Share

3. The Plan

Pinunasan ni Melanie ang mga luha na nagsimulang mangagsihulog sa kanyang mga mata.

Sinisisi niya ang sarili niya.

"How stupid of me to have done that!" Buong pagsisisi niyang sabi nang masilip ang blank cheque na nasa pitaka niya.

Pero naisip din niyang siguro nga ay everything has a price. She sacrificed her virginity para magawa ang kailangan niyang gawin.

Ngayon ay alam na niya kung nasaan si Blake. She secretly put a device kay Blake. A modern device na hindi pa naipapakilala sa mundo. She successfully attached that sa ari ni Blake kaya malalaman niya kung nasaan ito ngayon. Ito ang makabagong ginagamit ng mga spy na babae para manmanan ang target ng mga ito.

Sabi na nga ba niya, tama ang hula niya. Through Blake ay malalaman niya kung saan nagtatago si Mr. Ortega dahil wanted ito ng Interpol para pagbayaran ang mga krimen na nagawa nito sa ibang bansa.

Bago pa man mangyari yun ay sisiguraduhin niyang makikita ni Mr. Ortega kung paano niya pasasabugin ang ulo ng anak nito.

Mag-isa siyang bumiyahe dahil ayaw niyang pumalpak ang plano niya kapag malaman ito ng kanyang mga kasamahan.

Ang totoo ay hindi sumakay si Blake sa helicopter. He never did. Isang kamukha ni Blake at kasingkatawan ang sumakay sa helicopter nito habang ito ay naiwan sa bahay, nagbihis ito ng ibang damit at minaneho ang kotse na hindi naka register sa kanya. Kung hindi pa ito kinasiping ni Melanie ay hindi niya makikita kung nasaan ito ngayon.

Masakit man ang katawan ay pinilit ni Melanie na humabol. Pero para hindi makilala ay kinuha niya ang shaver at kinalbo ang kanyang buhok. What is hair? Tutubo din yun. Her virginity, she can never take that back. Nanghihinayang man sa nawala sa kanya ay hindi niya yun pagsisihan kung makikita niyang lumuha at magmakaawa si Mr. Ortega sa kanya mismo.

Naka plano na siya ng gagawin ngayon. May mga contact na rin siya, positive nga na dumaan ang sasakyang minamaneho ni Blake papuntang Norte. Huh! Kung sinusuwerte nga naman! Dalawang tao ang may balwarte sa Norte noon at isa na ang ama niya dun kaya marami pa rin siyang koneksiyon doon. Ultimo mga talyer sa tabi ng daan ay may loyalist ng kanyang ama kaya advantage niya na doon ang punta ni Blake. Although aminin niyang ang ama nito ang ka kompetensiya ng ama niya dati.

Hindi alam ni Melanie kung bakit tumigil si Blake. Nang bigla niyang maalala na natanggap na siguro ng contact niya ang mensahe na pinadala niya.

Positive nga, na flat an ang mga guma ng sasakyan ni Blake. Lihim siyang natuwa. This is her plan. Maya maya lang ay pasimple siyang bumusina.

Nagsimulang kabahan si Melanie nang makita niyang bumukas ang pinto ng sasakyan na sinusundan niya. Iniluwa nun ang matangkad at matipunong lalaki.

Biglang napasinghap si Melanie. Teka lang, si Blake Ortega ba to? Ito ba yung nakasiping niya kagabi? Bat parang iba ang nasa isip niyang itsura nito? Nagtataka si Melanie. Pero naisip din niya na siguro nga ay dahil sa tuwing binabanggit niya ang pangalan nito ay ang mukha ng ama nitong si Mr. Ortega ang nag fa flash sa kanyang utak kaya di niya napansin na magandang lalaki pala ito.

Isa pa, madilim kasi ang ilaw kaya hindi kita ni Melanie ang itsura ni Blake. Kaninang umaga naman ay nakayuko siya kaya hindi rin niya nakita ang itsura nito.

Pagkatapos sipatin ni Blake ang mga gulong ng sasakyan nito ay napailing ito.

Kinabahan si Melanie nang bigla na lang itong mapatingin sa kanya.

Mas lalo siyang kinabahan nang maglakad ito palapit sa kanyang sasakyan.

Halos hindi marinig ni Melanie ang boses ni Blake dahil sa sobrang kabang nararamdaman niya.

Nakatitig ito sa kanya kaya naisip ni Melanie na siguro ay nakilala siya nito.

Bigla nitong hinawakan ang kanyang mga kamay na nasa manobela, hindi naman niya maintindihan kung sa sobrang kaba ba kaya pakiwari niya'y may libo-libong bultahe ng kuryente na dumaloy sa kanyang kamay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status