Mag-log inAZERIA'S POV
"Azeria.. kailangan mong umuwi," nanginginig ang boses ni Tita Elena sa kabilang linya. "Nagkaproblema ang kumpanya kung wala ka dito ay wala ng mamumuno sa companya ng magulang mo Azeria, malapit na itong bumagsak dahil maraming utang, at natatakot kami na baka mawala na ang lahat ng pinaghirapan ng ama mo."
Napahawak ako sa aking tiyan malaki na ito at kitang-kita na ang pagdadalang-tao ko kahit nagsusuot pa ako ng maluwag na damit kaya hindi madali ang desisyong umuwi. Pero paano ko iiwan ang kumpanyang binuo ni daddy ko gamit ang kanyang pawis at dugo? Ito ang pamana niya sa amin ni mommy, hindi ako papayag na pati alaala ni daddy ay mawala.
Kaya nag-impake ako agad at bumalik sa Pilipinas hindi bilang ang dating mahinang Azeria na tumatakbo palayo sa problema, kundi bilang isang babaeng handang harapin ang anumang hamon para sa anak ko at sa amin ni mommy.Kasama ko si Nathan ang aking matagal nang kaibigan at ngayon ay aking personal na sekretarya siya ang nag-alok na samahan ako dito at tutulong sa pagpapatakbo ng kumpanya siya ang sandalan ko sa mga panahong hindi ko kaya ang bigat ng lahat.
Ilang buwan ang lumipas araw-araw ay ginugol ko sa pag-aaral ng mga dokumento, pakikipag-usap sa mga namumuhunan, at pag-aayos ng mga gusot na naiwan mahirap, nakakapagod, at madalas ay umiiyak ako sa gabi dahil sa bigat ng pasanin. Pero sa tuwing hinahaplos ko ang aking tiyan, bumabalik ang lakas ko para sa kaniya ang lahat ng ito.
Hanggang sa dumating ang gabing kinatatakutan ko ang unang pagtitipon ng mga CEO at may-ari ng malalaking kumpanya sa bansa kinakailangan kong dumalo dito dahil don ko makikita ang mga taong makakatulong sa pagbangon ng kumpanya ni Daddy at dito rin... alam kong may pagkakataong magkita kami muli.
Kasama ko si Nathan nang pumasok ako sa bulwagan inalalayan niya ako nang marahan, at nang makita ng iba ang paglapit niya sa akin ay hindi na sila nag taka, peru nang makita nila ang aking tiyan ay don sila mag react, agad silang nag bulongan peru hindi ko sila pinansin at nag patuloy sa pag lakad natigilan ako ng makita ko ang lalaking iniiwasan kong makita.
Adrian.
Nakasuot siya ng matikas na suit, mukhang maayos at makinis ang hitsura, pero ang mukha niya ay naging maputla nang makita kami ni Nathan ang mga mata niya ay mabilis na dumapo sa aking tiyan, at mula roon ay lumipat kay Nathan na nakangiti nang may paggalang sa akin.
Dahan-dahan kaming lumapit para batiin ang ibang mga bisita, at hindi maiwasang magkatagpo ang aming mga landas.
"Magandang gabi, Azeria" malamig na bati ni Adrian, pero ang mga mata niya ay nakapako kay Nathan. "mukhang maayos ang naging buhay mo pagkatapos mong umalis."
Bago pa ako makasagot, nagsalita na si Nathan. Hinawakan niya ang aking braso nang marahan at tumingin kay Adrian nang diretso.
"Magandang gabi rin po, Sir Adrian. Pinagbubuti po namin ang lahat lalo na ngayong malapit na naming salubungin ang aming munting himala."
Namutla lalo si Adrian tumingin siya sa akin, tila naghahanap ng pagtanggi sa aking mga mata. Pero pinili kong manatiling tahimik kung ganito ang iisipin niya, mas mabuti na iyon hindi niya kailangang malaman ang totoo. Mas mabuti nang isipin niyang may iba na ako, kaysa hanapin niya ang anak ko at guluhin ang buhay na sinimulan ko.
