Mag-log in“So this is your important appointment huh.” Malamig at kalmado nyang imik habang pinapaikot ang laman ng kanyang baso
Sasagot na sana ako nang biglang may sumigaw sa likod ko “Fweeeeeeet” sipol nang regular costumer ko “Ano Tisay, titingin kanalang ba? Salinan mo ako ng alak!” utos nya Nag mamadali akong tumalikod kay Logan, Bahala na! Magpapaliwanag nalang ako bukas “Ito na sir” sabay salin ko sa baso nya ng mamahaling alak Tiningnan nya lang ako sa legs, Tssss. manyak talaga. Kung hindi ka lang anak ni Gov dinukot ko na mata mo Nakangiti ako habang nag iisip ng masama sa hangal na’to Pero bigla nyang hinigit ang braso ko para mapaupo ako sa kanya “Kailan kaba papayag na i-motel kita?” bulong nya sa tainga ko Sa pandidiri ko naitulak ko sya at natapon sa kanya ang alak. “shit! Ang arte mo naman pera nanga lumalapi-“ Hindi na nya naituloy ang sasabihin nya tumingin sya sa likod ko at takot na takot na tumakbo Paglingon ko si Logan Halos mag liyab na sa galit.. Hinawakan nya ang kamay ko papalabas ng Bar “S-sandali lang Logan!” Hinila ko ang kamay ko para mapatigil kami “Ano? Sasama ka sa gagong yon?” galit nyang usal “ano bang pakialam mo? Nagtatrabaho ako!” Pasigaw kong sagot sa kanya at hindi iniinda ang tingin ng mga dumadaang tao Umigting ang panga ni Logan habang nakatitig sa akin. “Pakialam ko? Hindi ka ganito, violette!” madiin niyang saad. “What happened to you? ” dugtong pa nya Napatawa ako nang mapait at napailing. Nakakatawa lang dahil wala siyang ideya kung bakit ako nawala. Sa lahat ng taong pwede kong sisihin, siya dapat ang huli, pero hindi ko mapigilang magalit. “At ngayon mo lang naisip itanong?” usisa ko habang nakapamewang at diretsong nakatingin sa kanya. Kumunot ang noo niya. “What does that mean?” “Exactly what I said.” Napakrus ako ng mga braso sa dibdib at bahagyang napataas ang boses ko. “Six years, Logan. Hindi mo ba naisip na baka may dahilan kung bakit ako nagkaganito?” Hindi siya agad sumagot. Nakatingin lang siya sa akin, para bang sinusubukan niyang basahin ang bawat emosyon na pilit kong itinatago. “Then tell me,” mababa niyang sabi. “Tell me now.” Napakagat ako sa loob ng pisngi ko Kung ganon lang sana kadali Kung may choice lang ako noon Kung hindi lang may mga bagay na mas mahalaga kaysa sa nararamdaman ko para sa kanya. Isang hakbang ang ginawa niya palapit. Hindi naman kalayuan, pero sapat na para bumilis ang tibok ng puso ko. “Look at me, Violette,” utos niya sa mahinahon pero matigas na tono. Napilitan akong iangat ang tingin ko. Pagkakita ko sa mga mata niya, parang bumalik lahat ng pilit kong nilalabanan sa nakalipas na! anim na taon. “I’m not ready” saad ko habang nakatingin parin sakanuya “Hindi ako nag mamadali” marahan nyang sagot, lahat ng galit nya kanina ay napalitan ng mahinahon at kalmadong boses Nanatili kaming tahimik habang patuloy ang dampi nang malamig na hangin sa aming balat. Pareho kaming pagod. Pareho kaming maraming tanong sa isa’t-isa. “Hindi mo kailangang sabihin lahat ngayong gabi,” dagdag pa nya. Hindi ko alam kung paano kami nakarating dito sa kwarto ng Motel pero ang alam ko lang, Bawat dampi ng labi nya sa balat ko ay parang kuryenteng dumadaloy sa buo kong katawan. Huminga siya nang malalim sa may leeg ko habang mahigpit ang hawak niya sa baywang ko, hindi bumibitaw. "You're still mine," bulong niya habang nakatutok ang tingin sa akin. Hinalikan nya ako nang madiin, gumaganti ako sa bawat galaw niya. Ramdam ko ang tensyon sa bawat paghigpit ng yakap niya, hanggang sa wala nang space sa pagitan namin. Hinawakan niya ang pisngi ko, hinaplos nang marahan bago niya itinuon ang mukha niya sa balikat ko, ramdam ang init ng paghinga niya. "Don't you dare leave again," madiin niyang sabi sa Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ko habang nagdidikit ang mga noo namin, pareho kaming naghahabol ng hininga sa dilim. Hindi siya humihiwalay, parang sinusuri ang bawat reaksyon ko para siguraduhing hindi ako mawawala. Nang ilapat niya muli ang labi niya sa balikat ko, binitawan