Mag-log inRizza's POV
Dumiretso ako sa kusina nang may narinig akong kumalampag. Malakas akong napasinghap nang magtama pa ang aming mga mata ni Damian. May hawak siyang kopita na ilalagay na sana niya sa mesa. Lukot ang polo na suot nito at sabog ang buhok. Mukhang pagod siya at ang lungkot ng kanyang mga mata. Nagsisisi ba ito sa ginawa niyang panloloko sa akin? " You're here..." nakangiti niyang sabi na akala mo ay walang nangyaring kataksilan kanina. " Anong ginawa mo dito, Damian? Anong kalokohan itong pinaggagawa mo?" matigas ko na tanong sa kanya. Sinulyapan ko ang bilog kong mesa. May dalawang platong nakahanda,may dalawang kopita at isang wine. At higit sa lahat may maliit na cake na paborito ko. " I just want to spend my last day here with you, Rizza. I'm leaving,kasama ko si Isabelle." Aniya, sa kaswal na tono na walang pakialam kung anong maramdaman ko sa sinabi niya. Napahawak ako sa aking tiyan ng biglang sumakit ito. "Tang-ina,Damian! Kulang pa ba ang panloloko na ginawa mo sa akin kanina, huh? Pati dito sa mismong apartment ko pinamukha mo pa rin sa akin ang kataksilan mo?" Bulyaw ko sa kanya. Lalapitan na sana niya ako ngunit mabilis akong umatras. " Bukod sa minahal kita ng sobra-sobra. Lahat binigay ko sa'yo, walang natira. Ano ba ang naging kasalanan ko sa'yo para tratuhin mo ako ng ganito? Bakit kay bilis mong nagbago?" humagulgol kong sabi. " Rizza..." mahinang sabi niya. " Umalis ka na,Damian. Huwag ka nang magpakita sa akin kahit 'yan man lang ang magawa mong tama sa akin." Natigilan siya sa sinabi ko. Tinitigan niya ako ng mabuti,kumikibot-kibot ang labi niya na para bang may gustong sasabihin ulit sa akin ngunit mas pinili nalang niya ulit ang manahimik. Tahimik siyang umalis sa apartment ko na wala ng isang salita akong narinig. Para maibsan ang pananakit ng dibdib ko ay binasag ko iyong mga pinggan na pinaghanda niya sa mesa. Pati iyong cake na binili niya ay diniretso ko sa basurahan. Umiiyak ako ng umiyak wala na akong pakialam kung maubusan man ako ng tubig sa katawan ko. PAGKAGISING ko kinaumagahan, nasapo ko ang aking ulo sa subrang sakit nito. Naiyak na naman ako nang maalala ko ang nangyari kagabi. Tiningnan ko ang oras ng cellphone ko. May dalawang oras pa bago ang flight ni Damian kasama si Isabelle ang bago niyang babae na ipinagpalit sa akin. Napahawak ako agad sa tiyan ko. " Baby, kaya natin ito. Hindi natin kailangan ang daddy mo na pinagpalit tayo." Mabilis akong bumangon sa kama. Kahit masakit pa ang ulo ko sa kaiiyak kagabi at mugto ang aking mga mata. Dumiretso na ako ng banyo para maligo may pupuntahan lang ako. Mabilis kong tinawagan si Donna.Narinig ko pa ang mahinang ungol niya dahil siguro na disturbo ko ang tulog niya. " Sigurado ka ba sa gagawin mo,Rizza?" tanong niya pa sa kabilang linya. " Oo..." mahinang sabi ko. Nagmamadali akong pumasok sa airport gusto ko lang makita si Damian kung totoo nga bang aalis siya ng bansa. Nagsinungaling ako kagabi na ayaw ko na siyang makita pero ang totoo gusto ko siyang mayakap kahit sa huling sandali. Okay na ako na kahit may Isabelle na siya basta wag lang niya akong iwan. " Rizza... sinasaktan mo lang ang sarili mo. Tama na, isipin mo nalang ang baby sa sinapupunan mo. Magtira ka para sa sarili mo at sa baby mo." Mahabang wika ni Donna. " Tatawagan ko lang siya. Kahit ngayon lang please..." Naiiyak ko na naman sabi. Mabilis kong dinial ang numero ni Damian. Nagring lang ito ngunit walang sumagot. " Bes...tayo na.Tama na,Rizza.Maawa ka sa sarili mo." Galit ng sabi ni Donna sa akin. Nakalimang beses na akong tumawag kay Damian ngunit hindi parin siya