Mag-log inAzeria's POV
Pumirma ako sa ibabaw ng linyang iyon nang walang pag-aalinlangan ang tinta ng bolpen ay tila huling bahagi ng isang kabanata na matagal ko nang gustong isara at ang mga papeles ng diborsyo ay nasa harap ko at malinaw na wala na kaming kasal ni Adrian. Wala na akong obligasyon sa kaniya at wala na rin siyang karapatan sa akin.
Ilang linggo na rin mula nang makalabas ako ng ospital ang paghilom ng aking sugat ay dahan-dahan, pero ang paghilom ng puso ko ay mas matagal pa sa bawat pagtingin ko sa salamin, nakikita ko ang babaeng nawala sa lahat sa asawa, sa anak, at sa pangarap pero sa kabila ng lahat, alam kong kailangan kong bumangon hindi para sa iba, kundi para sa sarili ko.
Kaya nag-impake ako at isang maleta lang ang dala ko sapat para simulan ang bagong buhay na aking pinangarap. Lumipad ako patungo sa isang maliit na bayan sa ibang bansa, malayo sa ingay ng siyudad at malayo sa alaala ni Adrian at malayo sa sakit ng nakaraan dito, walang nakakakilala sa akin at pwede kong simulan ang lahat.
Ngunit habang lumilipas ang mga araw may kakaibang nararamdaman ako. Akala ko pagkatapos ng aksidente at pagkawala ng isa kong anak, babalik na sa normal ang lahat pero hindi. Hindi nabawasan ang pagkahilo ko at mas lalo pa akong nakakaramdam ng pagod at antok at hindi nababawasan ang paglaki ng aking tiyan sa halip, tila unti-unti pa itong lumalaki na parang may bata pa sa tiyan ko kays akoy nag taka.
Isang umaga, hindi ko na matiis ang aking pag-aalala. Pumunta ako sa isang malapit na clinic at kinakabahan ako habang hinihintay ang doktor sa loob ng silid paano kung may masamang nangyari sa katawan ko paano kung may sakit ako?
Nang pumasok ang doktor, nakangiti siya nang matamis sakin isang babaeng magalang at maunawain.
"Ms. Azeria" tawag niya sa pangalan ko habang tinitingnan ang resulta ng aking ultrasound. "May magandang balita ako sa'yo."
Napalunok ako. "Doktor, sabihin niyo na po ang totoo handa na akong harapin kung ano man 'yan."
Tumingin siya sa akin nang diretso sa mga mata, at ang ngumiti ng pa malawak.
"Ang akala nating nawala na ang lahat peru hindi pala ganoon ang nangyari sa loob ng sinapupunan mo, Azeria, may dalawang bata kang dinadala noon at isa sa kanila ang hindi na nila naisalba noong aksidente pero ang isa... ligtas siya buhay siya at lumalaki siya nang maayos sa loob mo ngayon."
Natigilan ako at parang huminto ang pagtibok ng puso ko sa isang sandali hindi ako makapaniwala. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak-hawak ko ang aking tiyan.
"B-buhay?" bulong ko, hindi sigurado kung narinig ko nang tama. "Sigurado po ba kayo, Doktor? Sabi nila sa ospital... na nawala na ang bata."
"Sa mga unang pagsusuri, mahirap talagang makita kung kambal ang dinadala mo lalo na sa maagang yugto ng pagbubuntis," paliwanag niya habang itinuturo sa akin ang maliit na anino sa screen ng makina. "Pero narito siya, Azeria. Malakas ang tibok ng puso niya. Isang himala na nabuhay siya"
Napaluha ako hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa halo-halong gulat at ligaya na hindi ko kayang ipaliwanag may natitira pa. May isang munting buhay na makakapag bigay saking ng pag-asa.
Paglabas ko ng clinic, sinalubong ako ng sikat na sikat na araw ang hangin ay presko, at sa unang pagkakataon mula noong aksidente, nakahinga ako nang maluwag hindi na ako nag-iisa may dahilan pa pala para ipagpatuloy ang laban. May dahilan pa para bumangon ulit tuwing umaga.
