Share

Chapter 229

Author: Raine
last update publish date: 2025-12-01 21:40:13

Umuwi sa bahay ng mga magulang niya si Zayden. Bihira siya umuwi dahil madalas ay halos magdamag siya sa opisina at hospital nitong mga nakaraan. At nito ring mga nakaraan ay hindi siya umuuwi ng family house nila ni Czarina, bukod kasi sa mas malayo iyon sa company ay medyo nalulungkot lang siya madalas doon.

Kaya sa bahay ng mga magulang niya siya ngayon nag-i-stay at mino-monitor din ang kalagayan ni Grandma.

Naligo ito at nag-ayos. Wala naman siyang balak magtagal doon dahil umaga na at pap
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (10)
goodnovel comment avatar
Maricel
sayang yong ilang page na puro kai devine lang, hayyyy nako
goodnovel comment avatar
Zhia Farmeil
Sana nga lumabas na baho ni Chloe
goodnovel comment avatar
Zhia Farmeil
more updates
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 396

    Sabay na napatingin sa itaas sina Czarina at Chloe nang marinig ang boses ni Zayden.Pababa na ang lalaki sa hagdan at nakatanaw sa dalawang babae na nakaupo sa sala ng bahay niya ngayon. Parehong nakatanaw sa kanya ang mga ito, ang isa ay kalmado at tila wala na halos emosyon sa mukha, samantalang ang isa ay parang punong-puno ng inggit.Wala sa sariling nagtagal ang mga mata ni Zayden kay Czarina. Mula noong umalis ito sa bahay nila at lalo na noong tuluyan ng natuldukan ang relasyon nila, ay palamig nang palamig ang trato sa kanya ng babae.Nang umapak ang paa ni Zayden sa ikaunang palapag ng bahay ay mabilis na tumayo si Chloe at sinalubong ang lalaki."Zi!" sinukbit nito ang kamay sa braso ng lalaki. "Tapos ka na sa meeting mo?""Nandito ka pa rin?" medyo nagtataka at gulat na tanong ni Zayden.May kinuha lang naman at dinaanan si Chloe sa bahay niya kaya ito narito at nagsabi na aalis din agad kaya naman nagtataka si Zayden kung bakit naroon pa rin ito."Ah, hinintay muna kita m

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 395

    "Czarina?"Nagulat si Czarina nang ang bumungad sa kanya sa bahay nila noon ni Zayden, na bahay nalang ng lalaki ngayon, ay walang iba kundi si Chloe.Alam ni Zayden na darating siya ngayon kaya bakit nandito si Chloe? He knows they're not in good terms. Ano kaya naman ang nasa isip ng lalaki?Bahagyang dumilim ang mukha ni Czarina at halata na hindi ito natuwa nang makita ang babae."Nandito ako para kausapin si Zayden," aniya."Oh," gulat na sabi ni Chloe at pagkatapos ay ngumiti sa kanya. "May meeting lang si Zayden sa taas. Pasok ka muna."Niluwagan ni Chloe ang pagbubukas ng pinto na parang siya na talaga ang may-ari ng bahay.Pagpasok sa loob ay iminuwestra ni Chloe ang upuan na para bang hindi ilang taon na tumira roon si Czarina. Kumuha rin ito ng tubig upang ibigay sa kanya.Tahimik na pinagmasdan ni Czarina ang bawat kilos ni Chloe. She looks too homey. Parang ilang taon na itong nakatira sa bahay na iyon at kabisado na niya ang lahat.Palihim din namang pinag-aralan ni Chlo

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 394

    Bitin ang tulog ni Czarina dahil mag-uumaga na siya nakauwi. Una niyang hinanap ang kanyang cellphone pero lowbatt iyon at hindi na ma-open kaya chinarge niya muna at habang hinihintay iyon ay kakain muna siya. Mag-a-alas nwebe na pala ng umaga.Patapos na mag-breakfast ang mga magulang nang makababa siya, medyo nagulat pa nga siya nang maabutan pa ang mga ito roon."Good morning, mom, dad, lolo, lola," aniya bago umupo sa kanyang upuan."How's your sleep? Hindi na kita naabutan kagabi na nakauwi, ah?" sabi ng dad niya."Medyo late na nga, dad. May minor incident din kasi so I took care of it before going home.""Mamaya na ang cruise party, 'wag kang mawawala doon ha. Nakahanda na ang mga gamit mo at isusuot. And that's a great place to socialize," sabi naman ng mommy niya.Ngumiti siya rito at hindi na sumagot. May plano siya sa kanyang isipan pero hindi niya alam kung paano iyon iaanunsyo sa pamilya.But she has to."Uh... may sasabihin po pala ako..." Nakuha niya agad ang atensyon