ko na ang lahat ng pagpipigil. "I missed you, Violette," bulong niya, at sa pagkakataong ito, hindi na ako lumaban. -------- “shit!!!” sigaw ko nang magising ako “Late na’ko sa tutor session ko!” dali dali kong pinulot ang mga damit kong nagkalay sa sahig Mamukatmukat na nagising si Logan dahil sa pagka aligaga ko "Relax," kalmado niyang sabi. Napatingin ako sa kanya na para bang nawalan na siya ng bait. "Hindi ako magre-relax. May tutor session ako mamayang 10:00 am." Bahagyang kumunot ang noo niya. "You're still tutoring?" Hindi ko na siya sinagot. Wala akong oras para makipagpaliwanagan sa kanya, agad kong kinuha ang bag ko at naglakad palabas ng kwarto. Pagdating sa labas ng motel, mas lalo akong nainis nang makitang nagsisimula nang bumuhos ang ulan. Mabilis akong tumawid sa gilid ng kalsada habang sinusubukang maghanap ng masasakyan. Ilang minuto akong nakatayo ron pero wala ni isang tricycle o taxi ang dumadaan. Napabuntong-hininga ako at mahigpit na niyakap ang bag ko. Sakto namang may humintong itim na sasakyan sa harap ko. Dahan-dahang bumaba ang bintana at bumungad ang pamilyar na mukha ni Logan. "Get in." Utos nyaw Napasimangot ako."May masasakyan ako." Sagot ko Umangat ang isang kilay niya. "Talaga?" Napatingin ako sa halos bakanteng kalsada bago ulit tumingin sa kanya. Nakakainis man aminin, tama siya. Makalipas ang ilang minuto, tahimik kaming nasa loob ng sasakyan habang patuloy ang malakas na ulan sa labas. Nakatingin lang ako sa bintana at pilit na binabalewala ang presensya niya. Pero parang malas talaga ang araw ko. Biglang umilaw ang dashboard at kasunod no'n ay ang paghinto ng sasakyan sa gitna ng daan. Kumunot ang noo ni Logan habang muling sinusubukang paandarin ang makina. Ilang beses niyang ginawa ‘yon pero walang nangyari. Unti-unti akong napapikit. "Sabihin mo ngang biro lang 'to." Napailing siya at ibinagsak ang ulo sa headrest. "The car's dead." With matching face palm pa, kung hindi sya umepal edi sana wala ako sa sitwasyon na to ngayon.Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang nakatanaw sa bintana. Pakiramdam ko ay biglang bumagal ang pag-ikot ng mundo nang makita si Logan na dahan-dahang bumababa mula sa sasakyan."Momma?" nagtatakang tawag ni Lolly habang nakatingin din sa labas. "Friend nyo po ba yan?"Mabilis akong napakurap at agad na isinara nang bahagya ang kurtina. Ayokong makita ni Logan ang loob ng bahay at mas lalong ayokong makita nya si Lolly."Aakyat ka muna sa kwarto." mabilis kong saad habang pilit na kalmado ang boses ko. "Maglaro ka muna doon at huwag kang bababa hangga't hindi kita tinatawag."Agad na kumunot ang noo ni Lolly at umusli ang labi nito. Halatang hindi nito nagustuhan ang utos ko."Bakit po?" reklamo nito habang nakakrus ang mga braso. "Kakauwi nyo lang.""Dahil sinabi ni Momma." mas malumanay kong sagot habang hinahaplos ang buhok nito. "Please."Napabuntong-hininga ito bago tumango. Mabuti na lamang at hindi na ito nangulit pa."Mamazilla, bantayan nyo po si Momma." seryoso nitong bilin
Nanginig agad ang mga daliri ko habang nakatitig sa mensahe ni Logan. Pakiramdam ko ay may humigpit na tali sa paligid ng dibdib ko habang paulit-ulit kong binabasa ang pangalan ni Lolly."Momma?" nagtatakang tawag ni Lolly habang kumakain ng biskwit. "Bakit po parang nakakita kayo ng multo?"Mabilis akong napakurap at agad na pinatay ang screen ng cellphone. Pilit akong ngumiti kahit ramdam kong namumutla na ako."Wala." mahinang sagot ko habang inilalagay ang cellphone sa mesa. "May problema lang sa trabaho."Bahagyang kumunot ang noo ni Lolly ngunit mabilis din itong nadistract nang tawagin ito ni Mama. Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong pa.Samantalang ako ay pakiramdam ko ay unti-unti nang nawawalan ng hangin. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang banggitin ni Logan si Lolly.Ano bang napansin nya?Ano bang alam nya?O baka naman nag-ooverthink lang talaga ako?"Violette." biglang tawag ni Mama habang nakatingin sa akin. "Huminga ka muna."Napakurap ako at saka ko
