Mag-log inAzeria’s POV
Ang una kong namulatan ay ang puting kisame amoy ng gamot at antiseptic ang bumungad sa aking ilong, at ang tanging naririnig ko ay ang mahinang tunog ng makinang nasa gilid ng aking kama. Mabigat ang pakiramdam ko na larang pinagdikit ang buong katawan ko ng mga piraso ng salamin sinubukan kong igalaw ang aking mga kamay, at doon ko lang napansin ang karayom na nakasaksak sa aking ugat.
Nandito ako sa ospital.
Dahan-dahang pumasok sa isip ko ang mga nangyari ang pagmamaneho ko habang umiiyak, ang matinding ilaw na nakakasilaw, ang malakas na pagkalampag... at ang huling bagay na naalala ko bago ako nawalan ng malay ang anak ko kaya hinawakan ko ang aking tiyan.
Mabilis na dumating ang isang nars nang makita niyang gumagalaw ako. "Ma'am, huwag po munang bumangon kailangan mo ping mag pahinga," malambing niyang sabi habang inaayos ang kumot ko.
"A-ang anak ko... kumusta ang anak ko?" nanginginig kong tanong, hindi alintana ang sakit ng aking ulo.
Tumahimik siya ibinaba niya ang tingin, at sa sandaling iyon parang huminto ang mundo ko.
"Pasensya na po, Ma'am... pero nawala po ang bata masyado po kasing malakas ang naging epekto ng aksidente sa inyong katawan ginawa po namin ang lahat, pero hindi po namin naisalba ang bata."
Hindi ako nakasagot parang may malaking butas na nabuo sa gitna ng dibdib ko mas malalim pa sa sugat na natamo ko sa aksidente, napahawak ako sa aking tiyan at humagulgol nang walang tunog. Ang munting pangarap na binuo ko, ang dahilan kung bakit ko sinubukang magsimula ulit ay nawala kasabay ng pagkawala ng aking anak.
Maya-maya, bumukas ang p***o alam ko kung sino siya kahit hindi ko pa siya nakikita ang bigat ng hangin na dala niya ay sapat na para malaman ko…si Adrian.
Lumapit siya sa kama ko at kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata, pero sa ngayon, wala na akong pakialam. Ang bawat tingin niya ay paalala lamang sa lahat ng nawala sa akin dahil sa kaniya.
"Azeria" tawag niya nang mahina, akmang hahawakan ang kamay ko agad kong binawi ito.
"Huwag mo akong lapitan" mariin kong sabi, ang bawat salita ay puno ng poot at sakit na matagal ko nang kinikimkim. "Huwag mo akong hawakan na parang may karapatan ka pa."
Napahinto siya "Narinig ko ang sinabi ng doktor. Pasensya na alam kong hindi ko mabawasan ang sakit nararamdaman mo, pero nandito ako at magkasama natin itong haharapin ito." Napatawa ako nang mapakla sa sinabi niya.
"Magkasama falaga ba, Adrian kailan tayo naging magkasama noong niloko mo ako sa sarili mong opisina noong sinabi mong hindi mo ako kailanman minahal o ngayon kasi nawala ang anak natin kaya biglang guston mong maging mabuting asawa?"
Namutla siya sa aking mga salita. "Hindi ko sinasabing tama ang mga ginawa ko pero hindi mo masasabi na wala akong nararamdaman para sa'yo natakot lang ako na baka iwan moko pag dating ng araw na hindi naki kailangan ng pamilya mo, at nagkamali ako don"
"Nagkamali?" tinaasan ko siya ng boses habang pinipigilan ang sarili kong sumigaw nang mas malakas. "Ang pagtataksil ba ay isang pagkakamali lang ang pagkawala ng anak natin... iyon ba ay pagkakamali rin ko, Adrian dahil tumakbo ako palayo sa'yo dahil mas pinili kong umalis kaysa manatili sa piling ng taong hindi naman ako nakikita?" Umupo siya sa gilid ng upuan, tila pagod na pagod na rin.
"Alam kong galit ka may karapatan kang magalit. Pero huwag mong isipin na madali lang din para sa akin ang lahat ng ito nawalan din ako ng anak, Azeria"
Tumingin ako sa kaniya nang diretso, at sa pagkakataong iyon, wala nang luha sa mga mata ko tanging lamig at pagod na lamang.
"Hindi, Adrian. Hindi tayo parehas. Ikaw, mayroon ka pang ibang pagpipilian. Ako... kinuha na ng tadhana, ang tanging dahilan na nagpapanatili sa akin sa mundong ito qt simula ngayon wala ka nang puwang sa buhay ko."
Kinuha ko ang telepono mula sa ibabaw ng mesa sa gilid ng kama ko at pinindot ko ang numero ng aking abogado ang taong matagal ko nang kakilala at pinagkakatiwalaan.
"Hello, Attorney Marco..." panimula ko nang sumagot siya sa kabilang linya ang boses ko at nanginginig larin, peru walang pag-aalinlangan. "Oo, ako ito gusto kong ipaghanda mo na ang lahat ng dokumento mag-file na tayo ng kaso para sa diborsyo"
Nanlaki ang mga mata ni Adrian. Agad siyang tumayo at akmang kukunin ang telepono sa kamay ko pero umiwas ako.
