Accueil / Romance / The Billionaire Lawyer's Forbidden Obsession / KABANATA 07: Caught in the Moment

Share

KABANATA 07: Caught in the Moment

Auteur: aisley
last update Dernière mise à jour: 2025-11-06 09:53:50

Pagkapasok ni Ayumi sa kanilang bahay, agad niyang nasilayan si Adela na nakaupo sa sofa, may hawak na scented candle na may humahaplos na halimuyak ng lavender. Nang makita siyang dumating, kumislap ang mga mata ni Adela at may bahagyang pag-asa sa mukha. Para bang ang lahat ng kanyang pangamba ay matatanggal sa isang magandang balita.

Pero umiling lang si Ayumi, maputla ang mukha, at ramdam ang panghihina sa bawat hakbang.

“Basang-basa ka, Ayumi. Maligo ka muna at baka magkasakit ka,” mahinang sabi ni Adela, pilit pinipigil ang pagka-disappoint sa tono.

Tumango lang si Ayumi at dahan-dahang umakyat sa kanyang silid.

Nang maligo at makainom ng gamot, ramdam pa rin niya ang init ng lagnat at mahina ang katawan. Hininga niya’y mabigat, at halos hindi niya mapigilan ang sariling mahilo.

Lumipas ang oras, at nang dumating ang hatinggabi, tumawag si Samantha sa telepono ni Ayumi. Halatang excited ang kaibigan.

Paos na paos ang boses ni Ayumi habang ikinukwento ang lahat. Halos mapatili si Samantha,

“Wait lang, si Hunter ba ay… bading? Yakap at halik na ‘yan ah, tapos wala pa ring nangyari? Baka may something sa kanya, girl!” halakhak ni Samantha sa kabilang linya.

“Wala namang something sa kanya at hindi siya bading,” sagot ni Ayumi, may kasamang mapait na ngiti.

Huminga nang malalim si Samantha, pagkatapos ay ngumiti nang may kumpiyansa.

“If that’s the case… then there’s still hope. I don’t believe we can’t make him fall for us.”

Ngumiti si Ayumi, pero may bahagyang pangungutya sa ngiti. Alam niyang kahit anong gawin niya, kung ayaw ni Hunter, hindi niya kayang paikutin ang damdamin nito.

Matapos ang maikling pag-uusap kay Samantha, ibinaba ni Ayumi ang telepono at dahan-dahang nahiga sa kama. Ang katawan niya’y nanghihina, at sa wakas ay natulog nang tuluyan.

Nang magising, tanghali na. Tahimik ang buong bahay. Wala si Tita Adela, at mas lalo lamang lumala ang pakiramdam ni Ayumi.

When she checked her temperature, 39.5°C ang nakita niya.

“No wonder ang bigat ng pakiramdam ko,” bulong niya sa sarili, habang pinipilit bumangon.

Kumain siya ng kaunti at pagkatapos ay nag-taxi papuntang ospital. Sa loob ng taxi, halos hindi na niya maipigil ang panghihina. Siksikan ang mga tao sa hospital. Halos isang oras bago matawag ang pangalan niya.

Pagkatapos ng check-up, pinayuhan siya ng doktor na mag-Dextrose IV drip. Alas-tres ng hapon nang maikabit sa kanya ang suwero. Pagod na pagod si Ayumi at makalipas ang ilang minuto, nahiga siyang nakatulog muli.

Hindi nagtagal, dumating si Hunter kasama ang mama niya para kumuha ng gamot. Habang palabas na sila ng ospital, napadaan sila sa emergency room. Dito nakita ni Hunter si Ayumi. Mahimbing itong natutulog, may nakatusok na karayom sa maputing kamay, at ang maputlang mukha ay tila mas lalong naging maamo.

Napatingin si Hunter nang ilang segundo. Ramdam niya ang kakaibang tensyon sa dibdib.

