang naka cross arms Napakagat ako ng labi, hindi ko pwedeng sabihing may sideline akong waitress sa gabi bka tanggalin niya pa ako. "Important lang." Pag sisinungaling ko Tahimik siyang nakatingin sa akin. Yung tipong alam mong nagsisinungaling ka pero wala siyang ebidensya. "Fine." Pag suko nya Napabuntong-hininga ako. ------ Pagsapit ng 8:00 pm, abala ako sa pagdadala ng mga order sa iba’t ibang mesa. Halos hindi ko na maramdaman ang pagod dahil sa dami ng customer ngayong gabi. Pagkatapos ng trabaho sa penthouse, diretso agad ako rito sa bar. Bukas naman, kailangan ko pang magtutor Minsan naiisip ko kung tao pa ba ako o isa nang robot. Bitbit ko ang isang tray ng mga inumin nang mapadako ang tingin ko sa VIP section. Agad akong napatigil. Imposible. Mabilis akong kumurap, umaasang mali lang ang nakita ko. Pero nang tumingin ulit ako, naroon pa rin siya. Nakaupo si Logan sa pinakadulong bahagi ng VIP area. Nakaangat nang bahagya ang manggas ng itim niyang polo habang hawak ang isang baso ng whiskey. Diretso ang tingin sa akin. Para bang matagal na niya akong pinagmamasdan. Para bang hinihintay ang mismong sandali na mapansin ko siya. Bakit siya nandito Dahan-dahan niyang inilapag ang baso sa mesa at sumandal sa sofa na parang pag aari ang buong bar. Pagkatapos ay bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. Hindi yon ang normal nyang ngiti. Kilala ko ang ngiting iyon. At kadalasan, may kasunod na problema kapag gan’on siya ngumiti. Hindi niya inalis ang tingin sa akin nang magsalita. “So this is your important appointment huh.”Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang nakatanaw sa bintana. Pakiramdam ko ay biglang bumagal ang pag-ikot ng mundo nang makita si Logan na dahan-dahang bumababa mula sa sasakyan."Momma?" nagtatakang tawag ni Lolly habang nakatingin din sa labas. "Friend nyo po ba yan?"Mabilis akong napakurap at agad na isinara nang bahagya ang kurtina. Ayokong makita ni Logan ang loob ng bahay at mas lalong ayokong makita nya si Lolly."Aakyat ka muna sa kwarto." mabilis kong saad habang pilit na kalmado ang boses ko. "Maglaro ka muna doon at huwag kang bababa hangga't hindi kita tinatawag."Agad na kumunot ang noo ni Lolly at umusli ang labi nito. Halatang hindi nito nagustuhan ang utos ko."Bakit po?" reklamo nito habang nakakrus ang mga braso. "Kakauwi nyo lang.""Dahil sinabi ni Momma." mas malumanay kong sagot habang hinahaplos ang buhok nito. "Please."Napabuntong-hininga ito bago tumango. Mabuti na lamang at hindi na ito nangulit pa."Mamazilla, bantayan nyo po si Momma." seryoso nitong bilin
Nanginig agad ang mga daliri ko habang nakatitig sa mensahe ni Logan. Pakiramdam ko ay may humigpit na tali sa paligid ng dibdib ko habang paulit-ulit kong binabasa ang pangalan ni Lolly."Momma?" nagtatakang tawag ni Lolly habang kumakain ng biskwit. "Bakit po parang nakakita kayo ng multo?"Mabilis akong napakurap at agad na pinatay ang screen ng cellphone. Pilit akong ngumiti kahit ramdam kong namumutla na ako."Wala." mahinang sagot ko habang inilalagay ang cellphone sa mesa. "May problema lang sa trabaho."Bahagyang kumunot ang noo ni Lolly ngunit mabilis din itong nadistract nang tawagin ito ni Mama. Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong pa.Samantalang ako ay pakiramdam ko ay unti-unti nang nawawalan ng hangin. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang banggitin ni Logan si Lolly.Ano bang napansin nya?Ano bang alam nya?O baka naman nag-ooverthink lang talaga ako?"Violette." biglang tawag ni Mama habang nakatingin sa akin. "Huminga ka muna."Napakurap ako at saka ko