sumagot. "Last na ito, please..." nakikiusap ko sa kaibigan ko na wag muna kaming aalis. Biglang tumìbok ang puso ko ng may sumagot na sa kabilang linya. " Rizza, don't chase,Damian. We're leaving and we're getting married." Sagot sa kabilang linya.Kahit hindi ko tanungin kung sino ang sumagot.Alam ko na agad na si Isabelle ang babaeng kausap ko. Napahigpit ang pagkahawak ko sa cellphone. Tahimik na tumulo ang aking luha. Sa tatlong taon na relasyon namin ni Damian.Sadyang hanggang dito nalang talaga ang pag-iibigan namin. Hindi ko akalain na ganito magtatapos ang relasyon namin. Akala ko siya na...akala ko kami na hanggang dulo. Ngunit akala ko lang pala ang lahat. Pinatay ko na ang cellphone nang pinatay ni Isabelle ang tawag ko. Naghihina akong tumingin kay Donna na nahihiya sa ginagawa ko. "Ang tanga ko, Donna.Masyado akong naniwala sa mga matatamis na mga salita ni Damian," pigil ang sarili na maiyak habang nagsasalita ako. " Hindi ka tanga,Rizza. Sadyang nagmahal ka lang ng gwapo at mayaman. Sa simula pa lang alam mo na ang pinasok mong relasyon." Ani ni Donna. "Sana pala nakinig nalang ako sa'yo noon na lolokohin lang ako ni Damian dahil hindi tayo magkalevel ng estado nila sa buhay." " Mabuti na rin na hindi ka nakinig dahil hindi ko makikita sa'yo ang ganun kasaya sa piling ni Damian.Ay higit sa lahat wala ka sanang..." ngumuso pa siya sa tiyan ko. Ngumiti ako at mabilis na pinunasan ang aking mga luha. " Thank you, Donna.Kung wala ka hindi ko na alam kung saan ako ngayon." "Anong plano mo ngayon?" " Uuwi ako ng probinsya.Ayaw kong malaman ng mga kasamahan natin na nagdadalan-tao ako. Natakot ako na baka malaman ni Damian baka pati ang anak ko kukunin pa niya at si Isabelle ang ituring na ina. Iyan ang hindi ko na kayang mangyari pa 'yan sa sarili ko." Mahabang wika ko. " Nandito lang ako nakasuporta sa lahat ng desisyon mo,Rizza. Kalimutan mo na si Damian, magsimula ka muli." " Yeah, you're right. Magsisimula akong muli kasama si baby. Kahit masakit,kahit nakakadurog ng pagkatao ang ginawa ni Damian sa akin." Mahigpit akong niyakap ni Donna. Kasabay nang pag-angat ko sa kalangitan. Napangiti ako ng mapait nang makita ko ang isang eroplano na kalilipad lang marahil iyon na siguro ang eroplano na sinasakyan nila Damian at Isabelle.Rizza's POV " Kumusta ka?" Tanong niya. Diretso ang tingin ko sa kanyang mga mata. Binigyan ko siya ng malamig na ngiti. " I'm happy as you can see.I'm with Xavier." Ani ko. " I know you're not happy." He whispered. Malutong akong tumawa. " Really? Sino ka para pagsabihan ako na hindi ako masaya? You're so unbelievable,Mr.Vergara." Umiigting ang kanyang panga. " You look…different..." He stared at me for a moment. " I a'm..." gusto ko na naman matawa dahil hindi siguro nito akalain na makabangon ako sa panloloko niya. Of course I was different. The woman he betrayed had died five years ago. "I had to change," wika ko na seryoso. Nandilim ang kanyang mga mata." Alam ko." " Oh, buti alam mo." Nakangiti kong sabi na may halong sarkasmo. Bigla siyang tumahimik.Mas mabuti na kung gan'on dahil wala siyang karapatang magsalita tungkol sa mga pagbabagong pinagdaanan ko.Wala siyang alam sa hirap na pinagdaanan ko. Humigit ako ng buntong-hininga at aalis na sana
