共有

Kabanata 2

作者: Eyeris_Diary
last update 公開日: 2026-07-12 20:38:27

Magahapon akong di mapakali sa sobrang excited, hindi sapat ang kinikita ko bilang waitress sa bar at tutor sa weekdays.. Ngayon magkakameron na ako ng official job

Kinabukasan, maaga akong sinundo ng isang black sedan.

“Wow!” Tanging nasabi ko nalamang nang makita ang isang napakalaking building, bigla akong sinampal ng kahirapan..

Hayy wake up Violetta! Hindi ito ang oras para humanga sa building.

“This way Ms. Gutierrez” ani ng isang staff na nag guide sa akin sa top floor

Penthouse!? Gaano ba kayaman ang may ari ng area na'yon? Nasambit ko nalang sa loob ng elevator

Habang papalapit ako sa pinakamataas na palapag, mas lalo akong kinakabahan.

Hindi ko alam kung bakit.

Parang may kung anong mabigat na pakiramdam sa dibdib ko.

Ding.

Bumukas ang elevator.

Agad akong sinalubong ng isang malawak at tahimik na hallway.

At dulo nito ay may iaang malaking p***o,

Tock Tock

Mahina at dahan dahan kong katok

“Come in” bigla akong natigilan sa pamilyar na boses na narining ko sa loob..

“I-imposible” Nanigas ang buong katawan ko.

Hindi ako agad nakagalaw. Parang biglang bumalik ang lahat ng pilit kong ibinaon sa nakaraan, ang ulan noong gabing umalis ako, ang mga pangakong hindi natupad, at ang lalaking iniwan ko para sa ikabubuti niya.

Pero mabilis akong nagising sa realidad.

Umiling-iling ako dahil napakaraming taong may kaparehong boses.

Dahan-dahan kong hinawakan ang doorknob at itinulak ang p***o.

At doon huminto ang mundo ko.

Sa likod ng malaking mesa, nakaupo ang lalaking anim na taon kong sinubukang kalimutan.

Si Logan Hauxley...

Mas matipuno

Mas seryoso

Mas intimidating

Nakatupi ang manggas ng puting polo niya habang abala sa pagbabasa ng ilang dokumento. Hindi man lang siya agad tumingin sa akin.

Parang wala siyang pakialam kung sino ang pumasok.

Parang wala akong kahalagahan.

"Have a seat." Mababa at malamig niyang utos habang nakatutok pa rin ang tingin sa hawak niyang papeles.

"Take a seat." Dugtong pa nya, cold parin ang tono nya habang nakapako pa rin ang tingin niya sa hawak na papeles.

Kumabog nang malakas ang dibdib ko, hindi niya pa ako nakikita.

O baka nakita na niya ang pangalan ko sa application at wala na talaga akong ibig sabihin sa kanya.

Huminga ako nang malalim bago dahan-dahang umupo sa tapat niya.

Ilang segundo ang lumipas bago niya isinara ang folder na hawak niya.

Pag-angat ng tingin niya, agad nagtama ang mga mata namin.

At sa unang pagkakataon matapos ang anim na taon, nakita ko ang walang emosyon nyang mukha…

"Violette." hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya after all those years na naputol ang koneksyon namin sa isa’t isa

Nilunok ko lahat ng pride ko at napagdesisyunan ko na umaktong propesyunal

“Ahem!” pag wawarm up ko “Violette Gutierrez, p-po….sir” medyo mautal utal ko pang sabi

“What’s your game? Act like you don’t know me?” sagot nya habang naka cross arms at nakataas ang kilay with low tone boss na boss ang boses

Pinag papawisan na ako ng malamig, sana may sumapi sa aking ispiritu ng mga malalakas ang loob para malampasan ko ‘to

Ipinasandal niya ang baba sa magkapatong na mga kamao, na parang sinusuri ang bawat reaksyon ko. Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi

“a-ah, ehhh…” Hindi ko talaga alam ang sasabihin.

“Fine, you can start now by washing mg laundry” utos nya bahang nakataas pareho ang kilay na parang sinusubukan ako..

Akala mo hindi ko kaya ha..

“Sige po sir” mabilis kong sagot at dali-daling lumabas

Nasapo ko nalang ang dibdib ko at inilabas lahatbng hangin na pinipigilan kong lumabas kanina habang kaharap si.. Logan

Itutuloy ko pa ba ‘to?

Hindi pa nga nagsisimula ang unang araw ko, gusto ko na agad mag-resign.

Pero naalala ko ang mga gastusin ni Lolly, renta sa bahay, at ang laman ng wallet ko.

Oo nga pala, wala akong karapatang mag-inarte.

“Laundry room… laundry room…” bulong ko habang paikot-ikot sa napakalaking penthouse.

Para akong nawawalang turista

Ilang p***o na ang nabuksan ko

Home theater

Mini gym

Library

Guest room

Diyos ko, mas malaki pa yata ang penthouse na ito kaysa sa buong barangay namin.