"Kaya pala..." bulong ni Adrian, at ang boses niya ay puno ng sakit at galit na pilit niyang itinatago. "Kaya pala hindi ka nag-atubiling pumirma sa diborsyo may nag hihintay na pala sayung iba at ngayon... magkakaroon na kayo ng pamilya."
"Adrian, hindi ganoon ang—" sinubukan kong magpaliwanag pero pinutol niya ako.
"Huwag ka nang magpaliwanag nakikita ko naman ang totoo sa sarili kong mga mata," mariin niyang sabi habang pinipigilan ang kaniyang galit. "Binabati kita, Azery. Sana sa pagkakataong ito, hindi ka na muling magkamali sa pagpili ng lalaking sasandalan mo."
Tumalikod siya at mabilis na naglakad palayo, parang ayaw na niyang makita pa kami. Nanatili akong nakatayo doon, hawak-hawak ang aking tiyan, habang si Nathan ay marahang hinaplos ang aking likuran para iparamdam na nandiyan siya.
"Ginawa ko lang ang tama, Azeria. Kung mas madali para sa kaniyang isipin na akin ang bata kaysa alamin ang totoo... panatag na ang loob mo na hindi ka niya guguluhin," bulong ni Nathan sa akin.
Alam kong tama siya pero bakit pakiramdam ko... parang may bahagi ng puso ko na nasaktan nang makita ko ang pagkawala ng liwanag sa mga mata niya bago siya tuluyang lumayo?
TO BE CONTINUED
AZERIA'S POV"Azeria.. kailangan mong umuwi," nanginginig ang boses ni Tita Elena sa kabilang linya. "Nagkaproblema ang kumpanya kung wala ka dito ay wala ng mamumuno sa companya ng magulang mo Azeria, malapit na itong bumagsak dahil maraming utang, at natatakot kami na baka mawala na ang lahat ng pinaghirapan ng ama mo."Napahawak ako sa aking tiyan malaki na ito at kitang-kita na ang pagdadalang-tao ko kahit nagsusuot pa ako ng maluwag na damit kaya hindi madali ang desisyong umuwi. Pero paano ko iiwan ang kumpanyang binuo ni daddy ko gamit ang kanyang pawis at dugo? Ito ang pamana niya sa amin ni mommy, hindi ako papayag na pati alaala ni daddy ay mawala. Kaya nag-impake ako agad at bumalik sa Pilipinas hindi bilang ang dating mahinang Azeria na tumatakbo palayo sa problema, kundi bilang isang babaeng handang harapin ang anumang hamon para sa anak ko at sa amin ni mommy.Kasama ko si Nathan ang aking matagal nang kaibigan at ngayon ay aking personal na sekretarya siya ang nag-alok
Azeria's POVPumirma ako sa ibabaw ng linyang iyon nang walang pag-aalinlangan ang tinta ng bolpen ay tila huling bahagi ng isang kabanata na matagal ko nang gustong isara at ang mga papeles ng diborsyo ay nasa harap ko at malinaw na wala na kaming kasal ni Adrian. Wala na akong obligasyon sa kaniya at wala na rin siyang karapatan sa akin.Ilang linggo na rin mula nang makalabas ako ng ospital ang paghilom ng aking sugat ay dahan-dahan, pero ang paghilom ng puso ko ay mas matagal pa sa bawat pagtingin ko sa salamin, nakikita ko ang babaeng nawala sa lahat sa asawa, sa anak, at sa pangarap pero sa kabila ng lahat, alam kong kailangan kong bumangon hindi para sa iba, kundi para sa sarili ko.Kaya nag-impake ako at isang maleta lang ang dala ko sapat para simulan ang bagong buhay na aking pinangarap. Lumipad ako patungo sa isang maliit na bayan sa ibang bansa, malayo sa ingay ng siyudad at malayo sa alaala ni Adrian at malayo sa sakit ng nakaraan dito, walang nakakakilala sa akin at pwed