“Did you know her?” tanong ni Mrs. Velasquez, pinapansin ang titig ng anak.

“Just a brief encounter,” kalma na sagot ni Hunter, walang halong emosyon.

Ngumiti si Mrs. Velasquez nang bahagya, ngunit napansin ang kakaibang intensity sa tingin ng anak.

Saktong nagising si Ayumi. Nang makita siya, biglang tumayo, nakalimutang may karayom pa sa kamay.

“Ah—!” gulat niyang sigaw. Agad siyang umupo at hinawakan ang kamay.

Napakunot ang noo ni Hunter. Naramdaman ni Mrs. Velasquez ng awa para kay Ayumi.

“Hunter, samahan mo muna siya. Kawawa naman, mag-isa lang at may sakit pa,” wika niya, may kasamang pangungumbinse.

Hindi sana papayag si Hunter, pero nang makita ang tingin ng mama niya, napilitan siyang pumayag.

Ipinasakay muna ni Hunter ang mama niya sa parking lot, kung saan naghihintay ang driver. Pagkaupo nila sa kotse,

“Maganda at mabait si Miss Ayumi. Hunter, dalawang taon na lang, tatlumpu ka na. Kung may makilala kang kagaya niya, sana seryosohin mo na.” wika ni Mrs. Velasquez:

Ngumiti lang si Hunter at inilagay ang kanyang kamay sa bulsa. Kung alam lang ni Mama na ex-girlfriend ni Levi si Ayumi… ganito pa rin kaya siya magsalita? bulong niya sa sarili. Pinaikot lang niya ang usapan upang hindi humaba.

Napailing si Mrs. Velasquez at tahimik na napabuntong-hininga.

Pagbalik ni Hunter sa emergency room, nakita niyang nakaupo na si Ayumi sa isang upuan, nakatingin sa bintana, parang malalim ang iniisip. Aminado siyang naaakit sa katawan ni Ayumi, lalo na sa mapuputi at mahahabang binti nito na nakakabighani. Pero alam niyang hanggang doon lang ang damdamin niya. Hindi niya gustong mapunta sa buhay ng babae kung puro katawan lang ang interes.

Umupo siya sa tabi ni Ayumi.

“Ilang bag pa ng IV drip  ang kelangan mong ubusin?” tanong ni Hunter, tahimik ngunit may kasamang alintana.

Nagulat si Ayumi na bumalik pa siya. Ayaw niyang maging bastos, kaya mahinahon siyang sumagot:

“Isa na lang,” sagot niya, ramdam pa rin ang pagod at hilo.

Tumahimik si Hunter, kinuha ang cellphone at nagbasa ng mga emails. Sa kabila ng katahimikan, naramdaman ni Ayumi ang presensya nito, na para bang nagbibigay ng proteksyon sa paligid niya. Sa pagod at antok, dahan-dahan siyang nakatulog muli.

Sa pagitan ng panaginip at katotohanan, narinig niya ang boses ni Hunter na nakikipag-usap sa nurse. Pagkatapos, naramdaman niyang may isang jacket na maingat na ipinatong sa kanyang mga hita upang matakpan ang mga binting nakalantad. Ang simpleng kilos na iyon ay nagdulot ng kakaibang init sa dibdib ni Ayumi.

Para kay Hunter, simpleng pagmamalasakit lamang iyon pero para kay Ayumi, ito’y isang hindi inaasahang pag uugali ni Hunter.

Lumipas ang ilang minuto, at si Ayumi, naramdaman niya ang dahan-dahang pagpapatong ng kamay ni Hunter sa kanyang balikat. Hindi siya nagising agad, pero ramdam niya ang init at tahimik na presensya nito.

In the silence of the room, Hunter whispered almost to himself:

“She’s so delicate… I can’t just leave her like this.”

