Share

Chapter 106

Author: Raine
last update publish date: 2025-07-12 21:46:02

Binuksan ni Zayden ang pintuan ng passenger seat at kinuha ang palapulsuhan ni Czarina. Medyo may lakas nitong pilit pinaupo ang babae roon pero nagpupumiglas si Czarina.

"Ano ba?" Hinila ni Czarina ang kamay niya at agad itong napadaing nang maramdaman ang hapdi ng ilan sa mga sugat niya. "Ouch, ouch..."

Nang marinig iyon ay dumapo ang mga mata ni Zayden sa mukha ni Czarina at nabasa rito na nasaktan nga talaga ang babae. Natataranta at takot na masaktan si Czarina ay agad pinakawalan ni Zay
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
kapal ng.mukha
goodnovel comment avatar
Ermelyn Surigao
Ayan syden nganong lmayo na SI zcarina Ngayon Karin nagpakitang nag selos iyang Ang bagay Sayo thank you sa update ma'am God bless you always
goodnovel comment avatar
Melani Angcahan
pwede po parequest!? kahit po sana two chapter a day. if pwede po, thank you 🤍🫂🫰🏼🫶🏼🩷🩷🩷
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 362

    "Alam mo, kalimutan na natin ang mga nangyari sa nakaraan," sabi ni Chloe at ngumiti kay Czarina. "Basta't hindi mo na ako papakielaman pa o guguluhin o idadamay sa kung ano'ng trip mo, wala na sa akin ang nakaraan, Chloe." Kabisado ni Chloe si Czarina. Kapag sinabi nitong titigil na o tapos na siya ay totoo iyon. It made her happy. Basta't walang Czarina Laude sa buhay niya, maayos silang dalawa ni Zayden, maikakasal na siya sa pinakamamahal niya... that will be it. She'd be very satisfied and happy. "Thank you, Cza." Nilagpasan na ni Czarina si Chloe at sakto namang papunta sa pwesto nila si Zayden. Nagkasalubong ang dalawa pero mabilis na naglakad na paalis si Czarina at hindi pinansin ang lalaki. Sinundan ni Zayden ng tingin si Czarina bago dumiretso kay Chloe. "Ano'ng pinag-usapan niyo?" Natanaw niya ang dalawa na nag-uusap kanina. Chloe shook her head. "Wala naman, nabanggit ko lang din sa kanya na may balak na tayong magpakasal. Sorry, medyo napadaldal ako,

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 361

    Pagdating ni Czarina sa hospital ay agad niyang nakita ang mga taong hindi niya gustong makita ngayong araw.Sina Brent Smith at ang mommy nito. Mukhang may follow-up check-up ang ginang. Nang magkatinginan silang tatlo ay mabilis at kalmadong iniwas ni Czarina ang tingin sa mga ito at dire-diretsong naglakad palayo sa kanila.Ayaw niya ng gulo. Hangga't wala namang ginagawa muli ang mga ito sa kanya ay wala naman siyang balak gawan din ang mga ito ng masama.Medyo nahiya rin si Brent nang makita ang babae dahil alam niyang kasalanan naman ng mommy niya ang nangyari kaya iniwas niya na lang din ang mukha sa babae."Mom, huwag mo nang uulitin ang ginawa mo kay Czarina. Ni hindi natin siya masisisi dahil ikaw naman pala ang nauna," pangangaral ni Brent sa mommy niya."Hay!" pabuntong-hiningang saad ng ginang. "Ayaw ko lang namang makita na nasasaktan ang kapatid mo."Tipid na ngumiti na lamang si Brent sa mommy niya at hindi na nakipagtalo.*****Pagpasok ni Czarina sa staff room ay nar

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 360

    Latest News:Calix Javier finally speaks up about the viral video involving him and an actress."I'm the one at fault here. Pasensya na sa mga naabala, sa mga na-disappoint sa video, at sa lahat ng mga naguluhan sa mga nangyari. I'm in love with Klarisse for a long time now. Yesterday, I wasn't able to control myself and I kissed her, I kissed Klarisse. Kaya tigilan niyo na po siya, she's innocent. Gusto ko na ring gamitin ang pagkakataon na ito upang humingi ng tawad sa kanya. Klarisse, I'm really sorry for what happened. So, please, everyone, stop dragging her name into this issue anymore." - Calix Javier*****Matapos mabasa ang buong laman ng kalalabas lang na article na iyon ay nagkatinginan ang dalawa, parehong naguluhan sa nangyari, at parehong hindi makapaniwala.Tila nawalan ng sasabihin si Klarisse. Hindi niya alam kung bakit at nakakagulat talaga na sinalo lahat ni Calix iyon.The whole context of Calix's words is just clearing her name. Ni wala itong pakielam kung siya man

