Hindi nga dumalo ang Yeon family kasama ni Luis. Maraming nagtaka dahil mabilis na kumalat ang balita na inatras ng pamilya ni Luis ang wedding kaya nagtataka sila bakit tumuloy pa rin ang bride kasama ng panibagong groom.
“This is disgusting Antonio. Ano itong nangyayari? Bakit iba ang kasama ni Mikaela?” tanong ng kapatid ni Antonio sa pagdating nina Mithi at Kallan sa simbahan kanina.
“I have taken everything kasama ng mga binayaran ng mga Yeon. I’ll wire my dowry for Mithi’s hand to her father’s account, so bakit disgusting ang kasal namin ni Mithi sa inyo?” Seryosong sabi ni Kallahan dahilan kung bakit natahimik ang tita ni Mithi.
Wala na ring naglakas ng loob na salungatin ang seremonyas kanina ng pari. Natapos ang kasal na walang naging problema.
Iyon ang natatandaan ni Mithi sa nangyari kanina sa simbahan habang nakatingin sa mga bisita niya sa loob ng reception hall..
Kahit ang venue ay nag-iba. Lumipat sila sa mas malaking reception hall kumpara sa napili niya para sa kanila ni Luis. Everything was so unreal. Hindi niya aakalaing, magiging asawa niya ang lalaking ilang oras lang niyang nakilala doon sa Luxe Hotel.
“Mithi, saan mo ba nahire ‘yang gwapong yan?” bulong ng tita niya na siyang nagsabi na disgusting ang ginawa niya kanina.
“Hire?” kunot noong tanong ni Mithi sa kaniya.
“Sinabi ng tita Annaliese mo, you just hired that man para lang hindi ka mapahiya sa mga tao lalo’t inatras ni Luis ang engagement.”
Gumawa na naman ng storya ang stepmother niya.
Biglang dumating si Kallahan. Agad niyang ipinulupot ang kamay niya sa balikat ni Mithi.
“I am worth hundreds of treasures of gold. Kung ganoon karami ang pera mo then you can buy me.”
“H-Hijo,” kinabahan bigla ang tita ni Mithi.
“Nakita mo ang pag-iisang dibdib namin ni Mithi kanina. Mas paniniwalaan mo ba ang sabi-sabi ng iba kesa sa nasaksihan ng iyong sariling mga mata?”
Nakaramdam ng ibayong kilabot ang tita ni Mithi. Bigla siyang pinanindigan ng balahibo. Nakakatakot siya, ang mga salitang naglalaro sa isipan niya.
“L-Let’s eat,” ang sabi na lang ni Milandro, ang kaibigan ni Kallahan para humupa ang tension na nabubuo.
“Wait. May supresa pa ako kay Mithi.”
“Ano na naman iyan? Can’t you see na gutom na kami?” reklamo ni Annaliese.
Binalingan siya ni Kallahan ng malamig na tingin. “This is our wedding. And what matters to me is my wife’s happiness. Hindi ba makahintay ang tiyan mo sandali?”
Parang napapahiya si Annaliese sa sinabi niya. Si Mithi ay tahimik lang at nagugulat sa nangyari. Hindi niya aakalain na may taong narito sa harapan niya ang pumu-protekta sa kaniya sa mga taong mapanglait at mapangmataas.
Sa stage ng reception hall, may malaking screen projector doon na nakahanda.
Bumaba ang kamay ni Kallahan sa bewang niya at hinarap si Mithi sa stage.
“Wife, this is my surprise for you.”
Pagkasabi niya no’n, biglang nagflash sa malaking screen ang mukha ng ina ni Mithi at si Mithi no’ng bata pa siya. Biglang napatakip ng bibig si Mithi at sunod sunod na luha ang tumulo sa kaniyang mga mata.
Napapanood niya ang mga video recording nila noon ng mama niya na hindi niya alam na naitago pa. Buong akala niya ay naitapon na iyon ng itapon ng stepmom niya ang lahat ng gamit ng mama niya sa dati nilang bahay.
