Share

Chapter 9

Ika labing walong kaarawan ni Cherry Lou na sila lang ni aling Joyce ang nag celebrate nang araw na iyon.

Nagpadala lang siya sa kanyang pamilya ng pera upang may ipanghanda ang mga ito para sa maliit na salu salo para sa kanya.

Tuwang tuwa ang kanyang mga kapatid na ng makita niya sa videocall ang iniluto at biniling cake ng inay niya para sa kanyang kaarawan.

Naluluha naman siyang natutuwa rin sa kanyang nakikita sa pamilya niya na kumpleto roon habang siya ay nasa malayo naman. Mas naramdaman niya pa ang pagka miss sa pamilya.

Madalang lang kase ang may pa cake at maraming handa kapag may birthday sa kanilang mag anak. Kaya naman ang makitang masaya ang mga nakababatang kapatid ay sobrang kagalakan na sa kanyang puso.

Nagpapasalamat siya kay aling Joyce na sinamahan siya nitong mamasyal kahit na alam niyang nalulungkot pa rin ito sa pagkawala ng pamangkin at pinipilit na magmukhang okay sa kanyang harapan.

Kung nabubuhay pa rin sana si Tinay ay mas masaya sana ang kanyang kaarawan.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status