At kahit hindi niya direktang sinabi kay Ayumi, ramdam ng dalaga ang pag-aalala sa likod ng malamig na itsura ng binata.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • The Billionaire Lawyer's Forbidden Obsession   KABANATA 11: When the Past Refuses to Stay Buried

    Sobrang tahimik ng paligid at ramdam nila ang awkward ng atmosphere, parang biglang lumamig ang hangin sa pagitan nila. Napayuko si Ayumi, labis na nahihiya. Parang gusto niyang lamunin ng upuan o maglaho sa ere. Bakit pa kasi dito pa sila nagkita? Sa dami ng restaurant sa Makati, dito pa, sa mismong lugar kung saan hindi niya inakalang muling makikita si Levi at kasama pa si Claire.Bago pa man makapagsalita si Levi ng kung ano mang hindi maganda, narinig niya ang tawa ni Clark. "Ayumi is my friend," sabi ni Clark, may bahid ng biro pero halatang nang-aasar. "Siyempre kilala siya ni Levi! Claire, don’t worry. Levi is totally loyal to you."Habang sinasabi iyon, napatingin si Clark kay Levi, may halong pang-aasar at ngiti ng panalo sa labi niya. Nag-iba ang ekspresyon ni Levi at halatang inis, umiigting ang panga, at tumalikod na lang. Kasama niya si Claire na umupo sa kabilang mesa, pareho silang tahimik, pero ramdam ang tensyon na parang usok na hindi mawala-wala.“Ang laki ng Ma

  • The Billionaire Lawyer's Forbidden Obsession    KABANATA 10: Muling Pagtatagpo

    Sa mga sumunod na araw, naging abala si Ayumi. Hindi lang dahil sa trabaho, kundi dahil kailangan niyang ayusin ang kaso ng kanyang ama. Halos wala siyang tulog, laging may hawak na dokumento, at palaging may bitbit na kaba sa dibdib. Sa bawat pahina ng kaso, ramdam niya ang bigat ng responsibilidad at ang pag-asa na baka sakaling mailigtas pa ang ama niya.Ilang beses siyang nakipagkita kay Atty. Santos, isang kilalang abogado na kilala sa katalinuhan at disiplina. Minsan lang ito ngumiti, pero kapag ngumiti, ramdam mo ang respeto. Sa loob lamang ng ilang pagpupulong, naging malinaw na agad ang lahat ng detalye ng kaso. Parang mabilis na nagkaroon ng direksyon ang lahat ng bagay na dati ay magulo.Sa maluwang at maliwanag na opisina, maingat na sinuri ni Atty. Santos ang mga dokumentong dala ni Ayumi. Ang liwanag mula sa malaking bintana ay tumatama sa kanyang salamin, at sa bawat paglipat niya ng pahina, halatang pinag-iisipan niyang mabuti ang lahat.Pagkatapos ng ilang sandali ng

  • The Billionaire Lawyer's Forbidden Obsession    KABANATA 09: We Met in Silence, We Ended the Same Way

    Pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan, bumalik si Hunter sa study room.Ngayon, maayos na ang tono ng kanyang boses malamig ngunit may halong kabaitan.Napansin niya ang skirt ni Ayumi, medyo hindi maayos,kaya lumapit ito at marahan niyang inayos ang laylayan, pagkatapos ay tumungo siya sa maliliit na butones sa harap ng babae.“I can do it,” mahina ngunit nanginginig ang boses ni Ayumi. Sinubukan niyang ayusin ang mga butones ngunit maliit lang iyon, parang mga butil ng bigas, sobrang dulas, halos hindi mahawakan.Sa huli, naubos ang pasensya ng babae at hinayaan na si Hunter na rin ang mag ayos para sa kanya.Huminga si Hunter nang malalim at tumingin sa kanya.“Sorry, umabot tayo ng ganitong tagal,” mahinang sabi niya, may halong pagsisisi.“At pasensya rin sa nangyari kanina… I didn’t mean to make you uncomfortable.”Tahimik si Ayumi, ramdam ang bigat sa dibdib ngunit pinilit ang mahinahong ngiti.Bilang kabayaran, tinawag mismo ni Hunter ang kanyang abogado, si Elijah, upang