"Pero may tinatago ka." mahinang dugtong nito. "At alam kong hindi mo sasabihin sa akin."Ilang segundo kaming nagkatitigan.Pagkatapos ay dahan-dahan itong tumalikod at naglakad pabalik sa sasakyan.Akala ko ay tapos na.Akala ko ay nakaligtas na naman ako.Ngunit bago ito tuluyang sumakay ay bigla itong huminto.At nang bahagya itong lumingon sa akin...Tuluyan akong nanlamig sa sumunod nitong sinabi."By the way..."Saglit itong tumingin sa bahay.Pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa akin."Pareho kayong kaliwete."Nanlaki agad ang mga mata ko.Dahil ilang minuto ang nakalipas...Nakita ni Logan si Lolly na sumusulat sa maliit nitong notebook gamit ang kaliwang kamay.Tuluyan akong natigilan.Pakiramdam ko ay huminto ang mundo habang nakatingin sa papalayong sasakyan ni Logan. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot—ang katotohanang may napansin sya o ang posibilidad na nagsisimula na syang magdugtong-dugtong ng mga bagay.Mabilis kong isinara ang gate at halos tumakbo papasok
Nanlaki agad ang mga mata ko at mabilis na bumaba ng sasakyan. Pakiramdam ko ay tumigil ang tibok ng puso ko nang makita si Lolly na nakatayo sa labas ng gate habang mahigpit na yakap ang stuffed toy nito."Momma!" masayang sigaw nito habang kumakaway sa akin.Agad akong lumapit at niyakap ito. Kasabay noon ang bahagyang pagluwag ng dibdib ko dahil mukhang hindi naman ganoon kalala ang nangyari kay Mama."Lolly." mahinang saad ko habang hinahaplos ang buhok nito. "Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na huwag lumabas mag-isa?"Agad na umusli ang labi nito at yumakap sa leeg ko. Halatang natakot ito sa nangyari."Nag-aalala po ako." reklamo nito. "Bigla pong nahilo si Mamazilla."Napabuntong-hininga ako at marahang hinalikan ang noo nito. Kahit kailan talaga ay hindi marunong magtago ng emosyon ang batang ito."Kumusta na si Mama?" mabilis kong tanong habang hawak ang magkabilang pisngi nito."Mabuti na po." sagot nito. "May nurse na po sa loob at pinapainom na sya ng gamot."Bahagyang gum
Tuluyan akong natigilan.Pakiramdam ko ay may humawak sa lalamunan ko habang nakatitig kay Logan. Sa loob ng anim na taon, libo-libong beses ko nang inisip ang mukha nya.Sa loob ng anim na taon, wala ni isang araw na hindi ko sya naalala.Ngunit paano ko iyon sasabihin?Paano ko aaminin iyon kung ang buong buhay ko ay itinayo sa paglayo sa kanya?"Violette?" mababa nyang tawag habang hindi inaalis ang tingin sa akin. "Answer me."Napakagat ako sa labi at mabilis na umiwas ng tingin. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko habang pilit kong hinahanap ang tamang salita."Wala nang saysay ang sagot ko." paos kong saad. "Matagal na panahon na ang lumipas."Agad na kumunot ang noo ni Logan."Hindi mo sinagot ang tanong ko."Napapikit ako nang mariin.Nakakainis.Dahil kahit matapos ang anim na taon ay kaya nya pa ring pilitin akong harapin ang mga bagay na ayaw kong harapin."Logan..." pagod kong bulong."Just answer me."Bigla akong natawa nang mahina.Hindi iyon masayang tawa.Kundi i
Napahawak ako agad sa gilid ng mesa habang umiikot ang paningin ko. Pakiramdam ko ay biglang uminit ang buong katawan ko kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. "Violette!" agad na tawag ni Logan habang humahakbang palapit. Mabilis akong napailing at pilit na inayos ang paghinga ko. Hindi ko pwedeng magpahalata lalo na ngayon. "Ayos lang ako." mahina kong saad habang pinipilit tumayo nang maayos. "Nahilo lang." Hindi kumbinsido si Logan. Kitang-kita iyon sa paraan ng pagtitig nito sa akin. "You're pale." Napabuntong-hininga ako at marahang napahawak sa sentido ko. Doon ko lang naalala na kanina pa pala ako nagtitiis. Mula pa noong dumating si Alessia. "Matapang kasi yung pabango ng asawa mo." pilit kong biro habang nakangiti. "Kanina pa masakit ulo ko." Bahagyang natigilan si Logan. Samantalang ako ay pilit na inaayos ang sarili ko. Ayokong magmukhang mahina. Ayokong may pagdudahan siya. Ngunit habang lumilipas ang mga segundo ay mas lalo lang lumalala ang pagkahilo ko. Bigla