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 359

    Disgust is evident on Klarisse's face. Hindi niya gusto si Calix Javier, she absolutely hates the guts of him. Kaya ano itong katangahan na ginawa niya?Nakaupo lang ito sa sulok at nakayuko, nilalaro niya ang mga kamay na tila naglalabas ng inis doon. "Bakit sa dami ng gagawin... the hell? Bakit iyon pa? Bakit ko iyon hinalikan?" Sinabunutan niya ang sarili. "At sa dinami-rami pa ng tao, ng lalaki sa bar na iyon... bakit kailangang si Calix Javier pa? Sh*t naman talaga."Nilapitan ni Czarina ang kaibigan. Gusto niyang matawa sa reaksyon nito pero naaawa rin siya sa sitwayon nito ngayon.May tumunog muli na cellphone pero sa pagkakataon na iyon ay hindi na kay Klarisse.Itinaas ni Czarina ang cellphone niya at ipinakita sa kaibigan ang caller."Tumatawag ang kissing mate mo," pabirong wika ni Czarina.Tinapunan ni Klarisse ng masamang tingin ang kaibigan.("Czarina, kasama mo ba si Klarisse ngayon") tanong ng nasa kabilang linya pagkasagot ni Czarina sa tawag."Oo, kasama ko siya. B

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 358

    "AAAHHHH!!!"Nagising si Czarina nang marinig ang malakas na boses ni Klarisse sa kanyang tabi."Hmm," ungol ng babae na tamad na tamad pang magmulat ng mata.May narinig siyang nag-ring kaya tumingin siya sa gawi ng kaibigan. Kagat-kagat nito ang kanyang daliri habang nakatingin sa cellphone niya. Mukhang tumatawag ang manager nito."Wala na, sh*t, katapusan ko na," tila naiiyak na sabi ng babae.Doon lang parang nagising ang diwa ni Czarina. Napaupo siya at agad dinaluhan ang kaibigan.Kinuha rin ni Czarina ang phone niya at hindi na niya kailangang tanungin pa ang kaibigan kung para saan ang reaksyon nito.Tumambad sa kanya ang mga trending articles tungkol sa nangyari kagabi.'HOT ISSUE: FAMOUS ACTRESS CAUGHT KISSING WITH A HOTSHOT BUSINESSMAN LAST NIGHT''JAVIER GROUP HEIR AND A FAMOUS ACTRESS WENT HOME TOGETHER LAST NIGHT'At may larawan pa iyon ng pagsakay ng dalawa sa sasakyan hanggang sa pumasok ang sasakyan sa bahay nila Czarina."Czaaa!" pag-iyak ni Klarisse. "Sh*t ginawa k

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 357

    Pagbalik ni Czarina na may dalang tubig ay nakasakay na si Klarisse sa likod ni Calix."Czarina, ako na ang maghahatid sa inyo," mababa at paos ang boses ni Calix ng sabihin iyon kay Czarina.Kumunot ng bahagya ang noo ng babae."Hindi na," sagot nito at sinubukang kunin ang kaibigan mula sa lalaki. Pero bago pa niya magawa iyon ay hinigpitan ni Klarisse ang pagkakayakap sa leeg ng lalaki.Bahagyang nagulat si Czarina sa ginawa ng kaibigan."Klarisse," mariing tawag ni Czarina sa kaibigan upang mahimasmasan ito kahit paano.Bumukas nang kaunti ang mga mata ng babae."Hmm," ungol nito at muling pumikit."Bumaba ka na diyan at ihahatid na kita. Bitiwan mo na si Calix," namomroblemang turan ng Czarina."Ayaw," parang bata na sagot nito at muling niyakap nang mahigpit ang lalaki. "Dito muna ako."Halos malaglag ang panga ni Czarina sa mga naririnig. Nang wala na siyang matinong sagot na makuha kay Klarisse ay tinapunan niya ng mapanghusgang tingin si Calix. Ano ang ginawa nito sa kaibiga

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 140

    Nagpapaawa ang mga mata ni Chloe na tumingin kay Zayden matapos itong pagsabihan ng lalaki. Kumapit ito sa braso ni Zayden at isinandal ang pisngi sa braso nito pagkatapos ay tinignan ito sa mga mata. "I know, mali ako. Pero hindi ko na uulitin, promise." Nagtaas pa ito ng kamay na tila nangangak

    last updateLast Updated : 2026-03-25
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 123

    ("Ma'am, tama po kayo, bumisita nga si Mr. Hart ngayon sa kulungan") Kausap ngayon ni Chloe ang assistant na si Jude sa telepono. Nasa trabaho siya ngayon at kanina pa niya inaabangan ang update ng assistant. Nitong mga nakaraan ay nagdududa na siya sa kinikilos ni Zayden, ibang-iba ito sa Zayde

    last updateLast Updated : 2026-03-24
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 119

    Mas lalong naguluhan ngayon si Zayden. May nakakita sa kanila na magkasama doon sa mismong lugar ng insidente ng araw na iyon. Ano ang ginagawa ni Czarina doon? Naalala niyang muli ang sinasabi ng halos lahat ng nasa paligid nila, na laging nakasunod sa kanya si Czarina. Dumagdag pa na wala ito s

    last updateLast Updated : 2026-03-24
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 131

    Sa kagustuhan at pagpipilit na makasal kay Zayden ay nasaktan niya ng sobra ang kanyang pamilya. Bilang nag-iisang anak, prinsesa talaga siya tulad ng sinabi ng kanyang ama. Hindi siya pinagagalitan, sinisisi, o ipinapahiya. Pero lahat iyon ipinadama ni Zayden sa kanya. Gusto niya ring magsumbo

    last updateLast Updated : 2026-03-24
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status