Share

Kabanata 4: Meet Again

Author: Red Angel1221
last update publish date: 2026-08-30 23:53:16

Rizza's POV

After five years...

Limang taon mula nang huli kong makita ang lalaking minsang pinaniwalaan kong makakasama ko hanggang sa pagtanda.Limang taon mula nang tuluyan kong isinara ang p***o sa pagitan namin.

At sa loob ng limang taon, paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko na tapos na.Wala na si Damian sa buhay ko.

Hindi ko na siya mahal.Hindi ko na siya hinihintay.

Hindi ko na siya kailanman gugustuhing makita.

Pero ngayong gabi, sa gitna ng isang marangyang ballroom na puno ng mga kilalang negosyante at socialites, isang pangalan ang sapat para muling guluhin ang katahimikan ng puso kong matagal ko nang pinilit ayusin.

Nasa tabi ko ngayon si Xavier Montefalco. Sino bang mag-akala na ang dating taxi driver na kinaiinisan ko dahil panay buntot sa akin ay secret billionaire pala. Biglang tumahimik ang paligid ng magsimula nang magsalita ang host sa event na ito.

"Ladies and gentlemen, please welcome the chairman and CEO of the Vergara Group…"

Napatigil ang mundo ko.Tumigil ang paghinga ko.

At nang marinig ko ang sumunod na pangalan, tila bumalik lahat ng alaala na limang taon kong binaon na sa limot.

"Damian Vergara."

Napahigpit ang hawak ko sa wine glass.

Hindi...Hindi maaari.Dahan-dahan akong napalingon sa entrance ng ballroom.At doon ko siya nakita.

Si Damian...

Ang lalaking minahal ko.Ang lalaking sumira sa akin.

Mas lalo siyang ang mukha niya ngayon. Mas mature. Mas intimidating. Nakasuot ng perfectly tailored black tuxedo na lalong nagpalalim sa matalim niyang aura.

Limang taon ang lumipas, pero walang nagbago sa mga mata niya.Those dark eyes.Those eyes that once made me feel safe.Those same eyes that I had seen the night he betrayed me.

Humakbang siya papasok sa ballroom, kasunod ang ilang executive ng Vergara Group.Lahat ng tao ay napatingin sa kanya.

Pero ako?Gusto kong tumakbo.Gusto kong umalis.

Gusto kong maglaho bago pa niya ako makita.

"Rizza?"Napalingon ako kay Xavier. He invited me to this event.Hindi ko naman akalain na ganito palang klaseng event ang dinaluhan namin.

"You know him?" nakakunot-noo niyang tanong.

Pinilit kong ngumiti. Pinilit kong ikalma ang sarili ko dahil hindi pwedeng makaramdam ako ng ganito dahil lagi kong tinatak sa sarili ko na hindi ko na siya mahal.

"No."

Isang kasinungalingan.Isang napakalaking kasinungalingan.Dahil mas kilala ko si Damian kaysa sa kahit sino rito.Kilala ko kung paano siya ngumiti kapag masaya siya.Kilala ko kung paano niya hinihimas ang gilid ng baso kapag kinakabahan.

Kilala ko kung paano niya binababa ang boses kapag galit.

At higit sa lahat…Kilala ko ang paraan ng pagtingin niya sa akin.Kaya nang biglang magtama ang mga mata namin mula sa kabilang bahagi ng ballroom, alam kong nakita niya ako.Nanigas siya.

Parang biglang nawala ang ingay sa paligid namin.

His eyes widened.For the first time that evening, nakita ko ang isang Damian na hindi kontrolado.

Shock...disbelief and pain.At isang bagay na ayaw kong pangalanan.Pagmamahal?

Hindi...Imposible.Limang taon na.Limang taon na siyang wala sa buhay ko.Hindi ako maaaring bumalik sa dating Rizza.

Kaya ngumiti ako.Hindi dahil masaya akong makita siya.Kundi dahil gusto kong ipakita sa kanya na hindi na ako ang babaeng iniwan niyang wasak.

Matapos siyang nagsalita sa entablado. Halos mabingi ako sa malakas na palakpakan ng mga bisita.

" I still idolized that man," narinig ko pa ang mahinang sabi ni Xavier, na ang tinutukoy niya ay si Damian na ngayon ay pasimple nang tumingin sa gawi namin.

Sinalubong pa si Damian ng mga kilalang businessman at mga investors.Habang nanatili pa ein kaming nakatayo ni Xavier habang lihim na sinusundan ang mga kilos ni Damian.

Mas lalong bumilis ang tìbok ng aking puso nang naglakad papalapit si Damian sa gawi namin.

" Mr. Vergara..." masayang bati ni Xavier,na halatang masaya dahil napansin kami ni Damian. Ito naman talaga ang isang rason kung bakit dumalo kami sa event na ito dahil gusto ni Xavier na makilala niya si Damian.

" I'm Xavier Montefalco..." matikas na wika ni Xavier, na halatang nagpapalakas kay Damian.

" Nice to meet you,Mr.Montefalco," kaswal na wika ni Damian pero nag tingin nito ay na sa akin na.