“Gusto ko sanang ang mama mo mismo ang imbitahan ko dito, but I know na imposible pang mangyari iyon. I’m sorry wife, kung ito lang muna ang regalong maibigay ko sa’yo.”
Tumingin si Mithi kay Kallahan matapos ma-play ang lahat ng video recordings.
“Alam mong nacoma si mama?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Kailangan kong malaman ang tungkol sa’yo dahil asawa kita,” seryosong sabi ni Kallan sa kaniya.
Matapos ang event, hindi binitawan ni Kallahan ang kamay ni Mithi kahit na no’ng lumapit ang angkan ni Mithi sa kaniya.
“Uuwi na tayo Mikaela. Marami kang ipapaliwanag sa akin sa bahay.” Sabi ng ama niya.
Humigpit ang paghawak ni Kallahan sa kamay ni Mithi na tila ba ayaw nitong bitawan si Mithi sa kamay.
“Sa akin siya uuwi,” sabi ni Kallahan dahilan kung bakit napatingin ang lahat sa kaniya.
“What? Sa amin ang bahay niya.”
“Ako na ang asawa niya kaya nararapat lang na sa akin na siya titira. Responsibilidad ko na siya and she’ll carry my name, branded her as my wife.”
Natameme ang ama ni Mithi. Kahit si Mithi ay hindi rin nakapagsalita.
Dumating ang isang magarang sasakyan. Napatingin ang lahat doon.
“Let’s go. Our car is here.” Sabi ni Kallahan at dinala si Mithi doon. Nakatingin lang ang lahat ng tao sa kanilang dalawa na papasok sa kumikinang na sasakyan.
Pagpasok nila ng sasakyan, agad siyang hinarap ni Mithi.
“Kal,”
“Yes, my wife?”
“Ano… Thank you but you don’t need to do this.”
“Bakit hindi? Iniisip mo ba na pagkatapos ng kasal ay uuwi ka pa sa bahay ng ama mo?”
Nagbaba ng tingin si Mithi. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya alam kung totoo ba itong kasalan nila o pakitang tao lang.
“Your mom, ililipat natin siya sa isang malaking hospital para mas matutukan ng mabuti.”
Nanlaki ang mata ni Mithi. “P-Paano mo pala nalaman na nacomatose ang mama ko?”
Tumitig si Kallahan sa kaniya at mahinang pinitik ang noo. “Silly. Of course alam ko. Mikaela Thilany Averante, 24 years old, at comatose ang ina no’ng 18 years old ka. Kilala rin sa tawag na Miss Red since your favorite color is red.”
Kumunot ang noo ni Mithi. “B-Bakit marami kang alam sa akin? S-Sino ka?”
“It’s natural for your husband to be na alamin ang tungkol sa magiging asawa niya.”
Natahimik si Mithi at nagbaba ng tingin.
“Pero hindi pa kita lubusang kilala. Ang tanging alam ko lang sa’yo ay ang pangalan mo.”
“We have met already sa isang company.”
“Company?” Naisip agad ni Mithi na ang kumpanyang napapasukan niya ay ang kumpanyang pinagta-trabahuan lang niya ngayon bilang head ng marketing department.
Peloramas hindi ba ang last name niya? Pero Siao ang apilyido ng may-ari ng kumpanyang pinagta-trabahuan ko. Emplyedo rin ba siya doon sa kumpanyang pinagtatrabahuan ko? Nagtatakang tanong ni Mithi sa isipan niya.
Tatanungin na sana ni Mithi si Kallahan kung nagtatrabaho ba ito sa Si Corp. nang biglang tumigil ang sinasakyan nila.
“We’re here,”
Nakarating sila sa isang three-storey house na pagmamay-ari ni Kallahan.
Ipinagsiklop ni Kallahan ang kamay nila ni Mithi at hinila siya papasok sa loob ng bahay. Napapaisip si Mithi kung gaano ba kayaman si Kallahan para magkaroon ng malaking bahay, magarang sasakyan, at nakapagbigay pa ng malaking halaga ng dowry para lang mapakasalan siya.