Ngunit habang naglalakad ako pabalik sa aking pansamantalang tirahan, isang tanong ang pumasok sa isip ko. Dapat ko bang sabihin kopa kay Adrian dapat ko bang ipaalam sa kaniya na buhay pa ang isa sa kaniyang mga anak?
Napahinto ako sa paglalakad at ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata at inalala ang lahat ang panloloko, ang mga salitang binitiwan niya, ang pagkawala ng isa kong anak, at ang pagpirma ko sa diborsyo.
Hindi ito ang buhay namin ng anak ko hindi na siya kailangang madamay sa gulo ng nakaraan hindi ko hahayaang mapasok muli si Adrian sa buhay namin at saktan kami ng kaniyang kawalan ng pagmamahal ang anak ko ay lalaking alam na sapat na kami lang sa isa't isa. Hindi niya kailangan ng amang hindi marunong pahalagahan ang tunay na kayamanan.
Hinaplos ko nang marahan ang aking tiyan, at sa pagkakataong iyon, nakangiti ako totoo at hindi maipalinag ang saya.
"Mag-iingat ako para sa atin langako 'yan," bulong ko sa aking tiyan. "Kahit tayo lang dalawa, sapat na yun gagawin ko ang lahat para sayu magiging ina at ama ako para sa'yo at hinding-hindi kita iiwan."
Hindi ko hahayaang malaman ni Adrian ang tungkol sa batang ito, hindi ko siya hahayaang makuha niya ang aking anak. Gagawin ko ang lahat para lang hindi sila mag kitang mag ama.
TO BE CONTINUED
AZERIA'S POV"Azeria.. kailangan mong umuwi," nanginginig ang boses ni Tita Elena sa kabilang linya. "Nagkaproblema ang kumpanya kung wala ka dito ay wala ng mamumuno sa companya ng magulang mo Azeria, malapit na itong bumagsak dahil maraming utang, at natatakot kami na baka mawala na ang lahat ng pinaghirapan ng ama mo."Napahawak ako sa aking tiyan malaki na ito at kitang-kita na ang pagdadalang-tao ko kahit nagsusuot pa ako ng maluwag na damit kaya hindi madali ang desisyong umuwi. Pero paano ko iiwan ang kumpanyang binuo ni daddy ko gamit ang kanyang pawis at dugo? Ito ang pamana niya sa amin ni mommy, hindi ako papayag na pati alaala ni daddy ay mawala. Kaya nag-impake ako agad at bumalik sa Pilipinas hindi bilang ang dating mahinang Azeria na tumatakbo palayo sa problema, kundi bilang isang babaeng handang harapin ang anumang hamon para sa anak ko at sa amin ni mommy.Kasama ko si Nathan ang aking matagal nang kaibigan at ngayon ay aking personal na sekretarya siya ang nag-alok
Azeria's POVPumirma ako sa ibabaw ng linyang iyon nang walang pag-aalinlangan ang tinta ng bolpen ay tila huling bahagi ng isang kabanata na matagal ko nang gustong isara at ang mga papeles ng diborsyo ay nasa harap ko at malinaw na wala na kaming kasal ni Adrian. Wala na akong obligasyon sa kaniya at wala na rin siyang karapatan sa akin.Ilang linggo na rin mula nang makalabas ako ng ospital ang paghilom ng aking sugat ay dahan-dahan, pero ang paghilom ng puso ko ay mas matagal pa sa bawat pagtingin ko sa salamin, nakikita ko ang babaeng nawala sa lahat sa asawa, sa anak, at sa pangarap pero sa kabila ng lahat, alam kong kailangan kong bumangon hindi para sa iba, kundi para sa sarili ko.Kaya nag-impake ako at isang maleta lang ang dala ko sapat para simulan ang bagong buhay na aking pinangarap. Lumipad ako patungo sa isang maliit na bayan sa ibang bansa, malayo sa ingay ng siyudad at malayo sa alaala ni Adrian at malayo sa sakit ng nakaraan dito, walang nakakakilala sa akin at pwed
