MasukNang nasa sasakyan na sila ay hinarap ni Zayden si Grandma."Grandma, kung ipagpapatuloy mo ang ganito ay alam mong makakasama rin ito sa Hart Group at madadamay pa ang mga Smith!" bagaman galit ang lalaki ay sinubukan niya pa ring kausapin ang matanda nang mas maayos at bahagyang kalmado."At sa tingin mo ay maganda ang ginawa mo? Hindi pa kayo divorced ni Czarina pero hinaharap mo na agad ang Chloe na iyon at binabalandra sa maraming tao? Nahihiya ka na madamay ang mga Smith pero hindi ka ba nahihiya para sa pamilya ng asawa mo? It's a great shame on their part, too!"Natahimik si Zayden.May punto naman ang matanda at hindi niya iyon ikakaila. Bakit nga ba nawala sa isip niya na makakaapekto rin ito sa mga Laude?"Ako na ang bahala sa issue tungkol sa nagpakalat ng balita na iyon. Pero ipangako mo sa akin na hindi mo na kakausapin pa o lalapitan pa ang Chloe na iyon!"Binuksan ng matanda ang pintuan ng sasakyan ni Zayden. Bago ito lumabas ay muli niyang tinignan ang apo."Huwag mon
Nanigas sa kinatatayuan si Chloe. Kinakabahan siya sa matanda at the same time ay nahihiya siya dahil napakaraming tao roon at naka-live pa sila! Mas lalo siyang nagmumukhang kabit na hindi tanggap ng pamilya ng lalaki."Grandma," may diing sabi ni Zayden. Natatakot at may respeto din siya para sa matanda pero hindi naman yata katanggap-tanggap ang pagpapahiya nito kay Chloe. "Let's settle things in private. At ayos lang naman na nandito si Chloe since she's part of this issue."Sa kabila no'n ay hindi nagpatinag si Grandma. Seryoso pa rin ang mukha nito at talagang hindi na natutuwa sa nangyayari.Nagtungo ang assistant ng matanda sa tabi ng stage at pinakiusapang muli si Chloe na sumunod na lamang.Pero sa kabila no'n ay hindi iyon sinunod ni Chloe. Umatras pa ito at lalong nagtago sa likuran ni Zayden, at pagkatapos ay tumingin sa lalaki na tila humihingi ng tulong o 'di kaya ay senyales ng kung ano ang dapat niyang gawin.Kunot ang noo ng lalaki na tila nagpipigil ng inis. Pero si
Ilang oras hindi nahawakan ni Czarina ang phone niya dahil abala siya sa mga natambak na trabaho na hindi niya nagawa noong nagpahinga siya. Tanghali na nang mabuksan niya ang kanyang cellphone. Bumungad ang message ng kaibigan niyang si Klarisse, nagtatanong kung ano ang nangyayari at bakit may live press conference si Zayden ngayon. Nagtataka at medyo kinabahan na agad binuksan ni Czarina ang kanyang social media. Hindi na siya nahirapan pang hanapin ang tinutukoy ni Klarisse dahil bumungad din iyon agad sa kanya. Nagsisimula pa lang ang presscon. Nakatayo sa harap ng podium si Zayden, suot ang kaparehong damit na suot niya kaninang umaga. Pero bukod doon ay may isa pang kapansin-pansin sa mga nangyayari ngayon. Katabi nito si Chloe sa mismong stage! Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Czarina. Talaga bang wala ng respeto si Zayden sa kanya? Siya ay laging napagsasabihan maidikit lang ng kaunti ang pangalan niya kay Adrian. Pero ito? Ganito ang gagawin? "Ano ba'ng nasa
"Czarina, walang may gusto ng nangyari. Hindi naman sinasadya ni Chloe na makapagdala ng pekeng snow lotus grass na iyan. Can we just stop at that? Wala namang dahilan para pag-awayan pa ang bagay na matagal ng tapos," sabi ni Zayden. Nalaglag ang panga ni Czarina. What did she expect? Malamang ay siya na naman ang masama sa tingin nito. "Can we just stop-- what?" Nagtaas ng isang kilay si Czarina. "Zayden, do you even know what you're saying? Unang-una ay wala akong ginawa diyan sa Chloe mo. Heck! I didn't even know about that issue not until I heard it here! At hindi ko rin siya inaway tungkol diyan, siya itong sumugod dito. Now, ako pa rin ang titigil? Utak, please!" napipikon na sabi ni Czarina. Hindi niya alam kung bakit paulit-ulit siyang naiipit sa dalawa gayong dumidistansya na nga siya. "Nasaktan si Chloe, at sasabihin mo na wala kang ginawa?" pagtatanong ni Zayden kay Czarina. Halata rin ang pagkadismaya sa mukha ng lalaki. "Czarina, hindi naman lingid sa kaalaman mo
Humarang si Czarina sa pagitan ng dalawa at nakalmot siya ni Chloe dahil doon. Napangiwi ito sa sakit at hapdi pero hindi niya na iyon ininda pa. Humarap siya kay Chloe at hinarang ang buong katawan para hindi na masaktan pa si Sanya na sa tingin niya'y wala namang ginawang mali. "Chloe!" banta niya sa babae. Akala niya ay muling susugod si Chloe pero nagulat siya nang umupo ito sa sahig at nagsimulang umiyak. "Ano ba ang ginawa ko sa'yo para ganituhin mo ako, Czarina?" pagtangis nito. "Dahil ba kay Zayden? Bakit hindi na lang siya ang kausapin mo? Matapos mong ipagkalat ang tungkol sa birthday ni Grandma ay sasaktan mo naman ako ngayon." Humagulhol pa ito na tila kinakawawa. Napatingin ang ilang mga napapadaan sa kanila. At sa mga bagong dating lang ay mistulang si Czarina ang kontrabida sa mga oras na iyon. Samantalang si Czarina at si Sanya ay medyo natulala, nagtataka sa nangyayari. Bakit bigla na lang nag-iba ang lahat sa isang iglap? "The hell are you saying? Eh, ikaw i
Walang ekspresyon ang mga mata, seryoso ang boses, at may multo ng ngisi ang mga labi. Nakakatakot talaga si Czarina sa mga oras na iyon at maski si Chloe ay kinakabahan dito. Paano nalaman ni Czarina iyon? "Ilang beses ko ng pinalagpas lahat ng pinaggagawa mo sa akin, maski ang pagpapaawa at paggawa-gawa mo ng kwento. Mukha ba talaga akong easy target sa'yo, huh? Someone you can just bully easily? I'm warning you... habang may pasensya pa akong natitira." Inirapan ni Czarina si Chloe at kinuha ang cellphone niya bago tumalikod dito upang iwan ang babae sa room na iyon. Pagkaalis niya ay dumiretso siya sa opisina ni Dra. Garcia para ipaalam na magsisimula na siyang magtrabaho. Walang rason para hindi. Sawa na rin siyang mahiga sa kama, mas lalo lang siyang nanghihina roon. Nanatili naman sa kinatatayuan si Chloe. Nababagabag ng maraming bagay ang kanyang isipan. Mabigat ang bawat paghinga niya habang nakatingin sa nilabasang pintuan ni Czarina. Nang mahimasmasan ay sinigawan n