Nakapila ang mga maid pagpasok nila. Nagulat si Mithi ng biglang nagbow ang lahat ng maid sa kanila.
“Miss Mithi, sila po ang magiging personal maid mo simula ngayon.” Sabi no’ng assistant ni Kallahan.
“Huh? H-Hindi na k-kailangan. Kaya ko namang-”
“Of course kakailanganin mo ng personal maids,” pagputol ni Kallahan sa sasabihin niya. “Let’s go. I’ll show you our room.” Sabi nito at dinala siya sa itaas kung nasaan ang master’s bedroom na magiging kwarto nila mag-asawa.
(Few years after) Bagsak ang katawan ni Connor sa tabi ni Shy matapos nilang magsalpukan ng laman. Kahit na ilang taon na ang nakalipas, hindi pa rin siya nagsasawa si Connor kay Shy. Papikit na siya nang biglang umiyak si Coby, ang anak nila na naroon pa sa crib. Babangon na sana si Shy nang pigilan siya ni Connor. "Ako na." Sabi niya at nagsuot ng bathrobe na nasa sofa, hinagis niya kanina. Bumukas ang isang mata ni Shy at pinanood niya kung paano buhatin ni Connor ang 11 months old nila na anak. Napatingin siya sa orasan at nakitang umaga na pala. "Hindi ba may pasok ka mamaya?" "Yeah but it's okay, pwede naman akong ma late. Or I'll message my secretary na hindi muna ako papasok." Ngumuso si Shy dahil sobrang cool si Connor sa paningin niya habang sinasabi iyon. "You looked so cool, mister." "Of course naman. Hindi mo pa ba alam misis ko?" Mahinang natawa si Shy at pumikit. Pagod na pagod ang katawan niya. Gusto niya ng matulog nang biglang may kumatok sa kwarto nila. Nap
Their 3 days and 2 night trip went well. Mas nasulit at nakilala nilang tatlo ang isa’t-isa kasama ng papa nila. Pag-uwi nila sa bahay nila, hindi naabutan ni Kallahan si Mithi dahil nasa school ito ng mga bata. Kaya umalis rin siya agad para puntahan ito.Si Connor naman ay agad na yumakap kay Shy nang magkita sila. “I missed you baby…” Nakangiting sabi ni Connor.“Hello. You missed me that much?” nakangiting tanong ni Shy. Gumagawa siya ng sushi, nang bigla siyang yakapin sa bewang.“Yeah. I super missed you.”“Gutom ka na ba? Hindi ko pa kasi tapos gawin itong sushi e.”“Mamaya na ako kakain kapag tapos na. I’m still full, misis ko.”Ngumiti si Shy at hinaIikan ang pisngi ni Connor. Nasasanay na siya sa misis ko kahit na naki-cringyhan siya noong una. Dumating naman si Rizallie dala-dala ang ilang libro niya. Sa likod niya ay naroon ang bodyguards.“Hi kuya.. Welcome back!” Sabi ni Rizallie na kakagaling lang rin sa skwelahan. Naka complete uniform pa ito.“Kamusta ang klase? May na
“Guys, pictureeee!” Sabi ni Shaira at agad na pumunta sa unahan para makapicture sila lahat. Agad naman na ngumiti si Kallahan at Connor kasama ng ama nila.“One more time,” sabi ni Kallahan at agad na nagpose silang dalawa ni Connor.‘Ay ang mga gwapo,’ sabi ni Shaira habang nakatingin sa mga kapatid niya. Hindi maikakaila na magkakapatid sila. Kahit na maputi si Shaira dahil sa mama niya, ang mata at hugis ng mukha niya ay kagaya ng sa kuya Kallahan at kuya Connor niya.Tumingin siya sa dalawa na humiga na sa beach lounge chair, napapagitnaan ang kanilang ama. Hindi man lang nagsi-cellphone ang dalawa niyang kuya.Napangiti siya nang maisip na sobrang maunawain ang ate Mithi at ate Shy niya. Kung iba siguro yun, baka maya-maya ay tinatawagan na ang mga kuya niya.“Come here… Naka bikini ka pa naman.” Sabi ni Connor sa kaniya. Ngumuso si Shaira at agad na tumakbo palapit sa kanilang dalawa.Humiga si Shy sa beach lounge chair niya habang nagpo-post ng pictures nila. Namula siya nang