"Pero may tinatago ka." mahinang dugtong nito. "At alam kong hindi mo sasabihin sa akin."Ilang segundo kaming nagkatitigan.Pagkatapos ay dahan-dahan itong tumalikod at naglakad pabalik sa sasakyan.Akala ko ay tapos na.Akala ko ay nakaligtas na naman ako.Ngunit bago ito tuluyang sumakay ay bigla itong huminto.At nang bahagya itong lumingon sa akin...Tuluyan akong nanlamig sa sumunod nitong sinabi."By the way..."Saglit itong tumingin sa bahay.Pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa akin."Pareho kayong kaliwete."Nanlaki agad ang mga mata ko.Dahil ilang minuto ang nakalipas...Nakita ni Logan si Lolly na sumusulat sa maliit nitong notebook gamit ang kaliwang kamay.Tuluyan akong natigilan.Pakiramdam ko ay huminto ang mundo habang nakatingin sa papalayong sasakyan ni Logan. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot—ang katotohanang may napansin sya o ang posibilidad na nagsisimula na syang magdugtong-dugtong ng mga bagay.Mabilis kong isinara ang gate at halos tumakbo papasok
Nanlaki agad ang mga mata ko at mabilis na bumaba ng sasakyan. Pakiramdam ko ay tumigil ang tibok ng puso ko nang makita si Lolly na nakatayo sa labas ng gate habang mahigpit na yakap ang stuffed toy nito."Momma!" masayang sigaw nito habang kumakaway sa akin.Agad akong lumapit at niyakap ito. Kasabay noon ang bahagyang pagluwag ng dibdib ko dahil mukhang hindi naman ganoon kalala ang nangyari kay Mama."Lolly." mahinang saad ko habang hinahaplos ang buhok nito. "Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na huwag lumabas mag-isa?"Agad na umusli ang labi nito at yumakap sa leeg ko. Halatang natakot ito sa nangyari."Nag-aalala po ako." reklamo nito. "Bigla pong nahilo si Mamazilla."Napabuntong-hininga ako at marahang hinalikan ang noo nito. Kahit kailan talaga ay hindi marunong magtago ng emosyon ang batang ito."Kumusta na si Mama?" mabilis kong tanong habang hawak ang magkabilang pisngi nito."Mabuti na po." sagot nito. "May nurse na po sa loob at pinapainom na sya ng gamot."Bahagyang gum
Tuluyan akong natigilan.Pakiramdam ko ay may humawak sa lalamunan ko habang nakatitig kay Logan. Sa loob ng anim na taon, libo-libong beses ko nang inisip ang mukha nya.Sa loob ng anim na taon, wala ni isang araw na hindi ko sya naalala.Ngunit paano ko iyon sasabihin?Paano ko aaminin iyon kung ang buong buhay ko ay itinayo sa paglayo sa kanya?"Violette?" mababa nyang tawag habang hindi inaalis ang tingin sa akin. "Answer me."Napakagat ako sa labi at mabilis na umiwas ng tingin. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko habang pilit kong hinahanap ang tamang salita."Wala nang saysay ang sagot ko." paos kong saad. "Matagal na panahon na ang lumipas."Agad na kumunot ang noo ni Logan."Hindi mo sinagot ang tanong ko."Napapikit ako nang mariin.Nakakainis.Dahil kahit matapos ang anim na taon ay kaya nya pa ring pilitin akong harapin ang mga bagay na ayaw kong harapin."Logan..." pagod kong bulong."Just answer me."Bigla akong natawa nang mahina.Hindi iyon masayang tawa.Kundi i
Napahawak ako agad sa gilid ng mesa habang umiikot ang paningin ko. Pakiramdam ko ay biglang uminit ang buong katawan ko kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. "Violette!" agad na tawag ni Logan habang humahakbang palapit. Mabilis akong napailing at pilit na inayos ang paghinga ko. Hindi ko pwedeng magpahalata lalo na ngayon. "Ayos lang ako." mahina kong saad habang pinipilit tumayo nang maayos. "Nahilo lang." Hindi kumbinsido si Logan. Kitang-kita iyon sa paraan ng pagtitig nito sa akin. "You're pale." Napabuntong-hininga ako at marahang napahawak sa sentido ko. Doon ko lang naalala na kanina pa pala ako nagtitiis. Mula pa noong dumating si Alessia. "Matapang kasi yung pabango ng asawa mo." pilit kong biro habang nakangiti. "Kanina pa masakit ulo ko." Bahagyang natigilan si Logan. Samantalang ako ay pilit na inaayos ang sarili ko. Ayokong magmukhang mahina. Ayokong may pagdudahan siya. Ngunit habang lumilipas ang mga segundo ay mas lalo lang lumalala ang pagkahilo ko. Bigla