Azeria’s POVAng una kong namulatan ay ang puting kisame amoy ng gamot at antiseptic ang bumungad sa aking ilong, at ang tanging naririnig ko ay ang mahinang tunog ng makinang nasa gilid ng aking kama. Mabigat ang pakiramdam ko na larang pinagdikit ang buong katawan ko ng mga piraso ng salamin sinubukan kong igalaw ang aking mga kamay, at doon ko lang napansin ang karayom na nakasaksak sa aking ugat.Nandito ako sa ospital.Dahan-dahang pumasok sa isip ko ang mga nangyari ang pagmamaneho ko habang umiiyak, ang matinding ilaw na nakakasilaw, ang malakas na pagkalampag... at ang huling bagay na naalala ko bago ako nawalan ng malay ang anak ko kaya hinawakan ko ang aking tiyan. Mabilis na dumating ang isang nars nang makita niyang gumagalaw ako. "Ma'am, huwag po munang bumangon kailangan mo ping mag pahinga," malambing niyang sabi habang inaayos ang kumot ko."A-ang anak ko... kumusta ang anak ko?" nanginginig kong tanong, hindi alintana ang sakit ng aking ulo.Tumahimik siya ibinaba ni
AZERIA'S POVHindi ko alam kung paano ako nakauwi at ang bawat pulso ng aking puso ay parang sinasabing huminto na ako at ang mga mata ko ay namumugto at mahapdi sa kakaiyak. Pagpasok ko sa bahay na akala ko ay aming tahanan ay biglang naging estranghero ang bawat sulok nito. Ang bawat litrato sa pader at bawat dekorasyon, bunga ng mga pinagsamahan namin... lahat ng iyon ay parang panloloko lamang at ang pinakamasakit, hawak-hawak ko pa rin ang aking tiyan. Mabilis akong naglakad paakyat sa aming kwarto at hindi ako nag-aksaya ng oras. Binuksan ko ang malaking maleta sa loob ng aparador at nagsimulang mag-impake hindi ko na pinili ang mga damit ang anuman ang aking makuha ay isinilid ko lahat at ang iniisip ko lang ay ang kailangan kong makaalis dito. Malayo sa kaniya upang hindi kons siya makita pa. Habang ang mga kamay ko ay nanginginig, hindi sa takot, kundi sa halo-halong sakit at pagtanggap na mas mabuti nang umalis kaysa manatili sa piling ng taong nakikita lang ako bilang is
AZERIA POV“You're already twenty seven Ria” sabi ni mommy mula sa tawag “bakit hindi pa kayu mag pakasal ni Adrian” dagdag niya kaya ako'y napangiti. “Mom, hindi mo panga siya nakikilala” nakangiti kong tugon “peru wag kang mag alala, ipapakilala kona siya sayu, bukas na bukas din. Kasi sigurado akong pakakasalan na niya agad ako pag once na malaman niya ito” dag-dag ko. Isang malaking ngiti ang nakapaskil sa aking mga labi habang hawak-hawak ko ang isang maliit na kahon. Sa loob nito ay ang resulta ng aking pagdadalang-tao isang bagay na matagal na niyang pinapangarap na mag karon kami, tatlong taon na kaming nag sasam ni Adrian at sa wakas ay nag bunga na ang aming matagal ng pinapangarap. “Paano mo nasab—” agad kong pinutol ang sasabihin ni mommy ng huminto nako sa tapat ng pïnto ng office ni Adrian. “Malalaman mo din mom, sige napo mamaya nalang po kita tawagan nandito nako”sabi ko at pin@tay ang tawag, hindi parin maipaliwanag ang sayang aking nararamdaman kaya huminga ako