Pagpasok nila sa loob ng bahay, nakita agad ni Connor si Ludwig.Hindi siya gumalaw, at pinanood lang niya si Kallahan na magtungo dito para yumakap.Hindi niya alam ano ang nararamdaman niya. Hindi niya maipaliwanag kung masaya ba siya o hindi."Connor," napatitig siya kay Ludwig ng tawagin siya nito. Nabuhay siyang walang ama na kinikilala kaya nahihiya siyang banggitin ang salitang papa.Lumapit si Ludwig sa harapan niya. Para siyang nanigas sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam anong gagawin niya. Kung magmamano ba siya o hindi.Tumingin siya kay Kallahan para humingi sana ng tulong.Ngunit nagulat siya sa sunod na ginawa ni Ludwig. Bigla itong lumuhod sa harapan niya habang nakayuko ang ulo.Nanlaki ang mga mata niya. Biglang uminit ang pakiramdam niya sa hindi maipaliwanag na dahilan."Patawad anak.." Iyon pa lang ang sinabi ni Ludwig, parang nabingi na siya."Patawad at hindi ko man lang nalaman kaagad." Humagolgol si Ludwig. "Patawad kung kahit isang beses, hindi ako nagpakaama
“Magkapatid sila,” sabi ni Mithi kay Shy nang magkita sila sa kusina. Napasinghap si Shy dahil hindi niya yun inaasahan. Ilang taon na siyang naninilbihan kay Kallahan pero hindi niya kailanman nalaman na magkapatid ang dalawa. Bigla siyang naawa kay Connor. Kinakabahan siya na baka e malungkot ito. “B-Balikan ko si Connor,” sabi niya pero hinawakan siya ni Mithi sa kamay at itinuro ang pinto. Pumasok doon ang dalawa na nagtatawanan na para bang wala lang. “Bakit ayaw mong tawagin kitang kuya?” Connor “Try me and I’ll fvcking kill you.” Kallahan “What kind of brother are you? Ilang taon mo na nga akong inabandona.” Connor “Argh! You’re so annoying!!” Kallahan Nawala ang kaba na nararamdaman ni Shy nang makita ang dalawa na nag-aasaran. Akala niya ay magiging malungkot si Connor. "See? Wala kang dapat na ipag-alala. They are fine." Bulong ni Mithi sa kaniya. Lumapit naman si Don Anton kay Donya Merita. "He knew, hon. But he pretended na walang alam." Napatingin silang dalawa n
Binilad ni Don Anton si Connor sa labas ng bahay kahit na sobrang init. Pinagpush-up niya doon ng limangdaan kaya tagaktak ang pawis nito ng matapos.Lumapit si Connor sa pinsan niya at kinuha ang tubig na hawak ni Kallahan.“Tapos na lo.”Tumango ang Don. Ngayon niya sasabihin kay Connor ang tungkol sa ama niya. Naghahanap lang siya ng tamang pagkakataon."May problema ba lo?" tanong ni Kallahan nang mapansin na parang hindi ito mapakali."May tanong ako kay Connor. Gusto mo bang makilala ang ama mo, hijo?"Natigilan si Connor sa pag-inom ng tubig at tumingin sa lolo niya."Kilala niyo sino ang ama niya, lo?" tanong ni Kallahan.Uminom si Connor ulit ng tubig bago siya umapo sa sahig at humiga. “Hindi na po kailangan lo. Ayos naman na ako na wala siya.”“Pero hinanap ka niya. Pumunta siya dito at hinanap ka niya.”Walang expression ang mukha ni Connor. Nakatingin lang siya sa kisame.Kumunot ang noo ni Don Anton sa nakikita niyang expression. “Bakit hindi ka man lang nagulat? Alam mo