Tumikhim muna si Xavier, " Meet my date, Rizza Macaraig," pakilala sa akin ni Xavier,na agad akong inakbayan sa balikat. Naasiwa naman ako sa ikinikilos ni Xavier dahil wala naman ito sa napag-usapan namin.

Ngumiti naman si Damian, na tila ba hindi niya ako kilala. At ngayon lang kami nagkita sa tanang buhay namin.

" Nice to meet you, Rizza," nakangiti wika ni Damian sa akin. Kinuha pa niya ang kamay ko at hinalìkan ang likod nito.

Napapitlag naman ako nang maramdaman ko agad ang init ng kanyang labi. It's weird, hindi dapat ako makaramdam ng ganito ulit sa lalaking kaharap ko na niloko Mabilis kong hinila ang kamay ko.

" Excuse me, Xavier .Restroom lang ako." Paalam ko.

" Sasamahan ba kita?"

" No, but thanks..."

Mabilis akong naglakad papunta ng restroom. Mabuti na lamang walang ibang tao ang gumamit kaya solo ko ang buong lugar.

Diretso ang tingin ko sa salamin. May lungkot sa mga mata ko na alam ko ang dahilan nito. Naglagay ako ng kaunting make-up at lipstick. Sinipat ko muna ang sarili ko bago ako tuluyang lumabas ng restroom.

" Rizza..."

Napahinto ako.Hindi ko kailangang lumingon para malaman kung sino iyon.Pamilyar pa rin ang boses.

Malalim at mababa.At masyadong malapit.

Huminga ako nang malalim bago dahan-dahang humarap.

At he was there.Standing only a few feet away from me.

Damian Vergara...My first love.My greatest mistake.And the father of my son that he never know.

"Hello, Rizza."

I stared at him."Hello, Damian," parang simpleng pagbati lamang iyon.Pero sa loob ko, isang bagyo ang Gusto kong ipakita sa kanya na hindi na ako apektado sa presensya niya. Pinakita ko din sa kanya na hindi na ako interesado sa kanya.

Galit...iyon ang naramdaman ko sa ngayon. Hindi ko siya mapatawad sa ginawa niya.Kaya tama lang ang desisyon ko na hindi niya dapat malaman na may anak siya sa akin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire Who Betrayed Me (SPG)   Kabanata 31: Want

    Rizza's POV Napasinghap ako nang may biglang kumurot ng mahina sa tagiliran ko. Si Donna...na ngayon ay nanunukso ang tingin sa akin. " Baka mabalitaan ko nalang na may kapatid na si Asher." Aniya. Pinandilatan ko siya ng mata.Baka marinig kasi ni Damian sa labas ang lakas pa naman ng boses ng babaitang ito. " Eh, malay ko ba kung gumawa na nga kayo ni Damian ng kapatid ni Asher." " Donna, bibig mo talaga ang ingay mo." Napahagalpak naman siya ng tawa. Ang lakas talaga mang-asar ang babaitang ito. " Ganyan talaga kapag madiligan na masaya at blooming." Habang inaasar ako ni Donna panay tawa naman siya sa tabi ko. Natigil lang ang pang-aasar niya sa akin nang pumasok na si Damian sa kusina bitbit niya ang pagkain na kanyang inorder. " Doon nalang kaya tayo sa sala kakain." Ani ko. Kaswal lang naman ang pagkasabi ko pero ang bruha ng si Donna nang-aasar na naman ang tingin nito. " Okay,baby." Mabilis na sagot ni Damian. Narinig ko pa ang pagsinghap ni D

  • The Billionaire Who Betrayed Me (SPG)   Kabanata 30: Family

    Rizza's POV Nasa sala lang sila Damian at Asher,masayang nanonood ng cartoons na palabas. Kahit anong pilit ko na umuwi muna siya sa kanila pero matigas ang pagtanggi niya. Sasamahan daw niya kami dito ni Asher. Nagpahatid lang siya ng kanyang damit sa assistant niya. " Mama, sabi po ni daddy Damian ipasyal daw niya tayo sa big house niya. " Wika ni Asher. Nadaanan ko kasi sila sa sala, lalabas muna ako saglit mamimili ng maulam namin sa tanghalian. Si mama talaga ang namamalengke sa bahay.Nagkataon lang na birthday ng kasamahan niya sa zumba kaya doon siya magtanghalian sa bahay nito. " Mama, papayag ka po ipasyal daw tayo ni daddy Damian sa bahay niya?" ulit pa na tanong ni Asher. Nagkatinginan lang kami ni Damian. May halong pang-aasar ang kanyang ngiti sa akin. Kaya agad naman akong pinamulahan ng mukha. Naalala ko lang naman ang ginawa namin kagabi. Lintik na iyan ang sakit pa ng aking katawan hanggang ngayon. " Tingnan na lang ni mama kung hindi ako busy,okay?"

