Share

CHAPTER 2

Author: Sarahim
last update Last Updated: 2025-12-15 21:31:35

Alexandria Jules POV

“JULES!” Buong lakas na sigaw ng kaibigan ko, sobrang lakas kung makasigaw.

“Ano na naman ba, Rain? Nangbubulabog ka ng kapitbahay eh. Pwede bang hinaan mo ang boses mo? Nakakarindi,” sabi ko habang papalabas ng maliit na kwarto ko.

Upang pagbuksan siya ng pinto ng apartment ko dahil sa lakas niyang sigaw sa labas, baka pati kapitbahay mabulabog niya dahil ang aga pa.

Pagbukas ko ng pinto ay dere-deretso siyang pumasok na parang pagmamay-ari niya ang bahay.

“Jules, may nahanap ka na bang trabaho?” tanong niya habang nakaupo sa maliit kong sofa. Di pa yan, talagang inilagay pa niya ang dalawang paa niya sa maliit na table ko. Wala niya talaga ang babaing ’to.

“Wala pa. Kaya pwede bang alisin mo yang paa mo sa lamesa ko? Kakalinis ko lang niyan kahapon, dudumihan mo na naman,” saad ko sa kanya at dumiretso sa maliit kong kusina upang magtimpla ng kape. May dala naman siyang pandesal.

Pagkatimpla ko ng kape ay dinala ko ito sa may sala na inuupuan niya at inilagay sa lamesa. Mabuti tinanggal na niya ang kanyang paa.

Pagkalapag ko ng kape niya ay agad siyang uminom noon at pinarisan niya ng pandesal. Kaya umupo na lang din ako sa tabi niya upang makainom na rin ng kape.

“Naghahanap ng isang waitress ang pinagtatrabahuhan kong Chinese restaurant dahil natanggal yung ma-attitude kong katrabaho,” sabi niya habang kumakain ng pandesal.

“Saka di ka naman mahihirapan magsalita ng Chinese dahil alam ko naman na lahat ata ng language na buong bansa alam mo eh. May dugo kang Sullivan kaya kayang-kaya mo ’yan. Ewan ko ba naman sa’yo, buhay prinsesa ka naman sa inyo sa Europe, bakit ka pa kasi tumakas sa inyo, hayyys,” sabi niya habang nagkakape.

Tiningnan ko ito ng masama. “Huwag na huwag mong babanggitin na isa ako sa mga Sullivan, Rain, dahil puputulin ko talaga isa-isa ang mga buto mo sa katawan,” malamig kong sambit sa kanya.

Tumingin naman ito sa akin at nagtaas ng kamay habang may pandesal pa sa kanyang bibig. “Okay, easy lang. Nagbibiro lang ako, okay,” saad niya.

“O siya sige, mag-ayos ka na para sabay na tayong pumunta sa Chinese restaurant,” sabi pa niya at ibinaba na niya ang nakataas niyang mga kamay.

Tumayo na ako at kinuha ang nakasabit kong tuwalya sa gilid ng pintuan ng kwarto ko at dumiretso na sa maliit na CR ko at naligo na.

Paglabas ko ay dumiretso ako sa cabinet ko at kumuha ng t-shirt at blue na pantalon at pinarisan ko doon ng white rubber shoes ko.

Nagsuklay lang ako at di na nagpulbos dahil maputi na ako, at di na rin ako nag-liptint dahil mapula naman ang lips ko.

Paglabas ko ay nakasandal siya sa sofa at nang makita niya ako ay tumayo na ito.

“Tara na,” sabi niya at naunang lumabas kaya sumunod na ako sa kanya at ni-lock ang pintuan ng apartment ko.

“Maghintay na lang tayo ng jeep sa may kanto, Jules,” sabi niya habang naglalakad kami. “Sige,” sagot ko.

Nang makaabot kami sa kanto ay saktong may dumaan na jeep kaya pinara na ito ni Rain.

Pagsakay na pagsakay namin sa jeep ay ang daming nakatingin sa akin.

“Ms., mukha ka namang mayaman dahil sa kutis mo. Bakit ka nagje-jeep? Di bagay sa’yo,” saad ng isang ale.

“Iha, ang ganda mo naman,” sambit naman ng isang matanda. At marami pa akong narinig. Nginingitian ko lang sila, pero nang ngumiti ako mas lalo silang nagbulungan.

“Inborn na po ang kutis nitong bestfriend ko, tsaka di po siya mayaman. Sadyang maganda lang po siya,” tumatawang saad ni Rain sa mga pasahero.

“Naku, sana ganyan ang anak ko nung nilabas ko,” tumatawang saad nung ale.

“Baka nasa dugo na nila ang pagiging maganda,” sabi nung isa.