Azeria’s POVAng una kong namulatan ay ang puting kisame amoy ng gamot at antiseptic ang bumungad sa aking ilong, at ang tanging naririnig ko ay ang mahinang tunog ng makinang nasa gilid ng aking kama. Mabigat ang pakiramdam ko na larang pinagdikit ang buong katawan ko ng mga piraso ng salamin sinubukan kong igalaw ang aking mga kamay, at doon ko lang napansin ang karayom na nakasaksak sa aking ugat.Nandito ako sa ospital.Dahan-dahang pumasok sa isip ko ang mga nangyari ang pagmamaneho ko habang umiiyak, ang matinding ilaw na nakakasilaw, ang malakas na pagkalampag... at ang huling bagay na naalala ko bago ako nawalan ng malay ang anak ko kaya hinawakan ko ang aking tiyan. Mabilis na dumating ang isang nars nang makita niyang gumagalaw ako. "Ma'am, huwag po munang bumangon kailangan mo ping mag pahinga," malambing niyang sabi habang inaayos ang kumot ko."A-ang anak ko... kumusta ang anak ko?" nanginginig kong tanong, hindi alintana ang sakit ng aking ulo.Tumahimik siya ibinaba ni
AZERIA'S POVHindi ko alam kung paano ako nakauwi at ang bawat pulso ng aking puso ay parang sinasabing huminto na ako at ang mga mata ko ay namumugto at mahapdi sa kakaiyak. Pagpasok ko sa bahay na akala ko ay aming tahanan ay biglang naging estranghero ang bawat sulok nito. Ang bawat litrato sa pader at bawat dekorasyon, bunga ng mga pinagsamahan namin... lahat ng iyon ay parang panloloko lamang at ang pinakamasakit, hawak-hawak ko pa rin ang aking tiyan. Mabilis akong naglakad paakyat sa aming kwarto at hindi ako nag-aksaya ng oras. Binuksan ko ang malaking maleta sa loob ng aparador at nagsimulang mag-impake hindi ko na pinili ang mga damit ang anuman ang aking makuha ay isinilid ko lahat at ang iniisip ko lang ay ang kailangan kong makaalis dito. Malayo sa kaniya upang hindi kons siya makita pa. Habang ang mga kamay ko ay nanginginig, hindi sa takot, kundi sa halo-halong sakit at pagtanggap na mas mabuti nang umalis kaysa manatili sa piling ng taong nakikita lang ako bilang is
AZERIA POV“You're already twenty seven Ria” sabi ni mommy mula sa tawag “bakit hindi pa kayu mag pakasal ni Adrian” dagdag niya kaya ako'y napangiti. “Mom, hindi mo panga siya nakikilala” nakangiti kong tugon “peru wag kang mag alala, ipapakilala kona siya sayu, bukas na bukas din. Kasi sigurado akong pakakasalan na niya agad ako pag once na malaman niya ito” dag-dag ko. Isang malaking ngiti ang nakapaskil sa aking mga labi habang hawak-hawak ko ang isang maliit na kahon. Sa loob nito ay ang resulta ng aking pagdadalang-tao isang bagay na matagal na niyang pinapangarap na mag karon kami, tatlong taon na kaming nag sasam ni Adrian at sa wakas ay nag bunga na ang aming matagal ng pinapangarap. “Paano mo nasab—” agad kong pinutol ang sasabihin ni mommy ng huminto nako sa tapat ng pïnto ng office ni Adrian. “Malalaman mo din mom, sige napo mamaya nalang po kita tawagan nandito nako”sabi ko at pin@tay ang tawag, hindi parin maipaliwanag ang sayang aking nararamdaman kaya huminga ako