Rizza's POV After five years...Limang taon mula nang huli kong makita ang lalaking minsang pinaniwalaan kong makakasama ko hanggang sa pagtanda.Limang taon mula nang tuluyan kong isinara ang pinto sa pagitan namin.At sa loob ng limang taon, paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko na tapos na.Wala na si Damian sa buhay ko.Hindi ko na siya mahal.Hindi ko na siya hinihintay.Hindi ko na siya kailanman gugustuhing makita.Pero ngayong gabi, sa gitna ng isang marangyang ballroom na puno ng mga kilalang negosyante at socialites, isang pangalan ang sapat para muling guluhin ang katahimikan ng puso kong matagal ko nang pinilit ayusin.Nasa tabi ko ngayon si Xavier Montefalco. Sino bang mag-akala na ang dating taxi driver na kinaiinisan ko dahil panay buntot sa akin ay secret billionaire pala. Biglang tumahimik ang paligid ng magsimula nang magsalita ang host sa event na ito. "Ladies and gentlemen, please welcome the chairman and CEO of the Vergara Group…"Napatigil ang mundo ko.Tumigil ang
Rizza's POV Dumiretso ako sa kusina nang may narinig akong kumalampag. Malakas akong napasinghap nang magtama pa ang aming mga mata ni Damian. May hawak siyang kopita na ilalagay na sana niya sa mesa. Lukot ang polo na suot nito at sabog ang buhok. Mukhang pagod siya at ang lungkot ng kanyang mga mata. Nagsisisi ba ito sa ginawa niyang panloloko sa akin? " You're here..." nakangiti niyang sabi na akala mo ay walang nangyaring kataksilan kanina. " Anong ginawa mo dito, Damian? Anong kalokohan itong pinaggagawa mo?" matigas ko na tanong sa kanya. Sinulyapan ko ang bilog kong mesa. May dalawang platong nakahanda,may dalawang kopita at isang wine. At higit sa lahat may maliit na cake na paborito ko. " I just want to spend my last day here with you, Rizza. I'm leaving,kasama ko si Isabelle." Aniya, sa kaswal na tono na walang pakialam kung anong maramdaman ko sa sinabi niya. Napahawak ako sa aking tiyan ng biglang sumakit ito. "Tang-ina,Damian! Kulang pa ba ang panl
Rizza's POV Napasigaw ako ng malakas nang makalabas na ako sa lobby ng hotel.Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao at pinagtsitsismisan. Wala silang alam sa nararamdaman ko ngayon. Natigil lang ang pag-iyak ko ng may biglang tumawag sa cellphone.Agad ko itong tiningnan. Donna's Calling... Humigit muna ako ng malalim na hininga bago ko sinagot ang tawag ng bestfriend ko, kasamahan ko din ito sa trabaho pareho kaming huminto sa pag-aaral dahil na rin sa nawalan ng financial. Pero magkaiba kami ng kursong kinuha. " Rizza... kumusta ang date ninyo ni, sir Damian?" wika ni Donna sa kabilang linya. Hindi ako nakasagot bagkus ay napaiyak ako ng malakas. Ang hirap ng naramdaman ko ngayon. "See you in the bar..." Ani ko,na pinigilan na ang sariling maiyak. Nagmamadali na akong pumara ng taxi mabuti nalang may taxi sa unahan na naghihintay lang yata ng pasahero. Bago ako pumasok sa loob,tiningnan ko muna ang buong building ng hotel kung saan natuklasan ko ang
Rizza's POV Hindi ko kailanman inisip na ang gabing pinapangarap kong maging pinakamaganda sa buhay ko ang siya ring gabing tuluyan akong mawawasak. Hawak ko ang maliit na velvet box habang nakatayo sa harap ng salaming bintana ng isang hotel suite kung saan ako ngayon nag-stay. Sa ibaba, kumikislap ang mga ilaw ng lungsod, ngunit wala akong ibang nakikita kundi ang sarili kong repleksyon. Ngumingiti ako.Hindi dahil masaya ako. Kundi dahil sa wakas, pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin ni Damian, pakiramdam ko ay dumating na ang araw na hinihintay ko. Tonight, I was going to surprise him. Sa loob ng kahon ay isang simpleng relo na pinili ko para sa kanya. Hindi ito kasinghalaga ng mga bagay na kayang bilhin ng isang billionaire tulad niya, pero espesyal iyon para sa akin.Pinag-ipunan ko po ito galing sa sahod ko bilang isang waitress sa mamahaling bar sa Makati. May maliit na engraving sa likod. "Forever starts with us." Napangiti ako habang hinahaplos ang kahon