“Manong, para po. Ale, pwede po bang paabot naman ng pamasahe namin doon sa driver,” ngiting saad ni Rain sa isang ale. Kaya kinuha naman ito nung ale at ibinigay sa driver. Kaya nung huminto na ang jeep ay bumaba na kami.

Pagpasok namin ay agad niya akong hinatid sa pintuan ng office ng manager ng restaurant na ’to at dumiretso na siya sa locker niya upang magsuot ng uniform nila.

“Tok, tok, tok.” Katok ko sa pintuan.

“Come in,” rinig kong saad ng nasa loob kaya pumasok na ako.

“What can I help you?” tanong niya at tiningnan ako.

“Good day, Ma’am. I'm applying for waitress,” sabi ko.

“Okay, Ms. Take a seat and give me your resume.” Umupo naman ako sa bangkong kaharap ng table niya at ibinigay ko ang resume ko sa kanya.

Ang resume ko ay ako lang ang gumawa. Pinalitan ko ang apelyido ko dahil mahirap na pag na-trace ako ng pamilya ko.

Nang mabasa niya ang resume ko ay tumingin siya sa akin.

“Okay, Ms. Dimitri, di na kita tatanungin ng ibang question dahil wala naman akong nakitang aberya sa resume mo. Marunong ka na palang mag-Chinese kaya hindi mahihirapan makipag-usap sa magiging customer mong Chinese, at marami ka pang alam na ibang language kaya tatanggapin na kita, iha,” saad niya nang nakangiti.

“Salamat po, Ma’am,” pasasalamat ko sa kanya at tumayo na.

“Iha, kailan mo gustong magsimula, bukas o ngayon na?” tanong niya.

“Ngayon na lang po, Ma’am,” sagot ko.

“Sige, iha. Ito ang susi ng magiging locker mo at nandoon na rin ang uniform na gagamitin mo. Good luck, iha,” saad niya.

Nagpasalamat ako ulit at lumabas na.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire Kidnapped the Wrong Girl   CHAPTER 6

    Greyson Lux POVPaglabas ko sa kwarto namin ng asawa ko ay dumiretso ako sa kwarto ni Levi upang dalhin ito sa baba.Binuksan ko ang kanyang kwarto at nakita ko siyang natutulog pa rin kaya ginising ko ito.“Levi, baby, come on, wake up,” sabi ko sa kanya at hinila ito nang dahan-dahan paupo sa kanyang kama. Mapupungay naman siyang nagmulat ng mata kaya kinarga ko ito upang punasan ang kanyang mukha sa banyo.Pinaupo ko siya sa sink ng banyo niya at binasa ang maliit na towel niyang kulay blue at pinunasan ang kanyang mukha. Pagkatapos ay kinarga ko na ito palabas ng kwarto upang bumaba na dahil ako ang magluluto ng kakainin namin sa umaga.Pagbaba namin sa sala ay dumiretso ako sa sofa at nilapag siya roon.“Baby, stay here, okay? I’m just going to cook our breakfast. After that, I’ll come back to get you,” sabi ko sa kanya at hinalikan ito sa noo. Tumango-tango lang ito kaya tumalikod na ako at naglakad papuntang kusina upang magluto na dahil alam kong walang alam sa pagluluto ang a

  • The Billionaire Kidnapped the Wrong Girl   CHAPTER 5

    Alexandria Jules POVNagising ang diwa ko pero nakapikit pa rin ang mga mata ko, tapos maganda ang pakiramdam ko dahil sa lambot ng hinihigaan ko. May naramdaman akong may kayakap ako kaya dahan-dahan kong minulat ang mga mata kong nakapikit.Nang makamulát ako ng mata ay bumungad sa akin ang isang mala-Adonis na mukha ng lalaki. Pinagmasdan ko ito, ang mga pilikmata niya pababa sa sobrang tangos na ilong niya, pati na rin sa mapupulang labi niya.Dahan-dahan kong inangat ang hintuturo ko sa kanyang noo, palandas sa ilong hanggang bumaba ito sa kanyang mapupulang mga labi.Sobrang kinis ng mukha niya. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking mala-Adonis ang mukha. Habang nakahawak pa rin ang isa kong daliri sa kanyang mapupulang labi ay bigla na lang siyang nagmulat ng mata.Mas lalo pa akong namangha dahil sa mga ocean niyang mata na kulay asul. Sobrang ganda ng kanyang mga mata. Ito na ata ang pinaka-perfect na lalaking nakita ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.Hinawakan niya ang