Nang makita ko rin sa wakas ang laundry room, halos mapaluha ako sa tuwa. “Salamat naman.”

Binuksan ko ang laundry basket at agad akong napapikit.

“Naku naman…” angal ko, puro damit panglalaki.

Mabilis kong iniiwas ang tingin habang isa-isang kinukuha ang mga ito.

Professional ka, Violette.

Trabaho lang… Trabaho lang talaga.

Pero bigla akong natigilan.

May nakita akong lumang varsity jacket sa ilalim ng basket.

Sobrang pamilyar, dahan-dahan ko iyong hinawakan.

Ito ang jacket na madalas isuot ni Logan noong college.

Napalunok ako, bakit nya pa ‘to sinusuot?

“Naghahanap ka ba ng kayamanan?” Biglang may nag salita sa likod ko at muntik na akong mapasigaw sa gulat.

Paglingon ko, nakasandal si Logan sa p***o, naka cross arms at may nakakalokong ngiti sa labi.

“O hobby mo lang talagang manghalungkat ng gamit ko?”Napatigil ako nang marinig ko ang boses niya mula sa likuran ko.

“You really thought you could disappear and I’d just move on?” Dahan-dahan akong lumingon.

Naklasandal si Logan sa p***o, nakatiklop ang mga braso habang diretso ang tingin sa akin.

“S-Sir…” Umangat ang isang kilay niya.

“Sir?” Bahagya siyang natawa. “After six years, ‘yan na lang ang itatawag mo sa akin?” Napalunok ako.

Lumapit siya ng ilang hakbang bago huminto sa harap ko

“Look at me, Violette.” Hindi ko alam kung bakit, pero agad akong napasunod.

“Good.” Tumango siya. “Now answer me.”Bumilis ang tibok ng puso ko.

“Why did you leave?” walang pag aatubili nyang tanong

“Logan…” tanging nasambit ko nalang

Pinutol niya ang sasabihin , “For six years, I respected your silence. I gave you time. But you’re standing in front of me now, so don’t give me excuses.”kalmado pero matigas ang boses.

Hindi ako makapagsalita.

Nanatili ang tingin niya sa akin bago siya bahagyang ngumiti.

“Tell me the truth, Violette.” Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang sumunod niyang salita

“Or do I need to find out myself why’d you leave me?”diretso nyang tanong sa’kin.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • The Billionaire Forbids his Maid to Leave   Kabanata 32

    Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang nakatanaw sa bintana. Pakiramdam ko ay biglang bumagal ang pag-ikot ng mundo nang makita si Logan na dahan-dahang bumababa mula sa sasakyan."Momma?" nagtatakang tawag ni Lolly habang nakatingin din sa labas. "Friend nyo po ba yan?"Mabilis akong napakurap at agad na isinara nang bahagya ang kurtina. Ayokong makita ni Logan ang loob ng bahay at mas lalong ayokong makita nya si Lolly."Aakyat ka muna sa kwarto." mabilis kong saad habang pilit na kalmado ang boses ko. "Maglaro ka muna doon at huwag kang bababa hangga't hindi kita tinatawag."Agad na kumunot ang noo ni Lolly at umusli ang labi nito. Halatang hindi nito nagustuhan ang utos ko."Bakit po?" reklamo nito habang nakakrus ang mga braso. "Kakauwi nyo lang.""Dahil sinabi ni Momma." mas malumanay kong sagot habang hinahaplos ang buhok nito. "Please."Napabuntong-hininga ito bago tumango. Mabuti na lamang at hindi na ito nangulit pa."Mamazilla, bantayan nyo po si Momma." seryoso nitong bilin

  • The Billionaire Forbids his Maid to Leave   Kabanata 31

    Nanginig agad ang mga daliri ko habang nakatitig sa mensahe ni Logan. Pakiramdam ko ay may humigpit na tali sa paligid ng dibdib ko habang paulit-ulit kong binabasa ang pangalan ni Lolly."Momma?" nagtatakang tawag ni Lolly habang kumakain ng biskwit. "Bakit po parang nakakita kayo ng multo?"Mabilis akong napakurap at agad na pinatay ang screen ng cellphone. Pilit akong ngumiti kahit ramdam kong namumutla na ako."Wala." mahinang sagot ko habang inilalagay ang cellphone sa mesa. "May problema lang sa trabaho."Bahagyang kumunot ang noo ni Lolly ngunit mabilis din itong nadistract nang tawagin ito ni Mama. Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong pa.Samantalang ako ay pakiramdam ko ay unti-unti nang nawawalan ng hangin. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang banggitin ni Logan si Lolly.Ano bang napansin nya?Ano bang alam nya?O baka naman nag-ooverthink lang talaga ako?"Violette." biglang tawag ni Mama habang nakatingin sa akin. "Huminga ka muna."Napakurap ako at saka ko