"Anong ginagawa mo?! Pag-usapan natin ito, Azeria hindi tayo pwedeng maghiwalay nang ganito lang kadali!" sigaw niya, nanginginig ang boses sa halo-halong galit at takot.
Tumingin ako sa kaniya nang diretso. "Hindi na mayroon tayong pag-uusapan, Adrian. Nawala na sakin ang anak ko, iyon ang huling paalala sa akin na kung magpapatuloy pa ako sa piling mo, mas marami pa akong mawawala" sabi ko sa kaniya habang hind ininaalis ang tingin sa kaniyang mata “nung nawala ang anak ko ay nawala rin ang pag mamahal ko sayi Adrian”
"Hindi pwede Azeria. Walang korte ang maghihiwalay sa atin hangga't hindi ko pinapayagan!" mariin niyang sabi, ang mukha niya ay namumula sa galit.
"Pwede, Adrian. Pwede dahil hindi na kita mahal at higit sa lahat hindi ko na kayang manatili sa piling ng taong dahilan kung bakit nasira ang buhay ko." Binalingan ko ulit ang telepono.
"Attorney, ipadala mo na lang sa akin ang mga papeles kapag handa na pipirma ako kahit dito sa ospital at huwag kang mag-alala, ibibigay ko ang lahat ng kailangan niyo para mapabilis ito."
Ibinaba ko ang telepono at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Habang lumalabas ang araw naliwanag ay pakiramdam ko ay hindi na ito kasing liwanag ng dati ang bawat umaga mula ngayon ay magiging paalala sa akin ng lahat ng nawala pero... mas pipiliin ko ang lungkot na ito kaysa sa manatili sa piling ng taong puno ng panloloko ang maiaalay sa akin.
Lumapit siya sa akin, ang mukha niya ay halos hindi ko na makilala sa halo-halong emosyon. "Mas pipiliin na matapus ang lahat sa ganitong paraan? Sira-sira na tayo, alam ko 'yan, pero hindi ibig sabihin na susuko na tayo agad bigyan mo pa ako ng pagkakataon, Azeria bbawi ako. Pangako magbabago nako."
Umiling ako nang dahan-dahan. "Huli na ang lahat, Adrian. Ang pagkakataong hinihingi mo... ginugol ko na iyon sa tatlong taon na pilit kitang minahal kahit hindi mo ako suklian at sapat na 'yon hindi ko na kayang ibigay pa ang sarili ko sa taong hindi naman marunong pahalagahan ako."
Tinitigan niya ako nang matagal, tila sinusubukang basahin kung may kahit anong bakas pa ng pagmamahal sa mga mata ko para sa kaniya. Pero alam nating parehas na wala na. Ang pusong minsang tumibok para sa kaniya, ay nawala kasama na ng pag kamatay ng aking anak dahil sa aksidenteng iyon.
"Huwag mong pagsisisihan ang desisyon mong 'to," malamig niyang sabi, ang dating pagmamakaawa ay napalitan ng pagmamalaki at galit. "Hihintayin ko ang mga papeles mo pero huwag mong asahan na magiging madali ang lahat para sa'yo."
"Kahit anong gawin mo, Adrian hindi na magbabago ang desisyon ko umalis ka na gusto kong magpahinga at simula ngayon... huwag mo na akong dadalawin."
Tumalikod siya dahan-dahan siyang lumabas ng p***o ng kwarto ko. Nang sumara ang p***o sa likuran niya, doon ko lang hinayaang mahulog ang lahat ng luha ko. Umiiyak ako hindi para sa kaniya, kundi para sa sarili ko at sa munting buhay na hindi ko man lang nakayakap.
Pero sa kabila ng sakit, alam kong tama ang ginawa ko ito ang simula ng paghilom ko at kahit na magiging mahirap at masakit ay taranggay ko.