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 393

    Kita ang gulat sa mukha ni Czarina nang banggitin ni Kyle Ford ang pangalan niya. Pamilyar ang babae rito dahil sa industriya nila ay malaking aspeto ang dapat kilala niyo ang isa't isa.Wala siyang maalala na naging pag-uusap nila ng lalaki noon at hindi rin pamilyar ang mukha nito sa kanya pero sa pangalang gamit nito ay alam iyon ni Czarina. Lumaki sa ibang bansa ang lalaki kaya hindi rin talaga ito nakakasalamuha ng babae."So, I assume we're friends now," mahina pero nakangiting wika ni Kyle.Pinanliitan ng mata ni Czarina si Kyle. "Why would you even assume that, Mr. Ford?""Because Zayden and I are good friends?" patanong na sagot nito. "And if I'm not mistaken, you're Zayden's wife.""Oh," mabilis na reaksyon ni Czarina. "Seems like you're really mistaken, Mr. Ford. Akala ko ba magkaibigan kayo? Bakit hindi ka updated sa buhay niya?"Bumalatay ang pagkalito sa mukha ni Kyle. Lumipat ang tingin nito kay Ichan na hindi pamilyar kung sino ba ang mga Ford. Ang mga mata ni Kyle ay

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 392

    Mabilis na iniwan na rin ni Zayden si Ivan sa park at nagmaneho na pauwi. Litong-lito siya sa mga nangyayari at hindi rin siya natutuwa sa mga pasaring ni Ivan na hindi naman nililinaw kung ano.Kitang-kita sa bilis ng pagda-drive niya ang galit. Nang medyo makalayo na ay huminto muna ito sandali upang huminga at pakalmahin ang sarili.Paulit-ulit na naglalaro sa isipan niya ang mga litanya ni Ivan. Aminado siya na nitong mga nakaraan ay nagiging emosyonal siya, bagay na hindi naman niya personalidad.Naglabas ito ng sigarilyo pero bago pa man niya iyon masindihan ay lumitaw ang maamong mukha ni Czarina sa kanyang isipan. That angelic face that glares at him when he smoke. Ayaw na ayaw nito ang amoy ng sigarilyo.Huminga ito nang malalim, binuksan ang bintana ng sasakyan, at itinuloy pa rin ang pagsindi sa sigarilyo. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili at ang isipan niya sa mga oras na iyon. He needs to clear things up with himself. Including his feelings for a certain woman.Hindi

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 391

    "Ang saya naman ng mala-telenovelang love life mo, President Hart," nang-uuyam na turan ni Ivan. "Don't test my patient, Karlos," iritadong sagot ni Zayden dito. "Hindi ka pa rin nagbabago. Mula noong mga bata pa tayo ay iyan na ang problema mo, hindi mo kayang panghawakan ang sarili mong nararamdaman. That might be a strength on some areas as a businessman, but we both knew that all in all in this life, that's a weakness." Nandidilim na ang paningin ni Zayden kay Ivan. Talaga bang ngayon pa siya iti-trigger nito? Pero hindi niya maipagkakaila na tama naman ang lalaki. Ivan Karlos used to be his a close friend. Kilalang-kilala siya nito. Kung si Calix ay iniisip na isa lang siyang babaero na hindi makapili kina Chloe at Czarina, iba naman ang impresyon ni Ivan doon. He just know him so much to know that Zayden cannot handle his feelings and emotions well. Pero hindi na sila magkaibigan para pakinggan pa ang pinagsasabi ni Ivan. Paalis na sana si Zayden at wala ng balak na patul

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 159

    "Are you fvcking threatening me right now?" Nanlilisik ang mga mata ni Zayden. Tumayo si Czarina at umiling-iling. Hindi niya sinasadya ang nasabi kanina. Bakit ba kasi inuubos ni Zayden ang pasensya niya, hindi niya tuloy mapigilan ang mga nasasabi. "No, hindi iyon ang ibig kong sabihin. I mea

    last updateLast Updated : 2026-03-26
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 156

    "Mrs. Smith," magalang na bati ni Czarina. Ilang segundo siyang tinitigan ng mommy ni Chloe, si Fatima Smith. "Napakabata mo pa para magustuhan ang mga ganitong pang matandang disenyo," may halong sarkasmo na sabi nito kay Czarina. "Tumitingin lang po," sagot ni Czarina na ayaw na sanang patu

    last updateLast Updated : 2026-03-26
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 153

    Kinabukasan, wala ng ulan at maganda ng muli ang sikat ng araw. Sa kabila no'n ay malamig pa rin ang simoy ng hangin. Nagbabadya ng isang masayang araw para sa lahat. Pagkatapos mag-breakfast ay pumasok na sa trabaho si Czarina. "Nabalitaan niyo na ang nangyari kay Chloe? Talagang malala pala a

    last updateLast Updated : 2026-03-26
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 160

    Pagkalabas ni Czarina mula sa trabaho ay nakatanggap siya ng text message mula sa kanyang ama. Ipinaalala nito ang usapan nila na pupunta siya sa isang hotel at may gusto siyang makita roon. Czarina sighed. Ayaw niya man ay dire-diretso na ang kasalanan niya sa parents niya, kaya kailangan niyang

    last updateLast Updated : 2026-03-26
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status