  • The Billionaire Lawyer's Forbidden Obsession   KABANATA 08: Sa Gitna ng Katahimikan

    Muling nagising si Ayumi, dahan-dahan, na para bang ayaw niyang guluhin ang sandaling iyon.Naramdaman niya ang init ng isang bisig na mahigpit na nakayakap sa kanyang baywang.Pagmulat ng kanyang mga mata, nakita niyang nakayakap siya kay Hunter.Ang dibdib niya ay bahagyang kumakabog habang unti-unti niyang inaalala kung paano siya napunta sa sitwasyon na iyon. Mabango ang paligid at ang amoy ng mamahaling aftershave ni Hunter na may halong woody scent, na tila nag-iiwan ng marka sa bawat paghinga niya.Malinis. Matalim. At sobrang lalaki.Napasinghap siya nang maramdaman ang lalim ng paghinga nito.Nakayuko si Hunter, hawak ang cellphone, nakikipag-usap sa tono ng boses na mababa ngunit mariin.May bigat sa bawat salitang binibitawan niya, parang abogadong sanay sa kontrol at disiplina.Kahit alam niyang hindi dapat maingay sa loob ng emergency room, walang naglakas-loob na sawayin siya.Ang mga nurse at ilang babae sa paligid ay napapalingon hindi dahil sa ingay, kundi dahil sa pr

  • The Billionaire Lawyer's Forbidden Obsession   KABANATA 07: Caught in the Moment

    Pagkapasok ni Ayumi sa kanilang bahay, agad niyang nasilayan si Adela na nakaupo sa sofa, may hawak na scented candle na may humahaplos na halimuyak ng lavender. Nang makita siyang dumating, kumislap ang mga mata ni Adela at may bahagyang pag-asa sa mukha. Para bang ang lahat ng kanyang pangamba ay matatanggal sa isang magandang balita.Pero umiling lang si Ayumi, maputla ang mukha, at ramdam ang panghihina sa bawat hakbang.“Basang-basa ka, Ayumi. Maligo ka muna at baka magkasakit ka,” mahinang sabi ni Adela, pilit pinipigil ang pagka-disappoint sa tono.Tumango lang si Ayumi at dahan-dahang umakyat sa kanyang silid. Nang maligo at makainom ng gamot, ramdam pa rin niya ang init ng lagnat at mahina ang katawan. Hininga niya’y mabigat, at halos hindi niya mapigilan ang sariling mahilo.Lumipas ang oras, at nang dumating ang hatinggabi, tumawag si Samantha sa telepono ni Ayumi. Halatang excited ang kaibigan.Paos na paos ang boses ni Ayumi habang ikinukwento ang lahat. Halos mapatili s

  • The Billionaire Lawyer's Forbidden Obsession   KABANATA 06: Sa Gitna ng Ulan

    Iniliko ni Hunter ang kotse at tumigil sa gilid ng kalsada, habang bumubuhos ang malakas na ulan. Ang malakas na ulan ay bumabagsak sa windshield na parang mga maliliit na bato. Hindi pa nakapagsalita si Ayumi nang marinig niya ang mahinang tunog ng seatbelt na tinanggal ni Hunter. Ang katawan niya ay biglang nanlamig sa kaba at excitement, hindi alam kung dapat ba siyang matakot o magpadala sa hindi maipaliwanag na init na kanyang nararamdaman.“Ayumi… why are you so tense?” bulong ni Hunter, mababa ang tinig at puno ng kapangyarihan, parang isang predator na nagmamasid sa biktima.“I-I'm not tense… I just…” nanginginig ang boses ni Ayumi, namumula ang pisngi at ang mga kamay ay parang nanlalamig sa ilalim ng malakas na ulan.Bago pa siya makapagsalita nang maayos, ramda

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status