[BUENAVISTA HOTEL – MAKATI | PRESIDENTIAL SUITE]"Sir, wala po akong makuhang impormasyon tungkol sa pinapahanap n’yong si Ms. Isabelle Belmonte Caballero," bungad ng imbestigador na in-hire niya. Napakunot ang noo ni Lucio. Hindi siya agad nagsalita. Nanatili siyang nakatalikod, nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling window ng presidential suite ng Buenavista Hotel, habang binabaybay ng mata ang kumikislap na city lights ng Makati sa ilalim ng walang-patid na ulo. Isang linggo na siyang namamalagi sa Manila at isang linggo buhat ng umalis siya sa Palawan ay pinahahanap na niya ang anak. Si Agusto ay pinabakasyon na muna niya ito matapos malaman na may lalaki na tila banyaga na nagbanta rito. Hindi pa niya alam kung sino ang kalaban niya sa ngayon. Pero kagabi ay makatanggap siya ng tawag dito na may lalaking umaaligid-ligid sa lugar nito. "Nandito po sa envelop ang copy ng CCTV ng ospital at ng hotel na sinabi niyo. Gusto niyo po bang makita?" Umilinh siya. "Ano'ng ibig mong sab
BANG! Isang malakas na putok ng baril ang bumasag sa katahimikan ng gabi—at sa isang iglap, naalimpungatan si Isabelle mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nagising ang buong diwa niya na tila binuhusan ng malamig na tubig. Kaagad siyang napabalikwas ng bangon, kasabay ng matinding kabog ng dibdib niya. Parang may kung ano na nagpayugyog sa puso niya—isang kaba na hindi niya maipaliwanag pero alam niyang masama. Ano iyon? Panaginib lang ba iyon? Dahil katahimikan lang namayani sandali kapagkuwan ay may mga kaluskos siyang narinig mula sa labas. Dahil bukas ang pinto sa balkonahe nila na natatakpan ng makapal na kurtina. Her breath caught in her throat. Napalingon siya sa kanan ng kama—walang Leon. Oh, God! A wave of panic surged through her chest. "Leon!" sigaw niya, garalgal ang boses habang tinatanggal ang kumot na bumabalot sa katawan niya. Sumabit pa ang paa niya roon at muntik na siyang madapa dahil sa pagmamadali niya. Hindi na niya alintana iyon kahit masakit ang pa
Pasado alas dos na ng madaling araw pero si Leon nanatiling gising. Samu't sari ang nararamdaman niya. Sa tanang ng buhay niya kanina lang siya nakaramdam ng takot. Hindi para sarili niya kung hindi para kay Isabelle at Shann na siyang kasama niya sa kotse kanina. Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman niya ng mga sandaling iyon. Buong akala niya ay katapusan na nila na hindi man lang siya makakalaban. Huminga siya nang malalim at mataman na nakatitig siya sa mahimbing na natutulog na si Isabelle. Nakadantay pa ang isang kamay at isang hita nito sa kaniya na tila ba ayaw siya nitong pakawalan. Tahimik ang buong paligid, at tanging maririnig ay ang malalim na paghinga ni Isabelle habang nakasiksik sa dibdib niya.He stared at her angelic face. That sweet, innocent face…Napakaganda. Nakakasilaw sa liwanag, nakakalunod sa lambing.It was enough to tempt a man into sin—especially a man like him.Hindi alam ni Isabelle kung gaano kalakas ang dating niya—how strong her sex appeal reall
"Brother-in-law!" masiglang bati ni Shann kay Leon nang pumasok ito sa loob ng kuwarto ni Mama Analyn. Yumakap pa ang kapatid niya kay Leon at hinila ito palapit sa kanila, tila ba matagal nang hinihintay ang pagdating nito. Pinayagan pa rin sila ni Doc Santiago na manatili roon kahit lampas na sa visiting hours. Gising pa rin si Mama Analyn. Namumungay na ang mga mata, halatang pagod, pero pilit pa ring nilalabanan ang antok—tila ba ayaw palampasin ang bawat sandaling kasama sila. "Ma, si Leon ho... asawa ko," malambing na pakilala ni Isabelle, sabay tayo at hinawakan ang kamay ng asawa. Agad namang yumuko si Leon bilang paggalang, at buong paggalang ding nagmano ito sa mama niya. May marahang kumalabit sa puso ni Isabelle habang pinagmamasdan ito—ang dating seryoso, tahimik, at mailap na si Leon. Noon ay tila laging may pader sa pagitan nila. Pero ngayon… Ibang-iba na ito. Sa bawat araw na nakakasama niya si Leon. Halos hindi niya mapaniwalaan na nagbabago ang ugali nito
Nakatayo si Lucio sa harap ng floor-to-ceiling window ng presidential suite niya sa Buenavista Hotel, Makati. Hawak niya ang baso ng alak. Mula sa kinatatayuan niya , tanaw niya ang mga nagkikislapang ilaw ng siyudad. Parang mga bituin na bumaba sa lupa. Pero kahit ganoon kaganda ang tanawin, wala ni isa roon ang nakakatulong para mapakalma ang utak niya. Dumiretso siyang ng Puerto Princesa. The moment he found out everything, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Kumuha siya ng last flight papunta ng Maynila. Gusto niyang mag-isip. Gusto niyang makagawa siya ng paraan kung papaano niya mailalayo si Isabelle sa mga kamay ng mga Russo. He’s been in that world. Alam niya kung gaano kabilis gumalaw ang mga taong katulad ng mga Russo. At alam niya kung paano gumamit ng tao ang mga iyon—lalo na kung babae, at lalong-lalo na kung anak niya. He took a slow sip from his glass, eyes still fixed on the city below. Kung may huli pa siyang magagawa bilang ama, ito na 'yon. Ilayo si Isabe
Bumalong ang maiinit na luha mula sa mga mata ni Isabelle sa sandaling masilayan niyang gising na si Mama Analyn. Hindi siya makapaniwala—parang kahapon lang ay wala silang kasiguraduhan kung magigising pa ito. Pero ngayon… narito na, muling bumalik ang liwanag sa mundo nila. Nasa loob din ng kwarto si Doc Santi, nakangiti habang masayang kinakausap si Mama. Bagaman hindi pa pinapayagan na magsalita ang mama niya, pinipilit nito na ngumiti sa doktor bilang tugon nito sa mga tanong. “Ma…” Hindi na napigilan ni Isabelle ang sarili. Agad siyang tumakbo palapit sa kama, nanginginig ang katawan sa sobrang emosyon habang niyayakap ang ina. “Ma… salamat at gising na kayo…” aniya sa gitna ng paghagulgol. Marahan niyang niyakap si Mama Analyn. Pinisil nito ang kamay niya na hawak-hawak niya kasabay ng namuong luha nito. Doon tuluyan humulagpos ang luha rin ng mama niya. Panay ang pisil nito sa kamay niya kahit mahina, dama ni Isabelle ang init ng kamay ng mama niya. Sa gilid ng si