TO BE CONTINUE
AZERIA'S POV"Azeria.. kailangan mong umuwi," nanginginig ang boses ni Tita Elena sa kabilang linya. "Nagkaproblema ang kumpanya kung wala ka dito ay wala ng mamumuno sa companya ng magulang mo Azeria, malapit na itong bumagsak dahil maraming utang, at natatakot kami na baka mawala na ang lahat ng pinaghirapan ng ama mo."Napahawak ako sa aking tiyan malaki na ito at kitang-kita na ang pagdadalang-tao ko kahit nagsusuot pa ako ng maluwag na damit kaya hindi madali ang desisyong umuwi. Pero paano ko iiwan ang kumpanyang binuo ni daddy ko gamit ang kanyang pawis at dugo? Ito ang pamana niya sa amin ni mommy, hindi ako papayag na pati alaala ni daddy ay mawala. Kaya nag-impake ako agad at bumalik sa Pilipinas hindi bilang ang dating mahinang Azeria na tumatakbo palayo sa problema, kundi bilang isang babaeng handang harapin ang anumang hamon para sa anak ko at sa amin ni mommy.Kasama ko si Nathan ang aking matagal nang kaibigan at ngayon ay aking personal na sekretarya siya ang nag-alok
Azeria's POVPumirma ako sa ibabaw ng linyang iyon nang walang pag-aalinlangan ang tinta ng bolpen ay tila huling bahagi ng isang kabanata na matagal ko nang gustong isara at ang mga papeles ng diborsyo ay nasa harap ko at malinaw na wala na kaming kasal ni Adrian. Wala na akong obligasyon sa kaniya at wala na rin siyang karapatan sa akin.Ilang linggo na rin mula nang makalabas ako ng ospital ang paghilom ng aking sugat ay dahan-dahan, pero ang paghilom ng puso ko ay mas matagal pa sa bawat pagtingin ko sa salamin, nakikita ko ang babaeng nawala sa lahat sa asawa, sa anak, at sa pangarap pero sa kabila ng lahat, alam kong kailangan kong bumangon hindi para sa iba, kundi para sa sarili ko.Kaya nag-impake ako at isang maleta lang ang dala ko sapat para simulan ang bagong buhay na aking pinangarap. Lumipad ako patungo sa isang maliit na bayan sa ibang bansa, malayo sa ingay ng siyudad at malayo sa alaala ni Adrian at malayo sa sakit ng nakaraan dito, walang nakakakilala sa akin at pwed
Azeria’s POVAng una kong namulatan ay ang puting kisame amoy ng gamot at antiseptic ang bumungad sa aking ilong, at ang tanging naririnig ko ay ang mahinang tunog ng makinang nasa gilid ng aking kama. Mabigat ang pakiramdam ko na larang pinagdikit ang buong katawan ko ng mga piraso ng salamin sinubukan kong igalaw ang aking mga kamay, at doon ko lang napansin ang karayom na nakasaksak sa aking ugat.Nandito ako sa ospital.Dahan-dahang pumasok sa isip ko ang mga nangyari ang pagmamaneho ko habang umiiyak, ang matinding ilaw na nakakasilaw, ang malakas na pagkalampag... at ang huling bagay na naalala ko bago ako nawalan ng malay ang anak ko kaya hinawakan ko ang aking tiyan. Mabilis na dumating ang isang nars nang makita niyang gumagalaw ako. "Ma'am, huwag po munang bumangon kailangan mo ping mag pahinga," malambing niyang sabi habang inaayos ang kumot ko."A-ang anak ko... kumusta ang anak ko?" nanginginig kong tanong, hindi alintana ang sakit ng aking ulo.Tumahimik siya ibinaba ni
AZERIA'S POVHindi ko alam kung paano ako nakauwi at ang bawat pulso ng aking puso ay parang sinasabing huminto na ako at ang mga mata ko ay namumugto at mahapdi sa kakaiyak. Pagpasok ko sa bahay na akala ko ay aming tahanan ay biglang naging estranghero ang bawat sulok nito. Ang bawat litrato sa pader at bawat dekorasyon, bunga ng mga pinagsamahan namin... lahat ng iyon ay parang panloloko lamang at ang pinakamasakit, hawak-hawak ko pa rin ang aking tiyan. Mabilis akong naglakad paakyat sa aming kwarto at hindi ako nag-aksaya ng oras. Binuksan ko ang malaking maleta sa loob ng aparador at nagsimulang mag-impake hindi ko na pinili ang mga damit ang anuman ang aking makuha ay isinilid ko lahat at ang iniisip ko lang ay ang kailangan kong makaalis dito. Malayo sa kaniya upang hindi kons siya makita pa. Habang ang mga kamay ko ay nanginginig, hindi sa takot, kundi sa halo-halong sakit at pagtanggap na mas mabuti nang umalis kaysa manatili sa piling ng taong nakikita lang ako bilang is
AZERIA POV“You're already twenty seven Ria” sabi ni mommy mula sa tawag “bakit hindi pa kayu mag pakasal ni Adrian” dagdag niya kaya ako'y napangiti. “Mom, hindi mo panga siya nakikilala” nakangiti kong tugon “peru wag kang mag alala, ipapakilala kona siya sayu, bukas na bukas din. Kasi sigurado akong pakakasalan na niya agad ako pag once na malaman niya ito” dag-dag ko. Isang malaking ngiti ang nakapaskil sa aking mga labi habang hawak-hawak ko ang isang maliit na kahon. Sa loob nito ay ang resulta ng aking pagdadalang-tao isang bagay na matagal na niyang pinapangarap na mag karon kami, tatlong taon na kaming nag sasam ni Adrian at sa wakas ay nag bunga na ang aming matagal ng pinapangarap. “Paano mo nasab—” agad kong pinutol ang sasabihin ni mommy ng huminto nako sa tapat ng pïnto ng office ni Adrian. “Malalaman mo din mom, sige napo mamaya nalang po kita tawagan nandito nako”sabi ko at pin@tay ang tawag, hindi parin maipaliwanag ang sayang aking nararamdaman kaya huminga ako