  • The Billionaire Kidnapped the Wrong Girl   CHAPTER 4

    Alexandria Jules POVKinabukasan, ganoon pa rin, pumasok ako nang maaga sa restaurant. Iba lang ngayong araw dahil wala si Rain. Di siya nakapasok dahil hinatid pa niya si Callex sa probinsya nila ng kapatid niya.Sunod-sunod na nagsipasok ang mga customer kaya naging busy kaming lahat. Kailangan mabilis ang kilos namin dahil kung hindi baka mapagalitan kami.Ako ang naatasang nagwe-welcome ng mga customer na papasok. Nakatayo ako sa tabi ng pintuan at nakangiting niwe-welcome ang mga pumapasok.Lalo pang dumami ang tao, lalo na ang mga estudyante. Ang di ko lang maintindihan ay sa akin ang kanilang atensyon. Pati ang pagwe-welcome ko sa pagpasok nila ay namumula sila. Pero pinagwalang-bahala ko na lang ito.Pagod na pagod akong nagpalit ng uniform para makauwi na at mukhang maglalakad lang ako.Third Person POV“Ring, ring.” Ring ng telepono ni Greyson. Sinagot niya ito ng malamig na boses.“What now, Moises? Did you already find my wife’s location? It’s been one month,” sabi niya sa

  • The Billionaire Kidnapped the Wrong Girl   CHAPTER 3

    Alexandria Jules POVNang makalabas ako sa opisina ng manager rito ay dumiretso ako sa pinasukan ng kaibigan kong si Rain. Mukhang locker room iyon.Pagpasok ko ay hinanap ko ang number ng locker ko, at nang nahanap ko na ay nagbihis na ako ng uniform nila rito.Lumabas ako at hinanap ng mga mata ko si Rain. Nang mahanap ko na ito ay pinuntahan ko.“Rain,” tawag ko sa kanya.Lumingon naman ito sa akin. “Wow, Jules, bagay na bagay sa’yo ang uniform. Mas lalong lumabas ang kutis mo, tapos mukhang marami nang magiging customer rito dahil sa’yo. Nako, nako, bakit kasi ang ganda mo,” puri niyang saad sa akin.“Sige na, Jules, standby ka na doon dahil mukhang parami na ang mga tao. Lalo na ang mga professional dahil madalas dito sila nagme-meeting,” saad niya.Nang dumating ang maraming tao ay aligaga kami sa pagse-serve, tapos sobrang daming kabataang lalaki ang nagsipasok.Pumunta ako sa isang table para kunin ang kanilang order, at mukhang mataray ang babaeng kasama nito. “Hi, ma’am, sir

  • The Billionaire Kidnapped the Wrong Girl   CHAPTER 2

    Alexandria Jules POV“JULES!” Buong lakas na sigaw ng kaibigan ko, sobrang lakas kung makasigaw.“Ano na naman ba, Rain? Nangbubulabog ka ng kapitbahay eh. Pwede bang hinaan mo ang boses mo? Nakakarindi,” sabi ko habang papalabas ng maliit na kwarto ko.Upang pagbuksan siya ng pinto ng apartment ko dahil sa lakas niyang sigaw sa labas, baka pati kapitbahay mabulabog niya dahil ang aga pa.Pagbukas ko ng pinto ay dere-deretso siyang pumasok na parang pagmamay-ari niya ang bahay.“Jules, may nahanap ka na bang trabaho?” tanong niya habang nakaupo sa maliit kong sofa. Di pa yan, talagang inilagay pa niya ang dalawang paa niya sa maliit na table ko. Wala niya talaga ang babaing ’to.“Wala pa. Kaya pwede bang alisin mo yang paa mo sa lamesa ko? Kakalinis ko lang niyan kahapon, dudumihan mo na naman,” saad ko sa kanya at dumiretso sa maliit kong kusina upang magtimpla ng kape. May dala naman siyang pandesal.Pagkatimpla ko ng kape ay dinala ko ito sa may sala na inuupuan niya at inilagay sa

  • The Billionaire Kidnapped the Wrong Girl   CHAPTER 1

    Third Person POV“ALICE, WHERE ARE YOU?” Dumagundong ang boses na iyon sa buong sulok ng mansyon ng mag-asawang Alice at Greyson.Dahil pagpasok na pagpasok pa lamang ni Greyson sa kanyang mansyon ay agad-agad niyang hinanap ang asawa niyang si Alice.“Honey, why are you shouting?” maarting saad ni Alice pababa sa hagdan ng mansyon habang tinitingnan ang kanyang mga kuko at upang sagutin ang galit na galit niyang asawa.“What the fuck did you do this time, Alice? You fucking hurt our son again.” Nanlilisik ang mga mata na saad ni Greyson sa kanyang asawa habang papalapit rito at hinawakan nang mahigpit ang braso ni Alice.“Ouch, Honey, I didn't mean to do it, okay?” maarte at ngiwing saad ni Alice sa kanyang asawa.“Hindi ibig sabihin na mahal kita, hindi na kita kayang saktan. Alam mong kayang-kaya kitang saktan pag anak na natin ang sinaktan mo,” malamig at mariing sambit ni Greyson kay Alice.Nanginig na naman si Alice dahil alam niya na sagad na niya ang pasensiya ng kanyang asawa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status