  • The Billionaire Who Betrayed Me (SPG)   Kabanata 29: Daddy

    Rizza's POV Dahan-dahan akong bumangon sa kama para sumandal muna saglit sa headboard.Wala na sila Damian at Asher sa tabi ko. Mukhang binugbog ng tatlong tao ang katawan ko dahil naramdaman ko pa rin ang pananakit nito. Mas lalo sa bahagi ng pagkababae ko. Nilamog ng maigi ni Damian kagabi. Kapwa sabik kami sa isa't isa.Iyong tipong ang tagal namin walang sęx tapos kagabi lang kami nagkameron. " Good morning,mama," masayang bati sa akin ni Asher. Tapos nang naligo ang anak ko. " Come here,baby boy.Sino ang nagligo sa'yo? Kinulit mo na naman si mamita." " Hindi po si mamita ganda ang nagligo sa akin,ma. Si sir Damian po ang nagligo sa akin." Napaawang nalang ang bibig ko. Hindi ko akalain na pati si Asher aalagaan din ni Damian.Hindi ko pa naman sinabi sa kanya ang totoo. Sabay kaming napalingon ni Asher sa pīntuan nang biglang bumukas ito.Bumungad sa amin ang gwapong mukha ni Damian. " Good morning, breakfast is ready." Aniya. Nakangiti siyang lumapit sa amin ni

  • The Billionaire Who Betrayed Me (SPG)   Kabanata 28: Still ( SPG)

    Rizza's POV Warning ‼️ SPG Alert ‼️ Nang hindi ko siya tinimplahan.Si Damian na ang nagkusang nagtimpla ng gatas para sa sarili niya. Lihim pa nga akong napangiti dahil makakilos siya sa kusina akala mo talaga siya ang may-ari. " What are you smiling for?" Nagkibit-balikat lang ako. " Makaasta ka kasi parang kabisado mo na ang kusina." " We did this before." Aniya. Agad akong natood sa sinabi niya. Oo nga pala, bakit ko ba nakalimutan ang mga bagay na iyan. Ito din pala ang pugad ng pagmamahalan namin ni Damian dati. Kung hindi sa apartment ko, sa condo naman niya kami maglalampungan. Ngumiti ako ng mapait nang maalala ang huling eksena namin ni Damian dito sa kusina. Naghanda siya ng date para sa aming dalawa.Nagluto pa siya ng steak na may kasamang wine at cake na paborito ko. Pero tang-ina naman kasi, ginawa lang pala niya iyon para magpaalam siya sa akin na aalis na siya kasama ang Isabelle na iyon. " Bakit ka umiyak,baby?" agad niyang tanong. Mabilis pa s

  • The Billionaire Who Betrayed Me (SPG)   Kabanata 27: Sleep

    Rizza's POV Agad ko na tinulak si Damian nang maramdaman ko ang kanyang hininga ay nasa hita ko na. Mabilis na din akong tumayo.Pero mabilis din niyang hinawakan ang kamay ko. " Kumain ka muna. Alam kong hindi ka nabusog sa kinain ninyo." Hindi ako makagalaw,ang lambing ng kanyang boses na para bang sa oras na ito kaya ko na siyang tanggapin ulit. " Paano mo nalaman na hindi ako nabusog? Paladesisyon yan..." Mahina siyang tumawa at pinisil ang aking tungki ng aking ilong. " Kilala kita, Rizza. Huwag ka nang magkaila sa akin.Kanina ko pa naririnig ang tunog ng iyong tiyan." Mabilis ko siyang sinungitan. " Bakit ka pa nandito? Pwede ka nang umalis." " Uuwi ako kapag tapos ka nang kumain." Agad naman napataas ang kilay ko. " Hindi ako kakain dahil busog ako.Sadyang paladesisyon ka lang. Gusto mo pang siraan ang date ko ngayon." " Wala akong sinabi na ikakasira ng pangalan ng ka date mo." " Pero iyan ang gusto mong palabasin.For your information, Mr. Verga

  • The Billionaire Who Betrayed Me (SPG)   Kabanata 26: Date

    Rizza's POV Sabay na kaming lumabas ni Andrei sa lobby ng building.Lumingon pa ako sa magkabilang side, napabuntung-hininga ako dahil tuluyan nang umalis ang sasakyan ni Damian. Nadismaya lang ako, sa pag-akalang pipigilan niya kami ni Andrei na lumabas na kaming dalawa lang.Iyan ba ang sinabi niyang gusto niya akong maging kanya ulit.Tapos ipaubaya niya lang ako ng tuluyan kay Andrei. " Tuloy pa ba tayo?" mahinang tanong ni Andrei. Mabilis ko siyang nilingon," Oo naman." Nagbook na siya ng masakyan namin. Pinilit ko ang sarili ko na maging masaya sa paningin niya. Iwan ko ba kanina lang ay gusto kong makilala ng lubusan ang binata. Kaya agad akong pumayag sa paanyaya niya na kumain kami sa labas. " Wait lang sagutin ko lang ang tawag." Lumayo muna ako sa kanya ng kaunti.Sagutin ko lang ang tawag ni mama. " Hello..." " Ma! Where are you? Sir Damian is already here." Nagulat ako sa sinabi ni Asher sa kabilang linya. Agad akong lumingkn kay Andrei na nakangiti sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status