  • The Billionaire Forbids his Maid to Leave   Kabanata 30

    "Pero may tinatago ka." mahinang dugtong nito. "At alam kong hindi mo sasabihin sa akin."Ilang segundo kaming nagkatitigan.Pagkatapos ay dahan-dahan itong tumalikod at naglakad pabalik sa sasakyan.Akala ko ay tapos na.Akala ko ay nakaligtas na naman ako.Ngunit bago ito tuluyang sumakay ay bigla itong huminto.At nang bahagya itong lumingon sa akin...Tuluyan akong nanlamig sa sumunod nitong sinabi."By the way..."Saglit itong tumingin sa bahay.Pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa akin."Pareho kayong kaliwete."Nanlaki agad ang mga mata ko.Dahil ilang minuto ang nakalipas...Nakita ni Logan si Lolly na sumusulat sa maliit nitong notebook gamit ang kaliwang kamay.Tuluyan akong natigilan.Pakiramdam ko ay huminto ang mundo habang nakatingin sa papalayong sasakyan ni Logan. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot—ang katotohanang may napansin sya o ang posibilidad na nagsisimula na syang magdugtong-dugtong ng mga bagay.Mabilis kong isinara ang gate at halos tumakbo papasok

  • The Billionaire Forbids his Maid to Leave   Kabanata 29

    Nanlaki agad ang mga mata ko at mabilis na bumaba ng sasakyan. Pakiramdam ko ay tumigil ang tibok ng puso ko nang makita si Lolly na nakatayo sa labas ng gate habang mahigpit na yakap ang stuffed toy nito."Momma!" masayang sigaw nito habang kumakaway sa akin.Agad akong lumapit at niyakap ito. Kasabay noon ang bahagyang pagluwag ng dibdib ko dahil mukhang hindi naman ganoon kalala ang nangyari kay Mama."Lolly." mahinang saad ko habang hinahaplos ang buhok nito. "Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na huwag lumabas mag-isa?"Agad na umusli ang labi nito at yumakap sa leeg ko. Halatang natakot ito sa nangyari."Nag-aalala po ako." reklamo nito. "Bigla pong nahilo si Mamazilla."Napabuntong-hininga ako at marahang hinalikan ang noo nito. Kahit kailan talaga ay hindi marunong magtago ng emosyon ang batang ito."Kumusta na si Mama?" mabilis kong tanong habang hawak ang magkabilang pisngi nito."Mabuti na po." sagot nito. "May nurse na po sa loob at pinapainom na sya ng gamot."Bahagyang gum

  • The Billionaire Forbids his Maid to Leave   Kabanata 28

    Tuluyan akong natigilan.Pakiramdam ko ay may humawak sa lalamunan ko habang nakatitig kay Logan. Sa loob ng anim na taon, libo-libong beses ko nang inisip ang mukha nya.Sa loob ng anim na taon, wala ni isang araw na hindi ko sya naalala.Ngunit paano ko iyon sasabihin?Paano ko aaminin iyon kung ang buong buhay ko ay itinayo sa paglayo sa kanya?"Violette?" mababa nyang tawag habang hindi inaalis ang tingin sa akin. "Answer me."Napakagat ako sa labi at mabilis na umiwas ng tingin. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko habang pilit kong hinahanap ang tamang salita."Wala nang saysay ang sagot ko." paos kong saad. "Matagal na panahon na ang lumipas."Agad na kumunot ang noo ni Logan."Hindi mo sinagot ang tanong ko."Napapikit ako nang mariin.Nakakainis.Dahil kahit matapos ang anim na taon ay kaya nya pa ring pilitin akong harapin ang mga bagay na ayaw kong harapin."Logan..." pagod kong bulong."Just answer me."Bigla akong natawa nang mahina.Hindi iyon masayang tawa.Kundi i

  • The Billionaire Forbids his Maid to Leave   Kabanata 27

    Napahawak ako agad sa gilid ng mesa habang umiikot ang paningin ko. Pakiramdam ko ay biglang uminit ang buong katawan ko kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. "Violette!" agad na tawag ni Logan habang humahakbang palapit. Mabilis akong napailing at pilit na inayos ang paghinga ko. Hindi ko pwedeng magpahalata lalo na ngayon. "Ayos lang ako." mahina kong saad habang pinipilit tumayo nang maayos. "Nahilo lang." Hindi kumbinsido si Logan. Kitang-kita iyon sa paraan ng pagtitig nito sa akin. "You're pale." Napabuntong-hininga ako at marahang napahawak sa sentido ko. Doon ko lang naalala na kanina pa pala ako nagtitiis. Mula pa noong dumating si Alessia. "Matapang kasi yung pabango ng asawa mo." pilit kong biro habang nakangiti. "Kanina pa masakit ulo ko." Bahagyang natigilan si Logan. Samantalang ako ay pilit na inaayos ang sarili ko. Ayokong magmukhang mahina. Ayokong may pagdudahan siya. Ngunit habang lumilipas ang mga segundo ay mas lalo lang lumalala ang pagkahilo ko. Bigla

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status